EINDY POV Naalimpungatan ako nang ilipat ako ni Joseph sa tent dahil nakatulog ako sa labas. Naramdaman ko din ang paghaplos na ginawa nito sa aking pisngi dahilan para antukin akong muli at makatulog. Pero hindi ko alam kung bakit gising ako ngayon at tumtakbo sa mapunong bundok na ito. Kanina pa ako napapagod dahil sa pagtakbo. Hindi ko na alam kung nasaan ako. Ang alam ko lang ay tila paikot-ikot lang ako sa bundok na ito. Hindi ko alam kung bakit n’ya ako hinahabol. Mayroon s’yang mahabang pakpak na parang sa mga anghel pero kulay itim iyon. Mapupula ang kanyang mga mata at mayroon s’yang taglay na kapangyarihan. Nagtago ako at tahimik na umupo. Kinakabahan ako dahil sa takot na nararamdaman. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito. Nagtayuan an