LOLA IMA'S POV Nagising ako dahil may tila malamig na bagay ang humahaplos sa aking mukha. Wala ngayon si Eindy dahil nasa camping ang apo ko kasama ang bago nitong kaibigan. Mamaya pa ang uwi nila kaya sigurado ako na wala akong kasama ngayon sa bahay. Tumigil ng paghaplos sa aking mukha ang may-ari ng malamig na kamay. Napabalikwas pa ako ng bangon dahil may narinig ako na tila tumatawag sa akin. Bahagya pa akong nagulat nang makita ko kung sino iyon. Hindi ko inaasahan na ngayon ko sya makikita dahil mas maaga ito sa araw na hinihintay ko. Ang totoo ay nakalimutan ko na ang tunay kong pinagmulan dahil na din sa tagal nang pamamalagi ko dito sa mundo. Naalala ko si Eindy dahil nakalimutan ko na din ang tungkol sa kanya. Inayos ko ang aking pagkakatayo dahil lumapit na sa akin ang aki