Simula

677 Words
Simula Marinel MAKALIPAS ang tatlong taon... "Slowly! Got you!" Napahagikhik ang anak ko nang kilitiin ko ito sa kanyang tagiliran. "Mama! No! Stop it!" inis nitong wika at lumayo sa akin. "Mahal mo si Mama 'di ba? Now give me a kiss!" Umirap naman ito sa akin. God! Why is he so resemblance of his father? "I will kiss you but stop poking me! It hurts me Mama," maktol pa nito. "Alright! Hindi na kasi. Now give me a kiss Clayd!" panunuyo ko pa. Lumapit ito sa akin at binigyan ako ng malutong na halik. Masuyo kong hinaplos ang pisngi nito pababa sa balikat hanggang masagi sa daliri ko ang kuwintas niyang suot. The cross pendant owned by Caldwill and now his son is wearing it. Naalala ko, nadala ko ito no'ng pinalayas niya ako. "Ma," pukaw nito sa akin. "Yes?" Napanguso naman ito. "Mama, I don't want to go back there anymore," he said and despair. "Where? Sa school mo? No way! Dapat pumapasok ka. Nursery!" "No! No! No!" galit niyang sagot at tinalikuran ako. "Clayd, never turned your back on me. You know that was so unrespectable." He despair again and suddenly hug me. "Ma, they keep bullying me for not having a father." Napaawang ang bibig ko sa narinig. Mahigpit ko siyang niyakap. "Patawarin mo ako anak," wika ko at napaluha. Kumalas naman ito sa pagkakayakap sa akin. "Please don't cry Ma. I promise I will be a good boy but Ma, I want a home schooling." Agad akong napatango at kinarga siya. "I will," sagot ko at inihele siya para makatulog. "Kumusta naman ang–" "Ssh!" senyas ko kay Nica nang pumasok ito sa kuwarto namin ni Clayd. "Sorry," bulong niya. Nang mapansin kong nakatulog na talaga ng mahimbing si Clayd ay marahan ko itong inihiga sa kama ko. Humalik ako sa noo ng anak ko at hinila na si Nica palabas ng silid namin. "Ayos ka lang ba?" aniya. Nailing ako at napasandal sa pinto. "Naaawa na ako sa anak ko Nica. Binu-bully daw siya ng mga kaklase niya dahil wala siyang ama. Gusto niya ng home schooling," sagot ko at 'di maiwasang mapaluha. "Pumayag ka na Nel. Matalinong bata si Clayd. Like father, like son. Sa edad na three and half years old, marunong na siyang magsalita ng diretso and he even understand some adult problems." Tama si Nica, namana ni Clayd kay Caldwill ang pagiging matalino. "Tama ba talaga ang ginawa ko Nica? Ang itago si Clayd kay Caldwill?" "Nel, wala kang kasalanan kaya walang mali sa ginawa mo. Problema na ni Caldwill iyon! Tsk!" Napabuntong-hininga. "Alright, papayagan ko na mag-home schooling si Clyad." Napatayo ako ng tuwid at umingkis sa braso ni Nica. "Kumusta ang clinic?" tanong ko. "Doing well Doc. Marinel Villaraza," sagot nito na may halong pang-asar. Napairap ako. "Ewan ko sa iyo. Wala bang naghahanap sa akin?" Nailing naman ito. "By schedule po kayo Doc." Napatawa ako. "Shut up! Naghapunan ka na ba? Sabayan mo ako." Napahimas ito sa kanyang tiyan. "Hindi pa 'no! Tom Jones na nga e!" Agad naman siyang umupo sa hapag. Pinaghain ko siya at umupo na rin sa tabi niya. "May balita ka sa kanya?" Nahinto ako sa pagsubo ng kanin. "Wala. I never stalk him Nica, ever since we parted. And I don't want to know every single detail about him." "Bitter Nel!" Siniko ko siya at napatawa. "I am not! Sapat na sa akin si Clayd at sisikapin kong maging isang mabuting ama at ina sa kanya. Sa loob ng nakalipas na tatlong taon ay nakaya ko na wala siya kaya kakayanin ko pa rin hanggang ngayon." Niyakap naman niya ako. "I'm so proud of you Marinel. Oh, I forgot! May conference kang dadaluhan bukas. Nakalagay iyon sa planner mo." Hinugot ko naman sa bulsa ko ang phone ko. I checked my appointments. "Ay! Nandito nga. Puwede ko isama si Clayd 'di ba?" tanong ko pa. "Oo naman! Good luck! We need that Marinel, for business." Tumango ako bilang pagsang-ayon. "Well, good luck to me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD