BOLADCT-2

4031 Words
BOLADCT-2 Caldwill Enzo TWO WEEKS later... "Oh! Caldwill! That's it!" I stop from kissing her and cupping her breast! “f**k!” I cussed when Marinel’s face suddenly appeared on my mind. "Get out!" I said as I walked away from her. She's almost half naked. Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagkabitin at pagkainis. "Go!" I yelled. "Bastard!" I just rolled my eyes and I hear the door slammed. Bumukas ito ulit at iniluwa si Andy. I rested my back on the sofa and raised my left brow to him. He smirked and crossed his arms as he leaned on the wall. "Ilang babae ba ang binitin mo this past two weeks?" I blew some air. "I am not counting." I massage my nape. Lumapit naman si Andy at umupo sa kaharap kong sofa. "Is it Marinel?" Napatingin ako sa kanya at napatiim bagang. "It's... Not." He chuckled. "Of course! Hindi siya ang dahilan nang 'di pagpasok mo sa trabaho. Hindi siya ang dahilan kung bakit kung sino-sinong babae ang ikinakama mo para lang makalimutan siya at hindi rin siya ang dahilan kung bakit nagkakaganyan ka ngayon." "s**t! s**t! Alright! Just quit it! I... I still can't forget what happened that night. It was like spinning and spinning around my head!" Andy laughed at me. "So? Sasabihin mo na sa akin kung ano ang nangyari that day?" Napahilamos ako ng mukha at tumango. Hindi ko kasi naikuwento sa kanya ang lahat ng details. I just told him I saw Marinel at the conference where I attended last two weeks ago, just that. "I slept with her," sagot ko. "You what!? You slept with her like nothing happens!?" Napatayo ako at napahilamos ng mukha. "Nabigla lang ako nang makita ko siya. She refused at first but well I have my ways. She let me, not just one round but more than that." Bigla naman niya akong pinagbabato ng kung anong madampot niya. Amusement are all over on his face. "You maniac! What the hell are you thinking Caldwill! Pinalayas mo si Marinel three years ago and now you easily f**k her like that. Oh come on!" I rolled my eyes. "I miss her! Nagulat at nabigla lang ako but still I am angry with her. I still have issues with her and it doesn't mean that even if I slept with her that night, I am forgiving her. That's a big no!" "You're ridiculous! Iyan pa rin ba ang rason mo? Bakit ba kasi ayaw mong puntahan at kausapin si Sister Carmen para malaman mo ang totoo," aniya. Agad akong napailing. "No way! I will not going to do that. I know, she's just pretending everything! She scheme this!" He smirked. "Really? Bakit hindi niya rin ako maalala? Remember, you and I are always going to that orphanage every weekends. Palagi tayong nagdo-donate ng mga laruan doon." I was caught off guard. "Puwede ba Andy huwag mo siyang ipagtanggol. She scheme everything. And oh? Your Ms. Universe is now a pediatrician. Just wow! Akalain mo 'yon? Doktor na rin pala siyang kagaya ko and maybe she have her sugar daddy para makatapos siya." "Woah! That's below the belt! Stop accusing Marinel lalo pa't wala siya rito para ipagtanggol ang sarili niya. Three years kang wala sa buhay niya and you don't know anything maliban sa pagiging isa na siyang doktor ngayon." I sighed. "Alright!" sang-ayon ko na lamang. "Kung ako sa iyo ay pupuntahan ko si Sister Carmen," pasaring niyang muli. "No way!" mariing sagot ko. "Matuto ka mag-tide bro, huwag puro pride." "Shut up!" sita ko at napatawa. "Well seriously, bakit ba ayaw mo?" Kinuha ko ang v-neck shirt ko na nasa sahig at isinuot ito. "Because I have nothing to ask for," sagot ko. "Wala ba talaga o ayaw mo lang malaman ang totoo? O kaya naman natatakot ka na baka nagkamali ka ng akalang niloloko at ginagamit ka lang ni Marinel. Alin ba ro'n?" Hindi ako agad nakapagsalita dahil sa sinabi niya. "Stop interrogating me Andy," I said. "I am not. Well I guess silent means yes is a real talk." I despair. "I am hurt Andy and I am tired of this. Bahala siya sa buhay niya. She fooled me once and I am not letting her fooled me twice!" Napailing naman si Andy ng kanyang ulo. "Mahal mo pa," aniya. Natigilan naman ako. "Lust," depensa ko. "Oh? Maniniwala na rin pala ako sa kasabihang tulak ng bibig, kabig ng dibdib." "You are unbelievable!" "Not me!" aniya kasabay nang pag-iling at pagkibit ng balikat. "I hate gold digger!" I said. "Woah! Stop it dude! That's below by the belt again. Marinel is not what you were thinking. At alam mo 'yon. Kahit na may tuition fee at allowance siyang nakukuha sa iyo dati ay hindi 'yon sapat para magbuhay prinsesa siya gaya ng inaakala mo. She even avail scholarship para lang magtipid. Nag-aaral siya sa umaga, nagtatrabaho naman siya sa gabi. Ilang beses din siya nakakatulog sa labas ng bahay na inuupahan nila dati dahil palaging lagpas sa due date ang bayad niya. Minsan ay napuputulan din sila ng kuryente at tubig. You've been there and saw her place before. Nakatira siya sa squatter area malapit sa bahay namin. So don't even say that again just because you are angry with her." Napaismid akong muli. "Are we going to argue this over and over Andy? I'm done with her." Napatayo naman siya at napamaywang. "We're just talking anyway. Well, I won't force you anymore. But if something happens, don't you forget I've warned you." Napakunot ako ng aking noo. "Is there something you're not telling me?" Umiling naman siya. "Kung may malaman man ako. Hindi ko sasabihin sa iyo. Learn your lesson from your own mistake Caldwill." Tumalikod na ito. Bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Moana. "Hi Andy!" bati nito. "Hi b***h!" Andy said as he walked out. "Ang sama niya talaga sa akin," maktol pa nito. "Mainit lang ang ulo niya. What are you doing here?" She smiled at me from ear to ear. "Hinanap ka ni Mama kahapon, hindi ka ba magpapaliwanag?" lambing niya. "Nope. Why would I? You are not my girlfriend Moana." Ang hirap sa babaeng 'to ay lagi niyang ipinagsisiksikan ang sarili niya sa akin, which is making me pissed. Para na naman siyang maiiyak. "Bakit ba hindi mo ako makuhang mahalin!? Dahil na naman ba kay Marinel!" Naigting ang panga ko sa sinabi niya. Nahigit ko siya sa braso at mariing hinigpitan ito. "Stop putting her name in this situation!" Frightened are all over on her face. "Let go of me!" I loosen up. "Get lost Moana! Huwag mo akong istorbohin kahit ngayon lang!" Agad naman siyang napatakbo palabas ng condo ko. Diretso ako sa fridge at kumuha ng beer. Kahit na masiyado pang maaga para uminom ay hindi ko mapigilan ang sarili ko, lalo pa ngayon. Ano ba kasing nangyayari sa akin at bakit ginawa ko kay Marinel iyon. That day when I saw her at the conference? I can't deny how much I missed her. I've been longing for her but then when every time I see her, bumabalik lahat ng sakit, lahat ng galit at pagkamuhi ko sa kanya. People thinks, it was my fault but in the first place, nasaktan lang ako ng sobra-sobra. I've reached my limitation and boom! All I can feel now is anger. But I am still wondering why she let me be with her in bed. I can still imagine how tight she was. Wala ba siyang naging nobyo sa loob ng tatlong taon? Napasabunot ako sa aking buhok at napahilamos ng mukha gamit ang dalawang palad ko. Frustration are freaking me out! I can't even think properly simula nang mangyari 'yon sa aming dalawa. God! Don't tell me I still love her! That can't be happening! No way! Dinampot ko ang susi ng sasakyan ko and immediately wear my hospital uniform. I need to focus on my work. Marinel "DOC., salamat po sa libreng gamot," ani Aling Nelia. "Wala po iyon, ingatan niyo po si baby." Inakay ko na ito palabas ng aking opisina. Bumalik ako sa mesa ko at itinabi ang mga health records ng mga bata. Kumatok naman si Nica bago pumasok sa loob ng opisina ko. "Anong drama mo?" aniya. "Ha? Bakit?" takang tanong ko pa. "Punuan yata ang schedule mo ngayon Nel at agad-agad ka pang kumuha ng special class tutorial para kay Clayd. May na kain ka?" Napatawa ako sa kanya. "Wala naman. Masama bang magpaka-busy?" Kumikit-balikat ito at nagdududang napatitig sa akin. "May hindi ka ba sinasabi sa akin?" aniya. Agad akong napayuko. "Wala!" sagot ko pa. "Nel," anito. "Wala talaga," tanggi ko. "Marie!" Natigilan ako. Minsan lang niya ako tawaging Marie at alam kong galit na ito. "Nagkita kami ni Caldwill at..." Agad namang nag-unahan sa pagbagsak ang mga luha ko. Agad naman siyang napalapit sa akin. I composed myself. "I saw Caldwill. I just don't saw him because he was the guest speaker of that conference," umiiyak kong kuwento. "God! Patawarin mo ako Marinel. Kasalanan ko ito, dapat nagtanong-tanong muna ako." Nailing ako at pinahiran ang mga luha ko sa mata. "Wala kang kasalanan Nica. Siguro nga nagkataon lang na nando'n din siya. Patawad kung naglihim ako sa iyo. Ayaw ko lang kasing pag-usapan ang tungkol sa kanya," wika ko. Ayaw ko pag-usapan ang tungkol kay Caldwill, lalo pa no'ng may maganap sa aming dalawa. "Naintindihan ko Nel. Apektado ka pa rin ba hanggang ngayon?" Napatango ako. "Alam mo namang kahit na gano'n ang nangyari ay mahal ko pa rin siya Nica. Ang iniisip ko ngayon ay si Clayd. Masiyado siyang apektado at nag-aalala ako para ro'n." Siya naman ang napabuntong-hininga. "Kung bakit ba naman kasi hindi ka na lang magsinungaling kay Clayd." Nailing ako at napatayo. "Kung sasabihin ko ba sa kanya na patay na ang ama niya, may magbabago ba Nica? Paano kung bigla silang magkita? Masasaktan si Clayd. Mas mabuti pang sabihin ko sa kanya ang totoo," paliwanag ko. Hindi pa alam ni Clayd ang totoo. Wala akong sinabing kahit ano sa kanya pero mukhang kailangan ko na sabihin sa kanya ang totoo tungkol sa ama niya. He's too young for this but Clayd is a smart boy. I know he would understand me. "Kailan mo sisimulan?" Napabaling ako kay Nica. "Ngayon mismo," sagot ko. Bumukas naman bigla ang pinto at iniluwa nito ang anak kong si Clayd. "Ma, I perfect my exam!" Tumalon-talon pa ito kaya mabilis ko siyang kinarga. "Talaga? Ang talino naman ng baby ko." Hinalikan ko siya sa magkabilang pisngi. Umupo ako sa sofa habang kandong pa rin siya. "Labas muna ako," ani Nica. Ngumiti lang ako. Itinabi ko naman ang hawak na papel ni Clayd. "Anak, do you want to know about your father?" Nagliwanag naman ang mukha nito at napatango. "Is he alive?" Nangingilid ang mga luha kong napatango sa kanya. "Maiintindihan mo naman si Mama 'di ba?" Again, he nodded and played my I.D strap. "Hindi kami okay ni Papa mo e, kaya wala siya rito." Nalungkot naman ang mukha nito. "Is he mad at me?" "No baby. Hindi niya kasi alam." Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko nang makita kong naluluha na rin ang anak ko. Agad ko siyang niyakap. "Please don't cry baby. Please don't blame your Papa." Umurong naman ang anak ko at pinahiran ang mukha ko gamit ang kanyang pinong mga kamay. "I'll be a good man Ma, I promise!" Mas lalo akong naiyak. Who would have thought that a kid like him will understand our situation? "Do you want to see his picture?" Agad siyang umiling. "Okay," wika ko at muli ko siyang niyakap ng mahigpit. Siguro ay ayaw niya na umasa na babalikan pa kami ng ama niya. Mariin akong napapikit. Patawarin mo ako anak. "Gusto mo mamasyal baby?" wika ko. "I just wanted to eat ice cream," he said while smiling at me. "Okay!" Inayos ko ang sarili ko at muli ay kinarga ang anak ko. Kinuha ko ang pitaka ko at lumabas ng aking opisina. "Nica, wala na bang darating na pasiyente?" tanong ko. Hindi ako kinibo ni Nica dahil abala ito sa pagtitig ng kanyang monitor. At nang matingnan ko ito ay ngalingali kong nakutusan ito. "Nel naman e!" Napairap ako. "Kababae mong tao, nanonood ka ng x-men!" Ngumuso naman siya. "Minsan lang naman! Ito talaga! Tag-tuyot ako for three years a!" "Landi! Manood ka niyan sa bahay, huwag dito at baka mapanood ni Clayd." "Mama, I love to watch x-men too. Wolverine is the best!" singit ni Clayd. Natampal ko ang noo ko at muling nakutusan si Nica. "Yeah!" Kunwari ay sang-ayon ko. "Schedule ko?" tanong ko muli. "Ay na kay Lorna," sagot niya. Ang sekretarya kong si Lorna talaga ang taga-pangasiwa ng schedule ko araw-araw dito sa clinic. Sa katunayan pa nga niyan ay kasosyo ko si Nica sa klinikang ito. Palagian lang siyang naka-duty dito dahil ayaw niya raw maburyo sa bahay namin. "Inutusan ko bumili ng lunch 'yon. Where are you going ba?" ani Nica. "Diyan sa tapat, sa ice cream parlor," sagot ko. "May safari playground na sila Nel. Clayd can play there." Natuwa naman ako sa narinig ko. "Talaga? That's good!" masigla kong wika. "Tawagan mo ako kapag dumating na si Lorna," bilin ko pa. "Yes po!" Tinaboy pa nito ako at bumalik sa kapanonood sa laptop niya. "Si ate Lorna ba sumundo sa iyo?" tanong ko habang papatawid kami sa kalsada. "Opo. Can I play there Ma?" Itinuro pa niya ang safari playground na karugtong lang ng ice cream parlor. "Oo naman," sagot ko at mabilis na humakbang papasok sa tindahan. "Play muna or eat?" tanong ko pa. "Play!" sagot niya agad. Agad ko siyang ibinaba at nagbayad sa kahera ng isang oras na paglalaro niya sa loob. Napatakbo agad ang anak kong si Clayd at nagsimula nang maglaro. Umukupa rin ako ng isang mesa kung saan ko madaling makikita ang anak ko. Nag-order na rin ako ng pagkain namin para naman hindi ako antukin sa pagbabantay kay Clayd. Habang abala ako sa pagkain ay bigla namang may umupo sa harapan ko. Natigilan ako at natulala saglit. "Andy," utas ko. "I knew it's you!" masayang wika niya pa at dinukwang ako upang yakapin. Kumalas din naman ito at napangiti sa akin na abot hanggang tainga. "It's so nice to see you here Nel! God! Muntik na kitang hindi makilala. My Ms. Universe before and today are so much opposite! Wow!" nagagalak pa nitong sambit. Mariin kong nakagat ang aking labi at napayuko. "Patawarin mo ako Andy," mapait kong wika. Wala akong ibang masabi kundi ang humingi ng tawad sa kanya. Three years ko rin siyang kinalimutan. Dahil sa sobrang pursigido kong maayos ang buhay ko ay sinadya kong kalimutan din si Andy kahit na ang totoo'y wala naman siyang kinalaman sa problema namin ni Caldwill. Kinalimutan ko ang pagkakaibigan naming dalawa at alam 'yon ng Diyos kung gaano ito kasakit para sa akin. Lumipat naman ito nang upo sa tabi ko at niyakap ako. "I miss you Nel, so much! That time, I felt like I lost my little sister when you decided to forget me too." Hindi ko na napigilan ang sarili ko na maiyak at yumakap sa kanya pabalik. "I missed you Marinel," Andy said. "Na-miss din kita Andy," garalgal na boses kong sagot. Kumalas ito sa akin at biglang ginulo ang aking buhok. "Gumanda ka lalo, kumusta ka na? Mukhang umasenso ka sa loob ng tatlong taon," aniya. Pinahiran ko ang mga luha ko at masiglang napangiti sa kanya. "Heto, may sarili na akong klinika, diyan lang sa tapat. May kaliitan pero ayos naman ang takbo ng klinika. Ikaw?" Napalumbaba naman ito. "Still a happy go lucky man and still searching for his true love." Napatawa ako sa sagot niya. "Ikaw na ang mayaman," kumento ko. "Nagpapatakbo rin naman ako ng negosyo ng pamilya namin Nel. In fact? I owned this building and this store. At ngayon lang ako nakadalaw dito. Hindi ko alam na ikaw pala ang may-ari ng Kiddy Clinic na 'yan," aniya. Napatango-tango ako. "Kasosyo ko si Veronica riyan. Hindi ko kakayanin kapag ako lang ang mag-isang magpatakbo ng klinika." He smiled at me. "You've grown up so well Marinel. Buti at hindi sumabog ang ulo mo sa kare-review para lang maipasa ang board exam sa kursong 'yan." Napanguso ako. "Konti lang pero naka-one take exam lang ako ha," pagmamayabang ko. At may sakit pa ang anak ko nang mga oras na iyon. "It seems like you are in a better path Nel and I am so proud of you," he seriously said. "Salamat Andy," wika ko at niyakap siya. "Please don't leave again without any notice," he said. "Opo, last na iyon," sagot ko bago kumalas sa kanya. "Nakaka-miss ka talaga!" Sinuntok ko siya sa balikat ng marahan. "Mama!" Pareho kaming napatingin ni Andy sa aming harapan. Mariin kong nakagat ang aking labi nang mapabaling sa akin si Andy. Gulat na gulat ang mukha niya at halatang 'di makapaniwala. Pinakalma ko ang sarili ko. "Who is he?" Clayd asked. "He's–" "Is he my Papa?" singit agad ng anak ko. "No baby. He is my close friend, Tito Andy but you can call him Papa Andy sweety," sagot ko agad. Napangiti naman ang anak ko nang bumaling ito kay Andy. "Can I call you Papa?" Clayd asked Andy. Halatang tulala si Andy kaya napilitan pa akong sikuhin ito. "Uhm, yeah! Of course! Can I hug you?" Napatango naman ang anak ko at agad na lumapit kay Andy. "Ugh!" gigil na ungol ni Andy. Hindi ko maiwasang mapangiti. Kumalas din naman agad si Andy sa anak ko at ginulo ang buhok nito. "How old are you?" Andy asked. "Three!" "And half," dugtong ko. "Masiyado kang matangkad para sa isang three years old na bata," kumento pa ni Andy. "Do you know my father?" Clayd asked. "Clayd," tawag ko rito at bahagya akong napailing. "Let him Nel," ani Andy at muling napatingin sa anak ko. "Yes, I know him," sagot ni Andy sa anak ko. "Please tell him if he plans to come back, be sure he will never hurt my Mama again because if ever he does, I will not forgive him!" Clayd said then ran off towards the playground. Napanganga ako sa sinabi ng anak ko. Si Andy naman natigilan din. "Anak mo ba talaga iyon Nel?" tanong niya at napatango ako. "Kay Caldwill?" Muli akong napatango. "Pagpasensiyahan mo na ang anak ko Andy." Ito naman ang nailing. "Anong alam niya?" Napabuntong-hininga ako. "Ang alam niya lang ay hindi kami nagkaintindihan ng Papa niya. Ipinaliwanag ko rin na hindi alam ng Papa niya ang tungkol sa kanya. I... I never lied to my son Andy and I never make some bad story about to his father. Kaya lang ay ayaw niya itong makita. Hindi ko alam kung paano ako naiintindihan ng anak ko sa ganyang edad." Napatawa ako sa pagitan ng pag-iyak ko na naman. "Magtataka pa ba ako? Namana yata ni Clayd ang katalinuhan ni Caldwill," dagdag ko. "Paano 'to nangyari Nel? I mean, bakit hindi alam na Caldwill na may nabuo kayo?" Napatungo ako at mas lalong napaluha nang maalala ko ang nangyari sa akin dati, sa amin dati. "Three years ago no'ng nasa Mindanao tayo, may nangyari sa aming dalawa ni Caldwill. I love him Andy and it happens very fast. Nasundan pa iyon hanggang sa dumating iyong board exam ko at pumasa ako. Hindi ko alam na may nabuo na pala kami. That time ay muntik pa akong makunan dahil sa sobrang stress pero kinaya ko Andy. Kinaya ko lahat kahit na wala siya." Muli akong napaluha. "Clayd is a premature baby. Walong buwan lang ang itinagal niya sa sinapupunan ko. Isa't kalahating buwan din siyang namalagi sa ospital. Noon, inisip kong humingi ng tulong sa kanya at ginawa ko nga pero ayaw niya akong kausapin. Hindi ko rin naman kasi nasabi sa liham ko na tungkol sa anak namin ang paghingi ko ng tulong sa kanya. Mabuti na lang at natulungan ako ni Doc. Arellano." Napahikbi ako at pilit na pinapatigil ang aking sarili na maiyak pa ng husto. As I looked Andy's eyes, he pitty me and he was teary eyed. Agad niya akong niyakap. "I'm so sorry Nel," aniya. "Tapos na iyon Andy at wala akong sinisisi, kahit na siya ay hindi ko sinisi Andy." "God Nel! Bakit ba masiyado kang mabait. Puwede mong kamuhian si Caldwill sa ganyang sitwasyon but you never did." Napailing ako. "Hindi ko siya kayang kamuhian Andy. At kahit ganoon pa ang nangyari sa aming dalawa ay wala akong panghihinayang. Binigyan niya ako ng anak. And that was a best big gift I ever had in my entire whole life. Clayd filled me with so much happiness and that years gone by is priceless because of Clayd." I heard him sighed. "Thank you Nel, for everything," he said. I just nod and smile. "We're making a dramatic scene here," natatawa pang sabi nito. "But Nel, please don't do that again. I already lose Calvin and I don't want to lose a friend again," he said. "Pangako!" Itinaas ko pa ang mga kamay ko bilang panata na nangangako ako. Napaunat naman ito ng kanyang mga braso. "Be my date Marinel, or be my guest! 29th birthday ko na sa linggo at dapat na nando'n ka." Napalabi ako at napailing. "Nando'n si Caldwill. I mean, hindi naman sa ayaw ko siyang makita. Baka kasi maiyak lang ako sa harapan niya. At isa pa, I can't leave Clayd alone." Napanguso naman ito. "I can take care of Clayd. Kukuha ako ng nanny for him and please don't say no to me Marinel, please?" Mariin kong nakagat ang ibabang labi ko. "Papayag lang ako kung hindi makikita ni Caldwill si Clayd, Andy. I know, this is too selfish but I don't want Clayd to be rejected by him. Ayaw kong masaktan ang anak ko at baka hindi niya matanggap si Clayd." "God Nel! Stop thinking like that. Caldwill is an asshole but he's not that stupid. You knew he was so hurt and you knew how much he loves you. Talagang pinapairal niya lang talaga ang pride niya ngayon," Andy said. "I won't expect too much Andy," sagot. "Please come Nel, for me," pakiusap nito. Mariin akong napapikit. "Okay," sang-ayon ko. Mabilis niya naman akong niyakap. "Great! Here's my extra invitation so you can enter. Same address Marinel. I hope you do still remember where I lived." Napatawa ako ng konti. "Oo naman," sagot ko. "Good!" Kinuha naman niya ang aking cell phone na nasa aking maluwang na bulsa at tinawagan ang kanyang cell phone. "I will call and pick you up." Napatango lang ako. He kissed my forehead before he stood up. "I'll better get going now Nel. I will visit you anytime, kapag may oras akong bakante." "Walang problema 'yon sa akin Andy," sagot ko naman. He just smiled at me. Mabilis pa itong lumapit kay Clayd at niyakap ito. After that, he left. Clayd run towards me. "Mama, is that true that we are going to Papa Andy's house?" Napatango ako sa anak ko. "Yes, pero 'di ka puwede sa party." Napanguso naman ito at nagsalubong ang kanyang mga kilay. Very Caldwill! "Why?" Kinurot ko ang kanyang pisngi. "Papa Andy are going to take care of you. You two can play. Don't be mad sweety." He crossed his arms. Pinaningkitan ko rin siya ng mga mata ko. He pouted to me again. Agad ko siyang hinila at ikinulong sa mga bisig ko. "Give me a kiss," utos ko. He looked away. "Ayaw mo ha!" Kiniliti ko siya sa tagiliran hanggang sa napabungisngis na ito ng todo. "I love you Mama," he said. "Mama loves you too," tugon ko. Sana hindi muna kayo magtagpo ni Caldwill. Hindi kita ipinagdadamot anak ko. Natatakot lang ako sa posibleng maging reaksiyon niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD