BOLADCT-4

1121 Words
BOLADCT-4 Marinel "CLAYD! No! Ay!" Pinahiran ko ang aking mukha dahil sa dumikit na shampoo sa aking pisngi. Tawa naman nang tawa ang anak ko. Pinapaliguan ko kasi siya at nasa likod kami ng bahay. Gustong-gusto niya kasing makipagbasaan pa sa akin gamit ang garden hose. "Mama!" tawag nito sa akin at napatakbo. "Diyos ko naman anak, daig ko pa nag-gym!" litanya ko pa. Natawa siya ulit. "Mama come and get me!" "Aba!" Hinabol ko siya pero talagang 'di ko siya maabutan. Kulit talaga! "Mama–ops! Sorry Papa Andy." Hala! Napatakbo ako agad kay Andy. "Patay! Sorry!" Kinuha ko agad ang tuwalya at itinakip sa ulo niya. "Hindi ako na-inform, may basaan portion pa lang magaganap dito as a welcome," natatawa pang wika ni Andy. "Papa Andy let's take a bath!" masiglang yaya pa ng anak ko. "I can't big boy! Papa is going to work e." Clayd smiled at me. "Okay!" sagot nito. Salamat naman sa Diyos at 'di na ito nagpumilit pa. "Buti ulo lang nabasa," wika ko. "It's nothing Marinel, come, I have something for you." "Basa kaya ako." "Wait!" Tumakbo ito pabalik sa loob at nang makabalik ito'y may tatlong box siyang dala. Isama pa ang tatlong paper bags din. "Take a look," aniya nang mailapag ang mga ito sa mesa. At nang tingnan ko ang mga laman nito'y napaatras ako agad. "Andy, hindi mo naman ako kailangan ibili pa ng mga ganyan, lalo na si Clayd." "Oh come on Marinel. Bukal sa puso ko ang pagbili ng mga 'yan, so please accept it. Will you?" Natampal ko ang aking noo habang nakapamewang. "You are still not sure if you're going to attend, am I right?" Malungkot akong napatango. "Natatakot ako Andy. Kasama ko si Clayd niyan at hindi ko maitatanggi ang katotohanang para silang pinagbiyak na bunga." He chuckled. "You're over thinking Marinel. I am here. Come on, it's my party you know and your presence is really important to me." Napalabi ako. "Okay." "Yes!" masiglang reaksiyon niya. "Paano mo nga pala nalaman ang address ko?" "Kay Lorna at honestly? Naubusan ako ng charm sa kanya." Nailing ako at napatawa. "Iba talaga ang karisma mo e," kumento ko. "Yeah! But where is Veronica?" Mataman ko siyang pinagmasdan. Bakas sa mukha nito ang lungkot. "Umuwi ng Bukidnon. May malaking lupain kasi ang kanyang Lola Suping do'n. May sakit kasi at walang nag-aalaga sa negosyo ng Lola niya," paliwanag ko. "I've never thought that she's belong to a wealthy family." "Kahit ako rin naman no'ng una. Naglayas kasi iyon sa kanila at naging independent." He nodded and his eyes glows like a million of star dust. May kakaiba yata sa kanilang dalawa. "Hoy," untag ko kay Andy. "Oh? Yes! I have to go Nel, please wear those stuffs. Okay? I've got to go." Mabilis pa niya akong hinalikan sa aking noo at nagpaalam na. Binalikan ko ang anak kong si Clayd. "Hey handsome, wanna come with Mama tomorrow?" Binitiwan naman nito ang garden hose. "Why Mama? It's our bonding time together, right?" Napatango ako. "But it's your Papa Andy's birthday." "Really! I want to come! I want to!" Talon pa siya nang talon at mukhang masiyado pa siyang excited. "Okay! Kaya, maligo ka na at baka pareho pa tayong magkasakit." Tumango naman ang anak ko. Napabuga ako ng hangin. Hindi ko maiwasang mangamba. Ano kaya ang magiging reaksiyon niya sa oras na malaman niyang may anak siya sa akin. LATE afternoon, at oo! Hindi pa rin ako bihis. Tinanghali ako ng gising, kaming dalawa talaga ni Clayd. Nasanay kasi ako na si Nica palagi ang taga-gising sa akin. Dumaan pa ako sa klinika ko kanina para maglinis at para na rin maisama ko si Lorna. "Ate, nakabihis na si Clayd," imporma sa akin ni Lorna. "Talaga? Magbihis ka na rin. 'Yong mga bilin ko sa iyo ha." "Areglado po," sagot nito at lumabas na sa aking kuwarto. Nilukot ko ng tuwalya ang basang buhok ko at kinuha ang mga box para ilapag sa aking kama. At nang mabuksan ko ng tuluyan ang mga ito ay halos malaglag ang aking panga. Sinilip ko lang ito kahapon at 'di na ako humirit pa. "Diyos ko naman Andy!" bulalas ko. Nang mai-angat ko ang damit ay parang gusto ko yatang malula dahil sa sobrang gara nito. Mariin kong nakagat ang labi ko. Humanda talaga sa akin iyon mamaya! Kinuha ko na ang damit at isinuot ito. Nakatsamba yata si Andy sa size ko at talaga nga namang kasyang-kasya sa akin ang damit ko at maging ang sapatos na kapares nito. May isang set pa ng alahas na kasama. Galante talaga ang mokong. Nang maisuot ko na ang lahat ay para akong isang mayamang negosyante dahil sa damit ko. Sexy ito kung tutuusin at gustong-gusto ko ang disenyo nito. Kaya ang ginawa ko sa buhok ko ay tinali ko lahat para naman makita ang ganda ng design sa likod. Sayang naman kung 'di ko ipapakita. Naglagay din ako ng light make up para naman 'di ako mukhang maputla. "Mama! Let's go–wow!" Nilingon ko ang anak ko. "How's Mama?" "Ms. Universe!" Natigilan ako. Naalala ko bigla si Caldwill. "Mama?" Napakurap ako. "Yes sweety! Thank you baby!" Niyakap ko siya at hinalikan sa kanyang noo. "Ate, ayos lang po ba?" Napatingin naman ako kay Lorna. "Perfect!" nakangiting kumento ko sa ayos niya. "Salamat po sa damit ate Marinel," ani Lorna. "Wala 'yon," sagot ko naman. Pinahiram ko kasi sa kanya ang damit na sana ay susuotin ko sa birthday party ni Andy pero dahil sa may naka-provide namang damit si Andy para sa akin kaya pinagamit ko na lang sa kanya. "May sasakyan po sa ibaba ate. Parang kay sir Andy po iyon," aniya. "Talaga? Mauna na kayo ni Clayd sa sasakyan," bilin ko. Tumalima naman ito at kinarga si Clayd. Hinagilap ko naman sa kabinet ko ang purse na babagay sa aking kasuotan. Pagkatapos ay pumanaog na rin ako at sumunod nang sakay sa kotse. "Wala ba si Andy?" tanong ko sa driver ng van. "Abala po ma'am, pero nagbilin po iyon sa akin na dalhin ko raw kayo sa likod ng bahay. May guest house po ro'n si sir Andy," paliwanag nito. Napatango naman ako. "Mama," tawag ni Clayd sa akin. "Yes?" "Am I not allowed to go inside?" he asked. "Yes po. Kasama mo naman si ate Lorna anak at saka 'di ba sabi ni Papa Andy mo, he will take care of you," sagot ko. Huwag sana itong magtampo. "Okay! I'll be a good boy Mama, I swear!" Agad ko siyang ikinulong sa mga bisig ko. "I love you so much son," bulong ko. He just hugged me tighter.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD