"Tell me again why i'm fvcking doing this, Fenier?" nakasimangot na pahayag ni Ahmon habang nakatingin siya sa ospital kung saan dinala ang babaeng naaksidente kasama niya.
Kararating lang nila sa tapat ng Han International Hospital, nakasilip at nakaupo si Ahmon sa loob ng kotse ni Fenier na siyang nagmaneho papunta sa ospital, dahil alam nitong ililigaw lang siya kaibigan niya.
Kahit papaano, masasabi ni Fenier na kilala niya ang kaniyang kaibigan lalo na ang ugali nito.
His friend, the only son of Ruphert Villiermo, the C.E.O of his big companies all over the globe is not just a hardheaded man, but also loves dangerous situations. Kaya kahit papaano ay natuwa si Fenier ng umalis na sa delikadong lugar si Ahmon, ang underground society. Pero akala niya ay doon matatapos ang kalokohan nito, basta na bored si Ahmon ay puro kalokohan ang pumapasok sa utak nito. At isa na ang trip nito na makipagmatigasan sa ama nito dahil gusto nitong kunin ang kumpanya ng kaniyang ama na wala namang kinalaman sa business nito.
"You are here to say your apolo---"
"Tss! I fvcking remembered. Pero bakit sa lahat ng ospital, bakit dito pa dinala ang babaeng manok na 'yun?" inis na putol ni Ahmon sa kaibigan.
"That's rude to call someone in ugly name, most especially if its a woman you are calling that name, Ahmon." sitang sermon ni Fenier na ikinaingos ni Ahmon.
"Putak kasi ng putak kaya nawala ako sa concentration kaya naaksidente kami."
"Oh shut up! May kasalanan ka pa din, you try to used her car para habulin ang kumuha ng pera mo the reason bakit naaksidente kayo. Tsaka anong problema mo sa HIH?" tanong ni Fenier na ikina cross arms ni Ahmon.
"Nothing, just looking at that hospital, it scream boredom."
"Ospital 'yan hindi playground, lumabas ka na nga. Just make sure hihingi ka ng sorry sa babaeng pinerwisyo mo, don't try to act like you do my condition, kilala kita pag hindi ka nagsasabi ng totoo. Now go!" taboy na bilin ni Fenier na poker face na lumingon si Ahmon sa kaniya.
"Get ready to give my 100 thousand pesos in cash for doing this s**t condition of yours, Fenier. Once your bluffing, i will beat the s**t of you." pahayag na banta ni Ahmon na ikinatango ni Fenier.
"A deal is a deal, hindi ko binabawi ang sinabi ko na lalo na pag sayo ako nagbigay ng kondisyon."sagot ni Fenier na ikinatapik ni Ahmon sa balikat niya.
" Then it's settled. Hihingi ako ng sorry na ngayon ko lang gagawin simula ng iluwal ako ng nanay ko sa mundong ito. and that is your fvcking fault, Fenier."singhal na reklamo ni Ahmon bago lumabas ng kotse at dere-deretso ng naglakad papasok sa loob ng ospital.
Nakapamulsang naglalakad lang sa hallway si Ahmon habang napapalingon sa kaniya ang ilang kababaihan na naroon sa ospital dahil akala nila ay artista ang nakikita nila dahil sa guwapong itsura ni Ahmon, kahit simpleng tshirt na puti at ripped jeans ang suot niya.
Nang makalapit si Ahmon sa information desk ay napatunganga ang babaeng naka assign doon ng makita siya.
"Saan ang kuwarto ng isang babaeng dinala dito dahil sa isang car accident?" boring na tanong ni Ahmon na nagsalubong ang kilay ng wala siyang nakukuhang sagot sa babae na nakatitig sa kaniya.
"Oi, tinatanong kita. Don't stare at me like that, you're at your fvcking job so don't fvcking drool over me." sitang singhal ni Ahmon sa babaemh nurse na agad na inalis ang tingin sa kaniya.
Isa sa ayaw ni Ahmong ang tinititigan siya na parang hibuhubaran na siya sa isipan ng mga babaeng pinapantasya siya.
"Si-sino po ang hinahanap niyo?" tanong ng nurse na napahiya sa pagsita niya.
"Kakasabi ko lang pauulitin mo naman sasabihin ko, psh!"
Pangalawa sa ayaw ni Ahmon ay pinapag-ulit siya sa kung anong nasabi na niya. He doesn't want to repeat himself, it's a waste of time for him.
"So-sorry po, pero sino po ba ang hinahanap niyo."
"Isang babaeng dinala dito because of car accident, i don't know her name." ani ni Ahmon.
"Pa-pasensya na po sir, hindi ko po pwedeng ibigay sa inyo ang information ng pasyente kung hindi niyo naman po siya kilala." may kabang ani ng nurse na kay Ahmon na napaingos.
"Buwisit, kung hindi ko lang kailangan ng pera." angil ni Ahmon.
"S-sir?"
"Useless." sambit ni Ahmon bago umalis sa harapan ng nurse at dineretso ang hallway upang hanapin sa buong ospital ang babaeng kailangan niyang mahanap para mapahiram na siya ng pera ni Fenier.
Bawat madaanan ni Ahmon na kuwarto ay sinisilip niya ang loob, natandaan niya ang mukha ng babaeng hinahanap niya kaya hindi siya masyadongahihirapan. Pag silip ni Ahmon sa kanang kuwarto ay nakita niya doon ang pigura ng isang doctor na agad niyang nakilala.
May ngiti itong nakikipag-usap sa pasyente nito.
"Tadeus Han of Phantoms Dx Gang, they're living their life living in hell while being member of that place. They are a good entertainment for that sly man, i pity them." seryosong saad ni Ahmon bago umalis sa pagkakasilip sa kuwarto na 'yun.
He knows every part of Phantoms dahil kahit wala na siya sa US, at hindi na siya ang emperor ng northbound na dati ay hawak niya, the highly man behind the underground society keep sending news, pictures and information about his former-bound and the fifteen men that the new emperor takes in.
Ahmon knew, that one day. Phantoms will try to find him for certain reason kahit wala na siyang kinalaman sa underground, and he will wait that time dahil gusto niyang makipagtaguan sa mga ito.
"Saan ba ang kuwarto ng babaeng manok na 'yun? This search is fvcking wasting my precious fvcking time." reklamo ni Ahmon ng makarating na siya sa elevator para tingnan ang second floor ng ospital ng may makasabay siya sa pagsakay sa elevator.
Ramdam ni Ahmon na may tumitingin sa kaniya, at base sa itsura ng kasabay niyang lalaki ay bakla ito.
"Excuse me pog---"
"Don't fvcking talk to me, i hate gays." putol ni Ahmon sa baklang kakausap sa kaniya.
"Ang suplado ni pogi, itatanong ko lang naman kung isa ka bang model. Ang ganda at seksi kasi ng tindig mo, i need a mod--"
"Not interested." muling putol ni Ahmon dito ng marinig niyang tumunog ang cellphone nito.
"Hello? Pabalik na ako, bakit ba ang ikli-ikli ng pasensya mong bruha ka. I'm your manager and not an errand girl, ang dami mong inuutos. I know your injured, pero hindi ka naman nabaldado sa naging aksidente mo ah." rinig ni Ahmon na saad ng kasama niyang bakla na hindi niya naiwasan na makinig dito ng marinig niya ang tungkol sa isang aksidente.
"You know Vienna dapat dini-discharge ka na sa ospital dahil okay ka na naman. Ang dami mong shoot na nadela--hello? Grabe ang babaeng 'to binabaan ako." angal nito.
Nang magbukas ang elevator sa second floor ay lumabas ang bakla na napag-isipan ni Ahmon na sundan. Hindi niya sure kung tama ang guts niya na ang babaeng kausap ng baklang kasabay niya sa elevator ay ang hinahanap niya, but he needs to confirm his guts dahil minsan nagiging tama 'yun.
Ahmon keeps a far distance sa baklang sinusundan niya upang hindi ito makahalata, nakapamulsa siyang nakasunod dito hanggang makita niya itong pumasok sa isang kuwarto. Nang marating niya ang kuwarto na 'yun ay bahagya niya iyon na binuksan at silipin. Hindi niya makita ang nakapuwesto sa kama dahil nakaharang ang baklang nakasabay niya sa elevator.
"Saan ka ba nagpupupunta mami Harold? Do you know how bored i am staying here alone. Ibinilin ako ni mom sayo, dapat di mo ako iniiwan." rinig ni Ahmon na reklamo ng boses ng isang babaeng pamilyar sa kaniya.
"Iniwan agad? Girl bumaba lang ako para bumili ng pagkain natin dahil hindi mo naman gusto ang pagkain sa ospital. Wala ka namang bali, you are fine pero bakit need mo mag stay dito until tomorrow?"
"Mom requested it, ayoko lang din siya mag-alala." ani ng pamilyar na boses ng umalis sa paningin ni Ahmon ang nakaharang na baklang nakasabay niya sa elevator kung saan agad tumambad sa mga mata niya ang babaeng hinahanap niya.
"There you are woman."
"Well, mabuti na rin 'to para magkaroon ka ng pahinga." saad ni Harold na bahagyang ikinaingos ni Vienna.
"This is not a rest, mami Harold. Kung hindi dahil sa hoodloom na lalaking makapal ang mukha na pumasok sa kotse ko at nakipag agawan ng manibela edi sana wala ako dito. That brute asshole! Pag nakita ko siya idedemanda ko talaga siya, swear!" angil ni Vienna ng sabay silang mapalingon ni Harold sa pumasok sa kuwarto niya na ikinalaki ng mga mats ni Vienna ng makilala ang lalaking pumasok sa kuwarto niya.
"Ika--"
"Ikaw 'yung guwapong lalaki sa elevator, di ba? Ayy wit, sinundan mo ako?" putol na singit ni Harold sa sasabihin ni Vienna na kunot noong ikinalingon niya dito.
"Ang assuming mo mami Harold, bakit susundan ka niya dito?"
"Baka kasi narealize niya na maganda pala ak--"
"I hate gays, so why would i follow you?" putol na ani ni Ahmon na masungit na tingin ang binigay ni Vienna dito.
"Excuse me? How dare you talk like that sa manager ko?" singhal ni Vienna na ikinalakad ni Ahmon palapit sa kama niya.
"Mami Harold tumawag ka ng security, ang lalaking ito ang dahilan bakit ako naaksident---"
Hindi natuloy ni Vienna ang sasabihin niya ng hawakan ni Ahmon ang kanang braso niya na gulat na ikinatitig niya dito.
"Ano ba?! Why are you here?! Don't tell me hinanap mo ako just say sorry dahil sa ginawa mo? I'm sure it's not that, kung babaligtarin mo naman ako just to take money from me puwes nagsasayang ka lang ng oras dahil ikaw ang ipapahuli ko! Mami Harold tumawag ka na ng secur--"
"Ang dami mong sinabi babae, hindi ako nagsayang ng oras para hingian ka ng pera. Narito ako kahit ayaw ko para magsabi ng sorry, kung hindi ka kasi putak ng putak na parang tandang nakapag concentrate ako sa pagmamaneho ko." putol na balik reklamo ni Ahmon kay Vienna na ikinataas ng isang kilay nito habang si Harold ay nakatunganga lang sa kanilang dalawa.
"Excuse me? So kasalanan ko pa na naaksidente tayo? Ang kapal naman ng mukha mong sisihin din ako eh ikaw 'tong pasok ng pasok sa kotse ko!"
"Ang ingay mo! Nakakarindi ang boses mo, humihingi na ako ng tawad nag-iinarte ka pa." inis na angal ni Ahmon na binitawan ang braso ni Vienna na hawak niya.
"Talaga? Ang dating kasi sa akin Mr. parang sinisisi mo pa ako kaysa sa sinasabi mong humihingi ng tawad."
"Pasalamat ka nga napilitan akong hanapin ka para magsabi ng expensive kong sorry, you're lucky because your the fvcking first whom i said these fvcking word. Now, kung di mo tatanggapin, hindi ko na problema 'yun." saad ni Ahmon na tinalikuran na si Vienna at naglakad na palabas ng kuwarto nito.
"Hoy! Bastos na lalaki na walang modo at galang sa babae, sa tingin mo ganun ang tamang way to say sor--Hey! Argggh! He's an asshole!" naiinis na angil ni Vienna dahil sa dere-deretsong paglabas ni Ahmon na hindi man lang siya tinapunan ng tingin.
"Nakakainis ang kakapalan ng mukha ng lalaking 'yun! Idedemanda ko talaga siya!"
"Vienna kumalma ka nga, you can't sue that handsome man."
"At bakit hindi?!" inis na masamang tingin ang pinukol ni Vienna kay Harold.
"Dahil malalaman ng media ang nangyari sayo, guguluhin ka ng mga media pag nag file ka ng case against him. Tsaka, magsorry na namam siya diba?"ani ni Harold na hindi mapaniwalaan ni Vienna na titigan ang manager niya.
" Seriously?! Sa tingin mo mami Harold maayos at matinong paghingi ng sorry ang ginawa ng lalaking 'yun? I hate him!"inis na ani ni Vienna na humiga sa kama at nagtalukbong ng kumot.
"Baka ganun lang si pogi ng way ng pagsor---"
Hindi tinuloy ni Harold ang sasabihin niya ng magpapadyak si Vienna sa kama nito.
NANG MAKALABAS naman si Ahmon sa HIH ay dere-deretso niyang tinungo kung nasaan ang kotse ni Fenier, tinitingnan siya ng kaibigan niya hanggang makasakay siya sa kotse.
"You found her?"
"Yeah. She's fvcking fine, ang lakas pa nga tumalak." sagot ni Ahmon na nilabas ang kaliwang palad niya kay Fenier.
"My money?"
"Did you apologize to her?"
"Hindi ba sabi mo alam mo kung nagsasabi ako ng totoo at hindi, i said my so expensive sorry to her na mukhang hindi naman niya kailangan. That woman told me she will sue me, as if kaya niya ako." pahayag ni Ahmon na ikinailing ni Fenier sa kaniya.
"You rudely apologize to her, that's what i think. Hindi mo talaga kayang mag handle ng isang sitwasyon pag babae anh pinag-uusapan. You always show rudeness, coldness to them huwag lang makalapit sayo." ani ni Fenier na kinuha ang pitaka niya at kinuha ang isang ATM card niya.
"Women are pest, they're annoying." plain na sagot ni Ahmon bago kinuha ang ATM ni Fenier.
"Watch word Atlas, my mom is a woman." seryosong sita ni Fenier na ikinangisi ni Ahmon sa kaniya.
"Good to you, you have a good mother who doesn't leave you behind just to marry other fvcking man." may kalamigang pahayag ni Ahmon bago lumabas ng kotse ng kaibigan.
"Batse na ako, just don't tell my old man kung nasaan ako. If you tell him, i will burn your house. I'm fvcking serious, Fenier." pahayag na paalam na may kasamang banta ni Ahmon bago tuluyan ng iniwan si Fenier na buntong hiningang napailing sa kaibigan.
Fenier knows the hatred of Ahmon towards his mother na ina-apply nito sa lahat ng mga babae, the reason bakit magaspang na ugali, at malamig na ugali ang pinapakita nito sa lahat ng babaeng sumusubok na lumapit dito.
Nang makapag withdraw si Ahmon ng pera na kailangan niya upang makabayad sa upa ng bahay niya, ay deretso na siyang namili ng mga pagkain niya. After ng kaniyang pamimili ay deretso na siyang umuwi sa kaniyang bahay, lahat ng nadadaanan niyang kapitbahay na nag-iinuman ay binabati siya.
Lahat ng mga ito ay takot kay Ahmon, at ginagalang siya ng mga ito dahil ng minsan siyang pagtripan ng mga ito, noong unang apak niya sa lugar na 'yun ay binugbog niya ang lahat. Walang nakapalag kahit isa.
Nang makarating na si Ahmon sa bahay niya ay napahinto siya at napakunot ang noo ng makitang bahagyang nakabukas anh pintuan ng bahay niya. Alam ni Ahmon na sinarado niya iyon bago sila umalis ni Fenier, nagsimula ulit maglakad si Ahmon at dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan niya ng biglang may sumabog na confetti sa mukha niya.
"Welcome back, Villiermo!" bati ng isang boses na agad nakita ni Ahmon ang mga unwanted niyang bisita.
"Anong ginagawa niyo sa pamamahay ko? Trespassing ang ginawa niyo, nagkalat pa kayo." angal ni Ahmon na ikinalapit ng isang taong simula ng umalis siya sa Underground ay kinukulit siyang sumali sa plano nito, na ilang beses niya na din tinanggihan.
"Not happy to see us, me again?"
"Mukha ba akong natutuwa? Hindi ka ba nagsasawa sa pangpepeste sa akin? Kaya nga ako umalis ng us dahil nabo-boringan na ako tapos isasali mo pa ako sa kagaguhan na gusto." angil na singhal ni Ahmon na dumaretso sa mesa niya at nilapag ang pinamili niya.
"This will be fun, Villiermo. Trust me." ani nito na seryosong tingin ang ibinaling ni Ahmon dito.
"Well, i don't trust anyone. Especially to someone who always showed up to me with that shitty fvcking mask, and just named himself a wierd fvcking name."
"That's hurt, but pag-isipan mo pa din ang alok ko. I can wait, Villiermo." pahayag nito bago naglakad palabas ng bahay ni Ahmon kasunod ang mga kasama nito.
"Tss! Sinabi ng hindi ako interesado. Aish!" sambit ni Ahmon na naibaba ang tingin sa mga confetti na nagkalat.
"Peste! Ako talaga ang maglilinis ng kinalat nila, damn that Omega!"