Chapter 02- THE CONDITION FOR THE DEVIL

2585 Words
"Is she's okay Doc. El Diente? Wala bang natamong malalang head injury ang anak ko?" "Don't worry Mrs. Valencia, malayo sa danger ang anak niyo. Her head injury is not that serious, makakaranas lang siya ng pagkahilo but again, it's not that serious." Dahan-dahang iminulat ni Vienna ang kaniyang mga mata dahil sa mga boses na nag-uusap sa tabi niya. Akmang kikilos siya ng ngiwing napahawak siya sa kaniyang ulunan ng bigla itong kumirot, kaya bahagya din siyang napadaing na sabay ikinalingon ng kaniyang ina at kausap nitong doctor. "Vienna, anak, thank goodness at gising ka na. Anong nararamdaman mo?" nag-aalalang tanong ng ina niya na dahan-dahan niyang nilingon ito. "My head hurts, mom. What happened?" mahinang tanong ni Vienna ng tuluyan ng nagising ang diwa niya ng malakas siyang hampasin ng kaniyang ina sa kaniyang kanang braso. "Mom!" "Talagang nagtanong ka pang bata ka kung anong nangyari sayo? Hindi mo maaalala? Sumalpok sa isang poste ang kotse mo! This is what i'm telling you Vienna, hindi ka pa ganun kasanay magmaneho pero bakit tinakas mo ang kotse mo? Look what happened? Muntik ka ng mapahamak na bata ka, kailan ka ba titigil na pasakitin ang ulo ko!" sermon ng kaniyang ina na muli siyang hinampas sa braso niya na hindi naman maiwasan ni Vienna, kaya ang katabing doctor ng kaniyang ina ang pumigil dito. "Kalma lang po kayo Mrs. Valencia, you should not stress your daughter." "Siya ang nagbibigay ng stress sa akin doc. El Diente, kaya siguro hindi malala ang head injury niya dahil matigas ang ulo ng batang 'to." reklamong ani ng ina ni Vienna. "Pero mom, maingat naman po akong nagmamane---" Hindi natapos ni Vienna ang sasabihin niya ng maalala niya ang lahat ng nangyari sa kaniya. Naalala niya ang isang lalaking bigla-biglang pumasok sa kotse niya at inagaw ang pagmamaneho niya dahil may hinahabol ito. Mabilis na pinatatakbo ng lalaki ang kotse niya kaya bumangga sila sa poste, kaya nanlaki ang mga mata ni Vienna ng maalala niya ang nangyari. "It's not my fault mom! Naalala ko na, may lalaking pumasok sa kotse ko dahil may hinahabol siya. Tapos ang bilis ng pagpapatakbo niya kaya bumangga kami sa poste. Kagagawan ng lalaking 'yun bakit ako naaksidente mom!" pagbibigay alam ni Vienna sa kaniyang ina. "Doc. El Diente, sigurado ba kayong walang problema ang ulo ng anak ko? I think she's hallucinating, i'm worried."baling na ani ng kaniyang ina sa doktor na kasama nila. "Mom! I'm not hallucinating okay? Totoo ang sinasabi ko, may lalaki talagang umagaw sa pagmamaneho ng kotse ko kaya kami bumangga."pilit na explanation ni Vienna sa kaniyang ina na binalik ang tingin sa kaniya. "How can you prove your claim Vienna kung ikaw lang ang natagpuan ng mga pulis at ambulansya sa pinangyarihan ng aksidente? There's no man saw in your car kaya paano mo mapapatunayan na may lalaki ngang umagaw ng kotse mo?" ani ng kaniyang ina. "What? Mom i'm saying the truth, alam mong hindi ako nagsisinungaling. I'm sure na may lalaking umagaw sa pagmamaneho ng kotse ko, i swear!" saad na giit ni Vienna na nagpambuntong hininga ang kaniyang ina. "I think you need to rest more, Ms. Vienna. Siguro ay clouded pa ang isip mo because of the accident." saad ni Doc. El Diente na bahagyang ikinailing ni Vienna. "I'm saying the truth..."bulong ni Vienna. "Hayaan na muna nating magpahinga ang anak niyo, Mrs. Valencia. She needs more rest, i suggest na huwag niyo muna siyang sermunan until she fully recover. I'll be back to check her again, may ilang pasyente lang akong bibisitahin. Just push the button if you need anything, HIH will assist everything you need." ngiting pahayag ni Doc. Ysharra El Diente na ngiting ikinatango ng ina ni Vienna. "Thank you Doc. El Diente." Inihatid ng ina ni Vienna si Doc. El Diente sa pintuan habang patuloy na iniisip ni Vienna ang nangyari. Alam niyang totoo ang sinasabi niya, at hindi siya makapaniwala na matapos ilagay sa panganib ng estrangherong lalaki ang buhay niya ay iiwan at tatakasan siya nito. Pagkainis ang naramdaman ni Vienna sa lalaking dahilan bakit nasa ospital siya ngayon. "You scared me, Vienna, i will banned you from using your car." ani ng kaniyang ina ng bumalik ito sa tabi niya. "But mom..." "No buts young lady. You're already twenty-eight years old pero you act like a teenage rebel girl, Vienna. What would i do with you." naiiling na sambit ng kaniyang ina na ikinanguso ni Vienna. Kasalanan ng lalaking 'yun bakit ako ang nasisisi ngayon, that man puts me in danger! Pag nakita ko siya ipapahuli ko siya sa mga pulis. inis na ani ni Vienna sa kaniyang isipan. Vienna is a model from a high paid company the Fashionista Regal Company, na kilala in modeling industry dahil narin sa former model na mula sa kanila na si Sergio Fritz, na ngayon ay retired na at fully verified businessman at family oriented na. Siya na ngayon ang number 1 model ng company na may hawak sa kaniya at lahat ng kita niya ay nilalagay niya sa joint bank account nilang mag-ina. Wala ng ama si Vienna dahil namatay ito due to heart attack, high school siya ng mangulila na siya sa kaniyang ama. Tanging ang ina nalang niya ang tumaguyod sa kaniya at naibibigay nito ang mga kailangan niya. Hindi masasabi ni Vienna na mayaman sila, but they can afford things they want dahil malaki din ang ipon nila at kita nila, especially sa malaking salon na pagmamay-ari nilang mag-ina. "Sorry mom." mabining sambit ni Vienna na ikinabuntong hininga ng kaniyang ina. "Take care of yourself anak, ikaw nalang ang iniwan sa akin ng dad mo kaya hindi ko alam ang gagawin ko pag nawala ka sa akin. Besides, kilalang modelo ka at ayaw kong pagpiyestahan ka ng mga tao dahil sa nangyari sayo. Mabuti nalang at napakiusapan ko ang media na huwag maglabas ng footage sa nangyari sayo. Are you sure your fine?" pahayag ng kaniyang ina. "I'm fine mom, though kumikirot lang ang ulunan ko but i'm okay. Sorr---" "Vienna! OMG! What did you do!" Sabay na napalingon si Vienna at kaniyang ina sa manager niyang humahangos na pumasok sa kuwarto niya at lumapit sa kama niya. "I'm fine mami Haro---" "Anong fine? The fact na nasa ospital ka means hindi ka okay! Mabuti nalang pumayag ang ilang brand sponsors natin na i-reschedule ang mga shoot mo. Wala ka bang malalang sugat na natamo? Hindi 'yan puwede maging peklat, it's a no no no!" putol na ani ng manager niya na napalingon sa ina ni Vienna na ngumiti sa kaniya. "Ay! Sorry tita Pia, nag-aalala lang ako sa alaga ko." "It's okay Harold, puwede mong pagalitan ang anak ko for being irresponsible. But she's fine, no scar, no wounds. Kailangan niya lang ng pahinga, just make sure na walang lalabas na footage about sa nangyari sa kaniya, though naasikaso ko na 'yan. But we need to make sure na hindi magugulo ng media ang anak ko." pahayag ng ina ni Vienna. "Don't worry tita Pia, akong bahala." Napabuntong hininga nalang si Vienna sa kinahihigaan niya, ang tumatakbo sa kaniyang isipan ay walang puwedeng sisihin kundi ang lalaking dahilan kung bakumit siya naaksidente. Tanda niya ang mukha nito, ang guwapong mukha nito kaya pag nakita ito ni Vienna ay sisiguraduhin niyang ipapahuli niya ito sa mga pulis. SAMANTALA, sa isang maliit na baranggay ay kakauwi lang ni Ahmon sa maliit niyang bahay na inuupahan. Dere-deretso siyang pumasok at pabagsak na umupo sa kahoy niyang upuan, bahagya siyang napangiwi dahil sa kanang braso niyang sa tingin niya ay may bali dahil sa ginawa niyang pagprotekta sa babaeng sakay niya sa kotse nito upang hindi maging malala ang tama nito. Masakit ang katawan niya pero nagawa niyang tumawag ng ambulansya para sa babae na kasama niya sa kotse nito gamit ang cellphone nito bago niya ito iwan. Napamura nalang si Ahmon na napahawak sa kanang braso niya, kasabay ng pag igting ng panga niya dahil sa perang nawala sa kaniya. "Huwag lang sa akin magpapakita ang pontiong nagtakbo ng pera ko, talagang ipapakilala ko siya kay satanas." angil ni Ahmon. "Don't tell me nagbasag ulo ka na naman para makakuha ng pera?" Agad na napalingon si Ahmon sa may hagdanang kahoy niya kung nakita niyang nakatayo roon ang matuturing niyang best friend simula noong high school student sila. "Anong ginagawa mo dito Fenier? Paano ka nakapasok sa pamamahay ko?"tanong ni Ahmon na ikinababa ng kaibigan niya sa hagdanan na maririnig na ang pag-creak dahil sa may kalumaan na ang mga kahoy nito. " Sa klase ng pintuan meron ang bahay mo, kahit bata kayang pasukin 'tong tinatawag mong pamamahay. Alam mo Atlas, hindi ko parin maintindihan sayo kung bakit ginagawa mo ang bagay na 'to. Living in this kind of neighborhood, staying here for almost a month plus doing something crazy for money, alam mo hindi ko na magets ang trip mo."pahayag nito na may halong panenermon kay Ahmon at deretso siyang tumayo sa harapan ni Ahmon na napaingos sa mga sinabi niya. "Tss! Don't scold me at this bad moment, para kang tatay ko. And FYI this is not a fvcking trip of mine, i'm doing this to make my old man renounce his position to his company and give it to me." "Ano bang gagawin mo sa kumpanya ng tatay mo? Atlas you have your own company who earns billions of pesos and dollars. Sira ka ba para pagdiskitahan ang kumpanya ng tatay mo? You think makukuha mo si tito sa ganito?" singhal ni Fenier kay Ahmon. "I'm enjoying this." sambit ni Ahmon na tinaas ang dalawang paa sa mesa niya na agad ding nasira dahil sa kalumaan. "Really? Nag-eenjoy kang tumira sa maliit na bahay na 'to? Then get yourself into a street fight to earn money to paid the rent of this small dangerous house? Ano pang sense ng pag-alis mo sa Underground Society kung makikipag basag ulo ka din naman." "Alam mo Fenier, kaysa sermunan mo ako diyan at magtatalak bakit kaya hindi mo tingnan ang braso ko, use your talent as a freaking fvcking doctor." ani ni Ahmon na ikinabaling ng tingin ni Fenier sa kanang braso ni Ahmon. "What happened in your right arm?" Tanong ni Fenier na akmang uupo sa inuupuan ni Ahmon ng maalala niya ang nasirang mesa. "Kakayanin ba ng dalawang tao ang bangkuan mo?" "Tangna! Umupo ka nalang, kahit limang tao kakayanin pa nito. Kakabili ko lang nito last week." singhal ni Ahmon na ikinaupo na ni Fenier sa tabi nito Agad hinubad ni Ahmon ang suot niyang tshirt dahilan upang lumantad ang matipuno nitong katawan, agad namang sinuri ni Fenier ang kanang braso nito. "It's swollen, but i'm sure wala kang baling buto sa braso mo. Nabulbog lang kaya nakakaramdam ka ng pangingirot, what happened?" tanong ni Fenier. "May hinahabol akong gagong tinakbo ang perang pinalanunan ko sa laban ko, may hiniram akong kotse na may kasamang maingay na babae. We got into an accident, and somehow i protect the head of that noisy b***h so she won't hit the dash board." pagkuwento ni Ahmon ng mapingiwi siya ng itulak siya ni Fenier sa namamaga niyang braso. "Damn it, Fenier?! Namamaga na braso ko tinulak mo pang gago ka?!" singhal ni Ahmon na hinawakan ang braso niya. "May nadamay kang babae sa kalokohan mo, Atlas! Bakit kasi hinahabol mo pa ang kumuha ng pera na sinasabi mo when ypu have a tons of fvcking money!" singhal na sermon ni Fenier. Dahil matagal na din silang dalawa na magkakilala at magkaibigan, pata na silang magkapatid kung magtratuhan. Sinermunan din siya noon nito ng malaman nito ang pagsali niya sa undergound society, para itong tatay niya na laging sermon ang binibigay sa kaniya pag nakikita siya nitong may pasa o sugat. "She's fvcking fine, okay. Sinakripisyo ko na nga ang braso ko sa babaeng 'yun. Nawalan lang siya ng malay, but that woman is still alive. Gago kang kaibigan, sa akin di ka nag-alala." balik singhal na ani ni Ahmon dito. "Itigil mo na itong kalokohan mo, may kumpanya kang dapat asikasuhin." "My company is fvcking fine even without my shitty fvcking presence, tsaka anong pakinabang ng Vice President ko?"ani ni Ahmon na poker face ang ibinigay ni Fenier sa kaniya. " Anong pakinabang? Baka gusto mo isa-isahin kong gago ka? Kulang na nga lang ako na ang maging CEO ng kumpanya mo. Lagi kang missing in action, pati partnership na gusto noon ni Mr. Westaria tinanggihan mo." "I don't want to cross my path with him, not now." seryosong ani ni Ahmon ng tumayo si Fenier sa pagkakaupo niya. "Bumalik ka na sa condo mo, Ahmon." "Na ah! I'll stay here until my oldman give his company to me. Pautangin mo nalang ako ng pambayad sa renta nito, tsaka pangkain na rin." ani ni Ahmon na naiiling na kinuha ni Fenier ang pitaka niya ng matigilan siya at maisip. "Pahihiramin kita ng pera but in one condition." "Kung ang kondisyon mo ay umalis na ako dito, then huwag mo na akong pahiramin ng pera mo. Umuwi ka nalang dahil magpapahinga ako." saad ni Ahmon na tumayo na din sa pagkaka-upo niya upang maglinis ng kaniyang katawan dahil binabanas na siya. "Sa katigasan ng ulo mo, baka kahit magmakaawa ako sayong gago ka eh hindi mo gawin ang kondisyon ko. Iba ang gusto kong gawin mo, puntahan mo ang babaeng pinerwisyo mo at humingi ka ng tawad." pahayag ni Fenier na kunot noong ibinaling ni Ahmon sa kaniya. "Ano? Bakit ko naman gagawin 'yun? Let's just say that it's partiallu my fault, but if that damn woman let me drive in fvcking peace, hindi kami maaksidente at naka nakuha ko pa ang pera ko. So why would i apologize to her." angal ni Ahmon. "Ayaw mo? Then wala kang pambayad sa upa mo dito, and if that's happen na wala kang maibayad papaalisin ka dito, right? Sa kalsada ka tutulog na walang laman ang tiyan mo, you want that?" ngising ani ni Fenier. "Fvck it!" "Your choice, Ahmon." "Fine! Kung hindi ko lang kailangan ng pera hindi ko gagawin ang gusto mo. Kailan ba ako humingi ng sorry sa mga naargrabyado ko? Peste!" angal ni Ahmon na bahagyang nainis sa pinagagawa ni Fenier sa kaniya. "You have money gago, pero ginusto mo 'yan kaya gawin mo ang kondisyon ko." "Tss! Just lend me the money first, bukas ko na pupuntahan ang babaeng 'yun." ani ni Ahmon na nilahad ang kaliwang kamay niya sa harapan ni Fenier na ngiting umiling kaya napakunot ang noo ni Ahmon. "Tangna! Bakit may pag-iling? Magso-sorry na nga ako bukas diba?" "Go to the woman who's hurt because of your kagaguhan, now. And after that i will lend you some of my money." ngiting saad ni Fenier. "Ano?! Bukas nga diba? Bakit ngayon agad?" singhal na angal ni Ahmon sa gusto ng kaibigan niya. "Ayaw mo? Then i'll go home." pahayag ni Fenier na napapamurang naglakad palayo si Ahmon sa kaniya. "Saan ka pupunta?" "Tangna! Maliligo lang ako! Make sure you will fvcking lend me 100 thousand fvcking pesos because my fvcking sorry is fvcking expensive you moron!" naiinis na singhal ni Ahmon na dere-deretsong tumaas sa hagdanan niya na paghakbang niya sa isang baitang ay bigla itong nasira kaya napamurang lumusot ang kaliwang biniti ni Ahmon. Ngiwing inalis ni Fenier ang tingin niya kay Ahmon, na napapailing nalang sa kalokohan ng kaibigan na pagtira sa lugar na hindi naman nito kinalakihan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD