KABABA lang ni Ahmon sa harapan ng malaking building, sa kumpanya ng kaniyang ama. Umagang-umaga ng sunduin siya ng secretary ng kaniyang ama, kaya wala siyang nagawa kundi ang sumama. Lahat ng empleyado sa kumpanya na 'yun ay binabati si Ahmon, bagamat alam nakikita ni Ahmon sa mukha ng mga ito ang pagtataka sa klase ng suot niyang damit, kumpara sa unang beses na nakita siya ng mga ito.
Wala naman pakiealam si Ahmon sa pagtataka ng mga matang nakatingin sa kaniya, pero hindi niya maiwasang mainis dahil ayaw na ayaw niyang tinititigan siya na parang may mali sa kaniya.
"Gusto niyo bang dukutin ko 'yang mga mata niyo?!" malakas na sigaw na banta ni Ahmon na tumigil sa paglalakad niya at masamanh tingin ang binigay sa mga empleyado na agad nagbaba ng kanilang tingin sa kaniya.
"Sir Ahmon, please don't yell at all the employee---"
"Paano ko sila hindi sisigawan? Imbis na sa trabaho nila ituon ang mga mata nila, lahat ng paningin nila nakatutok sa akin." singhal na putol ni Ahmon sa secretary ng kaniyang ama.
"Look at yourself Atlas, hindi sila sanay na ganiyan ang ayos at porma mo that's why they are staring at you. Don't blame them."
Buntong hiningang nilingon ni Ahmon ang kaniyang ama na naglalakad palapit sa kaniyang kinatatayuan kasama ang ilang board member ng kumpanya nito.
"Ipapatawag ko nalang ulit kayo sa next board meeting natin." pahayag ng kaniyang mga ama sa mga board members nito na nagsi-alisan na.
Ibinalik naman nito ang tingin kay Ahmon na ikinailing niya sa nakikita niya sa kaniyang anak.
"Sumunod ka sa akin."utos ng kaniyang ama na tinalikuran si Ahmon at naglakad na papunta sa may elevator.
" Aish!"
Walang nagawa si Ahmon kundi ang sumunod sa kaniyang ama, sumakay na siya sa elevator kasunod ang secretary mg kaniyang na sa bandang likuran nila pumwesto. Magkatabi ng tayo si Ahmon at ang kaniyang ama habang umaakyat ang elevator papunta sa opisina ng kaniyang ama na nasa pinakatuktok ng building.
"How did you know where i lived? Did Fenier tell you?"tanong ni Ahmon na bumasag sa katahimikan nilang mag-ama.
Kakabilin palang niya sa kaniyang kaibigan na huwag sasabihin sa kaniyang ama kung nasaan siya, ayaw niyang magpakita sa kaniyang ama hanggat hindi ito pumapayag sa gusto niya.
"Walang sinasabi sa akin ang kaibigan mo, but one of my men tailed him yesterday kaya nalaman ko kung saan ka tumutuloy ngayon." sagot ng kaniyang ama na ikinaingos ni Ahmon.
"Are you serious about what you are doing Atlas? Sa tingin mo ba ay mapapapayag mo ko na ibigay sayo ang kumpanyang ito kung titira ka sa isang squatter area? Iniwan mo ang kumpanya mo kay Fenier to do this, what do you want to show to me by doing that childish stuff. Hindi ka na bata, so don't act like a stubborn hard-headed kid, young man." lintanyang ani ng kaniyang ama na ikinangisi ni Ahmon.
"Who knows? Besides, i'm enjoying my stay in that squatter area you said. Tsaka isipin mo na ang kung anong gusto mong isipin, but i will continue doing this childish stuff if you don't agree with what i want." sagot ni Ahmon.
"Bakit ba kung kailan tumanda ka ay mas lalong tumigas ang ulo mong bata ka?"
"Nakalimutan mo yata na anak mo ko, we both had a hard-headed fvcking head. You raise me well, right?"ngising saad ni Ahmon na ikinailing ng kaniyang ama.
"Stop talking rudely to me like that, Atlas. I'm your fvcking father." Sita ng kaniyang ama.
"Oh? I almost forgot, sorry old man." pamimikon na ani ni Ahmon na nakatanggap ng mahinang paninipa ng kaniyang ama sa binti niya, na bahagyag ikinangiwi ni Ahmon.
"You're a fvcking CEO, you should not kick me like that, i'm your freaking son!" angal ni Ahmon na ama naman niya ang ngumisi sa kaniya.
"Oh? I forgot that for a minute, sorry young man."
"Mag-ama nga sila." naiiling na kumento ng secretary ng ama ni Ahmon na sabay ikinalongon ng dalawa sa kaniya.
"Anong sabi mo?/What did you say?" sabay na ani ng dalawa na agad napailing ang secretary nang magbukas na ang elevator.
Sabay na lumabas ang mag-ama habang nakasunod pa rin ang secretary ng ama ni Ahmon sa kanila.
"Itigil mo na ang katigasan ng ulo mo, Atlas."ani ng ama ni Ahmon habang sabay silang naglalakad papunta sa opisina nito.
" I'll stop if you'll give this company to me."sagot ni Ahmon.
"Ano bang balak mo sa kumpanya ko? You have your own company, why are you eager to have this company?"
"Alam kong alam mo kung bakit gusto kong ibigay mo sa akin ang kumpanya na 'to." seryosong pahayag ni Ahmon sa kaniyang ama hanggang makarating sila sa tapat ng pintuan ng oposina ng kaniyang ama.
"Atlas, i already explained and told you na hindi ko ibibigay sa iyong in--"
"She's not a mother to me anymore, gusto ko lang makasiguro na kahit isang property na meron ka ay wala siyang makukuha. She fvcking left us for a certain fvcking man, then panindigan niya. She had no rights for any cents you have." madiin na pahayag ni Ahmon sa kaniyang ama na ikinabuntong hininga nito.
"She's still your mother, son."
"I appreciate that she concieved ang gave birth to me, but i won't ever fvcking consider her my mother. Kaya gawin mo nalang ang gusto ko, old man."singhal ni Ahmon.
"I told you, i will not give anything to her."
"Wala akong tiwala sa sinasabi mo, dahil pagdating sa babaeng 'yun marupok ka." singhal na sermon ni Ahmon na bahagyang ikinatawa ng kaniyang ama.
"I appreciate that you just want to protect my company from her, but i'm fine. Hindi na ako katulad ng dati na hinahabol pa siya para bumalik sa atin, i'm a man who moved on already."
"Still, ibigay mo sa akin ang kumpanya mo. Ipasundo mo nalang ulit sa secretary mo pag sumang-ayon ka na sa gusto ko." saad ni Ahmon bago iniwan ang ama sa kinatatayuan nito at naglakad na pabalik sa elevator.
"Atlas, i heard that you freezed your cards yourself, why? Paano ka nakakabili ng mga kailangan mo kung hindi mo gagamitin ang sarili mong pera?"pahabol na tanong ng ama ni Ahmon na nagpatigil sa paglalakad nito at nilingon ang ama.
" Madiskarte ang anak mo, pero kung ayaw mong mamatay sa gutom ang nag-iisa mong anak, you better give up your company to me."ani na sagot ni Ahmon na deretso ng sumakay ng elevator hanggang mawala ito sa paningin ng kaniyang ama.
"That kid, umaakto parin na parang bata. He's already 29 years old pero gumagawa ng mga bagay na hindi tugma sa edad niya." naiiling na kumento ng ama ni Ahmon na pumasok na sa opisina nito at deretsong umupo sa mesa nito.
"Sir, you already know his means of having money. Bakit tinanong niyo pa po ang anak niyo?" tanong ng secretary niya.
"I want him to tell me directly what he was doing. Mukhang nadala ng anak ko ang mga ginagawa niya sa lugar na 'yun, that place is a big part of my son's life." ani nito na napapailing nalang sa kaniyang anak.
"Anyway sir, you have a lunch meeting with Mrs. Valencia at La Cuisine Restaurant to talk about the collaboration she wants to propose to your company." pagbabagong topic ng secretary nito na ikinatango ng ama ni Ahmon.
NAG-AAYOS NA si Vienna ng kaniyang sarili dahil ngayon ang labas niya sa Han International Hospital, matapos ang isang gabi na doon siya nag stay after ng nangyaring aksidente sa kaniya dahil sa walang modong lalaking sinadya pa siya kahapon sa ospital.
Hindi siya masusundo ng kaniyang ina dahil may lunch meeting ito sa isang business man na sa pagkaka-alam ni Vienna ay kilalang kumpanya ang pagmamay-ari nito. Hindi rin siya masusundo ng manager niya na si Harold dahil nagkaroon ng biglaang meeting ang modeling company kung saan siya nagtatrabaho bilang high model nito, kaya persnal assistant ang pinadala ni Harold para sunduin siya at ideretso siya sa condo niya.
Nakaupo lang si Vienna sa kama habang hinihintay ang pagdating ng susundo sa kaniya, nakasuot lang siya ng simpleng pantalon at jacket na hoody para paglabas niya ng ospital ay walang makakilala sa kaniya.
"Bakit ba ang tagal ng P.A na pinapunta ni mami Harold dito? Dapat kanina pa 'yun nakarating dito." ani ni Vienna ng biglang sumingit sa isip niya si Ahmon na otomatikong ikinasimangot ng mukha ni Vienna.
"That jerk! Siya na nga may kasalanan, siya pa ang akala mo biktima sa nangyari. Hindi pa marunong humingi ng sincere na sorry, parang napilitan pa. Pasalamat siya at ayokong guluhin ako ng mga media, i will really sue him if i'm not a model at walang career na iniingatan." angal ni Vienna habang kinakausap niya ang kaniyang sarili.
"If ever na mag krus ulit ang landas namin, i will kick him in his precious treasure makaganti lang sa kaniya." ani pa ni Vienna na mabilis na tumayo sa kama at pinraktis ang naiisip niyang gustong gawin niya kay Ahmon, ng magbukas ang pintuan ng kuwarto niya na ikinalingon niya, kung saan tumambad sa paningin niya ang isa sa highest paid male model ng kumpanyang may hawak din sa kaniya.
"Niether? What are you doing here?" takang tanong ni Vienna na ngiting ikinalakad nito palapoit sa kaniya kaya agad siyang umaayos sa pagkakatayo niya.
"I heard what happened to you sa manager ko, kamusta ka?"
"Okay naman ako, no serious injuries. Nagpunta ka dito para kamustahin ako?" kunot noong tanong ni Vienna dito.
"Yeah, but i'm also here to fetch you." ngiting sagit nito na ikinasalubong ng kilay ni Vienna sa pagtataka.
"Wait? Ikaw ang susundo sa akin? How about the P.A na pinadala ng manager ko for me?"
"Oh? Pinakiusapan ko si Manager Harold na ako na ang susundo sayo dito sa hospital, he agreed that's why i'm here." sagot nito sa kaniya na lihim na ikinaasar ni Vienna kay Harold.
Hindi nagustuhan ni Vienna na si Niether ang susundo sa kaniya sa ospital, hindi lingid sa kaalaman ni Vienna na gustong-gusto siya nito at humihingi ng permiso sa panliligaw sa kaniya. Niether Race Palma is quite a handsome man, pero hindi ang klase na pa boy next door ang datingan ang tipo ni Vienna sa isang lalaki.
Besides, ayaw niyang mapag tsismisan ng media at maling balita ang ipaalam ng mga ito sa mga netizens.
"I appreciate your gesture, pero hindi ka na sana nag-abala." pekeng ngiting saad ni Vienna.
"It's okay, i want to give efforts para makita mong seryoso ako sayo. Besides, if the media will know that we're dating malaking boost 'yun sa ating dalawa." pahayag nito.
His motive has two faced, that's why i don't like him. saad na pagkausap,ni,Vienna sa kaniyang sarili.
"Tara na, siguro kumain muna tayo sa isang restaurant na alam ko bago dumaretso sa condo mo." pahayag nito na walang choice si Vienna kundi ang sumama dito.
Ayaw man niya pero ayaw naman niyang ipahalata dito ang pagkadisgusto niya, gusto narin niyang umuwi para doon ituloy ang pahinga niya dahil alam niyang magiging full-sched siya kinabukasan.
Agad sinuot ni Vienna ang hood sa ulunan niya at nauna ng maglakad palabas kay Niether na agad itong sumunod sa kaniya.
Sasabunutan ko talaga si mami Harold for agreeing with him, kakalbuhin ko talaga siya. ani ni Vienna sa kaniyang isipan dahil mas naiinis siya sa manager niya gayong alam nito na ayaw niyang mali-link sa kahit sinong co-model niya, lalo na kay Niether.
"Why are you covering your face?" usisang tanong ni Niether habang kasabay niya itong maglakad.
"To hide myself, ayokong malaman ng media na na-ospital ako. Dapat hindi mo din pinapakita ang mukha mo, paano kung may makakilala sayo?"
"It's fine, ikaw naman ang kasama ko." ani na sagot ni Niether na ikinailing nalang ni Vienna.
Habang todo tago siya ng mukha niya ay todo entertain naman ang kasama niya sa mga nakakasalubong nila, na ang iba ay nakikilala so Niether bilang modelo. Pilit na nagpatiuna si Vienna sa paglalakad niya pero nagulat nalang siya ng hawakan ni Niether ang kanang kamay niya. Pilit man niyang bawiina ang kamay niya at hindi niya magawa lalo pa at baka makilala pa siya ng mga nakakasalubong nila.
"Bitawan mo ang kamay ko, Niether." mahinang reklamo ni Vienna.
"Just let me, para hindi ka naman mahiwalay sa akin hanggang makalabas tayo ng ospital." saad na sagit nito na pigil ang inis ni Vienna para sa co-model niya
Nang makalabas na sila sa ospital ay agad siyang hinarap ni Niether, at hinawakan ang magkabila niyang balikat.
"Stay here, kukunin ko lang ang kotse ko sa parking area." saad na bilin ni Niether bago mabilis siyang iwan.
Hindi kaya ni Vienna na matagal na makasama si Niether, kaya imbis na gawin niya ang bilin ni Niether ay agad siyang lumayo sa ospital at agad na sumakay sa taxi na una niyang nakita.
"Sa Nashville Village lang po ako sir." pagbibigay address ni Vienna sa taxi driver ng sinakyan niyang taxi na agad niyang ikinalingon dito.
At siyang pagkagulat at bahagyang pagkatuod ni Vienna ng makilala niya kung sino ang taxi driver na poker face na nakatingin sa kaniya.
"Ikaw?!"
"Yeah, ako nga. Pag minamalas ka nga naman, isang maingay na manok pa ang unang pasahero ko. Damn! Maling pumayag ako kay Mang Castor na dito itambay ang taxi niya." plain at bored na saad nito na agad na ikinasimangot ni Vienna.
"Excuse me, malay ko bang isang hoodlum at walang modong lalaki ang driver ng taxi na 'to. Tsaka, sinong matinong pasahero ang sasakay kung ikaw ang driver, baka lahat sila dumaretsong langit sa klase ng pagmamaneho mo." pagsusungit ni Vienna dito.
"Just because of what happened yesterday, you will be fvcking judge my fvcking way of driving. If you don't want to ride here, then bumaba ka na babae." singhal ni Ahmon na bahagyang ikinatitig ni Vienna dito dahil sa straight english nito.
"Anong tinitingin-tingin mo?" sitang ani ni Ahmon na sinamaan ng tingin ni Vienna.
"You really are a jerk and rude, kawawa ang ibang sasakay sa taxi na 'to. Jerk!" singhal ni Vienna na akmang lalabas ng taxi ng mamataan niya ang koste ni Niether at ang pagbaba nito ng kotse nito na hinahanap siya.
Mahinang napamura si Vienna at agad na nagslide sa upuan upang itago ang kaniyang sarili na ikinakunot ng noo ni Ahmon sa kaniya.
"What the fvck are you doing?"
"Sa mga oras na 'to, wala akong choice kundi dito sa taxi mo sumakay. Puwede bang umalis na tayo dito, and please bagalan mo ang pagpapatakbo mo." pahayag ni Vienna.
"Ayoko ng pasaherong putak ng putak, kaya lumabas ka na sa taxi na it--"
"Aalis ba tayo dito o idedemanda kita for what you did yesterday!" putol na singhal ni Vienna na ikinapoker face ni Ahmon sa kaniya.
"Pinagbabantaan mo ba ako babae?"
"Just drop me off far away from this hospital, babayaran pa kita ng malaki. Just drive safely will you." ani ni Vienna na ikinaingos ni Ahmon.
"Ang lakas ng loob mong utusan ako, damn all women." saad ni Ahmon na pinaandar ang taxi at pinaandar na palayo sa HIH na kahit papaano ay nakahinga ng maluwag.
Umayos si Vienna sa kaniyang pagkaka-upo, at binalingan ng tingin si Ahmon na seryoso at salubong ang kilay na nagmamaneho.
Inalis nalang ni Vienna ang tingin kay Ahmon, hindi niya inakala na matapos itong nagsadya sa ospital ay makikita niya ulit ito ngayon. Gusto niyang gawin ang plano niya pag nakita niya ito, pero palalagpasin niya dahil nagmamaneho ito.
"May pambayad ka ba?" tanong ni Ahmon na bumasag sa katahimikan nila.
"Of course, mukha ba akong walang pera?" panunungit ni Vienna bago niya agad na kinapa ang bulsa ng pantalon niya.
Sandaling natigilan si Vienna ng wala siyang makapa na pitaka sa bulsa ng pantalon niya, agad niyang kinapa ang bulsa naman ng jacket niya ng marealize niyang wala siyang dalang pitaka sa mga oras na 'yun.
"Wa-wala akong pitaka." mahinang bulaslas ni Vienna na sakto lang na narinig ni Ahmon.
"Anong sabi mo?"
"Wala pala akong dalang pitaka." ulit ni Vienna na malakas na napatili at napahawak sa upuan na nasa harapan niya ng malakas na nagpreno si Ahmon.
"Hoy! Hindi ka ba marunong magdahan-dahan?! Parang gusto mong bumalik ako sa ospital ah, taxi driver ka ba talaga?!" inis na reklamo ni Vienna na bahagyang kinabahan sa ginawa ni Ahmon.
"Baba."
"What?"
Poker face na nilingon ni Ahmon si Vienna na nakatingin din sa kaniya.
"Sabi ko bumaba ka ng taxi ko, wala ka palang pambayad sakay ka ng sakay. Walang free ride sa panahon ngayon." angil ni Ahmon.
"I can pay you naman pag nahatid mo na ako sa condo ko eh."
"Bakit ako maniniwala sayo? Baka takbuhan mo lang ako, kayo pa namang mga babae ay mga manloloko. Just get out of this taxi." singhal ni Ahmon na hindi mapaniwalaan ni Vienna.
"Excuse me? Do you think tatakbuhan kita? I'm not that cheap no!"
"Dami mong sinasabi, bababa ka ba o hihilahin pa kita palabas ng taxi ko?" bantang saad ni Ahmon.
"Seryoso ka ba? Ganiyan ka ba kawalang modo para ibaba ako dito sa kalsada?"
"What if sabihin kong wala talaga akong modo, satisfied? Bababa na, sinasayang mo ang oras ko." ani ni Ahmon na padabog na lumabas si Vienna sa taxi.
Nang malakas niyang isara ang pintuan ay paharutot na pinatakbo ni Ahmon ang taxi paalis sa pinagbabaan ni Vienna.
"Mabangga ka sana you rude ungentleman brute! Argggh!" naiinis na sigaw ni Vienna na agad tinago ang mukha gamit ang hood ng jacket niya ng may mga dumaan sa kinatatayuan niya.
"I swear, pagnakita ko siya sisirain ko na talaga ang future niya buwisit siya!" pikon na ani ni Vienna na payukong naglakad paalis upang maghanap ng telephone booth na puwede niyang tawagan.