Hiyawan at sigawan ang maririnig sa isang tagong eskinita kung saan nagkukumpulan ang maraming kalalakihan, para i-cheer ang mga pambato nila sa nangyayaring labanan sa pagitan ng dalawang lalaki na parehas ipinamamalas ang galing sa pakikipag laban na ayaw magpatalo sa isa't-isa.
Malaki ang pusta sa mananalo kaya todo bigay ang bawat suntok ng dalawang lalaki at sinisigurado na isa sa kanila ang babagsak.
"Tapusin mo na Ahmon! Huwag mo nang paglaruan ang isang 'yan."
Hiyaw ng isa mga nanunuod na narinig ni Ahmon na kanyang ikinangisi.Maingat nyang iniiwas ang sarili sa kalaban nya para hindi nya masuntok at mapuruhan although alam nya na ang resulta ng laban nila.Alam din ng mga nanunuod na sya ang mananalo at pinaglalaruan lang nya ang kalaban nyang may lakas ng loob na hamunin sya sa isang dwelo.
Bawat ilag nya sa kalaban ay agad nyang sinasalubong ng suntok sa iba't-ibang parte ng katawan nito at dahil sa tingin ni Ahmon ay malaki ang pangangailangan ng kalaban nya ay pilit nitong iniinda ang mga pagatake nya na tumatama dito.Matamaan man sya ng kalaban nya ay hindi naman ganun kalakas although may maliit syang sugat sa gilid ng labi nya dahil nakatsamba ang kalaban nya na patamaan sya.
Nakikita ni Ahmon ang panggigigil at pagiging desperado ng kalaban nya na matalo sya at makuha ang premyo kaya lang malaki din ang pangangailangan ni Ahmon dahil wala syang pambayad sa apartment na tinutuluyan nya at wala syang pambayad sa tubig at kuryente at mas lalong wala na syang pagkain na nakatambak sa cabinet nya kaya kailangan nyang manalo.
"Ahmon, tama na ang pakikipaglaro, tapusin mo na siya!"
Hiyaw na naman ng isa sa nanunuod sa laban niya na naging dahilan para hindi nya mapansin ang paparating na sipa ng kalaban nya na tumama sa kaniyang tagiliran kaya napasalampak siya sa semento at mahinang napamura.
Hiyawan ang mga taong may pusta sa kalaban niya dahil sa pagkakatumba niya kaya nag-init ang ulo ni Ahmon kaya mabilis siyang tumayo at nabubuwisit na humarap sa mga nanunuod.
"LANGYA NAMAN OH!PWEDE BA MANUOD NALANG KAYO!ISTORBO KAYO SA LABAN KO MGA PESTE!!SINO YUNG TARANTADONG HUMIYAW HA!?IKAW KAYA TAPUSIN KONG TALIMPADAS KA!" bulyaw ni Ahmon na ikinatahimik ng lahat mga manunuod dahil nakita nila na pagkainis sa mukha ni Ahmon.
"Aish!"
Ginulo ni Ahmon ang buhok nya dahil sa inis na nararamdaman nya dahil nakatama sa kanya ang kalaban nya dahil sa mga nagmamagaling na manunuod na hindi nalang tumahimik at hintayin ang pagkapanalo nya.
Nilingon ni Ahmon ang kalaban nyang nakapamewang na nakatayo di kalayuan sa harapan nya na nakangisi na akala mo eh magaling na dahil napatumba nya si Ahmon.Sinenyasan pa nito si Ahmon na lumapit sa kanya at ipinapakita ang ngisi nito na mas nagpainit sa bunbunan ni Ahmon na nagdecide ng tapusin ang walang kwenta nyang kalaban.
"Masaya sanang makipaglaro sayo kaya lang nakakabanas na ang mukha mo,okey sana kung kasing gwapo kita kaya lang malabong mangyare eh. Siya lapit ka pagpapahingahin na kita." nanghahamong aya ni Ahmon sa kalaban nya na naging dahilan para mawala ang ngisi sa labi ng kalaban nya at kita nyang kinaasar nito.
Patakbong sinugod ng kalaban nya si Ahmon na agad pinaghandaan nya, pinaghiwalay nya ang kanyang mga paa at ibinend ang kanyang mga tuhod at ngising hinihintay any paglapit ng kanyang laban.
"Come on, come a little bit closer, just a little closer..." bulong ni Ahmon sa kanyang sarili, at ng makalapit sa kanya ang kanyang kalaban niya na itinaas ang kanang kamao para isuntok sa kaniya, pero mabilis na iniwasan iyon ni Ahmon.
Nang maiwasan niya ang suntok ng kalaban niya ay siya namang agad iniikot ni Ahmon ang kaliwang paa niya kasabay ng kaniyang katawan dahilan upang tumama sa mukha ng kalaban niya ang kaniyang paa. Hindi pa nakuntento si Ahmon, agad siyang nagtungo sa likuran nito at malakas niyang siniko ang likuran ng kalaban niya na ikinaigik nito. Akmang mapapaluhod ito sa semento, pero agad nahawakan ni Ahmon ang kuwelyo ng damit nito at hinila paharap sa kaniya, bago malakas na panunuhod sa sikmura ang ginawa niya. Suntok sa mukha, sipa sa dibdib at panunuhod sa mukha ang ginawa niya sa kalaban niya na duguan na ang mukha.
Ngising sinabunutan ni Ahmon ang kalaban niya na kung kanina ay nakakasabay pa kay Ahmon, pero ngayon ay para na itong lantang gulay sa mga ginawang pagsugod ni Ahmon na ikinatahimik ng mga nanunuod.
"Nakikipaglaro lang ako sayo kanina, hindi sana kita pahihirapan kaya lang, napipikon din ako." bulong ni Ahmon sa tenga nito bago malakas na hinampas ni Ahmon ang mukha ng kalaban niya sa semento na duguang ikinawalan na nito ng malay.
Umayos ng tayo si Ahmon at pinagpagan ang dalawang kamay niya bago inapakan ang likod ng walang malay nyang kalaban at nginisiang pinagmasdan ito.
"Paano ba 'yan tropa nanalo ako, malaki ang pangangailangan ko ngayon kaya hindi ako puwedeng magpatalo." ani ni Ahmon na ikinalingon niya sa mga manunuod na natahimik.
Inalis ni Ahmon ang pagkakaapak nya sa likuran ng walang malay nyang kalaban at nag squat paupo para tapikin ito.
"Tsk tsk tsk!Patawarin mo ko pare dala lang ng pangangailangan." huling sabi ni Ahmon bago siya muling tumayo na agad ikinahiyaw na ng mga natahimik na mga nanunuod dahil sa nakita nilang magandang laban.
"IBA KA TALAGA AHMON ANG LUPET MO!"
"SA'YO NA AKO SUNOD NA TATAYA DAHIL WALANG TALO SAYO!"
Napa ingos nalang si Ahmon sa hiyawan ng mga humanga sa kaniya na hindi nalang niya pinansin. Naglakad na siya palapiy sa lalaking hawak-hawal ang premyo niya. Nakangising humarap siya dito at nilahad ang kaniyang kanang kamay.
"Nasan na panalo ko?Ibigay mo na sa akin para mahawakan ko naman bago mapunta sa mga bayarin ko."
"Ah, eh kasi Ahmon... "
"Ah eh ih oh uh, nagkinder ka ba? Nasan na 'yung premyo ko?"
Itinaas ng lalaki ang kanang kamay nito na sinundan ng tingin ni Ahmon at itinuturo ang isang lalaki na mabilis na tumatakbo palayo na ikinasalubong ng kilay niya.
"Anong pakielam ko sa lalaking 'yun? Ang premyo ko ang ibigay mo sa akin, sasapakin kita pinaghihintay mo ko eh." asar na banta ni Ahmon sa lalaki dahil binibitin sya sa pagtanggap ng premyo nya.
"Ano na!?"singhal niya dito na bahagyang napapitlag sa takot sa kaniya.
"Nasa lalaking tumakbo ang pera mo Ahmon, ki-kinuha niya ang premyo mo. Kasamahan siya nang nakalaban mo Ahmon, inagaw sa akin 'yung pera at itinakbo." mabilis na sagot ng lalaki na ikinalaki ng mata ni Ahmon.
"Ano?! Tangna, uunahan pa ako sa premyo! Bakit hindi mi agad sinabi!" sigaw ni Ahmon bago muling nilingon ang lalaking nakakalayo na sa kanila.
"s**t!"
Mabilis na tumakbo si Ahmon upang habulin ang lalaki na kumuha ng pera niya. Mabilis itong tumakbo na nagpainit na naman sa ulo ni Ahmon.
"HOY!GAGO IBALIK MO YUNG PERA KO!HINDI IKAW YUNG NAGPAGULPI PARA MAKUHA YAN!" hiyaw na sigaw nya sa lalaking hinahabol nya na walang tigil na tumatakbo at kung saan saan lumiliko para mailigaw sya.
Pilit pinabilis ni Ahmon ang pagtakbo nya upang mahabol ang lalaking kumuha ng pera nya, dahil pag hindi nya yun nakuha ay hindi nya alam kung saan na sya tutulog kinabukasan at kung saan na sya hahanap ng pagkain nya.
Malakas na napamura si Ahmon ng nawala sa paningin nya ang hinahabol nyang lalaki na tumangay sa pera nya.
"Lanya naman oh!Pera na naging bato pa!" anas na sabi ni Ahmon na pilit paring hinahanap ang lalaki.
Nakarating si Ahmon sa tabing kalsada ng maningkit ang mata nya ng makita ang lalaking hinahanap nya na pasakay sa isang gusgusing kotse na kulang nalang ay ibigay sa tamabakan ng mga sirang sasakyan dahil lumang luma na ito.
"HOY!" agaw atensyong sigaw nya sa lalaki na napalingon sa kanya na agad nanlaki ang mga mata ng makita sya at mabilis na sumakay sa lumang kotse na agad tinakbo ni Ahmon pero di na nya naabutan dahil napatakbo na nito ang kotse palayo.
Naiinis na napapadyak si Ahmon sa kinatatayuan nya dahil mukhang hindi nya na mababawi ang pera nya ng matigilan sya ng makita ng mga mata nya ang isang magandang ferrari at may ideya agad na pumasok sa utak ni Ahmon upang mabawi ang pera nya.
Mabilis na nilapitan ni Ahmon ang ferrari at agad binuksan ang pintuan ng driver seat nito at tumambad sa kanya ang isang babaeng nagulat sa ginawa nya na naghahanda na sanang paandarin ang sasakyan nya.
"Move." utos nya dito na ikinasalubong ng kilay ng babae.
Maganda ang babae pero wala dun ang atensyon nya kundi sa pera nyang papalayo na sa kanya na kailangan nyang mabawi kundi tapos na sya.
"Sino ka?" tanong ng babae sa kanya na hindi nya pinansin at agad nyang iniisod ang babae papunta sa katabing upuan na ikinagulat nito.
"Hey!What do you think your doing!" gulat at naguguluhang sita ng babae na nakaupo na sa katabing upuan ng driver seat na inikupahan nya.Sinara na ni Ahmon ang pintuan at pinaandar ang ferrari ng babaeng nagsisimula ng mag hysterical
"That's my seat!How dare you! Sino ka ba at basta basta kang pumapasok sa kotse ko!"
Nilingon ni Ahmon ang nagwawalang babae na ikinatigil nito ng makitang seryoso syang tinititigan ni Ahmon.
"Hihiramin ko lang ang kotse mo babae dahil may kailangan akong habulin. It's a matter of my stomach and my life so will you please shut your mouth,fasten your seatbelt and enjoy the ride." pahayag ni Ahmon na inalis ang tingin sa babae at pinaharurot ang ferrari ng babae upang mahabol ang bulok na kotse na ginamit ng lalaking tumangay sa pera nya.
Mabilis na nagseatbelt ang babae at natatarantang sinisita parin sya.
"This is Car napping! I will sue you and--"
"Blah blah blah sabi ng manahimik ka eh!Pag ako binanas sayo kahit maganda ka itatapon kita palabas sa kotseng ito." banta ni Ahmon na seryosong nagmamaneho habang hinahanap ang bulok na kotse na pakay nya
The girl frown her face on what Ahmon said kaya yung kaba at takot nya sa lalaking nagpapaandar ng kotse nya ay napalitan ng inis dahil sa sinabi nito.
"This is my car kaya bakit itatapon mo ko palabas dito?"
"Aish!Damn nasan na ba ang bulok na kotseng yun!Bwisit oh magiging palaboy pa ata ako ng wala sa oras." pahayag ni Ahmon na hindi inintindi ang sinasabi ng katabi nyang babae dahil naka focus sya sa paghunting ng bulok na kotse na namataan nya sa kanilang unahan na ikinangisi nya.
"Gotcha!" bulalas ni Ahmon at mas pinabilis ang pagtakbo ng ferrari na ikinalaki ng mga mata ng babae at mahigpit na napakapit sa kinauupuan nya.
"P-pwede ba bagalan mo ang pagpapatakbo mo!Car napping ka na nga reckless driving ka pa!" natatakot na sita ng babae kay Ahmon na hindi naman pinansin ni Ahmon.
Nang matapatan ni Ahmon ang hinahabol nyang kotse ay nilingon sya ng lalaking nakasakay doon na nagulat ng makita sya na ikinangisi nya.
"Akala mo makakatakas kang talimpadas ka!Pagnahuli kita lintek lang ang walang ganti." sabi ni Ahmon na nakipagkarerahan na sa hinahabol nyang kotse.
Seryoso lang si Ahmon sa paghabol sa kumuha ng pera nya at hindi nya binibigyan ng pansin ang babaeng hinahampas na ang kanang braso nya dahil sa bilis ng takbo nya pero dahil consistent ang paghampas ng babae ay naiinis syang nilingon ang babae na masama na ang tingin sa kanya.
"Huwag mo nga akong istorbohin?!" sita nya na mas ikinatalim ng tingin ng babae sa kanya.
"Bagalan mo ang takbo mo dahil ayoko pang mama---AAAHHHH!!BABANGGA TAYO!!" nanlalaking hiyaw ng babae ng mapalingon ito sa unahan na ikinalingon din ni Ahmon at nanlaki na din ang mata ni Ahmon ng makita nyang babangga sila sa isang poste
"Sh!t!!"
Agad na nagpreno si Ahmon at dahil mabilis ang pagpapatakbo nya ay aksidente silang tumama sa isang poste ang kotse ng babae.
Napatama ang ulo ng babae sa headboard ng kotse nya na naging dahilan para makaramdam sya ng hilo.Ramdam ng babae ang pananakit ng ulo nya at ang unti-unting pagdilim ng paningin nya, naririnig pa nya ang mahihinang mura ng lalaking nagpapatakbo ng kotse nya na hindi naman nya kilala at kung saan galing.Hinawakan nya ang kanyang ulunan at bago pa sya mawalan ng malay ay naririnig nya ang pagtawag sa kanya ng lalaking kasama at tuluyan na syang nilamon ng dilim.