Chapter 05- THE DEVIL FINDS HIS NEW FAVORITE

3565 Words
"Salamat, Ahmon. Ikaw pa ang nahirapan sa pagbiyahe ng taxi ko, tapos lahat ng kita ibibigay mo pa sa akin. Sigurado ka ba ibibiga--ay teka? Bakit naman ganito kalaki ang isusulit mo sa akin" Gulat na hindi makapaniwala si Mang Castor sa ilang lilibuhin na hawak niya, at hindi makapaniwalang nilingon si Ahmon. "Kunin niyo na 'yan Mang Castor, makakatulong 'yan sa inyo ng anak mo." "P-pero paanong kumita ka ng ganitong kalaking pera sa maghapon? Hindi ko kayang kitain ang ganitong halaga sa maghapong pasada ng luma ko ng taxi." saad ni Mang Castor. "Madiskarte ako Mang Castor, tsaka mas kailangan niyo ang pera kaysa sa akin. Ipapagamot niyo pa ang anak mo hindi ba? Gamitin niyo para sa anak niyo ang perang 'yan, ipakita niyo sa walang kuwenta niyong asawa na kaya niyong buhayin ang anak niyo." pahayag ni Ahmon bago tinapik si Mang Castor sa balikat nito at umalis na. Siya ang pumasada sa taxi ni Mang Castor dahil gusto niyang tulungan ito, ang totoo ay matapos ang aso't-pusang eksena nila ni Vienna ay minalas si Ahmon at walang kahit isa sa na pasahero ang sumakay sa kaniya. At upang hindi bumalik na luhaan ay bumawas siya perang pinahiram ni Fenier sa kaniya. Nilakihan na niya ang bigay upang maipagamot na nito ang anak nitong bigla nalang nahirapan sa paglalakad. Naawa siya sa mag-ama dahil katulad sa kaniyang ama, iniwan din ito ng asawa nito para sa ibang lalaki dahil mahirap lang si Mang Castor. More reason para hindi magtiwala si Ahmon sa mga babae dahil para sa kaniya ay pare-parehas ang mga ito, mapamahirap o mayaman, when cheating enters babae ang unang bumibigay, katulad ng kaniyang ina. Naglalakad lang si Ahmon pauwi sa bahay niya para makapag pahinga, dahil mamayabang gabi ay may street fight na naman siyang pupuntahan sa isang abandonadong highway na kalsada. He was looking forward to have some fun sa lugar na 'yun lalo pa at napag-alaman niyang makikita niya doon ang isang taong laging laman ng usapan sa mga nasasalihan niyang street fighting. Isa pa sa agenda niya kung bakit din siya pupunta doon at sasali dahil naroon din ang lalaking nagtakbo ng pera niya. Hindi niya sasadyain ito para bawiin ang pera na kinuha nito, ang gusto ni Ahmon ay maparusahan ito sa pagpapahabol na ginawa nito sa kaniya. Noong siya pa ang namumuno sa north bound bilang emperor, kahit isa sa mga northernian ay iniiwasan na magkamali dahil iyon ang isa sa ayaw niya. He's a good leader but unlike Taz, the new bound emperor of north, mas may pakialam ito sa nasasakupan nito kaysa sa kaniya. And he left the US and his position ng mapabagsak siya ni Taz, at dahil naboringan na siya. At malaki ang binayad niyang danyos na binigay niya sa head founder, malaking halaga at hampas sa likuran na nagbigay peklat doon ang naging resibo niya para pakawalan ng head founder. At hinayaan siyang umalis nito dahil mas nakuha ni Taz Westaria ang atensyon nito. "Oi Ahmon!" Natigilan si Ahmon sa kaniyang paglalakad lumingon sa kaniyang likuran kung saan nagsalubong ang kilay niya ng may tumambad na apat na lalaki na deretsong nakatingin sa kaniya. "Ako ba ang tawag niyo?" "Sino pa ba? May iba pa bang may pangalan na Ahmon dito?" angil ng lalaking pansin ni Ahmon na artificial na ang kanang kamay nito. "Kilala ko ba kayo? Hindi kasi ako matandain, mabilis akong makalimot ng hindi naman mga importante." ngiting pahayag ni Ahmon sa mga ito na kita niyang napikon na itsura ng mga uto lalo na ang lalaking may artificial na kamay. "Ang lakas talaga ng apog mong magkunwari na hindi mo ako natatandaan, samantalang ikaw ang dahilan bakit naging ganito ang kanang kamay ko!" may galit na gigil nito kay Ahmon na ikinasalubong ng kilay ni Ahmon habang inaalala ang sinasabi nito. "Pinipilit kong alalahanin ang pinaparatang mo sa akin, kaya lang sa dami ng mga nilampaso ko at binugbog dahil sa mga kayabangan nila, eh hindi ko alam kung isa ka mga 'yun. Pero kung ako nga ang gumawa niyan sayo, pasensya na ha. May gagawin pa kasi ako, busy na guwapong nilalang kasi ako." ani Ahmon na akmang tatalikuran niya ang mga ito ng matigilan siya ng makatanggap siyan ng pambabato ng plastic na may tubig dahilan upang mabasa ang suot niyang leather black jacket. At dahil din sa nag-uumpisang gulo ay napapatingin sa kanila ang mga tao na napapadaan sa kanila. "Sa tingin mo makakaalis ka basta-basta Ahmon?" "At ito ang way mo para hindi ako makaalis? Ang basain ako? Seryoso ka...ano ngang pangalan mo?"saad ni Ahmon na ngising mayabang na ikinatayo nito sa harapan niya. " Lemuel ang pangalan ko, natatandaan mo na?" "Lemuel, hmmm? Ah! Hindi pa rin eh, i told you hirap akong tandaan ang mga taong hindi naman importanteng tandaan pa. But well, you tried to have my attention then i'll entertain you." ani ni Ahmon na nagsimula ng maglakad palapit dito ng salubungin siya ng kasama nitong tatlong lalaki na ikinangisi ni Ahmon. "The dogs bark before the master, mga nakakaawang nilalang." pahayag ni Ahmon malakas na sinuntok ang naunang sumugod na lalaki sa dibdib nito bago niya ito madiin na hinawakan sa buhok nito. Agad niya namang iniwasan ang pagsuntok na pagsugod ng pangalawang kalaban niya at sipa ng pangatlo na tumama sa tagiliran ng hawak ni Ahmon na lalaki. Dahil sa nangyayaring gulo ay nakakakuha sila ng atensyon sa mga tao na napapadaan, may iba na dere-deretso lang at umiiwas upang hindi madamay, ang iba ay nanunuod mula sa kinatatayuan nila. Malakas na tinuhod ni Ahmon ang mukha ng lalaking hawak niya dahilan upang dumugo ang ilong nito, bago niya ayusin ang pagkakatayo nito at malakas na pasikong suntok ang binigay niya dahilan ng pagbagsak nito sa kalsada, habang dumadaing sa dumudugo nitong ilong at impact ng tumama sa mukha nito. Bahagyang muntik ng mawalan ng balanse si Ahmon ng may sumipa sa likuran niya kaya agad niya nilang ang dalawang nakataas ang dalawang kamay, na napatawang ikinapamewang ni Ahmon sa harapan ng mga ito. "Sino ang sumipa sa inyo sa likuran ko?" tanong ni Ahmon sa dalawa. "Ako bakit?" sagot ng lalaki sa kaliwa na nginisian ni Ahmon. "Ahh ikaw, then extra attention ang ibibigay ko sayo." ani ni Ahmon na agad nawala ang ngisi nito at mabilis na nilapitan ang dalawa. Nailagan ni Ahmon ang suntok ng sumipa sa kaniya sa likuran at agad niyang nahawakan ang braso nito at walang pagdadalawang isip na binali ito na malakas na ikinahiyaw ng lalaki, mabilis naman nasakal ni Ahmon ang isa pang lalaki na sumugod sa kaniya para tulungan ang kasama nito. Diniinan ni Ahmon ang pagkaka ipit niya sa lalamunan nito, kaya imbis na pilitin nitong makalaban sa ginagawa ni Ahmon ay hinawakan nito ang braso ni Ahmon dahil nahihirapan na itong makahinga. Binitawan ni Ahmon ang lalaking impit na dumadaing sa braso nitong binali niya bago nilingon ang lalaking napapalunok sa sinapit ng mga kasama nito sa kaniya. "Ikaw? Jemuel, tatayo ka lang ba diyan? Hindi mo tutulungan ang mga kasamahan mo?" ani na tanong ni Ahmon dito ng mas diinan pa niya ang pagkakasakal sa lalaking hawak niya na namumutla na dahil mas nahirapan itong makahinga. "Lemuel ang pangalan ko?! Wala naman akong pakialam sa kanila, ang gusto ko lang ay makabawi ako sa ginawa mo sa kamay ko!" sigaw nito na naglabas ng balisong na kinuha mula sa likuran nito at agad na sinugod si Ahmon. Agad nitong ang balisong kay Ahmon pero ng isasaksak na niya ito ay nanlaki ang mga mata nito ng iharang ni Ahmon sa kaniya ang sakal-sakal nitong kasamahan, dahilan upang dito bumaon ang hawak nitong balisong. Malakas na patulak na binitawan ni Ahmon ang hawak niyang lalaki sa may hawak ng balisong dahilan ng pagbagsak nito sa kalsada, at nadaganan ng wala ng buhay nitong kasamahan, habang ang dalawa pang kasamahan nito ay namimilipit sa natamo ng mga ito mula kay Ahmon. Ang mga nakasakski naman sa gulo ay di makapaniwala sa napanuod nila, may ilan na humanga kay Ahmon, ang iba ay natakot. "Next time, if you'll fvcking disturb me make sure my time will not fvcking waste. Bwisit ako ngayong araw, sana di mo muna dinagdagan, Samuel." ani ni Ahmon ng tapakan niya ang noo nito. "Hindi ako magandang kausap pag badtrip ako, pasalamat ka itong mga kasama mo ang tumanggap ng mga bubog para sayo, maliban lang dito sa isa na pinatay mo." ani pa ni Ahmon dito. "Le-Lemuel ang panga--" "Wala akong pakialam, basta sa susunod huwag mo ng ipapakita ang mukha sa akin." putol na singhal ni Ahmon ng makarinig siya ng pito at makita niya ang tatlong pulis na tumatakbo paparating sa puwesto nila. "Ikaw ba ang nagsimula ng gulo dito?" pahayag na tanong ng isang pulis na ikonaharap ni Ahmon dito. "Sila ang nagsimula, pinatulan ko lang.* " Sir, patay na 'tong isa."pagbibigay alam ng isang pulis na nakalapit na sa dalawa kung saan binabaliktad siya ng lalaking nadadaganan ng patay nitong kasama. "Ikaw ba ang pumatay sa lalaking 't--" "Pag sinabi ko bang hindi maniniwala ka officer? Dahil kung hindi huwag mo na akong tanungin, magsasayang ka lang ng laway mo."plain na pahayag ni Ahmon ng lapitan siya ng pulis at kuwelyuhan siya nito. " Eh kung ideretso kita sa kulungan? Ang lakas ng loob mong sagutin ang isang pulis na gaya ko, hindi ka marunong rumespeto!" singhal ng pulis kay Ahmon na ikinangisi niya dito. "Pasyensya na officer, wala kasi ako niyan. Huwag kang mag-alala, try ko maghanap para next time irerespeto kita." "Dalhin niyo sa presinto ang gagong 'to!" galit na utos nito sa dalawang kasama nitong pulis ng matigilan ito ng may humawak sa kamay nitong nakahawak sa kuwelyo ni Ahmon kaya napalingon ito dito. "Baka puwede mo ng ibalato sa akin ang isang 'to, sadyang maangas lang 'to pero nakita ko na sila ang nagsimula ng gulo." ani ng pumigil na guwapong lalaki na ikinagulat ng pulis at agad sumaludo dito. "Sir!" "Dalhin niyo nalang sa ospital ang dalawang napuruhan, sa morge 'yung namatay at sa kulungan 'yung natira." utos nito. "Pero sir, paano po itong lalak--" "Anong sabi ko officer? Hindi mo ba ako narinig?" putol na ani nito na wala ng nagawa kundi gawin ang sinabi nito. Dinamapot na ng mga ito ang apat na sumugod kay Ahmon at binitbit na para dalhim sa dala ng mga itong sasakyan, habang nakasunod ng tingin ang mga tao sa mga ito. "Hindi ba kaabusuhan ang gamitin ang rango mo para manakot ng kabaro mo?" ngising ani ni Ahmon habang inaayos nito ang nagusot nitong kuwelyo. "Imbis na magpasalamat ka Villiermo, nag kuwestiyon ka pa. You're a lucky devil dahil napadaan ako dito, i save your fvcking ass." ani nito na ngising ikinalingon ni Ahmon dito. "Salamat sa pagligtas mo sa akin my knight fvcking shining shitty armor. Teka, anong ginagawa mo dito sa bayan, Del Valle?" "Don't you hear what i fvcking said? Napadaan lang ako dito sa bayan, i'm searching for someone." ani na sagot nito. "At sino ang nagtatago para hindi mo makita, Del Valle? Pinahihirapan ka ba? Whoever is hiding from you dapat galingan niyang magtago, dahil isang devil ang huma-hunting sa kaniya, a devil who has a badge who has a motto of 'to serve and protect'." ngising pahayag ni Ahmon dito. "Tss! Ang dami mong sinabi, sana nagpasalamat ka nalang na gago ka. The last time we saw each other inside that fvcking underground ay ganiyan na ang ugali mo, wala bang bago sayo?" pahayag nito na ikinatapik ni Ahmon sa balikat niya. "I have no plans for changing myself, Del Valle nakakatamad ang ganun. Besides, wag kang maghugas kamay, dama kita. Wala din namang pagbabago sayong gago ka. Anyway, thanks for a helping hand sir, may the hell bless your fvcking soul." ani Ahmon na ngising sumaludo dito bago siya maglakad paalis sa harapan nito. Hindi na nagulat si Ahmon ng makita niya ang dati niyang nakakasama sa underground society noon, that was Gallo Del Valle, the young police major general of PNP. Ahmon is the emperor of north bound before when he met his four devil like acquaintance na visitor lang ng underground society invited by Steven Wright. Madalas nalang silang magkita after nilang alisin ang koneksyon nila sa US, minsan ay nagkakataon nalang kung magsalubong ang mga landas nila, and that was a rare moment. Nang makauwi si Ahmon sa kaniyang bahay ay deretso siyang nagtungo sa kuwarto niya, hinubad niya ang basa niyang t shirt bago pabagsak na humiga sa kama niya na bahagyang nag creak ang sound, pero balewala sa kaniya. Gusto niyang makondisyon ang katawan niya bago siya sumabak sa street fight mamayang gabi, madaling nakagawa ng tulog si Ahmon. Pagsapit ng dilim ay nagising na si Ahmon, agad siyang bumangon at bumaba na sa kuwarto niya para makaligo na sa maliit niyang banyo. After niyang makaligo at bumalik siya sa kuwarto niya para magbihis, nagsuot si Ahmon ng puting tshirt at ripped maong pants. Puting rubber shoes ang sinuot niya bago kinuha ang itim niyang saklob at sinuot iyon. Humarap si Ahmon sa maliit niyang salamin at sinuot sa kanang tenga niya ang tatlong itim na hikaw sa tatlong butas meron ang tenga niya. Nang okay na si Ahmon at nagtungo siya sa isang eskenita na sa squatter side na walang nagpupunta at kinuha ang itim niyang big bike motor na tinatago niya doon, at ginagamit niya lang sa malayuang biyahe. Agad niyang inayos iyon at sumakay na din, agad ng pinatakbo ni Ahmon ang big bike niya na sa ibang way niya idinaan upang walang makakitang chismosang kapitbahay sa kaniya. Mahaba-haba ang magiging biyahe niya, pero excited si Ahmon sa street fight dahil alam niyang makikita niya doon si Barren, ang street fighter champion na gusto niyang pabagsakin plus ang lalaking nagtakbo ng panalo niya kahapon. Naririnig na niya ang pangalan nito, at gusto niya itong pabagsakin dahil narin sa malaking pera ang puwede niyang makuha pag nanalo siya. Isang oras at kalahati ng makarating siya sa abandonadong kalsada, madami ng tao na nag-aabang na nagpapangisi kay Ahmon sa excitement. "I can't wait to have some fun here." ngising ani ni Ahmon habang hinahanap ng mata niya ang isa pa niyang pakay. "Bago ako sumabak sa labanan, saan ko kaya makikita ang gagong nagtakbo ng pera ko." ani ni Ahmon na nilibot ng kaniyang mga mata ang buong paligid upang mahanap ito. HINDI NAMAN MAKAPANIWALA si Vienna sa pinagdalhan sa kaniya ng co-model niya, akala niya ay sa isang boxing gym ang pupuntahan nila pero hindi niya inasahan na isang street fight ang pinuntahan nila mapanuod lang ang laban ng boyfriend nito. Bawal silang pumasok sa relasyon na hindi alam ng management at company nila, kaya patago ang realsyon ng co-model ni Vienna sa street fighter nitong boyfriend. Hila-hila si Vienna ng ka co-model niya habang salubong ang kilay niya sa mga taong naroon sa lugar na 'yun. "Sigurado ka ba na hindi delikado dito, Allison? Kakalabas ko lang ng ospital kanina, tinakasan ko lang si Jude na sumundo sa akin sa ospital at nagdecide akong sayo dumaretso dahil ayoko pang umuwi sa condo ko. Pinayagan ako ni mom na sayo mag overnight, kahit si Mama Harold pumayag na kahit sinermunan ako sa telepono, tapos dadalhin mo lang ako sa creepy na lugar na 'to just accompanying you in cheering your basagulerong boyfriend?" pahayay na reklamo ni Vienna. "He's not a basagulero, street fighter ang tawag sa kaniya." saad ng co-model niya na bahagya niyang ikinaingos. "I lend my ears sayo kanina habang ang dami mong hinanakit sa lalaking dahilan ng aksidente mo, at basta ka binaba sa taxi na binabyahe nito, so lend me your time so i can watch my boyfriend dahil nangako ako sa kaniya. Once you have a man you want to support, maiintindihan mo ako Vienna." "Nah uh! Wala pa sa isip ko ang pumasok sa isang relasyon, tsaka bawal 'yun lalo pa at hindi alam ng management. Ikaw lang naman ang matapang na lihim na pumasok sa isang relationship." pahayag ni Vienna. "Because i'm in love, maiintindihan mo ko once you fall in love, Vienna. Kaya huwag kang magsalita ng tapos, iba kaya pumana si kupido." ani ng co-model niya na napapailing na ikinabuntong hininga ni Vienna. Bahagyang nagulat lang si Vienna ng malakas na maghiyawan ang mga naroon na nanunuod sa mga naglalaban na pinapalibutan ng mga ito. Hindi lang mga kalalakihan ang naroon, may ilan ding kababaihan na natutuwa sa napapanuod nila. "And Barren once landed a lucky hit to Ahmon's face for the first time since their fight started! Naka-isa ba si Barren o nakatsamba." rinig ni Vienna na announce ng isang lalaki habang malakas na humihiyaw ang mga manunuod. "That's my boyfriend!" tili ng co-model ni Vienna na excited siyang hinila. Nakipagsiksikan sila sa mga tao roon upang makarating sa unahan. Napapangiwi si Vienna dahil sa nadadanggi siya ng mga excited na manunuod pero dere-deretso sila sa paniniksik ng ka co-model niya hanggang makarating sila sa unahan na ikinabuga ng hangin ni Vienna. "Akala ko masu-suffocate na ako sa paniniksik natin, next time Allison huwag mo na akong bitbiti--" Hindi natapos ni Vienna ang sasabihin niya ng magitla siya ng may bumagsak sa unahan niya na ikinalingon niya dito. Nakailang kurap si Vienna ng makilala ang lalaing nakahiga sa kalsada at napangisi na pinahid ang gilid ng labing dumudugo. "And once again, Barren hit his second punch to Ahmon!" malakas na sigaw ng emcee na ikinahiyaw din ng mga tao, na natutuwang nagpapalakpak din ang co-model ni Vienna, habang siya ay nakatutok ang mga mata sa lalaking kinabubwisitan niya. "This is fvcking fun." rinig ni Vienna na ani nito ng wala sa sariling napa squat ng upo si Vienna sa bandang ulunan ni Ahmon na natatawa sa pangalawang beses na tsambang bagsak na natanggap nito. "Mr. Lalaking rude at walang modo..." tawag na sambit ni Vienna dito na kahit malakas ang hiyawan ng mga tao ay napatingalang tumingin sa kaniya si Ahmon na bahagyang natigilan ng makita siya. "Ikaw?"saad ni Ahmon ng magulat si Vienna ng pasabunot na ibinangon ito ng kalaban nito, na boyfriend ng co-model niya. Nakatingin lang si Ahmon sa kaniya ng malakas nitong sipain sa sikmura ang boyfriend ng co-model niya na ikinaatras nito palayo kay Ahmon. Nagkatitigan ang mga ni Ahmon at Vienna ng makita nilang muli ang isa't-isa, ng makarinig ang lahat ng tunog ng sirena ng sasakyan ng mga pulis kaya mabilis na nagtakbuhan ang mga manunuod na napatiling ikinabagsak ni Vienna paupo sa kalsada. " Vienna!" sigaw ng co-model niya na napahiwalay dahil nadala ito ng takbuhan ng mga tao. Napangiwi lang si Vienna sa pagkakabagsak niya ng may humawak sa braso niya na agad niyang ikinatingin dito, at makita niya si Ahmon. "Tanga ka ba? Talagang umupo ka pa dito, trip mo bang madatnan ng mga parak dito?" singhal ni Ahmon na agad na hinila patayo si Vienna. "Hindi ko naman ginustong mapau--" "Mamaya ka na dumaldal, peste!" putol na singhal ni Ahmon sa kaniya bago siya nito hinila paalis sa lugar na 'yun bago pa sila mahuli ng mga pulis. Hila-hila lang ni Ahmon si Vienna hanggang nakakita si Ahmon ng tulay kaya agad niyang dinala doon si Vienna at doon nagtago sa ilalim ng tulay. "Bakit ba tayo nagtatago? Wala naman akong ginagawang masama ah?" ani ni Vienna. "Nag-iisip ka ba? Kahit wala kang ginagawang masama pag naabutan ka ng mga pulis doon dadalhin ka nila sa presinto. They are raiding the fvcking place, damn it! Kung sino man ang nag pontio pilatong nagbigay ng tip, sinira niya ang pampalipas oras ko, gago siya." singhal na naiinis na ani ni Ahmon. "Pero isinama lang naman ako ng co-model ko dito eh." ani na sagot ni Vienna na poker face na ikinatitig ni Ahmon sa kaniya. "Sa tingin mo tatanggapin ng mga pulis ang dahilan mo na 'yan? Stupid!" "Excuse me? I'm not stup---" hindi natapos ni Vienna ang sasabihin niya ng takpan ni Ahmon ang bibig niya. Pinaghahampas niya ang braso niya dito nang makarinig sila ng tahol ng mga aso mula sa taas ng tulay, at naririnig nila ang usapan ngga pulis. "Subukan mong mag-ingay, tatakpan ko 'yang bunganga mo ng magpapatigil sa kakadakdak diyan." bulong na banta ni Ahmon ng impit siyang mapadaing ng sikuhin ni Vienna ang sikmura nito. "Sino ka para bantaan ak---" "Damn it!" mura ni Ahmon na hindi na pinatapos ang sasabihin ni Vienna ng sakupin niya ang labi nito para patahimikin na gulat na nanlalaking mga mata ni Vienna na natuod ito sa ginawa ni Ahmon. "Mukhang nakatakbo na ang iba, tara na." rinig nilang ani ng isa sa mga pulis. Nakamulat lang si Ahmon na pinakikiramdaman ang mga pulis habang magkadikit parin ang labi nila ni Vienna. Hindi makakilos si Vienna sa pagkakatayo niya ng marealize niya ang sitwasyon niya kaya malakas niyang tinulak si Ahmon palayo sa kaniya at malakas na sampal ang binigay nito sa pisngi nito. Napahawak si Ahmon sa kanang pisngi niyang nakatanggap ng sampal mula kay Vienna. "Manyak! Gago! Sino ka para halikan ako ah?!" singhal na sigaw ni Vienna na napangisi si Ahmon ng hawakan nito ang labi nito, bago deretsong tumingin sa kaniya. "Oi babaeng manok kung pumutak, gusto ko ang mga labi mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD