Chapter 7 -Dada-

2895 Words
◄Thomas's POV► I'm not sure why I did that to her or why I'm acting like this towards her. I know myself well enough to know that I'm not falling for her. She already has a daughter, and I'm not prepared to take care of a child that isn't mine, pero bakit ganuon ang inakto ko sa kanya? Bakit nagawa ko siyang halikan sa labi ng hindi naman nag-iinit ang katawan ko? Am I stupid? "Huwag mo akong ngisihan Diego kung ayaw mong lumipad ang laptop ko sa pagmumukha mo." I threatened him. "What? Am I not allowed to smile now? I'm simply happy, and there's no hidden meaning behind it, kaya itabi mo lang 'yang laptop mo dahil mahal ang pagkakabili mo diyan. There's no need to be so paranoid unless, of course, you're hiding something from me, meron ba? You know you can tell me anything, right? I'm your best friend, after all. So, come on, what's really going on? I'm here to listen and help, no matter what it is." Napapailing na lang ako sa isinagot niya. Kanina pa siya ganito sa akin. Nagawa pa niyang sumama sa akin dito sa mansyon ko kahit wala naman siyang gagawin dito. He's here kasi gusto niya akong asarin dahil sa nangyari kanina. "Kumain ka na lang diyan, wala akong panahon makipag-asaran sa'yo ngayon." Natawa lang siya at binato ako ng mansanas na agad ko namang sinalo sabay kagat. Natahimik na lang ako at nagpapanggap na busy sa ginagawa ko sa laptop. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko maunawaan ang sarili ko. Bakit gusto kong bumalik sa apartment nila at siguraduhin kung okay lang ba siya? Damn it! Nababaliw na ba talaga ako? What's got into me? Damn, damn, DAMN! "Oh, bakit ganiyan ang pagmumukha mo? Sigurado ka ba na okay ka lang? Nagtatrabaho ka ba talaga o may babae kang iniisip?" Mapanuksong tanong ng kaibigan ko kaya sinulyapan ko siya at pinaningkitan ko siya ng mga mata ko. Tawa lang siya ng tawa at kumagat ng malaki sa mansanas na hawak niya. Ang mga mata niya ay may halong panunukso na hindi inaalis sa akin. "Hindi ka pa ba uuwi? Baka hinahanap ka na ni Remy, go home at umiiyak na ang anak ninyo." "Babalik muna ako sa opisina ko. Kapag kailangan mo na ng makakausap ay magsabi ka lang dahil nandito lang ako at handang makinig sa mahaba mong drama. Best friend tayo at ako lang naman ang nakakakilala sa'yo ng lubusan, don't forget that. "Yeah, Diego, whatever! Just leave so I can focus on what I'm doing." "Fine. Just give me a call if you need anything, bro." Sabi niya kaya tumango lang ako sa kanya. Pagkaalis ni Diego ay ibinaba ko ang laptop ko. Sumandal ako sa sofa at saka ko hinilot ang sintido ko kahit hindi naman ito sumasakit. Bakit ba kasi hindi mawala sa isipan ko ang kalagayan ni Agatha? Damn it, self! Tumayo ako at nagtungo ako sa ika-apat na palapag gamit ang elevator kung nasaan ang aking master bedroom. Pagkarating ko ng napakalaking silid ko ay naghubad ako ng damit at wala akong itinira na kahit na anong saplot. Pagkatapos ay pumasok ako ng banyo at itinapat ko ang katawan ko sa shower head. Habang dumadaloy ang maligamgam na tubig sa aking katawan ay paulit-ulit na nanunumbalik sa aking alaala kung gaano kaganda ang kanyang labi, ang magandang labi na naging dahilan kung bakit hindi ko napigilan ang sarili ko na mahalikan siya. Bakit ako nagkakaganito sa babaeng 'yon? Halos isang buwan pa lang kaming nagkakasama, pero bakit tila ba habang tumatagal may nagbabago sa akin? Hindi ko maunawaan ang sarili ko, hindi naman ako ganito dati. Pagkatapos kong maligo, I dried myself with my towel and dashed out of the bathroom wearing nothing at dumiretso ako sa walk-in closet ko. Pagkabihis ko ay nag spray ako ng body cologne, pagkatapos ay inayos ko ang buhok ko at sinigurado ko na gwapong-gwapo ang dating ko. Inayos ko din ang suot kong puting polo, at tinupi ko ang mahabang manggas nito hanggang siko ko. Napangiti ako sa harapan ng salamin ng makuntento na ako sa nakikita kong hitsura ko. Mabilis akong nagtungo sa unang palapag. Dumiretso na ako sa sasakyan ko at nagtungo ako sa supermarket. Namili ako ng maraming gamit, gatas, diapers, wipes, baby clothes for Chloe and mga can goods at kung ano-ano pa. Pati mga prutas ay bumili din ako. Halos napuno ko ang tatlong pushcarts. Ibinigay ko sa tauhan ko ang isang card ko at pinabayaran ko na agad sa kanila ang lahat ng mga pinamili ko. "Hihintayin ko na lang kayo sa sasakyan ko. Kayo na ang magdala ng mga 'yan sa sasakyan ninyo at sumunod lang kayo sa akin kapag tapos na kayo diyan. Babalik tayo sa apartment complex." Sila ang private army ko na hindi ako iniiwanan, no matter what. They stay close, never losing sight of me, to ensure my protection. Ganyan sila sa akin, at kahit na ano ang iutos ko, susunod lang sila sa akin, kahit pa ang pumatąy ng mga taong tatarantado sa akin. Hindi naman nagtagal ang paghihintay ko at nakita ko na ang pagdating nila. Mabuti na lang at nakita ko kaninang umaga kung ano ang gatas na inihanda ni Emalyn na dinala niya sa yaya ng anak ni Agatha. 'Yung diaper naman ay puro branded ang binili ko para healthy sa skin ng bata. Hindi nagtagal ay tinutugpa na namin ang daan patungo ng apartment complex na tinutuluyan nila Agatha, hanggang sa nakarating din kami sa kanila. Gulat na gulat ang mga kaibigan ni Agatha ng makita nila ako. Hindi nila inaasahan na babalik ako ngayong araw na 'to. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit nandito akong muli at talagang gumastos pa ako para sa kanila. "Sir, may nakalimutan ho ba kayo?" Tanong ni Daisy. Napakamot ako ng aking ulo at napatingin ako sa mga tauhan ko ng sinimulan nilang ibaba ang maraming box na pinaglalagyan ng mga pinamili ko para sa kanila. "Uhm, may mga binili lang ako para sa inyo. I hope na okay lang. Pero kung ayaw naman ninyo ay..." "Naku sir, yummy! Pumasok kayo dito sa loob. Para ba sa amin ang lahat ng 'yan?" Napangiti naman ako at tumango ako sa kanila. Akala ko ay hindi nila tatanggapin dahil ang pagkakasabi sa akin ni Marcus ay hindi masyadong tumatanggap ng tulong ang mga ito mula kay Melanie dahil ayaw daw nilang umabuso. Kahit kasi hindi ako nagtatanong kay Marcus, panay ang sabi niya ng tungkol kay Agatha. Napatingin ako sa kuna, nakita ko ang anak ni Agatha na naglalaro ng maliliit na toys. Agad kong kinuha ang maliliit na laruan at inilayo ko sa bata. Delikado kasi ang mga maliliit na laruan sa mga batang katulad ni Chloe. Pwede nila itong malunok. "Hindi pwede sa bata ang ganito kaliit na laruan. Itong teddy bear na may marble eyes and nose, bawal din ang mga 'yan dahil kapag kinagat-kagat nila 'yan at natanggal sa pagkakatahi, pwede nilang malunok 'yan. Dapat naiisip ninyo ang kaligtasan ng bata. "Ay hala sir! Pasensya na ho, mga bigay lang ho kasi 'yan at wala naman kaming alam pa pagdating sa mga bata. Inilalayo naman 'yan ni Agatha, kaya lang iyak ng iyak si Chloe at gustong kuhanin ang mga laruan na 'yan. Ibinigay ho namin pero nakabantay naman ho kami." Tumango lang ako at simple akong ngumiti. Kinuha ko ang isang malaking box at inilabas ko ang maraming toys na suitable para sa edad ni Chloe. Inilagay ko isa-isa sa kuna at nakita ko kung paano matuwa ang bata. "Ilang taon na siya?" tanong ko. "One year and two months na siya. Naglalakad na ho 'yan at marami na rin nasasabi." Napangiti ako at napatitig ako sa mukha ng bata. Napakaganda ng batang ito at kamukhang-kamukha siya ni Agatha. Buti na lang at hindi nito nakuha ang mukha ng ama niya. Pero ang buhok niya, pareho kaming may pagka kulot. "Pwede ko ba siyang makarga? Pero kung hindi naman pwede ay okay lang din." "Oo naman ho. Wala namang masama kung kakargahin ninyo ang anak ni Agatha. Hindi ka naman mukhang holdaper kaya sige lang sir. Mabait naman ang batang 'yan at hindi naman iyakin. Kapag ayaw niya sa'yo ay iiyak lang naman 'yan, pero kapag gusto ka niya, lalaruin lang niya ang mukha mo." Natawa naman ako. Hinimas ko ang panga ko hanggang sa chin ko. Sinigurado ko na walang tumutusok na balbas. Buti na lang at nag-shave ako kanina. Humugot ako ng malalim na paghinga, pagkatapos ay dinukwang ko ito sa kuna at binuhat ko si Chloe. Pagkarga ko sa bata ay bigla niya akong niyakap sa leeg kaya napaawang ang labi ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit ang saya ng puso ko? Hindi ko maunawaan ang sarili ko, bakit parang gusto kong maiyak? Ipinapaalala lang ba nito sa akin ang nakaraan ko? Damn! "Sir Thomas, bakit para kang naestatwa diyan? Okay ka lang ho ba?" "Uhm, ano kasi... Natutuwa lang ako na hindi siya umiyak." Sagot ko kaya bahagya silang natawa. "Ay wow! Ang daming gatas at diapers ng bunso namin. May mga bagong damit pa si Chloe, ang gaganda!" Malakas na sabi ni Emalyn kaya napangiti ako. "Hello, kiddo!" Bulong ko. Hinawakan ko ang maliliit niyang mga daliri, pero ewan ko ba. Bakit ganito 'yung nararamdaman ko? Hindi ko maunawaan ang sarili ko. Bakit parang sasabog ang puso ko sa sobrang saya nito? "Dada..." Nagulat ako sa pagtawag niya sa akin ng dada, pero sa halip na mainis ako, bakit parang ang saya ko naman yata at nagawa ko pang tumawa. "Hala ka! Hindi 'yan ang dada mo, Chloe. Naku sir, pasensya na ho kayo. 'Yung pinsan kasi ng yaya niyan ay may gusto kay Agatha kaya nagpapatawag ng dada. Kaya ayun nasasanay na kapag may nakikitang lalaki dada tinatawag. Sinasaway nga ni Agatha at naiinis siya dahil tinuturuan ito ni Arnold na tumawag ng dada sa kanya." Sabi ni Daisy. Nakaramdam ako ng inis na marinig na may lalaking nagkakaroon ng interes kay Agatha. Naiinis din ako na nagpapatawag ito ng dada kay Chloe. Gusto yata ng lalaking 'yon na tuluyang mabura sa mundo. "Naku sir. Mukhang naiinis ka yata. Huwag kang mag-alala dahil hindi interesado duon si Agatha. Mahal na mahal nuon ang ama ni Chloe." Bigla akong natahimik ng marinig ko ang sinabi ni Emalyn. Parang may kung anong gumuhit na matalim sa puso ko na hindi ko maunawaan kung bakit. Damn it! Ano ba talaga ang nangyayari sa akin? "Kilala ba ninyo ang tatay ni Chloe?" "May larawan siyang ipinakita sa amin, gwapo pero mas gwapo ka sir. Hindi nga kamukha ni Chloe dahil si Agatha ang naging kamukha, pero kulot kaya iyon ang nakuha ni Chloe sa kanya." Tumango lang ako at tinitigan ko si Chloe. Napakagandang bata talaga nito. Ang mga mata niya ay kamukha ng mga mata ni Agatha, may pagka-abuhin na light brown. Magandang bata at makikitang magandang lahi talaga ang pinanggalingan nito. "You can call me dada." Bulong ko. Nagulat ako sa sinabi ko kay Chloe. Naipilig ko ang ulo ko. Nawawala na yata ako sa katinuan ko. Why did I tell this little girl she can call me 'Dada'? Damn myself! Napatingin ako sa dalawang kaibigan ni Agatha na nagbubungisngisan at nakatingin sa akin. Para tuloy akong natauhan at nagawa kong ibalik sa kuna si Chloe. Naupo na lang ako sa sofa at nakatitig na lang ako sa kuna habang pinagmamasdan ko ang anak ni Agatha na tuwang-tuwa sa mga laruan. Pero bigla akong napatingin sa hagdanan ng makarinig kami ng malakas na kalabog. Bigla tuloy akong napatayo. Ang dalawang kaibigan ni Agatha ay nagmamadaling umakyat sa itaas. Gusto ko sanang sumunod, pero walang magbabantay sa bata kaya nanatili ako dito sa ibaba. Pero hindi talaga ako mapakali kaya binuhat ko na lang si Chloe at umakyat na rin ako sa itaas. Inabutan ko sila na binubuhat ang kanilang kaibigan. Mukhang tumayo ito upang magbanyo, pero bumagsak sa sahig. Marahil ay nahilo ito. "Chadwick, hawakan mo muna si Chloe." Sabi ko sa pinuno ng army leader ko na nakasunod sa likuran ko. Pagkakuha niya ng bata ay agad kong binuhat si Agatha at maingat ko siyang inihiga sa kama. "Do you need to use the bathroom? I can carry you and take you there if you want." Napatitig siya sa akin. Duon lamang yata niya napagtanto kung sino ako at bigla niya akong itinulak, pero napasapo siya sa kanyang noo. Mukhang masakit din ang kanyang ulo. "Grabe ka naman maka-react besh! Si boss mo lang 'yan. Kaya bumaba 'yang lagnat mo dahil sa kanya. Ang galing kaya niya, sana makahanap din ako ng katulad niya," sabi ng kaibigan niya kaya napatawa ako ng mahina. "Huwag kang matakot, wala akong balak gawin na kahit na ano. Kailangan mo ba gumamit ng banyo? Kakargahin na lang kita para hindi ka mahilo." Bahagya siyang tumango sa akin at makikita sa mukha niya na nahihiya siya. Muli ko siyang binuhat at dinala ko siya sa loob ng banyo. Sinigurado ko na hindi siya babagsak bago ako lumabas, pero hindi ko isinara ng tuluyan ang pintuan. Nasa pintuan lang ako at nakatalikod na parang guard niya. Mayamaya lang din ay naririnig kong umiihi na siya. Mahina akong natawa ng marinig ko ang lagaslas ng ihi niya. Parang inipon niya ang ihi niya sa loob ng isang linggo at ngayon lang inilabas. Ganuon kalakas. "Huwag mo akong pagtawanan impakto ka! Kanina pa ako ihing-ihi, nagpipigil lang ako." Natawa ang mga kaibigan ni Agatha, ako naman ay itinikom ang bibig ko para hindi siya lalong magalit at baka mabinat pa, pero natatawa pa rin ako. Ang isa sa kaibigan ni Agatha ay kinuha na si Chloe at ibinaba na sa unang palapag. Pagkarinig ko ng flush ng toilet ay hinintay ko na lang na tawagin niya ako, pero hindi naman niya ako tinatawag kaya bigla akong lumingon. Nanlaking bigla ang mga mata ko sa nakita ko. "Bastos! Manyakis ka! Impakto ka!" Sigaw niya at galit na galit sa akin. Nagulat din ako. Hindi ko inaasahan na nagtataas pala siya ng panty. Malay ko ba! Akala ko ayaw lang niya akong tawagin. Pero nakita ko ang bagay na itinatago niya at makinis. Hindi katulad ng mga ibang babae, akala mo virgin forest sa sobrang lago ng hinaharap. Sa kanya makinis at mukhang alaga. Parang kay sarap... Hindi ko na lang itinuloy ang iniisip ko. Masyadong dumudumi ang utak ko. Pero damn! Parang ang yummy niya! Pati ang hita niya ang kinis!" "Nakita mo ba? Impakto ka, nakita mo ba?" "Hindi. Wala akong nakita, I swear!" Pagsisinungaling ko para hindi siya maalangan sa akin. "P-patulong," sabi niya kaya agad akong pumasok sa loob ng banyo. Binuhat ko siya at maingat ko siyang inihiga sa kama. "Chad, get out!" Maawtoridad kong sabi kaya agad itong lumabas sa isang utos ko lang. Walang tanong-tanong. Sumusunod lang siya sa mga ipinag-uutos ko. "Can I get you something to eat? Sabi ni Daisy, you haven’t eaten anything yet. You know, hindi 'yan makabubuti sa katawan mo." Nakatitig siya sa akin. Nakikita ko ang maraming katanungan, at higit sa lahat, nakikita ko ang takot sa mga mata niya. Takot saan? Sa akin ba dahil sa ginawa ko kagabi? "Can I have this moment, please? Gusto ko lang makausap si Agatha ng kaming dalawa lang," sabi ko sa isang kaibigan niya na kasama namin dito sa silid. Pagkaalis nito ay ngumiti ako kay Agatha. "I'm sorry sa nangyari kagabi. Nakainom lang ako, kaya huwag mo akong katakutan. Magpagaling ka, huwag mong pababayaan ang sarili mo dahil kailangan ka ng anak mo. Kung ako ang dahilan kung bakit ka nagkasakit, humihingi ako ng despensa sa nagawa ko." Hinimas ko ang kanyang mukha, inalis ko ang hibla ng buhok na nakatabing sa kanyang mukha. Naglilikot ang kanyang mga mata at hindi niya magawang tumingin sa akin. Isang dampi ng halik ang iginawad ko sa labi niya kaya bigla akong napatayo. Gulat na gulat ako. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin at bigla na lang akong nanghahalik. Maging siya ay nagulat kaya panay ang hingi ko ng paumanhin. "Simpleng manyakis. Hindi pa nga ako nagsisipilyo, nakatuka ka na agad." Sabi niya kaya kumunot ang noo ko. "So, kung magsisipilyo ka ngayon, pwede pa akong humalik?" "Oo naman! Sa puwit ng aso. Gusto mo? Pasalamat ka nanghihina ako, kung hindi kanina pa kita sinuntok diyan sa nguso mo." Natawa tuloy ako at muli akong naupo sa gilid ng kama. Kinumutan ko siya at saka ko inayos ang kanyang unan. "Ang cute mo pala kapag naiinis. May utang ka sa akin. Hindi ako pumasok ngayon dahil sa'yo." Napatitig siya sa akin, maraming katanungan sa kanyang mga mata ang nais niyang itanong sa akin. "Bakit mo ito ginagawa?" "Hindi ko rin alam kung bakit ko ito ginagawa. I just found myself here to make sure you are okay." Isang tipid na ngiti ang isinagot niya. Naguguluhan ako sa sarili ko. Bakit nagkakaganito ako? Bigla akong tumayo kaya napatingin siya sa akin. Humugot ako ng malalim na paghinga at nagpaalam na ako sa kanya. "Bumalik ka na lang sa trabaho mo kapag maayos na ang pakiramdam mo." Ngumiti siya sa akin at nagpasalamat. Ngayon ko lang siya nakita na nginitian ako ng matamis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD