❀⊱Agatha's POV⊰❀ Nagkululong lang ako lagi sa silid ko. Iyak lang ako ng iyak. Kasama ko sa aking silid ang dalawang kaibigan ko, dito sila natutulog pansamantala upang samahan ako at damayan. Wala sila ngayon dito, hapon na at hindi ko alam kung nasa ibaba lang ba sila o pumasok sila sa trabaho. Ayokong lumabas ng silid ko, ayokong makarinig ng kahit na anong tsismis sa labas. Ilang araw ng ako ang laman ng usap-usapan sa labas. Mga maling paratang nila sa akin na pineperahan ko lang daw si Thomas. Puro kasinungalingan ang lumalabas sa kanilang mga bibig kaya mas ginusto ko na magkulong na lamang ako. Muling tumulo ang aking mga luha, kasalanan ko ang lahat ng nangyayari sa akin ngayon. Dapat nuong una palang ay umamin na ako kay Thomas para naiwasan sana ang ganitong pangyayari. Alam k