IT'S BEEN 30 minutes but they can't still find Tres, magkahalong pag aalala at galit ang nararamdaman ni Brandon ng mga sandaling iyun. Pumunta na sila sa malapit na floor ng hotel room na pinili niya pero hindi pa din niya makita si Tres, pinacheck niya din sa CCTV pero matagal pa bago mahanap dahil marami ang floor ng hotel na ito. Kung ano ano na ang pumapasok sa utak niya mga di magandang pangyayari, 'di niya mapapatawad ang sarili pag may mangyaring masama sa anak. Huminga siya ng malalim at sinandal ang ulo sa dingding ng CCTV room. Pilit niyang pinapakalma ang sarili at maka isip ng solusyon. Paniguradong hindi pa nakakalayo si Tres basta wala lang may kumuha rito. Mamaya pa ng desisyon siyang tawagan na ang kaibigan niyang police at kanina. Tumulong na din ang security ng hotel sa paghahanap, kung kailangan niyang baliktarin ang hotel gagawin niya.
"I'm sorry, Daddy." umiiyak na sabi ni Tristan at yumakap sa binti niya.
Nagbaba siya ng tingin at hinaplos ang buhok ng anak at umupo siya para makatapat ang mukha nila ng anak.
"Shhh, don't cry, it's not your fault, we will find your brother, so don't worry," malumanay na sabi niya at niyakap ang anak.
Hinaplos-haplos niya ang likod nito upang patahanin ito sa pag iyak. Sa dalawa si Tristan talaga ang malambing, iyakin at makulit habang si Tres naman ay tahimik at madalang lang kung malambing. Sabi nga ng kanyang ina namana ni Tres ang ugali niyang seryoso, 'di pala ngiti at 'di din pala salita at si Tristan naman ay sa ina nito. Tristina is very sweet, makulit at maasikaso, kaya mahal na mahal niya ang asawa kaya nga kahit matagal nang patay ito kailan man 'di niya inanais na maghanap ng iba because for him Tristina is the only woman he can love but if someday maghahanap ng bagong ina ang mga anak niya, maybe he will marry someone who will treasure his son's as the way he did at ang babaeng iyon ay dapat gustong-gusto ng kambal. Hindi man sabihin ng mga anak niya, alam niyang they also wants love and attention from a mother.
"Sir, we haven't found any trace of your child being kidnapped."
Napa-angat siya ng tingin nang marinig ang boses ng lalaking naka assign sa pag monitor ng CCTV.
"Then tell the security team to search each room of this hotel because if my son's life will be endangered l swear, this hotel will be closed!" matigas na utos niya.
Nakita niyang napalunok ang kaharap at agad na sinunod ang kanyang utos. Tumayo siya at hinawakan sa kamay at hinila palabas pero lumingon muna siya sa lalaking kausap niya kanina.
"If you find something, call me," seryosong sabi niya at tumalikod.
Tumungo siya sa C.R at lumabas din iniisip niya kung saan ang maaring puntahan ni Tres. Nakita niya ang elevator tumungo siya roon at sinuri ang mga bottom, nakita niyang parang may naiwan na finger print at maliit ang kamay na iyun.
Bigo, mukhang sumakay dito ang anak niya kaya nag desisyon siyang sumakay sa elevator. Mamaya pa bumukas iyun kaagad siya pumasok at binuhat si Tristan na ngayon ay namumula ang mga pisngi at namamaga ang mga mata naawa siya sa anak. Yumakap ito sa kanya at binaon ang ulo sa balikat niya, hinaplos niya ang likod nito. Gustuhin man niyang mag wala hindi niya magagawa sapagkat baka matakot si Tristan at kung ano pa ang isipin.
Pagkalabas niya sa elevator, tumungo siya sa pinakamalapit na room para mag tanong, akmang kakatok siya nang biglang bumukas ang pinto at lumabas ang galit na galit na itsura ng babae habang naka hawak ang isang kamay nito sa buhok ng isa pang babae. Napa atras siya at napalunok sa nasaksihan lalo na ng pigilan ng isang lalaking naka tagpis lang ng tuwalya ang babaeng humihila sa buhok ng isa. Tinakpan niya ang mga mata anak at humakbang para lagpasan ang mga ito pero kahit malayo siya rinig narinig niya ang siyaw ng babae.
"KAYA PALA HINDI KA SUMASAGOT NG TAWAGAN KITA KASI NAG PAKASARAP KA SA KANDUNGAN NG MALANDING BABAENG ITO!" malakas na singhal ng babae.
"Tumigil ka na, Munique! Hindi na ikaw ang mahal ko, si Annie na, ba't ba ayaw mo akong tigilan ha? Mahiya ka naman sa sarili mo," mariing katwiran ng lalaki.
"Aba! So, ako pa ngayon ang lumabas na kontrabida sa love story niyong dalawa? Gago! Kung 'di mo na pala ako mahal ba't 'di mo sinabi agad edi sana 'di na ako nag pakahirap at nagtrabahong yaya para makasunod lang sa iyo rito, Jake!"
Napailing na lamang siya sa narinig at nasaksihan, marami talagang manloloko kauri niya, kaya 'di na siya nagtataka kung tumataas ang standard ng mga babae.
"Daddy, are they fighting?" mahinang tanong anak niya.
"Don't mind them," he replied.
Napalingon siya nang marinig niya ang malakas na tunog, napabuntong hininga siya ng malamang sinampal ng babaeng Munique ang pangalan ng lalaking ng ngangalang si Jake. Parang nanood lang siya ng Movie sa nasaksihan. Nagpatuloy na siya sa paglalakad, tama na ang pakikiusyoso niya sa buhay ng mga ito. Kailangan pa niya hanapin ang anak niya, he will find him no matter what.
Inisa isa niya ang kada hotel room nadinadaan niya para malaman kung naroon ba ang anak baka kasi tinago ito ng iba. Kasama na niya ngayon ang ibang security at ang iba ay nasa kada floor, naka block na din ang exist, walang lalabas hanggang hindi pa nila nahahanap ang anak niya. Dahil sa nangyari itong naisip niya lagyan ng tracker ang mga relo na suot ng mga anak niya sa susunod para kung mawala man ulit madali niya na lang mahahanap. The police has been arrive too, they also help to find his son. He will do everything to make his son's safe because he is a father and a father should protect his children in any situation, it's called Father love.
...
Binibining Mary