HINDI sana mag-d-duty ngayong gabi si Chris dahil masama ang pakiramdam niya at nanghihina siya sapagkat 'di maalis ang takot niya na baka ano mangyayaring masama sa Tatay niya pero naisip niya baka mas lalo lang siya malungkot pag tumambay siya sa bahay kaya heto siya nasa hotel na. Suminghot siya at naghilamos. Halatang galing siya sa pag iyak dahil namumula at namamaga ang mga mata niya at ilong. Bumuntonghininga siya, bakit ngayon pa nangyayari ang mga kamalasan sa buhay niya? Bakit kailangan niya maranasan ang hirap na ito? Bakit? Buong buhay niya never pa siya lumigaya puro pasakit at problema lang ang dumating sa kanya. Minsan napaisip siya tuloy, hindi ba siya deserving maging masaya? Pinaglihi ba siya sa ampalaya kaya ganito kapait ang buhay niya? Kailan pa kaya siya mabubuhay na walang inaalala. Bumuntong hininga siya sa sobrang lungkot nararamdaman ng sandaling iyon.
"Ang lalim ah, may problema ka ba? Iniwan ka ng boyfriend mo? O niloko ka?" usisa ni Munique ang kaibigan niyang kakarating lang.
Kasama niya ito sa trabaho bilang housekeeper, kaibigan niya ito mula pa noong college sila. Isa rin itong Filipina at iisa lang sila ng pinanggalingan sa Iloilo din kasi ang probinsya nito.
"Oh natulala ka diyan? 'Di mo tanggap na iniwan ka?"
Napatingin siya sa kaibigan. "Ano pinagsasabi mo riyan, hindi ako iniwan o niloko, alam mo namang wala akong nobyo mula pa noon hanggang ngayon."
Inirapan siya ng kaibigan. "Paano ba kasi puro trabaho na lang inaatupag mo daig mo pa may sampung anak kung kumayod ka, paalala ko lang sa iyo, mare. Na ang matris nating mga babae ay may expiration, kaya't lumandi ka din habang 'di pa nabubulok 'yang flower mo!"
Siya naman ngayon ang napa irap. "Hay naku, Munique, Huwag mo nga ako itulad sa iyo na palit-palit ang nobyo kada buwan. Saka malaki ang problema ko ngayon wala pa akong time para diyan," humina ang boses niya sa pag huling sinabi.
Minasdan siya ni Munique mula ulo hanggang paa tapos nilagay nito ang braso sa dibdib.
"Umiiyak ka no? Ano ba kasi nangyari?" seryosong tanong nito.
Nagbaba siya ng tingin at suminghot bago sumagot, "Na aksidente ang tatay ko at-at nasa emergency room siya sa mga sandaling ito. Gustong gusto kong umuwi para puntahan siya at si nanay pero hindi pwede, nag aagaw buhay ngayon ang ama ko pero wala ako doon sa tabi niya! 'Di ko alam kung ano gagawin ko, Munique," umiiyak na paliwanang niya sabay lagay ng kamay niya sa mukha niya upang itago ang itsura niya.
Natahimik ang kaibigan marahil ay nagulat ito sa narinig maging siya ay nagulat din sa nalaman at halos ayaw pang tanggapin ng utak niya pero iyun ang katotohanan at kailangan niya iyong harapan. Mamaya ay nararamdaman niyang niyakap siya ni Munique at hinaplos nito ang likod niya.
"Tahan na, I'm sorry 'di ko alam, kung kailangan mo ng kausap o pera sabihin mo lang ako, handa akong tulong, Chris," pabulong na sabi ni Munique at niyakap siya ng mahigpit.
"Salamat, Nic." pasasalamat niya at kumawala na sa kaibigan.
Inabutan siya ni Munique ng tissue na kaagad naman niyang kinuha.
"Tama na ang pag iyak, papanget ka niyan, huwag ka masyadong mag-alala, may awa ang diyos, 'di niya pababayaan ang tatay mo kaya magtiwala ka sa kanya," mahinahong pahayag ni Munique.
Suminghot siya at pinahid ang luhang nalaglag sa pisngi niya.
"Tama ka, siya na lang bahala sa tatay ko."
Niyakap siya ni Munique ulit. "Iyan nga huwag ka mawalan ng pag asa, mabuti pa siguro umuwi ka na lang at magpahinga, ako na bahala sa rooms naka assign sa iyo."
Umiling iling siya. "Hindi kailangan, kaya ko pa naman saka mas lalo lang ako madedepress pag nasa sa bahay ako," katwiran niya.
Bumuntong hininga ang babae. "Sige, ikaw ang bahala."
Ngumiti siya ng tipid, mamaya pa ay inayos na nila ang kanilang kagamitan sa paglilinis at tumungo sa kanya kanyang assign room.
***
MAKARAAN ang ilang oras, natapos na din niya sa wakas linisin ang lahat ng rooms naka assign sa kanya, nasa corridor na siya ngayon habang tulak-tulak ang cart. Nang papalapit na siya sa elevator bigla niyang naalala ang kanyang ama. Tumingala siya para huwag malaglag ang luha sa kanyang pisngi. Mamaya pa ay tumunog na elevator, tinulak niya papasok ang cart at tumayo sa gilid niyun, siya lang mag isa ang nakasakay. When elevator door is about to closed nahagip ng mga mata niya ang isang batang lalaki nakatayo sa hagdan at mukhang baba ito ngunit 'di maabot ng maliit na paa nito ang baitang. Nanlaki ang mga mata niya sapagkat delikado ang ginawa nito, walang pag aalinlangan binitiwan niya ang cart at mabilis na tinakbo ang pagitan nila. Mabilis na niyakap niya ang bata nang ma-out balance ito sa sobrang pilit nito sa pagbaba sa ikalawang baitang ng hagdan. Dahil sa mabilis ang kilos niya natumba siya sahig pero ginawa niya ang lahat para 'di masaktan ang bata. Mabilis na bumangon siya at hinarap ang bata, bumukad sa kanya ang gwapong mukha nito. Wala emosyun ang mukha nito, kulay brown ang mga mata nito na tila ba inaakit kang mapatitig doon. Hinawakan niya ang pisngi ng bata.
"Are you okay?" puno ng pag-alalang tanong niya rito.
Tumango ito, nagtatakang minasdan niya ito at tinaas ang kamay nito kaliwa't kanan upang suriin kung may sugat ba ito o wala.
"Are hurt or not?" tanong niya muli.
Nagulat siya nang biglang pumula ang pisngi ng bata at umiyak ito. Sa sobrang pag alala ay niyakap niya ang bata.
"Shhh, it's okay, you're safe now. Everything will be fine, so, stop crying now, I'm here, nobody can hurt you as long as I'm here," masuyong bulong niya sa bata at hinaplos haplos ang likod nito.
Nagulat siya ng yumakap ito sa kanya, binaon nito ang mukha sa leeg niya at tumahan na ito.
"Where's your Dad? Are you alone?" mahinahong tanong niya.
Wala siyang nakuhang sagot, mukhang na-shock ito kaya hindi niya na lang pinilit na sumagot dadalhin niya na lang ito mamaya sa receptionist. Meeting this cute little one, make her forget her worries.
…
Binibining Mary ✍️