DINALA niya ang bata sa bandang gilid dahil delikado kung mananatili sila roon sa tabi ng hagdan. Umiiyak pa din ito, kaya hinaplos haplos niya ang likod ng bata nakayakap ngayon sa leeg niya.
"Shhh, it's alright, you are safe now, don't worry, l will help you find your parent's, so could you tell me their names?" malumanay na sabi niya.
Gaya kanina wala pa din siyang nakuhang sagot, napabuntong hininga siya, nag iisip niya ng paraan para kausapin siya ng bata at patigilin ito sa pag iyak, akmang magsasalita siya nang marinig niya ang tunog ng cellphone niya. Kinapa niya ang bulsa at inabot ang cellphone, napakunot noo niya ng makita ang pangalan ng caller, si Munique iyun.
"Ano na naman kaya ang kailangan ng bruhang ito sa akin? Eh nagkita na kami kanina," tanong niya sa hangin bago pindutin ang answer bottom.
"Hello, napatawag ka?" malumanay na bukad niya.
Narinig niya ang pag hikbi ng babae, kaya mas lalo siyang nagtaka. Ano nanaman kaya ang drama nito at umiiyak ito ngayon.
"Hoy! Iiyak ka na lang ba riyan? Ano nangyari sa iyo?" nauubusan ng pasensyang usisa niya.
"Iyong boyfriend kong kinikwento ko sa iyo na dahilan ng pagpunta ko dito nagkita na kami," umiiyak na panimula nito.
Napataas kilay niya. "Oh tapos? Naiyak ka sa saya gano'n ba?"
"HINDI! Chris, niloko niya ako! Kaya pala 'di siya sumasagot sa tawag ko iyun pala meron na siyang ibang babae rito! At ako pa sinisi ng gago!" pahayag ng kaibigan.
"Talaga? Paano mo nalaman na niloloko ka niya?" interesadong tanong niya.
Hindi naman sa chismosa siya pero parang ganun na nga. Narinig niyang bumuntong hininga ang kaibigan sa kabilang linya.
"Isa sa mga room kung saan ako naka assign na maglinis, ang room na naka check in ang dalawa kaya nahuli ko sila, mga baboy sila, Chris!" medyo tumaas ang boses na sagot ng kaibigan.
Napa tampal siya sa ulo, ba't parang puro masamang balita ang natatanggap niya sa araw na ito? Ba't puro iyak, lungkot at sakit ang nakasalubong niyang pakiramdam.
"Chris nandiyan ka ba?" mamaya ay narinig niyang tanong ng babae.
Pumikit siya. "Oo, so, ano ginawa mo?"
Knowing Munique hindi iyun magpapa api panigurado may ginawa ito.
"Sinampal ko si Jake, kinalakadkad ko ang malandi niyang babae palabas sa hotel room nila naka tagpis lang ng kumot, kung pwede ko lang siyang kalbuhin ay ginawa ko na kaso baka madumihan lang kamay ko," mahabang paliwanag nito.
Natawa siya ng mahina. "Buti ginawa mo iyun, oo pala nasaan ka ngayon?"
"Uuwi na ako, maaga ko natapos ang ang naka assign na task sa akin saka mag-b-bar ako para mag-celebrate dahil single na ako, pwede na ako humanap ng bagong papa. Akala ata ni Jake, kawalan siya, huh! Asa siya, marami ang lalaki sa mundo no, sa ganda kong 'to makakahanap pa ako ng mas higit pa sa kanya."
'Di niya maiwasang mapangiti sa narinig, si Munique talaga ang tipo ng babae na 'di nagpapatalo at laging team positive.
"Gano'n ba, sige mag-ingat ka at mag enjoy," aniya at binababa na ang tawag.
Napatingin siya sa batang inosenteng nakatingin na sa kanya ngayon meron pang luha ang mga mata nito. Namumula ang pisngi nito at ilong, kay gwapo at cute nito tingnan. Kinuha niya ang panyo nasa bulsa niya at marahang pinunasan ang luha ng bata at sinuklay-suklay ang buhok nito. Tahimik nakamasid lang ito sa kanya, nababasa niya sa mga mata nitong nagugustuhan nito ang ginagawa niya. Ngitian niya ang bata at hinaplos ang pisngi nito.
"Are you okay now?" masuyong tanong niya.
Tumango ito at inabot ang pisngi niya saka hinaplos iyun, napapikit na lamang siya sa kakaibang init na humaplos sa puso niya.
Hindi niya maiwasang maisip ang mga kapatid niya sa Pilipinas, rati-rati siya ang tumayong ina at ama sa mga nakakabata niyang kapatid sapagkat noong nagtrabaho sa abroad ang kanyang lna upang matustusan ang pag aaral niya sa kolehiyo dahil nag aaral siya sa isang private school dahil doon niya talaga pangarap maka pagtapos, nakakuha siya ng scholarship kaso half lang ang ma-c-cover. Muntik na noon magkahiwalay ang kanyang mga magulang dahil sa pera, sapagkat malayo ang mga ito sa isa't isa, nababawasan ang tiwala at pagmamahal ng mga ito sa bawat isa. Lumayas ang tatay niya sa kanila sapagkat nag away ang mga ito, her mother on other side, tried to convince her father to go home kasi wala silang makakasama sa bahay. Ngunit her father refuse to obey her mother kasi pakiramdam noon ng Tatay niya hindi na ito pinapakinggan ng ina niya dahil puro na lang ang ina niya ang nasusunod. Siguro 'di iyun matanggap ng Tatay niya dahil ito ang lalaki at ang pader ng tahanan. Halos isang taon din ang itinagal ng pagiging ina at ama niya sa mga kapatid niya, siya ang naglalaba, nagluluto at kung ano ano pang ginawa ng isang nanay. Mahirap dahil nag aaral pa siya at nag siside line magtrabaho pero kinaya niya para sa mga kapatid niya.
Napakurap-kurap siyang nararamdaman niya ang maliit na kamay na lumapat sa pisngi niya at ang kasunod noon ay ang malambot at mainit na labi ng bata na dumampi sa kanyang pisngi at noon. Napatingin siya sa bata ngumiti ito sa kanya sabay pahid ng luhang pumatak sa pisngi niya, 'di niya alam pero mas lalo siya naiyak dahil ngayon lang niya nararamdaman ang ganito ka sincere na pag comfort at sa isang bata pa.
"Thank you," pabulong na sabi niya at hinalikan ang pisngi nito.
Hindi ito sumagot yumakap lang ito sa kanya, mamaya pa ay binuhat niya ang bata patungong elevator para dalhin na ito sa front desk baka kasi hinahanap na ito ng mga magulang nito. Habang tinatahak nila ang daan patungo sa elevator 'di niya maiwasang malungkot sapagkat kung makakabalik na ang bata sa magulang nito, 'di na niya ito makikita pa, sana man lang malaman niya ang pangalan nito. He is sweet kid kahit di ito pala salita pinaparamdam naman nito. She wish, he make him feel better.
…
Binibining Mary