"Talaga ba? Ang swerte mo naman, kasi ikaw lang ang nakakaakyat dun tas magkatabi pa kayo ng kwarto. Kapag maayos ang mood ni sir, banggitin mo naman ang pangalan ko Sa kanya." Sabi ng dalaga. "Ha? Para san naman?" "Alam mo na? Malay mo, magkatuluyan kami ni sir." Hagikhik pa nito. "Naku wag mo na pangarapin." Natatawang sabi nito. "Nakakainis naman kayo, parehas kayo ni Manang Serna. Bakit kayo ganyan, panget ba ako? Maitim ba ako? Hindi ba ako sexy? O wag ka na sumagot, hindi na ako magtatanung baka sumagot ka pa ng oo." "Hindi sa ganun, basta malalaman mo din." "Oo nga pala, hindi pa pala ako nakakapagpakilala. Ako nga pala si Carmina, tingin ko naman magkaedad lang tayo. Yung tagaluto si Manang Serna, at yung guard si manong Jose. Sya yung pinakamatagal na dito kaya kita mo nama