"Ang laki naman talaga ng bahay na to! Buti pa tong lalaking to, parelax relax lang. Teka nasan na ba yun! wala namang tao." Umakyat pa si Mariah sa hagdan dahil pangalawang palapag pa ito. "Lalalalala-lalala- lala." Si Alexander na pakanta-kanta habang naglalagay at pumapahid ng sunscreen sa buong katawan. Nakahiga malapit sa swimming pool at nakasuot lang ng maiksing cycling. May sumbrero pa ito sa ulo na mas nagmumukhang beki. Pagdating nya sa taas ay kamuntikan na nyang mabitawan ang dalang juice at sandwiches. At nagtama pa ang paningin ng dalawa. "Ahhhhhhhhhh!" Malakas na sigaw ng mga ito. "Don't look!!! Sandali, magdadamit ako! Tumalikod kaaaa!" Sigaw nito kay Mariah habang takip ang katawan gamit ang dalawang kamay. Nakatalikod lang si Mariah at panay pa ang pagsign of t