CHAPTER 29

1500 Words

"Hanggang ngayon nakakulong pa din sa kwarto." Inaabot sa kanya ang tray na may nakalagay na juice at salad sandwich. Kinuha ito ni Mariah at isiningit nya sa pgitan ng kilikili nya ang laptop. Hindi nya na nakita sa garden ang maglola kaya pumunta sya sa sala at nadatnan nya doon si Alexander. "Senyorito, san na po si Senyora? Heto may meryenda akong dala. At saka may nahanap na po ako dun sa inutos nyo." "Agad-agad? Ang bilis naman." Lingon nito sa kanya. Umupo si Mariah sa harap na bangko ni Alexander at ipinatong sa maliit na lamesita ang laptop nito. "Tignan nyo po ito, nagsent lang po ako ng email sa kanya then pumayag agad sya. Itong artist naman na ito, isang sikat na band dito sa Makati. Pero syempre po, mas importante ang approval nyo kung okey sa inyo ang mga kinuha ko."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD