Nakikita naman ni Mariah na masaya ang amo nya sa ginagawa nito. Lingid kasi sa kaalaman ng dalaga sadyang malapit ang loob ng binata sa mga bata lalo na sa mga ulila na sa magulang. Naghanda din ang mga tao doon ng mga pagkaing pagsasaluhan nila. Ilang oras din bago natapos ang project ni Alexander kaya pagod na pagod ang binata na nilibot ang buong compound ng lugar. Maging si Mariah ay ganun din Lalo na at naka heels sya. Alas kwatro ng hapon nagpasya na umuwi ang lahat. Pinuri naman Isa isa ni Alexander ang mga kasama nya at si Mariah. Nagpasalamat din sila sa mainit na pagtanggap. Hindi na dumiritso pa sa opisina sina Alexander at Mariah kundi dumiritso na sa pag uwi. Habang nasa byahe ay nakatulog na si Mariah. Sinusulyapan lang ito ni Alex sa kanyang salamin. Mabilis lang sila nak