Natawa nalang ang tatlo sa kinilos nito. Thirty minutes Bago natapos ang lahat. "Oh ayan. Ang ganda mo lalo iha." Puna ng babaeng nag-ayos sa kanya. Tinignan ni Mariah ang sarili sa salamin. Maging sya ay hindi nya nakilala ang sarili nya. Simple lang naman ito, ayaw din kasi ni Mariah na mabago at matakpan ng make up ang totoong hitsura nya. Dahil naka mascara sila, mas pinili nila na ikulot ang buhok ni Mariah lalo na at mahaba ito. Ipinasuot na din nila kay Mariah ang dress nito. Fitted na tube maxi dress iyon at may mahabang slit sa may bandang kanan na hita. Ipinasuot na din sa kamay nya ang lace para mas bumagay sa suot nya. Pabalik na din si Carmina sa sala ng makita si Mariah at malayo palang ay nakabuka na ang bibig nito sa subrang mangha. "Girl ang ganda mo!!!" Hawak-hawak