Pagdating sa bahay at nakaramdam agad ng gutom si Mariah. Si Alexander ay dumiritso sa kanyang lola. "Pasok, bukas yan." Sigaw ng matanda mula sa loob ng kwarto dahil kumakatok si Alex sa labas. Pagpasok ng binata ay sinalubong sya ng lola nito sabay halik sa magkabilang pisngi. "How's your day, apo?" Si Senyora Molly na abala nun sa pag-aayos ng mga damit nya. Humiga si Alexander sa kama nito. "Pakiramdam ko napagod ako grandma. Pero wala naman po akong ginawa." "Madami ka siguro iniisip kaya pakiramdam mo pagod ka." "Really?" Napabangon si Alex ng marinig na nag-riring ang phone nito at agad na kinuha at sinagot. Tumatawag ang mommy nya. "Hey mom!" "Anak ko. Wait, is that your grandma's room?" Tanung ng ina nito nang makita ang ilang disenyo ng kwarto. "Yes. She's here." At l