NAGISING si Sybil nang may ngiti sa kanyang mga labi. She just had the best dream ever. Magkasama daw sila ni Jun sa isang dalampasigan. Magkahawak kamay. Nagtatawanan. Isang napakagandang panaginip na alam niyang malapit nang matupad. Napalingon siya sa kanyang tabi at doon na niya nalaman na nag-iisa lang siya sa kama. She then smelta faint aroma of fried bacon in the air. Malamang ay nagluluto na si Jun. How sweet naman! Sa unang pagkakataon ay magkakasalo sila sa agahan bilang magkasintahan. Just the idea of it makes her squirm under the blanket. Nagmadaling nagbihis si Sybil upang puntahan na ito sa kusina. Pero wala siyang naabutan sa kusina kung hindi ang nakahaing pagkain sa mesa. She went inside Jun’s room pero wala rin ito roon. Doon na niya napagdesisyunang lumabas ng baha