CHAPTER 16

1073 Words

KAKABABA lang ni Sybil mula sa sinakyang taxi nang makitang mayroong isa pang taxi na paparating. Nagmadali siyang bayaran ang sinakyang taxi at nang makapasok na sa bahay niya. Pero bago pa man siya makatapak sa loob ng bahay ay may humawak na sa braso niya.Walang iba kung hindi ang lalaking nagpasabog ng rebelasyon kanina sa birthday ni Karen. “Let me go, Jun.” Matigas niyang sabi rito habang pilit na hinihila ang braso. “Not until you talk to me,” tila nagsusumamong sagot ni Jun. “Lasing ka kanina. You didn’t mean what you said.” “I meant every single word I said… I love—” “Please, Jun! Utang na loob…tama na.” Balot na ng pangamba ang kanyang puso. Kaunti na lamang kasi ay maniniwala na talaga siya rito. “Please, Sybil. Makinig ka naman sa akin.” “Para saan pa? There’s no use.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD