Mabilis ang pagkusot ng mukha ni Max nang bumukas ang pinto ng kanyang opisina, at iniluwal noon ang limang lalake.
Nagtatawanan pa ito habang nagtutulakan papasok, ni hindi na nagpaalam at tuloy-tuloy lamang sa pag-upo sa sofa ang tatlo, habang ang dalawa naman ay nagtungo sa upuan sa mismong harap ng kanyang lamesa.
Ipinagkibit balikat niya na lang ang mga ito at nagbalik atensyon sa mga dokumento na binabasa.
Pasimple niyang binalingan ang lima nang biglang manahimik ang silid. At nang makita niyang walang tigil ang mga ito sa paglalakbay ng tingin sa kanyang opisina ay hindi na siya nakapagpigil.
“Don’t you guys have anything better to do?”
Malamig niyang sambit sabay kunot ng noo. Marahan niyang ibinaba ang binabasa upang mas mapagtuunan ng pansin ang mga ito.
“We just came here to check on you.”
Isang malokong ngisi ang ipinukol ng kakambal na si Michael sa kanya pakatalumbaba sa mesa.
“We heard you finally got a secretary?”
Pinaglaro naman ng kaibigan na si Tristan ang kilay nito habang pinapakatitigan siya.
Ganoon na lang tuloy ang lalong pagkusot ng mukha ni Max nang mapagtanto ang dahilan ng pagpunta ng mga ito roon.
“Yes, why is this important now?”
Turan niya dahil sa kalituhan, dulot na rin ng mga makahulugan at seryosong tingin ng mga kaibigan sa kanya.
Nagpapalipat-lipat pa ito ng mga tingin, bawat isa ay may kanya-kanyang nakakalokong ngisi.
“That’s why Larissa’s so pissed.”
Biglang halakhak na lang ng malakas ng kaibigan niyang si Kenneth.
Nagsunuran naman ang iba nilang mga kasama. Pati ang kanyang kakambal ay napapalatak na lang sa kinuupuan nito.
Doon na napagtanto ni Max kung kanino nagmula ang naturang balita at dahilan ng pagpunta ng mga ito sa kanyang opisina.
“Well, she has no say in my choice of employees.”
Pagkikibit balikat na lang niya.
Ibinalik na lang niya ang pansin sa dokumento kanina dahil sigurado niyang aalaskahin lang siya ng mga ito, dahil na rin sa naturang babae.
“We heard she’s under qualified.”
Malokong ngisi naman ng barkada na si Philip na nagbato ng isang nanunuyang tingin.
Doon nagpantig ang kanyang tenga, mabilis tinunton ng nanlilisik niyang mga mata ang kakambal. Mabilis naman itong nagkibit balikat, nagsasabing wala itong kinalaman sa sinasabi ng mga kaibigan nila.
“Who told you that?”
Tiim bagang na sambit na lang ni Max.
Naroon na ang kaba niya at takot na baka mabulilyaso ang lahat ng kanyang binabalak nang dahil lamang sa bagay na iyon.
“So, it’s true.”
Nanlalaking mata na sambit na lang ni Michael, naroon man ang kung anong tuwa nito, pero mas nangingibabaw ang pagkagulat.
“Yeah, suck on that!”
Mabilis na tumalon ang makulit nilang kaibigan na si Alvin sa kinuupuan nito, napasuntok pa ito sa hangin ng dahil sa kung anong tuwa bago mapang-asar na kinaldagan ang mga kaibigan.
Napasapo na lang si Michael at Kenneth, habang si Philip at Tristan naman ay hindi matigil sa kakatawa.
“Pare, what happened to keeping our standards?”
Tila sermon na lang ni Kenneth na pinandidilatan na siya ng mata ng mga oras na iyon.
Doon nahimasmasan si Max nang mapagtanto ang dahilan ng lahat. At ang naging mitsa noon ay ang paglalabas ng mga checke ng mga ito.
“I don’t need to explain myself to you guys.”
Walang gana na lang niyang paypay ng kamay bago sumandal sa upuan. Pero sa likod ng tila kawalan niyang ng pakialam ay naroon ang paghinga niya ng maluwag.
Mukhang napagdiskitahan lang pala siyang pagpustahan ng mga ito, taliwas sa iniisip niya kanina.
“Then what prompted you to hire her?”
Tinapunan siya ni Tristan ng makahulugan tingin na mayroon nakakalokong ngisi, naroon pa ang pagtaas ng isang kilay nito habang napapakamot sa baba.
Agad na lang kinunotan ni Max ng noo ang kaibigan, base na rin sa pagkakakilala niya rito, alam niya na kung ano ang tumatakbo sa utak nito.
“If your thinking what I’m thinking, then you guys are out of your minds. I ain’t stooping down to your level.”
Mabilis niyang bara rito dulot na rin ng pagka-irita, lalo pa nang mapansin ang makukulit na pagpapalitan ng tingin ng mga ito.
“I got to meet this girl that made the great Max Volkov break his own rules.”
Ngiting turan ni Philip na napapatango, may kung anong interest at pagkamangha sa mga expression nito habang nagpipigil ng ngiti.
“I’m still keeping our company’s standards, I hired her because she’s a special case, and she’s only a part-time employee.”
Buntong hininga na lang ni Max habang napapahilot na sa sintido, nakakadama na siya ng bahagyang sakit ng ulo, lalo pa at tila hindi na nawawala sa isip ng mga ito ang probabilidad na gagawa siya ng kalokohan.
“Oh, a special case.”
Mapanuyang ulit ni Tristan na bumaling sa mga kaibigan nila.
“Sabi mo eh.”
Bungisngis na saunod naman ni Alvin na pinaglaro pa ang mga kilay habang nakikipagpalitan ng malolokong tingin sa mga kasama.
Napasapo na lang si Max sa mukha dahil sa inis.
Batid niyang hindi palalampasin ng mga ito ang tsansa na asarain siya, lalo pa at iyon ang unang pagkakataon na nakahanap ang mga ito ng butas sa kanyang trabaho dahil sa ginawa niya.
Ilang malalalim na hinga rin ang kinailangan niya para pahinahunin at pag-isipan ang sasabihin. Alam niyang sa oras na madulas ang dila niya o hindi malinaw ang kanyang rason, gagamitin iyon ng mga barkada para asarin siya at ipamukha sa kanya ang kamalian na nagawa.
Akmang magsasalita na sana siya nang matahimik ang lahat nang umalingawngaw sa buong silid ang malumanay na katok mula sa pintuan.
Mabilis nagkatinginan ang lima niyang kaibigan, at bago pa man siya makasagot ay inunahan na siya ng isa sa mga ito.
“Come in.”
Agaran na sambit ni Michael na pilit ginagaya ang tono niya.
Mabilis nagsi-tayuan ang lima niyang kasama, kanya-kanya sila ng ayos ng mga suot na suit, kasabay ng pagseseryoso ng mga mukha nang bumukas na ang pinto.
Ang tuwid nilang mga ekspresyon ay mabilis naglaho, napalitan ng pagnganga at panlalaki ng mga mata, bago mapaturo sa naturang pumasok.
Hindi naman nabatid ng babae ang mga ito, dahil nakatutok ang mga mata nito sa mga dokumento na hawak, binabasa ang ilang sa mga pahina ng mga iyon para masiguradong walang nakaligtaan.
“Sir, heto na po iyong mga pinaprint niyo.”
Malumanay nitong saad, natigilan lamang ito nang makalapit at sa wakas ay mapuna na mayroon palang mga tao roon.
“You!”
Sabay-sabay na turo ni Alvin, Michael, Kenneth, at Tristan. Si Philip lang ang nanatiling tahimik, natuod sa kinalalagyan habang pinagmamasdan ang naturang binibini.
Hindi napigilan ni Max ang mapasalubong ng kilay, kasabay ng pagpapalipat-lipat ng tingin sa mga kasama.
Si Michael ay tiim bagang na nakakunot ang noo, si Kenneth, Alvin, at Tristan naman ay hindi maitago ang malalapad na ngiti at nagniningning na mga tingin, habang si Philip naman ay hindi magkandamayaw sa pag-aayos ng buhok at pagtutuwid ng sarili.
Ganoon na lang tuloy ang pagyuko ng kanyang bagong sekretarya, halatang hindi komportable dahil sa pilit na ngiti nito.
“Miss Dela Cruz, you could leave that there. I’ll call you when I need you.”
Malalim niyang sambit, sabay senyas sa lamesa na malapit sa may pinto.
“Okay po, sir.”
Mabilis na lang itong nagyuko ng ulo bilang paalam matapos ibaba ang mga dala, pagatapos ay dali-dali na lumabas sa naturang silid.
Nanatili muna siyang tahimik, hinintay na tumunog ang pagsarado ng siradura. Sa mga sandaling iyon ay tila nagkagulo na ang kanyang mga kasama, parang mga batang nagtuturuan at nag-aasaran dahil sa gulat sa kanilang ginawa.
Naghintay pa siya ng ilang minuto upang siguruhin na wala na ang naturang babae sa pinto bago magsalita.
“Stop messing with me. How do you know my secretary?”
Singhal niya sa limang lalake, naroon na ang bahagya niyang pagkainis at kaba sa kaalaman na kilala ng mga ito ang naturang dilag.
Iyon nga lang, hindi niya alam kung inaasar lang siya ng mga ito o kung totoo ba iyon, dahil na rin sa kapani-paniwalang reakson ng mga ito.
“Tol, you seriously hired her.”
Bulyaw na pandidilat ni Michael sa kanya.
Sa lahat ng mga naroon, ang kakambal lamang ang nasisiguro ni Max na nakakakilala rito, habang ang iba ay hindi niya pa alam.
Pero imbes na sagutin siya ng natitirang apat ay tila nagkaroon na ang mga ito ng kanya-kanyang usapan.
“Now I know why Larissa feels threatened.”
Napapatanging ngiti na lang si Philip habang hinihimas ang baba.
“Mapapadalas yata ako rito.”
Masayang turan naman ni Alvin na hindi na maialis ang ngisi.
“I think you guys better sit this one out, kita niyo naman kung kanino siya nakatingin.”
Taas noong turan ni Kenneth na ngiting-ngiti.
“Too late, I already called dibs on her.”
Pagtataas naman ng kilay ni Tristan sa mga ito.
Mas lalo lang napakunot ng noo si Max sa mga naririnig, pero naroon man ang pagnanais niya na ulitin ang tanong ay hindi na niya ginawa, lalo pa nang magsimula ng magtalo ang mga ito.
Napahilot na lang siya sa sintido, lalo pa nang mabatid ang pagyuko ng kakambal sa kanya.
“Tol, I know you’re angry and all, pero what are you thinking hiring her?”
Pabulong na sita ni Michael.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Max bago ayusin ang tuwid na titig sa kapatid.
“Like I told you before, I’m going to use her as my back up plan.”
Walang gana niyang saad.
Iyon naman talaga ang dahilan kung bakit niya ito tinanggap sa kompanya, at sa takbo ng mga nangyayari sa ngayon, nakasisiguro siyang magagamit niya ito.
Ipinagkibit balikat na lang niya ang panlilisik ng mga mata ng kakambal, wala na itong nagawa kung hindi ang mapapunas na lamang sa mukha, sabay buga ng hangin sa ilong dahil sa pagka-irita.