Mag-iilang araw pa lamang si Sunshine sa naturang kompanya ay hindi na siya magkanda-ugaga sa mga trabaho na ibinibigay sa kanya. Hindi niya lubos akalain ang dami ng mga bagay na ipinapagawa sa kanya ng sabay-sabay.
Mula sa pag-aayos ng mga dokumento, pag-sagot sa mga tawag, hanggang sa pag-aasikaso ng mga lugar na pagme-meetingan at kainan ng kanyang boss ay siya lahat ang gumagawa.
Alam niya naman na parte iyon ng kanyang trabaho, ngunit hindi niya inaasahan ang kakaibang hirap at komplikasyon ng mga iyon, kung kaya naman ganoon na lamang ang tila pagkaubos niya.
Iyon ang dahilan kung bakit maaga siyang umalis ng bahay ng araw na iyon, kahit nakasuot na siya ng casual dress at boots ay walang pag-aalinlangan pa rin niyang tinungo ang isang lugar na alam niyang makapagbibigay sa kanya muli ng lakas.
Hindi pa man nakakarating doon ay unti-unti ng gumagaan ang kanyang pakiramdam, kaya naroon na ang paglitaw ng kanyang ngiti.
Iyon nga lang, pagdating niya sa naturang tindahan ay nakababa ang mga bakal na pinto nito, at walang ni-isang tao ang naroon, pero kahit ganoon ay nagbakasakali pa rin siya na kumatok.
“Tao po? Bong-bong?”
Tawag niya.
Ilang minuto rin ang lumipas bago siya nilapitan ng isa sa mga matanda na nagwawalis sa may katabing bahay nito.
“Naku ineng, wala na sila diyan.”
Saad nito.
Mabilis bumagsak ang kanyang balikat pati na rin ang galak na kanina lamang ay namumuo sa kanya. Ang kanyang mga labi na nakaangat ay unti-unti ng tumuwid.
“Ho? Paanong wala na?”
Nanlalaking matang sambulat ni Sunshine dahil sa kung anong kabog sa kanyang dibdib. May kung anong kaba at takot ang mabilis na sumaklob sa kanya.
Ang buong akala niya ay magrerenta lamang ng panibagong bodega ang naturang lalake, pero hindi niya lubos akalain na aalis doon ang buong pamilya nito.
“Noon nakaraan araw pa sila lumipat ng bahay.”
Sagot ng matandang babae bago nagbalik sa ginagawa.
“Saan naman ho?”
Hindi niya napigilan tanungin.
Matagal na rin kasing naninirahan ang naturang lalake, maliban doon ay alam niyang hindi basta-basta iiwan ng pamilya nito ang naturang lugar, lalo pa at maganda ang pwesto nito para sa isang tindahan kahit maliit ang lugar at luma na.
Halos makipagpatayan pa nga ang ina nito noon sa mga kamag-anak mapanatili lang sa kanila ang naturang lugar, kung kaya’t naging palaisipan na lang sa kanya ang dahilan ng paglisan ng mga ito.
“Hindi ko alam, pero halatang masayang masaya si Celia.”
Turan na lang ng matanda.
Napakunot na lang si Sunshine ng noo sa pagkalito, sa tagal na ng pagkakakilala niya sa naturang pamiya, nakasisiguro siya na hindi magagawa ng mag ito na umalis sa kaisa-isang ari-arian na ipinamana sa mga ito. Isa pa, alam niya rin na wala naman ipon ang mga ito dulo’t sa masalimuot na nangyari sa kanila.
Akmang magtatanong pa sana siya, ngunit natahimik na lang siya ng magsimula ng mag-usap ang mga naroon.
“Ay pansin niyo rin iyon.”
Natatawang saad ng isang ginang sa mga kausap nito bago nagtawanan ang grupo.
“Paanong hindi mapapansin eh halos mapunit na iyong mukha niya sa pagngiti.”
Dugtong naman ng isa pang babae.
Natigil lang siya sa pakiki-usyo noong mabatid ang oras sa kanyang relo. Nanlalaking matang napabalikwas na lang siya ng takbo paalis doon dahil sa takot na baka ma-late siya sa pagpasok.
Kahit mabigat ang kalooban ay napakaripas pa rin siya sa paglalakad, mabuti na lang talaga at naisipan niyang magboots nang araw na iyon. Halos limang minuto na lang ang natitira sa nang tumingin muli siya sa kanyang relo, kung kaya’t walang alinlangan niya ng tinakbo ang nakabukas na elevetor na kanyang nakita pakapasok na pakapaso sa naturang gusali.
“Sandali lang!”
Tili niya na lang nang makitang papasarado na iyon.
Laking pasalamat niya nang makitang huminto ang naturang pintuan nito, kung kaya’t halos mapatalon siya sa tuwa nang makaapak sa loob.
“Jusko, thank you. Akala ko hindi na ako aabot.”
Humahangos pa siya ng mga oras na iyon, nakayuko habang hinahabol ang hininga kung kaya’t hindi niya na napansin ang kasama.
Maloko ang ngisi ng lalake na naroon, nakataas pa ang kilay nito habang pinagmamasdan ang hitsura ni Sunshine.
“Seems we’re even now.”
Maloko nitong sambit nang talikuran na ito ni Sunshine para pumindot sa palapag na pupuntahan.
Kunot noo na lang napalingon si Sunshine rito pakapindot ng button, nagtataka kung ano ang ibig sabihin ng kasama. Naroon ang kung anong kaba sa kanya ng mga sandaling iyon, subalit mabilis iyon nawala nang makilala ito.
“Hey there.”
Natatawa na lang nitong kaway nang makita na ang ngiti sa kanyang mukha.
“Fake boyfriend!”
Wala sa sarili na lang niyang sambulat nang maalala ang ginawa nito.
Lalo lang tuloy napahalakhak ang naturang lalake, wala na itong nagawa kung hindi mapahawak na lang sa tiyan sa pagka-aliw sa narinig.
Hindi niya na rin napigilan ang sarili dahil sa nakakahawa nitong pagtawa. Ilang minuto rin ang kinailangan nila para makahupa.
“I really made an impression on you, didn’t I?”
Saad na lang nito habang nagpupnas ng mata, naroon ang kung anong lumanay at lambing sa malalim nitong tono.
“I doubt makakalimutan ko iyong pinagawa mo sa akin.”
Biro niya sa lalake.
Tila napanguso na lang ang ngiting ngiti nitong mga labi dahil sa kanyang sinabi, batid na bahagya iyon natamaan sa kanyang sagot.
“Hey now, I think we got on the wrong side of things. Why don’t we start again, my names Tristan, Tristan Arazon, and you are.”
Magiliw nitong abot ng palad, naroon ang kung anong kompyansa at pagmamalaki sa tono nito, na tila may nais ipahiwatig sa binanggit na pangalan.
Sandali siyang napa-isip, pero dahil maayos naman ang una nilang pagkikita ay nakipagkamay na siya rito bandang huli.
“Sunshine Dela Cruz, sorry pero parang impossible ko makalimutan iyong pinagawa mo sa akin. Grabe iyong kaba ko noon ah, and naawa ako doon kay ate girl. Ang ganda-ganda niya pa naman tapos niloko mo lang.”
Nandoon man ang makulit at pabiro niyang tono, subalit naroon rin ang katotohanan sa kanyang nararamdaman noon mga panahon iyon.
“Hey, wala akong niloloko, kung alam mo lang, that woman has been stalking me for years. She can’t accept na I’m not into her anymore.”
Taas noo nitong sambit.
Parang may kung ano naman na tumarak sa dibdib ni Sunshine, tila ba tinamaan siya sa mga sinabi nito, dala na rin ng ilang alaala na sumagi sa kanyang isipan. Mabuti na lamang at napanatili niya ang ngiti, kahit pa nabawasan iyon.
“Aray lang ha.”
Pagtataas na lang niya ng kilay rito, sabay nguso ng makulit sa lalake.
“What?”
Napakunot na lang si Tristan ng noo, habang pilit na pinapanatili ang magiliw na ngiti, kahit nahaluan na iyon ng kaba at pag-aalinlangan.
“Ang choosy mo ah, sa gandang iyon ni ate inaayawan mo pa.”
Irap na lang niya rito, hindi niya kasi maitago ang sakit na nadarama, lalo pa at batid niya ang dinaranas nito.
“Woah, what did I say?”
Pilit halakhak na lang ni Tristan dahil sa pagkalito mula sa biglaan pagbabago ng asal nito.
“Wala, bye na fake boyfriend.”
Mabuti na lang at bumukas na ang pinto sa palapag na bababaan niya, kaya agad na lang siya lumabas ng hindi na lumilingon dito.
Napakamot na lang ang lalake, pero nariin pa rin ang pagtawa nito dahil sa kung anong pagkaaliw habang pinagmamasdan ang taas noo at tila sadyang pagkendeng ni Sunshine.
Pasimple niyang nilingon ang likuran upang siguraduhin na sarado na ang elevator at hindi nakasunod ang naturang lalake sa kanya. Nang makitang mag-isa na lang siya ay karipas nanaman siya sa pagkilos papunta sa pinto.
Sampung minuto na lang ang natitira sa kanyang oras, at mahaba-haba pa ang pasilyo na kanyang tatahakin. Halos takbuhin na niya ang naturang distansya patungo sa pintong salamin, dahil sa bilis at pagmamadali, hindi siya kaagad nakahinto nang makitang bumukas ito.
Pikit matang napaangat na lang siya ng kamay upang protektahan ang sarili, lalo na nang makitang tatama siya sa naturang bagay.
Ganoon na lang ang lalim ng kanyang buntong hininga nang tila tumigil siya bago pa man tumama rito. Ilang sandali rin ang kinailangan niya bago mapansin ang malalaki at matitigas na brasong sumalo sa kanya.
“We really should stop seeing like this.”
Natatawang saad nito.
Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ni Sunshine pakadilat, hindi niya napigilan ang mabilis na pamumula ng pisngi nang mamukhaan ito.
“Ay, mister knight and shining armor!”
Tulad kanina ay hindi niya napigilan maibulalas ang mga katagang iyon, lalo pa at tumatak talaga sa kanyang alaala ang pagligtas sa kanya nito noon nang madulas.
“You remember me?”
Ganoon na lamang ang paglitaw ng isang magiliw na ngiti sa lalake, kasabay ng marahan na tawa nito.
Nadama niya ang bahagyang pag-iinit ng pisngi, pero
Dahan-dahan siyang kumawala sa pagkakakapit nito, na siya naman hinayaan ng lalake.
“Syempre naman. Thank you ulit sa pagligtas sa akin.”
Ngiti niya na lang dito.
“It’s okay. By the way, I never got your name. I’m Kenneth, Kenneth San Miguel.”
May lambing nitong sambit, habang idinidiin ang tono sa naturang pangalan.
“Sunshine Dela Cruz.”
Agad na lang niyang pakikipagkamay nang iabot nito ang palad sa kanya.
“You’re new here, right.”
Halos maningkit ang mga mata ni Kenneth dahil sa lapad ng ngiti habang nagsasalita, na mas lalo lamang nakadagdag sa kakaibang karisma nito, kaya naman ganoon na lang ang lalong pag-iinit ng pisngi ni Sunshine.
“Yes, bale first week ko pa lang dito.”
Agad na lang niyang ayos sa buhok sa tenga sabay kagat ng labi.
“You really should avoid running, baka kung mapapano ka na niyan next time na wala ako.”
Biro na lang ng lalake habang napatawa na lang dahil sa nangyari, kaya naman napagikgik na lang rin si Sunshine.
Ang tila pagkalutang niya ay mabilis na nawala nang masagi ng kanyang paningin ang orasan na nakasabit sa dingding.
“Ay, naku! Pasensya na, mauuna na ako, malalate na kasi ako!”
Agad niyang yuko bago dali-daling kumaripas ng lakad.
Hindi na naman siya pinigilan ni Kenneth, bagkos ay pinagmasdan na lang siya nito ng may ngiti.
“I’ll see you around then.”
Nag-angat na lang ang lalake ng kamay bilang paalam nang mapabaling siya sa likod, masaya naman siyang kumaway pabalik dito.
Saktong isang minuto na lang ang natitira sa kanya, kung kaya naman halos manginig ang kanyang kalamnan sa kaba. Mabuti na lamang at wala siyang kasabayan sa pagpupunch ng timecard niya, kung kaya naman nakaabot siya.
Isang malalim na hininga ang kanyang pinakawalan, sa wakas ay nakahinga na siya ng maluwag. Kumalma na siya kaya naman medyo naghinay-hinay na siya sa pagkilos. Iyon ay hanggang sa makarating siya sa kanyang mesa at makita ang sandamakmak na sticky notes na kinabit niya para maalala ang mga dapat gawin ng umagang iyon.
“Oh no, no, no!”
Sambit na lang niya sa sarili bago dali-daling kinuha ang patong-patong na mga dokumento na nakaayos doon.
Sa mga oras na iyon ay medyo gulo-gulo na ang kanyang pag-iisip kung kaya’t hindi na niya alintana ang bigat, at nagpatuloy lamang sa paglalakad kahit wala ng nakikita dahil sa dami ng dala.
“Woah there. You need some help?”
Sambit na lang ng isang malalim na boses mula sa kanyang likod nang mabara niya ang dinadaanan dahil sa bagal gumalaw.
“No, okay lang po ako.”
Maingat at pilit na lang siyang gumilid sa pasilyo upang bigyan ito ng daraanan.
Ganoon na lang ang pagtataas ng kilay ng naturang lalake nang maulinigan ang kanyang boses, agaran itong tumungo sa kanyang harapan upang silipin ang kanyang mukha.
“Hey, aren’t you that girl from the store?”
Mabilis ang naging pagningning ng mukha ng lalake na napapangiti na lamang.
Agad ini-ayos ni Sunshine ang mga dala upang makita ang naturang lalake at ganoon na lamang ang panlalaki ng mata nang makita ito.
“Tuxedo man!”
Iyon ang unang pumasok sa kanyang isipan nang mamukhaan ang makulit nitong mga tingin. Hindi niya napigilan ang hagikgik dahil hindi niya akalain na makikita ito roon.
“Here, allow me.”
Agad na lang nitong kinuha ang malaking parte ng mga dala niya, kaya nakagalaw na siya ng mas maayos.
“Naku, thank you.”
Nakahinga siya ng maluwag nang sa wakas ay gumaan na ang hawak.
“Where to?”
Magiliw nitong turan habang nauuna na sa paglalakad.
Wala na siyang magawa kung hindi ang sumunod rito.
“Sa conference room.”
Iyon na lang ang kanyang nasabi dahil na rin sa hiya.
Maliban doon ay mukhang hindi naman nito alintana ang bigat, dahil tila wala lang dito ang mga hawak.
“I’ve never seen you here before.”
Pagkunot na lang nito ng ulo na mayroon parin ngiti.
“One week pa lang ako rito.”
Agad niyang sagot habang napapangiti na lang rin dahil sa kung anong aliwalas ng hitsura nito.
“Oh, I’m Alvin. Alvin Mercaron.”
Magiliw nitong saad habang pinagbubuksan siya ng pinto. Ibinaba na lang nito ang mga naturang dokumento sa lamesa roon.
“Sunshine Dela Cruz, pero you can call me Shine na lang.”
Agad na lang niyang tango rito.
“Shine it is.”
Masaya nitong halakhak.
“Sige, mauuna na ako, may mga kailangan pa ako ayusin. Thank you sa tulong.”
Agad niya na lang paalam habang napapayuko rito, hindi man niya gustong putulin ang kanilang usapan, pero alam niyang hindi makakabuti kung patatagalin niya iyon, lalo pa at marami pa siyang kailangan asikasuhin.
“No problem. If you need help around here, don’t hesitate to ask for me.”
May kung anong gaan ang mga katagang binitiwan nito, kahit batid ni Sunshine ang kung anong pagmamalaki nang banggitin ang pangalan.
“Sige ba, and thank you ulit.”
Mabilisan na lang siyang kumaway rito bago nagmamadaling sa pagkaripas sa paglabas.
Napalinga na lamang si Alvin ng ulo habang nagpipigil ng tawa habang pinapanood si Sunshine sa pagkataranta.
Mabuti na lang talaga at naihanda na niya ang mga kailangan bago siya umalis ng opisina. Agad niyang kinuha ang mga natitirang gamit na kailangan bago walang alinlangan na tumakbo pabalik sa conference room.
Ilang minuto na lang kasi at kailangan niya pang ayusin ang mga gamit doon bago dumating ang kanyang boss, kung hindi ay sigurado niyang sermon nanaman ang aabutin niya.
Dahil sa pagmamadali ay nagtuloy-tuloy na lang siya sa pagpasok, kung kaya naman muntik na siyang mapatalon nang makita roon na ang kanyang boss na nagbibihis.
Halos manlaki ang kanyang mata, lalo pa at nakabalandra ang matikas at buong-buo nitong katawan, na tila ba naninilaw sa ganda ng pagkakaukit ng bawat parte nito.
Mabilis naman ang naging pagsasalubong ng mga kilay nito, lalo pa nang makitang nakatulala lang si Sunshine.
“Seriously, you work here yet you still don’t know how to knock. I can’t believe we hired you.”
Bulyaw na lang nito. Kusot na kusot na ang mukha nito habang nanlilisik ang mga mata sa kanya.
“Ano po kasi sir...”
Hindi na niya natapos ang mga salita dahil sa paninikip sa kanyang dibdib. Napakagat na lamang si Sunshine ng labi dahil sa pag-iinit ng kanyang mata, may kung anong hapdi kasi ang bawat katagang binitiwan nito, naroon na lang tuloy ang kanynag panliliit dahil sa naturang pagkakamali.
“You have a problem with Max’s secretary?”
Isang malalim na boses ang bigla na lamang umalingawngaw mula sa kanyang likuran, agad na lang napalingon si Sunshine rito
Hindi na niya nagawa pang magsalita nang masilayan ang matamis at naninilaw na ngiti ng naturang lalake sa kanya. Pero ang tuluyan nakapagpatahimik sa kanya ay ang pagpasok ng isa pang tao na hawig na hawig sa kanyang boss.
Ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mata nang makita ito. Halos napanganga na lang siya habang nagpalipat-lipat ng tingin sa lalake na kakapasok lang at nagbibihis sa may lamesa.
Doon niya lamang napansin ang pagkakaiba ng dalawa kahit magkapareha ito ng mukha.
“What’s going on?”
Taas kilay na puna na lang nito nang makita silang tatlo roon.
Doon lang napagtanto ni Sunshine na ang bagong dating na lalake ang kanyang tunay na boss at hindi ang naabutan niyang lalake roon.
“Itong si Michael eh, pinag-iinitan iyong sekretarya mo.”
Singit na lang ng lalake na sumaklolo kay Sunshine.
“She just barge in here without even knocking.”
Sagot naman ng kamukha ng kanyang boss.
“Sino ba kasing nagsabi na dito ka magbihis.”
Agad na balik ng lalake.
Doon na pumagitna ang boss ni Sunshine, hinawakan nito ang kasama sa balikat upang patigilin nang akmang magsasalita pa ito.
“Philip I’ll handle this. Miss Dela Cruz, can you leave us for a bit.”
Binigyan siya ng kanyang boss ng isang malumanay na tingin, pero puno ng awtoridad.
Napalunok na lang siya bago mapatango rito.
“Si… Sige po.”
Kinuha na niya ang pagkakataon iyon upang dali-daling lumabas sa conference room. Hindi na siya nag-abala pang pakinggan ang usapa ng nito, lalo pa nang marinig ang agaran na pagpapalitan ng dalawa nang maisarado niya ang pinto.
Isang malalim na buntong hininga na lang ang kanyang nagawa, napasapo na lang siya sa mukha upang punasan iyon. Nang huminahon ay doon niya lamang namalayan ang mga nangyayari ng araw na iyon.
Hindi niya lubos akalain ang sunod-sunod na pagkikita sa mga naturang lalake. Bigla na lang tuloy sumagi sa kanyang isipan ang mga binitiwan na kataga sa kaibigan na si Layla ilang buwan na ang nakakaran.
‘If mayroon akong makikilala na kasing bait, kasing sipag, at mas guwapo pa kay Bongbong my loves, then it means pinagmo-move on niya na ako.’
Iyon ang mga katagang paulit-ulit na umalingawngaw sa kanyang utak ng mga oras na iyon. At dahil na rin sa pagkakakita sa naturang mga lalake kanina, hindi niya mapigilan mapa-isip na isa na iyong pangitain.
Iyon tumatakbo sa kanyang isipan, nagsisisi na lang tuloy siya na sinabi niya iyon, subalit ang kanyang pagmumuni-muni ay mabilisan nawala nang mahagip ng kanyang paningin ang isang pamilyar na mukha sa may pasilyo.
Mabilis na lamang ang pagkukunot ng kanyang noo, lalo pa nang halos hindi niya makilala ito dahil sa presentableng kasuotan.
“Bongbong?”
Kumawala na lamang ang pangalan nito nang sa wakas ay makalapit sa kanyan.
Gwapong-gwapo ito sa suot na suit and tie, at hindi nagpapatalo sa mga lalakeng nakasabay niya kanina. Iyon nga lang, masasabi niyang mas lamang pa rin ito dahil mas kilala niya na ang naturnag lalake ng matagal.
Akmang kakaway na sana siya rito nang magtama ang kanilang mga mata, pero mabilis niyang pinigilan ang sarili nang mag-iwas ito ng tingin.
Hindi na niya nagawa pa na tawagin ito dahil niyakag ito ng isang matandang lalake, kasabay ng pagpapalibot at takip ng ilan sa mga kasama nito.