Hindi matigil si Layla sa pagbuntong hininga habang pinagmamasdan ang kaibigan na si Sunshine. Todo pa rin ang pag-aayos nito at walang tigil sa pagbungingis habang pinapakatitigan ang sarili sa hawak nito na compact mirror.
Panaka-naka pa ang pagngunguso nito para makasigurong pantay ang nilagay na lipstick sa labi.
“Alam mo, hindi maganda ang pakiramdam ko diyan sa trabaho mo. Huwag ka na lang kaya tumuloy.”
Saad ni Layla nang sa wakas ang matapos na ang kasama sa pag-aayos. Hanggang ng mga sandaling iyon ay hindi pa rin ito mapanatag.
Naparolyo na lang si Sunshine ng mata, kasabay ng pagbubusangot. Maktol na ibinaba niya ang hawak bago harapin ang kaibigan.
“Ano ka ba naman. This is my chance to enter the corporate world, tsaka diba ikaw itong noon pa na magtrabao.”
Tila tampong sagot na lang niya rito.
Hindi niya maintindihan kung bakit hanggang ng mga oras na iyon ay tila hindi pa rin mapanatag ang kaibigan sa napili niyang pasukan.
Siniyasat niya naman ng mabuti ang naturang kompanya, at wala naman siyang nabalitaan na kakaiba o kahina-hinala ukol sa naturang lugar.
Maliban doon ay kabilang ito sa ilang mga sikat na kompanya sa bansa, kaya naman mas lalo pa siyang naguluhan kung ano ba ang problema rito.
“Alam ko, pero hindi ito ang ibig kong sabihin.”
Paypay na lang ni Layla ng kamay. Naging mas malumanay na ang hitsura nito, ngunit batid na batid pa rin ang matinding lungkot sa mukha.
“Wala ng bawian.” Agad na turo ni Sunshine na may malapad ng ngisi. Nakangiti na siya habang hinahawi ang buhok na humarang sa kanyang mukha pakatayo sa kinauupuan. “Anyway, mauna na ako, kailangan ko pa ipasa itong mga requirements ko sa office bago ako makapagstart.”
Nagpakawala na lang siya ng isang flying kiss dito pakakuha ng clear envelope sa tabi na puno ng mga dokumento na inasikaso niya nitong nakaraan.
“Hay naku talaga Shine.”
Napalinga na lang si Layla habang minamasahe ang sintido. Tila ba sumakit na lang ang kanyang ulo dahil sa katigasan ng ulo ng kaibigan.
“Babush!”
Magiliw na kaway ni Sunshine bago tumalikod.
Wala ng nagawa si Lalya kung hindi ang panoorin na lamang ang kaibigan habang tuwang tuwa ito na tumatakbo sa suot na heels. Iyon nga lang, medyo parang kakatuwa ang galawa nito dahil sa liit at bilis ng mga hakbang na ginagawa.
Napatalumbaba na lamang ang babae nang tuluyan ng makatawid ito papunta sa gusali na papasukan.
Naroon naman ang tuwa at pananabik ni Sunshine sa bagong trabaho, dahil na rin sa panibagong mundong na tatahakin.
May ngiti at puno ng buhay siya habang naglalakad papuntang elevator, ngunti napalitan ng kaba at gulat iyon nang bigla-bigla na lamang may tumakbo papasok sa kinalalagyan niya pakabukas na pakabukas ng pintuan noon.
“s**t! Move aside, miss!”
Tarantang sambit nito pakatulak sa kanya papasok.
“Ay juskopo!”
Nanlalaking matang sambulat na lamang niya nang wala na siyang magawa kung hindi ang makaladkad nito. Muntik pa siyang matapilok kung hindi niya nagawang kumapit sa braso ng nito.
Napagtanto naman ng estranghero ang ginawa kaya wala naman hinapit na lang siya nito sa baywang upang mabuhat para hindi tuluyan na bumagsak.
“I’m sorry about this miss, pero I’m in a hurry.”
Pawis na pawis at hindi magkanda ugaga sa pagpindot ang lalake sa button ng elevator.
Natuod na lamang si Sunshine dahil sa pagkabigla at kaba.
Ang tanging nagpakalma sa kanya ang maamo nitong mukha na tila nagmamakaawa nang tumingin sa kanya.
Hindi naman mukhang masama ang lalake, dahil napaka presentable nitong tingnan sa suot na gray suite at sigurado niya naman na hindi ito basta-basta makakapasok roon dahil sa dami ng guwardiyang nakabantay roon.
Wala na siyang naging palag nang makitang parehas naman silan g palapag na pupuntahan, kaya naman hindi na siya nag-atubili pang pumalag.
“Tristan Arazon, I already saw you!”
Alingawngaw ng isang matinis at nanlalanding boses mula sa pasilyo.
Napapunas na lamang ng mukha ang naturang lalake, sabay tuwid ng tayo habang ibinaba si Sunshine sa tabi, pero tila nagliwanag ang mukha nito nang mas masilayan siya ng maayos na para bang nagkaroon ng pag-asa.
“Miss, pretend you are my girlfriend and I promise you I’ll make this worth your while.”
Pakiusap ng lalake pakahawak sa magkabila niyang balikat.
Akmang magsasalita pa lang siya ng pagtanggi, subalit napatingin na lang siya sa likod nito dahil sa biglaan paglitaw ng isang babae sa likuran nito.
Napakunot na siya ng noo at muling natuod nang masilayan ang tinatakbuhan nito. Maganda ang naturang dilag at halos walang kapintasan, wala rin siyang masabi sa ganda ng hubog ng katawan nito.
Iyon nga lang halos wala ng naitatago ang naturang babae dahil sa iksi ng suot nitong short at liit ng strapless na tanktop.
Agad naman iyon nabatid ng lalakeng nakahawak sa kanya dahil sa makukulit na takatak ng takong nito sa sahig. Pasimpleng nitong inilingap ang tingin sa gilid, pero agad rin binalik sa kanya.
“It’s just an employee of mine babe, you don’t have to worry about anything.”
Malakas na bulalas na lang nito sabay ngisi nang matigil ang mga yapak.
Mula kasi sa pananaw ng naturang babae ay nakayuko si Tristan kay Sunshine na tila nagmamakaawa, kaya ganoon na lang ang agaran na pag-atras nito, napaawang na lang ng bibig kasabay ng pamumutla nang bumaling na silang dalawa rito.
“Oh, so-sorry. I thought you were alone.”
Pilit ngiti na lang ng babae na napayakap na lang sa sarili.
Dito na naging matalim at tuwid ang mukha ni Tristan, kumunot na rin ang noo nito pakaharap sa naturang babae.
“Ashley, if you have anything to say about your salary, we can talk about it when you get back to the office, are we clear?”
Tuwid nitong turan.
Nagpabalik-balik na lang ang tingin ni Sunshine sa dalawa, naroon ang awa niya sa babae at inis sa lalake, pero hindi niya magawang sumingit dahil sa hindi niya masigurado ang mga nangyayari.
Maliban doon ay nalilito siya sa kung ano nga ba ang dahilan ng lahat ng iyon. Hindi niya naman gustong manghimasok ng kaunti lamang ang nalalaman sa sitwasyon.
“Yes, sir. I’m so sorry to bother you.”
Tango na lang ni Ashley bago mabilisan umaatras. Pulang pula na ito habang hindi magkanda-ugaga sa pagyuko sa kanila.
Mas lalo lang tuloy nalito si Sunshine sa kung ano nga ba ang dahilan ng lahat ng iyon, pero minarapat niya na lang ang manahimik hanggang sa sumarado ang pinto ng kinalalagyan.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Tristan ng sa wakas ay umandar na ang naturang elevator.
Agad na humalukipkip si Sunshine nang harapin na siya ng lalake, nakangiti man ito ay sinalubong niya pa rin iyon ng simangot at matalim na tingin.
“Sir, hindi maganda iyong ginawa niyo. Baka ako ang mapahamak niyan.”
Sermon niya rito.
Hindi niya kasi nagustuhan ang naturang pagpapanggap, lalo pa at wala siyang konteksto sa kung ano ba ang dahilan noon.
“Don’t worry, miss. I can assure you, you’ll be in no danger.”
Magiliw na tawa na lamang ng lalake na napapakamot pa sa ulo.
Bahagya siyang napalunok nang mas masilayan ng maayos ang kaharap. Doon lang napagtanto ni Sunshine ang kakaibang kisig at kagwapuhan nito, na siyang tinernohan pa ng malalim pero mapang-akit nitong boses.
“Sigurduhin mo lang iyan, sir.”
Irap na lang niya rito para itago ang hiya at pagkailang.
Hindi niya nais isipin nito na ayos lang ang ginawa sa kanya, lalo pa at hindi niya naman ito kilala.
“I swear on my honor. And if ever she confronts you, just tell her we broke up.”
Magiliw na paypay na lang nito ng kamay sa kanya.
Nanlalaking matang napataas na lang siya ng kilay sa sinabi nito, doon niya lamang napagisip-isip ang isa pang problema na pwedeng kaharapin dahil sa ginawa nito.
Bago pa man niya masabi ang hinaing ay nakalabas na ito ng elevator. Akmang magsasalita pa sana siya ngunit nakita niya ang isang pamilyar na mukha sa naturang palapag na tinigilan nila.
Naroon at takang nakatingin sa kanya ang receptionist na pinagpasahan niya ng resume, agad itong bumati sa lalake na bumaba, kaya wala na siyang nagawa kung hindi ang panoorin na lamang ito na maglakad palayo.