Chapter 3

2178 Words
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Max habang pinagmamasdan ang ilang mga papeles sa harapan. Napapakamot na lamang ng sintido habang pinagmamasdan ang ilang mga litratong nasa harapan dulot na rin ng wala siyang mapili sa mga ito. Tumigil lamang siya nang mabatid ang ilang ingay mula sa labas, dahilan para pakinggan niya ang rason noon. Napakunot na lamang siya ng noo nang marinig ang makukulit na hiyawan kasabay ng malalakas na halakhakan. Doon na niya tuluyan ibinaba ang mga hawak na papel bago mabilisan na mapahilot sa ulo nang mapagtanto ang pinagmumulan ng nasabing ingay. Ilang sandali pa at pabalibag tuluyan ng umalingawngaw ang walang patid na tawanan at sigawan ng isang grupo sa loob ng naturang silid. “Hey Max!” Bungad kaagad ni Philip pakaangat ng kamay bilang pagbati. Napalinga na lamang siya ng ulo nang makitang kung sino ang nasa likod ng pinsan niya. Mula sa kanyang kapatid ay hatak rin nito ang kakambal at mga kababata nila, kaya sigurado niyang may kung ano nanaman na kalokohan ang mga ito kaya magkakasama ang mga ito. “I told you he’d be hiding here!” Halakhak na tawa naman ng kapatid niyang si Michael. Mabilisan tuloy ang naging pagkusot ng noo niya nang makitang naka-jersey at rubber shoes pa ang ilan sa mga ito at pawis na pawis, senyales na mukhang kagagaling lang sa laro. “If you were helping me instead of always fooling around, then hindi sana ako matatambakan ng trabaho!” Bulyaw ni Max dito habang pinagmamasdan ang prente at kampanteng pagtalong paupo ng kapatid sa isa sa mga upuan roon. “Cut me some slack will you. I haven’t finished my studies yet.” Napangiwi na lamang si Michael habang nag-iiwas ng tingin, pero kahit ganoon ay naroon pa rin ang pananatili ng malapad na ngisi nito. Tumahimik ang lahat nang naroon sa pagdagundong ng malakas na hampas sa lamesa. Hindi napigilan ni Max ang magngitngit habang tinatapunan ng matalim na tingin ang kapatid. “If you hadn’t been failing and getting kicked out for the past years, maybe you’d already be done with it!” Muling singhal niya rito pakatayo sa kina-uupuan upang duruin ito. Naroon na kasi ang pagsisimula ng pagkulo ng kanyang dugo. Hanggang ng mga panahon na iyon ay tila wala pa rin itong balak magseryoso sa buhay, kung kaya naman sa kanya tuloy ipinataw ng pamilya ang bulto ng trabaho. Wala naman sana siyang problema roon kung siya rin ang umaani ng lahat ng pinaghirapan, subalit hindi ganoon ang nangyari dahil kahit nasa kanya ang bulto ng trabaho ay kalahati naman ang napupunta sa kapatid, kahit wala itong ginawa kung hindi ang magbulakbol at pakasasa sa buhay. “Chill lang pare.” Pagitna kaagad ng kaibigan na si Kenneth sa kanila, naroon pa ang panaka-nakang pagpaypay nito upang kunin ang atensyon niya dahil nagsimula nanaman manlisik ang tingin niya kasabay ng pamumula ng mukha. “Oo nga, ang aga-aga ang init nanaman ng ulo mo.” Humahagikgik na asar naman ni Tristan pakaupo sa kabilang silyang katapat kay Michael, pasurpresa pa nitong itinapon ang unan doon kay Max upang mas lalo pa itong pikunin, dahil hindi pa rin nawawala ang kunot ng noo nito. Mabuti na lang at sinalo iyon ng kaibigan nila na si Alvin sabay pinandilatan ang kasama dahil sa ginawa, batid kasi nito na nais nanaman nitong sumabog ang naturang lalake sa galit para makita kung paano ito mawala sa propesyonal na postura. Nanahimik lamang ang lahat nang bahagyang umubo si Philip kasabay ng makahulugan tingin at ngiti nito sa lahat. Napasandal na lamang si Max sa kanyang upuan, bahagyang hinatak ang suot na necktie upang luwagan iyon. Dahil na rin sa inasal ng kaibigan ay nasigurado niya na ngang may kung ano nanaman bagay ang nagbigay interes sa grupo. Ilang saglit rin siyang huminga ng malalim upang pahupain ang nadaramang init ng ulo, kasabay ng bahagyang pagliyad upang huwag ng masilayan ang nang-aalaskang mukha ng kapatid at kababata. “So what is this about?” Saad na lang niya nang bahagya ng humupa ang matinding galit na nadarama niya. Muling nagbalingan ng tingin ang limang lalake, sabay-sabay na nagsitango, senyales na nagkakasundo ang mga ito. “They’re having this little bet. We were thinking if you wanted to join in.” Sa wakas ay sagot ni Philip matapos ang ilan pang sandali. Bigla siyang napasalubong ng kilay sa dahil na rin sa walang katuturan na dahilan ng pagpunta ng mga ito roon. Hindi niya lubos akalain na hanggang ng mga panahon na iyon ay hindi pa rin tumitigil ang mga ito sa ganoon uri ng bagay. “What makes you think I’d want to join in such foolishness?” Bara niya kaagad bilang ganti sa pang-iinis ng mga ito sa kanya. Binatuhan niya kaagad ng mapangmatang titig ang kababata at kapatid, kasabay ng isang malapad na ngisi na may bahid ng pangmamaliit habang nag-aangat ng ulo sa mga ito. Napabuntong hininga na lamang ang mga katabi niya, habang ang dalawa naman “Baka lang kasi magtampo ka.” Agad na sagot ni Alvin na napabagsak na ng balikat dahil sa pagkadismaya. Isang malalim na buntong hininga na rin ang pinakawalan ni Philip dahil batid na rin nito ang sadyang hindi pagsang-ayon ng kaibigan dahil na rin sa ginawa ng dalawa nilang kasama kanina. Napataas na lang si Michael ng kamay bilang pagsuko, habang si Tristan naman ay napa-rolyo ng mata sa pagkapikon. Binalot ng kakaibang katahimikan ang buong silid ng ilang sandali dahil na rin sa tagpong iyon, hanggang sa marinig na lang nila ang isang malakas na palakpak na siyang gumulat sa kanila. “You sure about that? The stakes already went up by about fifty million. Think of the stuff you can do with that money and you won’t have to think about the consequences.” Ngiting-ngiti at mapaglarong turan ni Kenneth na napapakiskis pa ng mga palad habang nginingisian si Max ng nakakaloko. Bahagyang kumunot ang noo niya sa narinig. Biglang napaisip dahil na rin sa laki ng halaga ng nasabing pusta. Ilang mga bagay ang agaran na sumagi sa kanyang isipan, mga bagay na pwedeng magawa sa ganoon pera, idagdag pa na hindi iyon papansinin ng kanyang ama kung sakaling mapanalunan niya iyon. “And what kind of bet would this be?” Isang ngiti ang namutawi sa kanyang mukha dahil na rin sa katotohanan na sigurado niyang may ibang rason kung bakit nagpupumilit ang mga ito, kaya naman naisipan niyang mag-usisa pa ng kaunti. Tila nabuhayan ang buong grupo dahil na rin sa biglaan pagtatanong, halata ang pag-aliwalas at mabilisan paglitaw ng ngiti sa mukha ng bawat isa sa mga ito, dahilan para makumpirma niya nasa kanyang isipan. “Oh, you know. The usual guessing the V game.” Pilit prenteng sagot ni Kenneth na napapalaro pa ng kilay habang nagsasalita. Magkadikit na ang dalawang palad nito na tila nagdarasal, habang nginingitian si Max. Nabawasan ang pagkaka-angat ng kanyang labi nang tuluyan nang mapagtanto ang posibileng dahilan kung bakit nagpupumilit ang mga ito. “C’mon bro. For old times sakes.” Biglang sambulat ni Michael na napaayos na sa kinauupuan nito. Nawala na ang ngiti sa mukha ng lalake at napalitan na ng seryoso at tuwid na tingin. “Oo nga, Max. Lighten up a bit, will you.” Dugtong pa ni Tristan na ganoon na rin ang hitsura ng mga sandaling iyon. Ang mukha ng dalawa ang siyang nagpatibay ng kanyang haka-haka, kaya naman ganoon na lamang ang bilis ng pagproseso ng kanyang utak sa kung paano mas magagawang pabor at kaaya-aya ang mga bagay para sa kanya. “They’re right you know. You should have fun once in a while. I think all this work is getting to you na.” Biglang tapik na ng kaibigan na si Philip dahil sa na rin sa ilang saglit na katahimikan na muling puma-ibabaw sa buong kuwarto, dala na rin ng paghihintay ng mga ito. Hindi namalayan ni Max na masyado nanaman siyang nahumaling sa ilang mga ideyang naglalaro sa kanyang isipan, dahilan para malunod sa lalim ng kanyang mga pina-plano. “Do I need to participate?” Pagtataas na lang niya ng kilay. Nandoon na ang lalim ng kanyang boses at ang panunumbalik ng malapad na ngisi. Napalunok na lamang ng malalim ang mga naroon nang dumekwatro na ang naturang lalake sa kina-uupuan, kasunod ng pagtataas ng kilay nito. Batid ng grupo na nakuha na nila ang atensyon ng naturang tao, subalit alam rin nila na may kapalit nanaman iyon. Lalo pa at nakalitaw nanaman ang kakaibang hitsura nito. Lahat sila ay biglang napayuko na lamang, dahil parang may kung anong bigat ang bumalot sa buong silid, kasabay ng kakaibang lamig sa lugar. Hindi tuloy napigilan ng iba sa kanila na mapalunok ng malalim, lalo pa nang tumalumbaba na si Max habang nakasalampak ang siko sa silya. “Only if you want to, of course it’s your choice.” Pilit saad na lamang ni Philip nang makahugot ng lakas ng loob, batid kasi niyang mayroon magiging kapalit ang naturang pagpapasali nila rito. “A hundred million and I’m in.” Dahan-dahan pero walang pag-aalinlangan niyang sabi sa mga kasama. Idinikta niya pa ng mabuti ang nasabing pusta na ninanais. Ganoon na lang tuloy ang panlalaki ng mga mata ng mga naroon, kasabay ng pagbagsak ng mga panga ng lahat ng naroon. “Putang inang iyan!” Bulyaw ni Michael sabay hampas sa kina-uupuan bago mapasalampak doon. Wala na itong nagawa kung hindi ang mapapunas na lamang sa mukha bago sumalampak pabagsak sa upuan. “Wala naman ganyanan.” Sunod naman ni Tristan dito na nananatili ang matinding pagkakadilat ng mga mata, hindi pa rin magawang makahupa mula sa gulat. “Take it or leave it.” Hikab na sagot ni Max, kunwari ay nawawalan ng gana. Alam niyang hindi matatanggihan ang kanyang kahilingan, lalo pa’t batid niyang ang ilan sa mga ito ay nagkakampihan. Muling nabalot ng nakabibinging katahimikan ang lugar, bago makabawi ang ilan sa mga ito. Naroon ang bahagyang pagtatapon ng tingin ng bawat isa, pero bandang huli ay wala rin silang nagawa kung hindi ang mapatango sa pagsang-ayon sa naturnag kagustuhan. “Okay, call.” Saad na ni Alvin dahil nagngingitngit na si Tristan at Michael ng mga oras na iyon. Panaka-naka pa ang pagbulong ng dalawa sa mga sarili, halatang kinakalkula na ang perang kakailanganin idagdag para sa nasabing pustahan. “So, who’s the girl?” Masayang turan ni Max nang makasigurong wala ng problema sa nasabing usapan. Doon na napilitan kumilos ang kaibigan, dali-dali nitong dinukot ang isang pirasong papel sa bulsa ng polo nito upang ipakita. “Here, she’s an unknown influencer, does cosplay, blogs etc. you know all those stuff. Goes by the name miss Sunshine. She usually post videos of herself, and it’s in skimpy looking outfits.” Turan ni Philip habang ibinibigay ang nasabing litrato. Napasingkit na lamang ng mata si Max sa nasilayan, naroon ang isang tila mistisahin na dilag na nakayuko paharap, kung kaya naman kitang-kita ang pagkakaumbok at bilog ng mga dibdib nito, dulot na rin ng masikip na kasuotan na para bang nagmula sa sinaunang Europa. Bumagay rin ang suot nitong gintong wig dahil na rin sa malaporselana nitong kutis, na siyang mas lalong nagpamukhang manika rito. May kung anong kumiliti sa pakiramdam niya habang pinagmamasdan iyon. Idagdag pa na nagmukha itong inosente habang nakapeace sign at ngiting-ngiti. “So what did you guys bet on?” Agad na lang niya saad upang ilihis ang isipan sa nakakagising dugong larawan. “Well, since kasama iyong mga girls. All of us betted she had more than her fair share of guys.” Singit na ni Alvin na ngiting-ngiti na dahil napansin na nag interes ng kasama. “So, its not about her virginity but how many guys she’s slept with.” Sambit ni Max na napapapunas na sa kanyang baba habang napapa-isip. Tulad kanina ay muli ng nagsimula ang pag-gana ng kanyang utak, tinatantsa ang mga posibilidad base na rin sa hitsura ng babaeng nasa papel. “Pretty much, since all of us agreed she’s not one anymore.” Pigil tawang saad ni Tristan na napatapon pa ng tingin sa ngising-ngising si Michael. Tila nagpintig ang tenga niya nang marinig ang halos ipit na bungisngis ng dalawa, kaya naman tumuwid muli siya ng tingin sa mga ito. “Then the person closes to the number wins, correct?” Buong seryosong sabi niya sa mga naroon. Agaran naman nagsitango ang mga ito, kaya muli siyang bumalik sa pagmumuni upang pag-isipan ng mabuti ang kanyang magiging pusta. Bahagya siyang napatulala sa naturang litrato dahil na rin sa may kung ano siyang nabatid sa naturang hitsura ng dilag na naroon. Sa hindi niya mawari na dahilan ay tila ba parang nakita niya na ito noon. Ngunit kahit anong tagal ng kanyang pagtitig sa nasabing bagay ay tila walang pumapasok sa kanyang alaala kung saan niya nga ba ito nakita, kaya ganoon na lang ang kanyang pagbuntong hininga dahil sa kakaibang pakiramdam ng mga oras na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD