Chapter 2

2810 Words
Halos hindi nakatulog si Sunshine dahil na rin sa alaala ng nangyari kagabi. Hindi niya maialis sa isipan ang nakita. Hindi makapaniwala sa laki noo, tila paulit-ulit pa iyon na lumilitaw sa kanyang isipan kaya naman ganoon na lang ang panaka-naka niyang pamumula. “Hoy, Shine. Ano ba nangyari sa iyo kahapon? Bakit hindi ka na tumuloy doon sa interview mo. Ang ganda pa naman noon company na iyon.” Palakpak na lamang ni Layla sa harapan ng kaibigan nang mabatid ang pagkatulala nito. Kasunod noon ang agaran na pagsasalubong ng kilay nang tila magising ito sa isang panaginip. Doon napayugyog ng ulo si Sunshine upang tuluyan buhayin ang diwa. Ilang saglit din ang kanyang kinailangan upang maproseso ang sinasabi ng kababata sa kanya. “Ah, may narinig kasi akong chismis about doon. Kaya hindi na ako pumunta. And mayroon pa naman akong ibang prospects ngayon na mas maganda.” Pagsisinungaling na lamang niya, sabay ngiti ng matais sa kaibigan. Pilit iwinawaksi sa isipan ang tagpong nangyari kahapon. Naroon na rin naman ang bagay na impossible na silang magkita ng naturang lalake, kaya wala na naman siyang dapat alalahanin. “Seryoso ka ba diyan?” Napakunot tuloy ng noo si Layla, kasunod ng paniningkit ng mga mata nito. “Oo. Siya, mauna na ako at may interview pa ako.” Pagkikibit-balikat na lamang ni Sunshine. Agad na lang siyang sumilip sa salamin ng naturang kainan para masiguradong maayos na ang lapat ng kanynag lipstick sa labi, inilang beses niya pa itong ininguso para makasiguro na pantay iyon bago dali-daling tumayo. “Alam mo, pwede naman kita ipasok sa trabaho ko. Madali lang naman pakiusapan si boss.” Buntong hininga na ni Layla sa pagsuko, mukhang talagang wala ng tatalo sa tigas ng ulo ng naturang kaibigan pagdating sa bagay na iyon. “Ayoko nga, mamaya magka-interes pa iyon sir mo sa akin. Alam mo naman, tirador iyon ng mga celebrity, mamaya mabiktima pa ako.” Pinungayan muli ni Sunshine ng mata ang kaibigan habang nginingisian. Nagpapasalamat na hindi na ito nagtatanong ukol sa nangyari kahapon. Pero mabilis ang panlilisik ng mga mata ni Layla dahil sa tinuran. “Sunshine ah! Kapag ako, sinimulan ko nanaman iyang kay Bobong your loves. Tingnan lang natin,” saad ng babae na naniningkit na ang mga mata. “Huwag ka mag-alala sis, humingi na ako ng sign sa heaven above, if kailangan ko na ba talaga magmove-on kay Bongbong my loves.” Tapik na ni Sunshine sa balikat ng kasama. Kinailangan niya kasing hatakin pababa ang naturang skirt na hiniram dito dahil tila mas maikli iyong tingnan sa kanya dahil bahagya siyang matangkad sa kaibigan. “At anong sign naman iyon?” Napakunot naman ng noo si Layla habang tumatalumbaba sa lamesa at tumutulong sa pag-pagpag ng paldang ng babae. “If mayroon akong makikilala na kasing bait, kasing sipag, at mas guwapo pa kay Bongbong my loves, then it means pinagmo-move on niya na ako.” Halakhak na pisil na lang ni Sunshine sa ilong ng kaibigan dahil nagsisimula nanaman kumusot ang mukha nito sa mga pinagsasabi niya. Halata naman ang inis ni Layla kaya akmang papaluin pa lang nito ang pwet niya ay siya naman takbo ni Sunshine papalayo rito na tila isang bata. “Ay shuta ka!” Dahil sa taas ng takong ay hindi niya naiwasan ang mawala sa pagkabalanse, kaya naman ganoon na lamang ang pagkadapa. Mabuti na lang at saktong mayroon dumaan na siyang sumalo sa kanya bago pa man siya tuluyan masubsob sa naturang sahig. “Jusko, Shine!” Tili na ni Layla na napabalikwas na sa kina-uupuan upang sumaklolo sa kaibigan, pero tila hindi na iyon narinig ni Sunshine nang malingap ang mga mata sa may-ari ng matitikas na brasong sumalo sa kanya. Unang bumungad sa kanya ay ang kumukutitap nitong ngiti, pagkatapos ay ang kapal ng side-burn sa may malapad na panga. Napalunok na lang siya nang masilayan ang nanghahatak na bilugan nitong mga mata, na titig na titig sa kanya. “Are you all right, miss?” Parang nanginig ang kung anong parte sa loob ni Sunshine nang madama ang lalim ng boses nito, para bang kinikilit noon ang kaibuturan niya kaya naman napanganga na lang siya rito. Pakiramdam niya ay lumulutang siya ng mga sandaling iyon nang mabatid ang halimuyak ng tila dark chocolate at mint sa kanyang ilong. “Hoy Shine, okay ka lang?” Agad ng alalay ni Layla nang makalapit, pero nananatili pa rin na tulala at nanlalaki ang mga mata ng babae ng mga sandaling iyon. “Naku, pasensya na kayo, sir.” Yuko na lamang ni Layla habang hinahatak ang wala pa rin sa sariling kaibigan, isang matamis na ngiti lamang ang pinakawalan ng lalakeng naka-suit bago maingat na tinulungan makabalik sila sa ayos. “No problem.” Magiliw nitong saad bago tumango at magtuloy-tuloy na sa loob. “Hoy Shine, umayos ka nga!” Singhal ni Layla nang makitang nakasunod ang tingin ng kaibigan sa naturang lalake na patungo na sa cashier ng naturag restaurant. Kagat labing napaharap si Sunshine sa kaibigan. “Naku girl, pinaparusahan yata ako ng heaven above dahil sa sinabi ko, bigla akong na-wet.” Nguso na lang niya sa kaibigan dahil sa kakaibang naramdaman ng mga oras na iyon. Sa ilang taon niyang paghahabol kay Bongbong ay ngayon na lang niya iyon muling nadama. “Gaga! Iyan kasi!” Batok na ni Layla sa kanya, naroon na ang malapad na ngisi nito habang napapatawa dahil sa pagkakataon na iyon. Wala ng nagawas si Sunshine kung hindi ang mapapadyak ng paa sabay mabilis na talikod pakabeso sa kaibigan, nakita niya kasi ang orasan roon at mayroon na lamang siyang isang oras upang tumungo sa gusali ng kanyang interview. Bago lumabas ay pasimple pa siyang nagnakaw na silyap sa naturang lalake, ganoon na lamang ang pag-init ng kanyang pisngi nang bigla rin itong mapadako ng tingin sa kanya, ngumiti naman ito at tumango kaya naman parang nagrigudon nanaman ang kanyang kalamnan dahil dito. “Hala, mala-late na ako!” Biglang alala niya na lamang, kaya tumango na lamang siya sa lalake bago nagmamadaling sa paglabas. Hindi magkandamayaw sa pagtakbo si Sunshine, kahit halos iika-ika na siya dahil sa suot na high heels. Hindi niya lubos akalain na maliligaw siya sa dami ng naglalakihan at magkakamukhang gusali roon. Mabuti na lamang at mayroon siyang napagtanungan na guwardiya na dumadaan at naituro siya sa tamang lugar bago pa man ang takda niyang oras. Ilang minuto na lang noon kaya naman halos doblehin niya na ang bilis ng kanyang kilos, hindi alinlangan na pinagtitinginan na siya ng ilang mga tao roon, ang tanging nasa isip niya lamang ay makasakay sa papasaradong elevator. “As shuking ng ina ka! Bakit pa ngayon.” Bulalas na lang niya nang marinig ang malakas na tunog ng napupunit na tela. Nang lingunin niya kung saan nagmula iyon ay napangiwi na lamang siya nang makitang nagmula pala iyon sa pagkakasabit ng kanyang polo sa sumaradong pinto. Mabuti na lamang at wala siyang kasama ng mga oras na iyon, kaya naman nagawa niyang tingnan ang sariling repleksyon sa salamin sa nasabing elevator. Nang mabatid niyang sa may manggas ang naturang sira ay walang pagda-dawalang isip niya na kinuha ang dalang gunting upang gupitin ang magkabilang parte upang pumantay, kaya naman naging sleeveless na ang kanyang suot. Isang ngiti lang ang namutawi sa kanya nang makitang maayos na ito muli. Nang bumukas ang pinto ng naturang elevator ay ang siyang karipas niya kaagad palabas, tuloy-tuloy patungo sa reception na nasa palapag na iyon. Doon ay agad siyang kumaway at ngumiti sa babaeng nagbabantay doon. “Miss, excuse me. I’m here for the eleven o'clock interview for the secretarial position.” Magiliw niyang pagpapaalam sabay hawi ng buhok dahil nagsimula na itong mapunta sa kanyang mukha dahil sa pagtakbo kanina. “Oh, okay. Here, paki-fill up na lang ito. And afterwards, iwan mo na lang doon sa table ko, then proceed ka na sa room dito sa side.” Senyas na lamang ng binibini sa isang gilid roon, bago siya papuntahin sa upuan at lemesang naroon upang makapag-sulat na. “Thank you miss.” Ngiting-ngiting pasasalamat niya pakatango rito. Laking tuwa niya at napakamaasikaso ng naturnang babae, kaya naman naging mahinahon na siya paka-upo. Nagyuko na lamang ang naturang babae bago nagtuloy-tuloy pabalik sa kinalalagyan kanina. Ilang saglit lang ang kinailangan ni Sunshine upang sagutan ang naturang papel, nang matapos ay agad niyang tinungo ang lamesa upang ipasa na ito. “Excuse me, miss?” Napakunot na lamang siya ng noo nang makitang wala na ang receptionist roon. “Hala ka! Nasaan na iyon?” Hinagilap niya ito ng ilang saglit, nagbabakasakali na makita ito, subalit matapos ang ilang sandali ng paghihintay at pagtingin-tingin sa relo ay hindi na niya nagawa pang mapakali. Lagpas na kasi siya ng halos labing-limang minuto at alam niyang hindi iyon makakabuti para sa kanyang aplikasyon, kung kaya naman naglakas loob na siya na tunguin ang nasabing lugar. Subalit pakatapak na pakatapak niya sa pasilyo ay agad tumaas ang isa niyang kilay, hindi lang iisa ang pinto na naroon. “s**t, saan kuwarto kaya iyon?” Napakagat na siya ng labi habang pinagpapalinga-linga ng tingin sa mga nasabing silid. Ilang saglit pa siyang nanatili roon habang nakapamaywang. Pasimple muli siyang bumaling sa labas, nagbabakasakali na bumalik na ang naturang receptionist. Ngunit wala pa rin ito hanggang ng mga oras na iyon. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya, inaalala ang nakalagay na artikulo sa trabaho na nais pasukan. Ang pagkaka-alala niya ay sa bise presidente ng kompanya ang naghahanap ng sekretarya, kung kaya’t sinubukan niyang hanapin ang pinaka pangalawa sa magarang pinto. Ngunit sadyang magkakapareha ang mga naroon at wala rin nakalagay na mga pangalan o kung anong detalye ng pagkakakilanlan. Nang makita niyang halos kalahating oras na rin ang nakakalipas dahil sa tagal ng kanyang paghahanap, napagdesisyunan niyang idaan na lamang sa tsansa ang naturang bagay. “Uhm, eeny meeny miny moe! Sige na, dito na.” At dahil na rin doon ay ang kanan sa pinakadulo ng pasilyo ang napili niyang katukin, ilang segundo siyang naghintay bago pihitin ang pinto. “Hello, tao po?” Silip niya kaagad sa loob pakabukas dito, subalit napasalubong na lang siya ng kilay nang makitang wala rin tao sa lugar. Maliban sa itim na leather couch chair, ilang paintings at halaman ay wala ng ibang kagamitan sa loob. May tatlo pang pinto at malaki ang espasyo ng silid kaysa sa labas. Nagbakasakali siya muli na bumalik sa reception area upang tingnan kung naroon na ang babae, ngunit wala pa rin ito roon, kaya naman nagbalik siya sa pinasukan na lugar upang magbakasakali ulit. “Excuse me, may tao po ba dito?” Tawag na lang niya. Sigurado naman na sa lakas ng boses niya ay maririnig siya ng kung sino man ang naroon, subalit tila wala pa rin sumagot sa kanya maliban sa isang mahinang ire. Ganoon na lang ang pagsasalubong ng kanyang kilay sa narinig, ilang sandali pa siyang tumahimik upang pakinggan kung saan iyon nagmumula. Nang mabatid ang parang mabigat at malalim na boses na tila hirap na hirap sa paghinga ay ganoon na lang ang pagkataranta niya. Mabilis ang pagkabog ng kanyang dibdib nang sumagi sa kanyang isip na maaaring may naaksidente o inaatake sa puso roon, kaya ganoon na lang ang pagmamadali niyang tunguhin ang naturang lugar. “Oh my god na ginalugad!” Bulalas na lamang ni Sunshine nang bumungad sa kanyang ang isang hubad na lalake na nakahiga roon at ini-aangat ang isang barbell na may iilang naglalakihan na bakal. Naroon ang pagngitngit nito sa hirap upang mabuhat iyon, kaya naman naglalabasan ang mga ugat sa braso nito, habang lalo naman bumabakat ang mga bukol sa kamay at dibdib. Napalunok na lamang si Sunshine habang tulalang pinanonood ang ginagawa nito, nagising lamang siya sa kalansing ng naturang gamit nang maibalik na iyon sa lalagyan. Agad na bumangon ang lalake sa kinalalagyan pakabuga ng malalim, salubong na ang kilay nito nang bumaling sa kanya. “Who are you and what are you doing here?” Tila dumadagundong ang lalim ng boses ng nagsalita, kaya naman ganoon na lamang ang panginginig ng kalamnan ni Sunshine ng mga sandaling iyon. Tila nanghihipnotismo pa ang mga patak ng pawis nito na naglalakbay pababa sa bawat ukit ng katawan nito. Aakalain mo na bagong ligo lang ang lalake dahil sa linis ng hitsura, mula sa faded na buhok na may bahagyang haba, makinis at mapanga na mukha. Pero ang talagang naging dahilan ng kanyang pagkatulala ay ang pamilyar nitong mukha. May kung anong init ang biglang nangningas sa kanya habang sinusubaybayan ang isang butil ng pawis na sumilid sa loob ng itim na pantalon, tila tumigil ang oras habang nagtutuloy-tuloy sa matambok na harapan na nakatutok sa kanya, kaya ganoon na lamang ang paglunok niya ng malalim dahil sa biglaan pagkatuyot ng lalamunan, kasabay ng biglang pagkaka-alala kung sino ito. Napamura na lamang siya sa isipan nang biglaan lumitaw ang imahe na nangyari kahapon. Kaya ganoon na lamang ang pag-akyat ng kanyang dugo sa mukha. Nakailang hakbang din ang lalake palapit, bago siya nagising sa ulira nang mapaangat na ng tingin nang mamalayan na hanggang dibdib lang siya nito. Doon siya parang nagising sa kung anong panaginip na kinasasadlakan, kaya napayugyog na siya ng mukha para tuluyan ibalik ang wisyo. “Ako po iyong applicant para sa secretarial position. Sunshine Dela Cruz at your service.” Halos uutal-utal pa ang kanyang salita, pero kahit nanginginig ay nagawa niya pa rin makuha ang resume sa kanyang bag at i-abot ito. Iyon nga lang hindi na niya maitago ang hitsura dahil matinding pamumula ng kanyang pisngi, nagdadasal na lamang na sana ay matapos na ang lahat ng iyon at paalisin na siya nito. Agad naman hinablot ng lalake ang naturang papel habang nagpupunas ng pawis sa mukha. “You’re thirty minutes late, I thought hindi ka na darating.” Tiim bagang na saad na lang nito habang sinisipat ang ilang mga nakasulat sa naturang dokumento. Wala itong sinabi, ni tingin ay hindi siya binalingan. Doon niya napagtanto na maaaring hindi siya namumukhaan nito, dahil na rin sa nakaplantsa na ang kanyang buhok, nakaayos ng damit, at wala na ang contact lense niya. Napakagat na lang tuloy si Sunshine ng labi, kahit nagpapasalamat siya sa hindi nito pagkaka-alala, hindi kasi siya mapakali sa ayos ng lalake ng mga sandaling iyon. Wala pa rin itong suot na pang-itaas, kaya naman nakabalandra sa kanya ang tila inukit nitong katawan. “Ano po kasi, sir. Ang dami pong pinto kaya hindi ko alam saan pupunta.” Paliwanag na lamang niya dahil sa sariling pagkalito. Napataas naman ito ng kilay sabay baling ng tingin sa kanya, nanatiling tuwid ang mukha at matalim ang titig bago napalinga ng ulo. “My door is the only one that is open miss. Maybe you should have checked first.” Supladong sambit ng lalake bago tunguin ang isang rack kung nasaan ang damit nito. Nakahinga si Sunshine ng maluwag nang magsuot na ito ng damit, kaya tinapik na lang niya ang sariling pisngi para tanggalin ang kakatuwang init roon. “Pasensya na sir.” Tanging sagot na lang niya. Mabilis ang pagsasalubong ng kilay ng lalake sa kanyang naging sagot, naka-ilang baling pa ito muli sa hawak na papel bago magsalita. “It says here you’re still a student, you think you can handle the job here while still in school?” Tapik ng ginoo sa naturang papel bago siya pakatitigan ng seryoso. Mabuti na lamang at medyo nakahupa na siya, kung kaya’t nai-ayos niya na ang isipan ng mga sandaling iyon. Kumukuha ng lakas ng loob sa katotohanan na kailangan niyang makuha ang naturang trabaho. “Yes sir, I only have a few units left and it says in your posting that you only need a part time secretary, so I am most qualified for the job because of my schedule, knowledge, and skills.” Magiliw niyang sambit habang binibilang pa ang mga iyon sa darili. Isang malalim na buntong hininga na lamang ang pinakawalan ng lalake bago tumango. “All right, I’ll call you when we’ve made a decision. You may go.” Tipid na sagot nito. “Thank you po, sir.” Nagyuko na lamang siya ng ulo, kaya naman napataas nanaman ng kilay ang naturang lalake. Pagkatapos noon ay nagmamadali na siyang lumabas. Napasalampak na lamang siya sa pinto pakasarado noon, bago bumuga ng hininga kasabay ng pagpupunas ng noo. Ngayon niya naisip na marahil hindi niya dapat inasar ang kaibigan kanina, dahil mukhang talagang pinaparusahan na siya ng langit sa mga sinabi kanina. Idagdag pa na ayaw mawala sa kanyang isipan ang nasilayan kahapon, tila ba parang kumabit iyon sa nakita niya ngayon, kaya ganoon na lang muli ang pag-ragasa ng dugo sa buo niyang katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD