Walang patid sa paglinga ang dalaga sa harap ng salamin, pilit na sinisigurado na pantay at maayos ang pagkakakulot ng kanyang buhok.
Nang makuntento na ay siya sa hitsura ay siya naman simula niya ng pagpili ng susuutin. Sa pagitan ng isang may burdang puting damit, at dilaw na puno ng disenyong bulaklak. Inisip niya kung ano ang mas babagay sa kanyang lakad ng araw na iyon.
Bandang huli ay nagdesisyon siya sa ikalawa na isang baby doll dress, akma kasi ito sa hubog ng kanyang katawan, maliban pa sa mas pinapalitaw nito ang kaputian ng kutis. Ang palda nito ay tila palobo pa dahil sa disenyo.
Bahagya niya pang iniangat ang kaniyang dibdib upang makasiguradong namimilog ang mga ito sa kasuotan. Isang malapad na ngiti ang namutawi sa dilag pakatapos ilagay ang pulang lipstick sa labi.
Maihahalintulad na ang saril sa isang porcelanang manika, dahil sa ayos at ganda. Na mayroon namumukudtanging pagkahalina dahil sa hubog na maladyosa.
Umikot pa siyang muli upang pakatitigan ang sarili. Sinisipat kung sapat na ang pagkaumbok ng kanyang pwetan at dibdib. Iniayos niya pa ng kaunti ang kanyang sinturon upang mas mapalitaw ang balingkinitan na baywang, bago magdali-dali na lumabas sa kanyang kuwarto pakahablot ng camera at pouch bag.
Pakababa ay tsaka niya isinuot ang two-inch heels upang iterno sa porma, kasama ang isang payong na may magagarang burda at gawa sa tela imbes na sa mala-plastic na materyal. Lahat, mula gamit at kasuotan ay iisa lamang ang kulay, at iyon ay ang matingkad na dilaw.
Pakalabas na pakalabas pa lamang ng gate ay tutok na ang lahat ng mata sa naturang dalaga dahil sa namumulag at kakaibang hitsura ng suot.
Ilang mga kapitbahay ang agad nagkumpulan, nagbubulungan na may mga bungisngis, habang ang iba naman ang napapalinga na lamang ng ulo habang pinagmamasdan ang kumekendeng na paglalakad ng dilag sa gilid ng kalsada habang nakaangat ang payong.
Lahat ng iyon ay ipinagkibit balikat lamang ng babae, nagbibingi-bingihan sa mga naririnig. Kahit ang tirik na araw ay hindi nakasira sa maganda at matamis na ngiti nito.
Sa gara ng kasuotan ay hindi mo aakalain na sa mismong kanto lang pala ang bahay ang punta nito, nagtuloy-tuloy sa isang maliit na stall na kahilera ng ilang mga karinderya.
“Good afternoon, Bongbong!”
Magiliw na bati ng dalaga pakaharap na pakahrap sa naturang binata. Hindi maitago ang malapad na ngiti nang mapagmasdan ang namamawis at abalang tindero.
Kahit na tagaktak na sa pawis at nakasando’t shorts lamang, ay kitang kita naman ang tikas ng lalake. Hindi napigilan ng dilag na paglakbayin ang mga mata sa mga butil na naglalakbay sa mga ukit na nasa braso’t dibdib nito, dahilan para mas lumapad ang pag-angat ng kanyang mga labi.
“Oh shine, saan ang punta mo?”
Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ng binata nang masilayan ang nagsalita. Napataas pa ito ng kilay nang mas mapagmasdan ng maayos ang kasuotan. Napatuwid na lamang ng labi upang pigilan ang bungisngis na nais kumawala.
“Dito, saan pa ba! Anong meryenda natin ngayon?”
Agad na yumuko si Sunshine upang silipin ang mga nakatakip na pagkain roon, pasimpleng inilalahad ng maayos sa harapan ng lalake ang parte ng kasuotan kung saan nakasilip ang kanyang bilugan na mga dibdib.
Agad naman na naglihis ng tingin sa Bongbong, sabay halukipkip kasunod ng paglunok ng malalim.
“Mag vi-video ka na naman ba?”
Busangot na lamang nito sabay tingin ng matalim nang makitang inilalabas na ng dilag ang camera sa bag nito.
“Syempre, kailangan iyon para mas umangat ang business mo. Tawag doon, promotion!”
Magiliw na sambit ni Sunshine na nagpapapungay pa ng mga mata. Sa tinis ng boses ay mabilis nitong napukaw ang atensyon ng mga naroon, kaya naman ganoon na lamang ang tawanan ng ilan sa mga nakakakilala sa kanila.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Bonbong na napapapikit na ng mata, upang iwasan na makita ang walang patid na pagtalbog ng dibdib ng kausap.
“Sino naman kasing pupunta dito para lang kumain ng ganito?”
Tila pagmamaktol na busangot ng lalake habang napapa-paypay na lamang ng kamay.
Ganoon na lang tuloy ang pagnguso ni Sunshine. “Sus, dumagdag naman iyong mga customers mo diba!”
Turan na lang ni Sunshine sabay pinapilantik ang mga daliri sa ilang mga taong nakaupo roon.
Kung tutuusin nga naman, mas dumagdag ang parokyano ng maliit ng kainan matapos ang mumunti niyang palabas.
“Oo nga, tapos madalas hinahanap ka lang.”
Bulalas naman ni Bongbong dahil na rin sa ilang mga karanasan kung saan tumungo lang doon ang ilang mga tao upang makita ang naturang dilag.
Pero ang reklamoy nito ay tila parang hanging lamang na dumaan sa tenga ng babae, dahil nanatili ang atensyon nito sa pag-si-siyasat ng mga panindang naroon.
“Uy, ginataang halo-halo! My favorite!”
Magiliw na tili ni Sunshine nang bumungad ang malapot-lapot na sabaw ng naturang pagkain. Nakailang singhot pa ito sa pagnamnam sa matamis na halimuyak noon.
“Heto, pinagbalot na kita, pero pwede bang huwag ka na muna magrecord ngayon? May darating kasing mga bisita si ate.”
Abot na kaagad ni Bongbong ng isang plastic, mayroon doon naka-styrofoam na bowl, na may takip at kutsara na.
Napangiti na lang tuloy si Sunshine nang mabatid na kumpleto ang lahat ng naroon, idagdag pa na talagang nakaayos ito ng na-aayon sa gusto niya, mayroon takip at nasa ganoon na lalagyan. Pero pasimple pa rin napanguso dahil na rin sa pagsusuplado nanaman ng tindero.
“Ano ba iyan, ganitong oras na nga lang tayo nagkikita tapos ganyan ka pa.”
Tulad kanina ay nagpapapungay na lang ito ng mata habang iniaabot ang bayad. Todo pa ang pagyuko nito habang nakaangat ang kamay sa pagbigay ng pera upang talagang mailahad ang namimilog na harapan. Subalit tulad kanina ay iwas na iwas pa rin ang mata ng lalake na hindi na malaman kung saan titingin.
“Sige na, umuwi ka na at pawis na pawis ka na oh.”
Sita na lang ni Bongbong nang makita ang pagbakat ng ilang parte ng katawang ng dalaga sa damit dahil sa pamamasa. Idagdag pa na pinagtitinginan na ito ng malagkit ng mga lalakeng naroon.
“Hindi ba pwedeng magpicture lang tayo, para naman may mailagay ako sa page ko.”
Lambing na ni Sunshine, hindi niya nais sayangin ang pagpunta roon lalo pa at nag-ayos rin siya para sa araw na iyon.
Napabuntong hininga na lamang ang lalake ng wala sa oras, bago mapasapo sa ulo. “Siya, bilisan mo lang.”
Ganoon na lang tuloy ang pagtalon ng dilag sa tuwa, sabay agad na lapit sa kinaroroonan ng binata. Buong giliw niya na iniangat ang camera at pakakapit sa braso nito ay agad niyang kinuha ang kanilang litrato.
Nakailan rin siya bago tuluyan makuntento. Matapos noon ay ngiting-ngiti na si Sunshine habang pinagmamasdan ang kanyang mga nakuha.
“Dinamihan mo naman iyong bola-bola nito diba?”
Pahabol na lang niya pakasilip niya pa sa naturang lalagyan upang makasigurado na sapat para sa kanya ang inilagay nito.
“Namumutakti na iyan.”
Sambulat ng lalake pakapunas ng pawis, dahil sa kakaibang nagawa sa kanya ng pagdikit ng dalaga, lalo pa at halos idikit na nito ang katawan sa kanya.
“Thanks Bong!”
Magiliw na saad ni Sunshine nang makitang punong-puno nga ng mga bilo-bilo ang kanyang lalagyan, tulad ng madalas niyang hilingin dito.
“Dali na, pinagtitinginan ka na ng mga tao, oh.”
Sita na lang muli ni Bongbong, sabay hawi sa kanya para umalis.
Kahit sino naman kasi ay hindi mapipigilan ang mapahinto para tumingin sa dilag, dahil maliban sa kakaiba ang kasuotan nito, naroon rin naman ang angkin kagandahan ng dalaga na parang isang porcelanang manika sa puti kahit naarawan.
“Okay, I’ll see you tomorrow.”
Paalam na ni Sunshine bago maingat na naglakad ng pakendend-kendeng pa habang papaalis. Naniniguraedo na mapapansin ng naturang tindero.
Napalinga na lang si Bong ng ulo, pigil ngiting napapasalubong ng kilay habang pinagmamasdan ang palayong dalaga.
Matapos ang paglalakad ng ilang sandali ay isang malalim na buntong hininga na ang pinakawalan ng babae, agad bumagsak ang balikat kasabay ng pagbagsak ng ngiti.
Napalaro na lang siya sa kanyang buhok na ilang oras niyang pinagtiyagaan na ayusin.
Hindi niya mapigilan ang mapakagat ng labi dahil hindi man lang nagawang mapansin ng binata ang malalaking kulot ng kanyang buhok o kahit ang kakautwang disenyo ng kanyang damit.
Subalit ang lahat ng sama ng loob at bigat ng pakiramdam na nadarama niya ay nawalang lahat nang makita niya ang isang kuha nila. Sa isang litrato ay tila magkaagapay sila ng kamay at nakangiting parehas sa harap ng naturang kamera. Isang bagay na siyang nagpanumbalik sa kanyang saya at pag-asa.
Iyon ang naging pang-aliw niya upang ipagsawalang bahala ang mga naririnig na masasakit na salita. Tulad na lamang ng “Wala na ba talagang delikadesa iyan?” o “Hindi ba talaga iyan titigil,grabe naman iyong pagkadesperada.” at ang pinakamatindi. “Mukhang nabaliw na yata talaga.”
Nawala lamang siya sa pagmumuni nang bigla na lang may tumigil na taxi sa kanyang tabi, kasunod noon ang pagbaba ng bintana nito.
“Galing ka nanaman sa kanto no. Siya, sakay na, samahan mo na muna ako.”
Turan na lamang ng babaeng nakasakay roon. Walang atubili naman sumakay ang dilag roon na mayroon ng matamis na ngiti.
Isang oras rin silang nagbiyahe patungo sa siyudad, kung saan napapalibutan ng matatayog na gusali. Bumaba sa harapan ng isang sikat na coffee shop roon.
“Hay naku Shine, kailangan ka ba matatauhan? Kailangan mo na magmove on kay Jacinto!”
Napapangiwing turan na lamang sa kanya ng kababata, walang humpay pa ang pagwawasiwas nito ng kamay habang naglalakad sila papunta sa nasabing establishimento.
Tinaasan na lang ito ni Sunshine ng isang kilay habang nagmamadaling sumunod. Naroon kasi ang pag-iika niya dahil na rin sa haba ng palda.
“Never say never, Layla! Makikita mo, mahuhuhlog muli sa alindog ko si Bongbong my loves!”
Buong diin niyang sambit nang magkapantay na sila, sinakmal niya pa ang kanyang dibdib upang i-angat ang ipakita ito bago pakatitigan ng matalim ang kaibigan.
Naparolyo na lang tuloy ng mata isi Layla habang binbuksan ang pinto, makahulugan na ang titig nito na may kasama pang pagkunot ng noo nang magbalik ng tingin sa kaibigan.
“Baka naman kasi nag-iba na talaga ang type niya.”
Turan na lang nito sabay paypay ng isang kamay.
Napasinghap tuloy si Sunshine sa narinig, nanlalaki pa ang mga mata habang napabuka ang bibig na wari’y nagulat.
“Sister, if iyan rin lang ang magiging basehan natin, humanda na siya, cause I, Sunshine Dela Cruz, will become any girl he could possibly dream of!”
Sigaw na siwalat niya kung kaya’t halos lahat ng naroon ay bigla na lamang napatingin sa kanila. Napasapo na lang si Layla sa mukha habang napapayuko sa sobrang hiya habang papaupo sila.
“Shine, umayos ka nga! And daming tao rito.”
Sita na lamang ng kaibigan habang sinisenyasan na siya na maupo, dulot na rin ng biglaan bulong-bulungan at tawanan ng ilang mga naroon.
“Pake ba nila, kilala ba nila ako?”
Isang mataray na tingin ang ibinato ni Sunshine sa kausap bago mag-flip hair para ayusin ang nalihis na piraso ng buhok sa kanyang gilid.
“Seryoso ka diyan?”
Ganoon na lang tuloy ang ngiwi ni Layla habang napapataas na rin ng isang kilay. Mukhang nakalimot naman yata ang kaibigan dahil sa dami ng ipinapakalat nitong mga video ay naroon ang posibilidad na iyon.
“Anyway, balik tayo sa bagong type ni Bongbong my loves!”
Pagsasawalang bahala ni Sunshine habang ipinapaypay ang kamay sa harap ng kaibigan. Sinapo na lang ni Layla ang mukha habang hinihilot ang sintido dahil sa tila sakit ng ulo.
“I can be demure.”
Agad na pomustura si Sunshine ng tuwid, kagat ang ibabang labi na tila ipinapungay ang mata habang ginagawang mahinhin ang kilos.
“Sexy!”
Mabilis inipit ng babae ang dibdib sa pagitang ng dalawang braso bago ngumuso na tila nang-aakit.
“Playful.”
Gumigling-giling naman ito ngayon at walang tigil sa paghagikgik, napalinga na tuloy si Layla dahil parang baliw na inaasal nito.
“Serious.”
Agad balik tuwid ng babae ng mukha bago maupo sa harapan mismo ng kaibigan.
“Or cute!”
Dito na sinapo ni Sunshine ang magkabilang pisngi, habang pinapalabas ang pinakamatamis na ngiti.
“Name it, I’ll do it, alam mo iyan!”
Turan niya sa kaibigan, matapos noon ay ini-ayos niya na ang pagkakapuo sa silya upang maging mas komportable.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Layla matapos hilutin ang sintido, may pinindto na lang ito sa dalang laptop bago iharap dito.
“Oo nga, nakita ko nga sa mga video mo.”
Ngiwing sambulat nito upang ipakita ang mga nagkalat na likha sa naturang gamit. Halos lagpas isang daan na ang mga iyon at lahat ay nagawa lamang sa loob ng dalawang buwan.
“Sisiguraduhin ko na hindi na niya kailangan maghanap ng iba, dahil tutuparin ko lahat ng kanyang pinapantasya.”
Naroon ang ngiti sa mga mata ni Sunshine, pasimple pa nitong tinanggal ang pusod upang hayaan na lumugay ang buhok.
“Iyan ba iyong reason kung bakit papalit-palit ka ng persona sa mga videos mo?”
Nag-angat na ng isang kilay si Layla sabay turo sa ilang mga likha nito. Sa bawat isa kasi ay iba-iba ang suot, hitsura, at kilos ng dilag na iisipin mong iba-ibang tao na ang naroon.
“Ang tawag doon, testing the waters. Pasa-ano ba’t makukuha ko ulit ang kiliti ni Bongbong my loves.”
Hindi na napiglan ni Sunshine ang mapahagikgik habang nagsasayaw-sayaw sa kina-uupuan.
Muling huminga ng malalim si Layla para pakatitigan ng seryoso ang kaibigan.
“Sister, ang dami mong manliligaw, tapos kita mo naman iyong mga messages sa iyo ng ilan sa mga followers mo, ilang taon na iyan, hindi ba’t oras na para mag-move on?”
Halos nanghihinang saad ng babae dahil sa tila parang pangarap na lamang na nais ng kaibigan.
Ganoon na lang tuoy ang talim ng tingin ni Sunshine pabalik dito, sabay ngiwi ng labi habang itinataas ang isang kilay.
“Sabihin mo iyan sa akin kapag nakapag-move on ka na diyan sa bossing mo ha.”
Sita nito sabay ismid.
Napadilat ba tuloy si Layla ng mata. “Iba naman iyong situation ko!”
“Oo nga, kasi nananahimik ka lang sa isang tabi. Eh kung nagpapakita ka ng motibo, eh di sana hindi ka palaging luhaan.”
Sermon ni Sunshine sa kaibigan habang dinuduro ang kaibigan.
“May girlfriend na si Alex.”
Walang ganang sambulat ni Layla na napalihis na ng tingin, naroon kasi ang bahagyang bigat sa pakiramdam nito dahil sa sinabi.
Si Sunshine na ngayon ang naparolyo ng mata na napabagsak pa ng balikat sa narinig. “Sino? Iyong sikat na model o iyong nabuntis niyang beauty queen?”
Panunuya na lang niya sa kaibigan dahil sa tila hindi nito nakikita ang sariling pagkabulagsa lalakeng iniibig.
Mabilis na nanlisik ang mga mata ni Layla, agad itong nagtapon ng makahulugan tingin bago tiim bagang na inilagay ang daliri sa labi para sabihin na manahimik.
Napapigil na lang tuloy ng tawa si Sunshine dahil sa tinuran ng kasama, dahil kahit papaano ay bahagya niyang nainis ang kalmado at seryosong kaibigan.
“Si mam Cassady ang girlfriend ni sir, aksidente lang iyon nangyari kay miss Queeny.”
Agad na tumuwid si Layla ng upo, sabay dekwatro bago itupi ang mga kamay sa may harapan. Naroon pa ang pag-aangat nito ng tingin na may mataray na kilay.
“Sus, kaya pala naka-dalawa.”
Napabusangot si Sunshine sa tila pagpapakita ng pandidiri sa naturang lalake.
Muntik na tuloy mawala sa balanse si Layla sa kinauupuan, agad rin nawala ang kompyansa nito at nabalik sa pagyuko pakahampas ng kamay sa lamesa. Mukhang hindi nito lubos akalain na alam na pala ng kaibigan ang tungkol sa naturang bagay.
“Ibang usapan naman iyon.”
Singhal na lang ng babae.
“Once is a mistake, twice is not. Remember that sis!”
Pitik ni Sunshine na mayroon ng malapad na ngisi sa mukha. Sa pagkakataon iyon ay halos abot tenga na iyon dahil sa tila pakiramdam ng pagkapanalo.
“Bakit biglang napunta sa akin, ang pinag-uusapan natin dito ay ikaw, hindi ako.”
Bulyaw na ni Layla dahil sa pag-iinit ng ulo.
“Iyon na nga, paano mo ako ma-eenganyo na sundin ang payo mo, eh hindi mo nga masunod. Practice what you preach, sis, remember that!”
Pinaglaro pa ni Sunshine ang daliri sa harap nito, kaya naman halos hindi na maipinta ang mukha ng kaibigan ng mga oras na iyon.
“Alam mong iba ang sitwasyon natin.”
Nagngingitngit na napapunas na ng mukha si Layla habang napapasubsob sa mesa. Tulad noon ay mukhang siya nanaman ang talo sa usapan nilang iyon.
“Excuses, excuses!”
Mapaglarong asar na lang niya sa kaibigan, habang nagpipigil ng halakhak dahil wala na itong masabi.
Doon na ito nag-angat ng kamay na tila sumuko, kasabay ng pagkuha ng isang paper bag para itulak sa ibabaw ng lamesa papunta sa kanya.
“Heto. Magpalit ka na nga, ako naiinitan sa suot mo eh.”
Turan na lang ni Layla na hindi na nag-angat pa ng ulo dahil sa paghihilot ng sintido nito.
“Thank you for this.”
Humahagikgik na saad na lang niya pakakuha sa nasabing bagay, sabay dali-daling naglakad patungo sa malapit na restroom doon. Napakunot na lamang siya nang pakakambyo sa siradura ay hindi ito gumalaw.
“Excuse me. May iba pa bang restroom dito?”
Papansin niya sa unang waiter na dumaan sa kanyang harapan. Naroon na rin kasi ang panlalagkit niya sa suot na damit.
“Ay, out of order po iyan mam. Doon na lang po kayo sa second floor.”
Saad ng nasabing trabahador na may ngiti.
“Thank you.”
Tapik niya na lang dito bago dali-daling umakyat papunta sa nasabing palapag ng nasabing shop. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang walang tao roon, kaya wala rin pila sa kanyang patutunguhan, dulot na rin ng biglaan tawag ng kalikasan ay napamadali na siya sa pagbubukas ng pinto, tuloy-tuloy sa pagpasok.
“What the f**k!”
Sigaw ng isang malalim na boses pakasarado niya ng pinto.
Nanlalaking matang napasandal na lamang siya sa pader sabay napahawak sa dibdib. Hindi siya kaagad nakapagsalita nang masilayan ang malaking bagay na nakalitaw sa pantalon ng lalake na naroon.
“Oh my gosh! I’m so sorry. Hindi kasi naka-lock iyong pinto.”
Nauutal na saad niya pakaharap sa pader nang tumalikod ang ginoo para itago ang naghuhumindig na pagkalalake mula sa kanya.
“Seriously miss. Didn’t you ever hear about knocking?”
“I’m so sorry.”
Nangingiyak niyang sambulat sabay hawak sa mukha dahil sa tindi ng pag-iinit ng buong pisngi sa nasilayan. Hindi na mabura sa kanyang isipan ang laki at hugis noon, kaya naman ganoon na lamang ang pagtaas ng dugo sa kanyang ulo.
“Geez, next time learn to check first.”
Bulalas na lang nito.
Nanatili na lamang si Sunshine na nakatalikod at tahimk habang naririnig ang paglagaslas ng tubig, ilang saglit pa at narinig niya nag malakas na paglakabog ng pinto.
Doon na siya nakahinga ng maluwag, agaran na siyang nagpunas ng pawis sa noo dulo’t na rin ng matinding kaba ng mga oras na iyon.
Napalinga na lang siya ng ulo dahil sa sariling kapalpakan, pero hindi niya mapigilan ang mapapadyak ng paa sa inis dahil na rin sa kahihiyan na sinapit dulot na rin ng sariling kapalpakan.