Chapter 5

1758 Words
Sa loob ng isang tinted na sasakyan na nakaparada sa hindi kalayuan, dalawang lalake ang nanlalaki ang mga mata at halos malaglag na ang pangang dahil sa nasaksihan na pangyayari. Batid man ang gulat ng mga ito ay hindi maikakaila ang kakaibang ngisi sa labi ng dalawa, kahit pa naroon ang lalim ng pagkakakunot ng noo ng mga ito. “Who the hell is that girl?” Basag na ni Michael sa katahimikan na bumabalot sa kanilang magkapatid. Halos nagpipigil na siya ng tawa dahil sa linaw at ganda ng nakukuha ng video recorder nila ng mga sandaling iyon. “I don’t know. But She looks familiar.” Pabulong na sambit ni Max na hindi mapigilan ang mapakamot sa kanyang baba sa pag-iisip. Naroon na ang paniningkit ng mga mata niya habang pilit na inaaninag ng mas maayos ang mukha ng dilag na kasalukuyan sinasabunutan ng matandang babae. “Did you see what she did to make that woman snap?” Muling sambit niya sa kakambal, aligaga dahil hindi nila nakita o nabatid kung ano ang puno’t dulo ng nangyayari ngayon. Naroon ang importansya ng bagay na iyon, lalo pa at maaari nilang magamit ang bagay na iyon sa hinaharap. Iyon nga lang, sa layo mula sa mga ito ay wala silang marinig, tanging ang mga ingay lamang ng sigawan at tunog ng mga sasakyan ang kanilang nasasagap mula roon. “She didn’t do anything, that b***h just straight up attacked that girl for no reason. Sabi ko na nga ba, may itinatagong baho iyong babae na iyan.” Sagot na lang ni Michael na abala pa rin sa paningurado na makuha ng maayos ang lahat ng nangyayari, gamit ang kanyang hawak na recorder. Mula sa kinaroroonan nila ay kitang-kita kung paano kaladkarin, sampalin, at hatakin ng nasabing babae ang kalunos-lunos na dalaga. Naroon man ang awa nila para dito, subalit nangingibabaw ang galak nila sa nasasaksihan, dahil na rin sa nakakalap sila ng ebidensya ng mga sandaling iyon. Sa pagkakataon iyon ay ilang saglit na nanahimik si Max, iniisip kung saan niya nga ba nakita ang naturang biktima. Hanggang sa mabatid niya ang folder na naglalaman ng ilang piraso ng papel sa may harap ng kanyang dashboard nang mapansin ang litrato na nakasilip doon. “Now I remember.” Bulalas niya na lang habang nagpapalinga ang mata sa larawan na naroon at sa dalagang kinakaladkad sa labas. Agaran niyang kinuha ang nasabing bagay upang buklatin at mabasa ang nilalaman ng naturang dokumento. “Sunshine Dela Cruz, that’s her name.” Natatawang saad niya habang binabasa ang naturang pangalan. Doon natigil si Michael sa ginagawa upang balingan siya, napasalubong na lamang ito ng kilay nang makita ang hawak-hawak ng kakambal. “Luh, since when did you become a stalker.” Natatawang asar ng lalake nang makita ang kumpletong detalye ng nasabing dalaga na kasalukuyan nabubugbog sa labas. “Gago!” Mabilis na hampas ni Max sa kapatid gamit ang nasabing papel, lalo lamang itong napahalakhak pakasangga ng kamay. Natutuwa dahil sa nagawa nitong pikunin ang kasama. Kinailangan pang pandilatan ito ni Max upang tumigil. “Then where’d you get that?” Bawi na lamang ni Michael sabay turo sa nasabing dokumento. Nakadama na ito ng kakaibang kaba dahil sa talim ng tingin ng kakambal, lalo pa nang mabatid niyang paglitaw ng ugat sa may gilid ng ulo nito, senyales na nawawalan nanaman ng pasensya ang kapatid. Isang malalim na buntong hininga na lamang ang pinakawalan ni Max bago muling ibalik ang tingin sa mga kaganapan sa labas. “She applied for the secretarial position at our company yesterday. I wasn’t really considering her before, but now I think I’m rethinking my decision.” Turan niya sa kapatid. Natapos na rin ang kaguluhan, salamat sa pag-awat na ilang tao roon, ngunit pansin pa rin ang matinding galit ng matandang babae kahit hawak-hawak na ito. Isang malapad na ngisi ang namuo sa isipan ni Max habang pinagmamasdan ang tagpo, naroon nanaman kasi ang pagsisimula ng pagkulo ng kanyang dugo, lalo pa nang masilayan ang lalake pumagitna sa dalawang babae. “I don’t know what’s running in that head of yours. Pero, I don’t think its anything good.” Isang malalim na paglunok ang tanging nagawa ni Michael habang pinagmamasdan ang kapatid. Sigurado niyang may kung ano nanaman plano ang nabubuo sa isipan nito, lalo pa nang mapansin ang kakaibang titig nito sa labas. Natahimik lamang siya nang pakabalingan nitong muli, kaya naman ganoon na lamang ang pilit niyang pagngiti rito. “Since when did I ask for your opinion. Besides, I’m not even sure if she will be of real use, tinitingnan ko lang iyong possibility.” Agad na bara ni Max dito. Naroon ang katotohanan na hindi nila alam ang dahilan kung bakit bigla na lamang nagkaganoon ang matandang babae. Biglaan man at hindi sigurado ay napagtanto niya na hindi iyon nagkataon. Nahihita niya na mayroon mas malalim na dahilan ang naturang tagpo, kaya naman ganoon na lamang ang interest niya sa naturang sitwasyon. At sa kasalukuyan nilang lagay, naisipan niyang maari niyang magamit iyon sa hinaharap. “Bro, you serious about this? You’re treading on dangerous water here.” Agad na saad ni Michael nang mapansin ang kakaibang pagningning ng mata ng kakambal. Hindi niya man alam ang iniisip nito ay naroon ang kaalaman na sigurado niyang may posibilidad na masama ang dalaga sa mga pinaplano nito. Napatingin na lamang si Max sa kasama, tuwid ang labi habang nakataas ang isang kilay. “I know. Do you have a better idea?” Saad niya rito dulo’t ng pagka-irita. Tila tinatalaban nanaman ng takot ang kapatid, kaya naman hindi niya mapigilan ang inis ng mga oras na iyon dahil alam niyang wala nanaman siyang aasahan rito. “No, but are you sure this is necessary? Mandadamay ka ng ibang tao.” Napapangusong saad na lamang ni Michael sa muling pagbabakasakali na ibahin ang isipan ng kapatid. Medyo nakakadama rin kasi siya ng awa sa dalaga, lalo pa at mukhang balak itong gamitin ng kapatid sa kung ano man ang naiisip nito. Kung tutuusin ay alam niyang kaya naman gawan ng kakambal ng paraan ang kasalukuyan nilang problema, lalo pa at marami na naman silang nakalap na ebidensya. Naguguluhan rin siya kung bakit palagi tila hindi ito natitigil sa kakaisip ng plano. “This is the problem with you brother, you don’t know how to do things. This is what you’d call planning ahead. It is better to have something set up early on, rather than not having anything at all.” Turan ni Max na napapataas pa ng isang daliri, na tila tinuturuan ang kapatid. Alam niya kasing nalilito nanaman ito sa mga bagay na ginagawa niya. “Just say its a back up plan, ginawa mo pang komplikado.” Busangot na lamang ni Michael sabay halukipkip. “It’s because you’re too simple minded.” Natatawang sabi na lang ni Max pakapalinga ng ulo. Sa pagkakataon na iyon ay alam niyang siya muli ang nagwagi sa munti nilang pagpapalitan, lalo pa nang makita niay na ibinalik na ng kakambal ang atensyon nito sa pagkuha ng video. “Count me out of this. You know how I dislike using people, hindi ko alam kung paano mo nasisikmura iyong ganyan.” Sermon na lamang ni Michael dahil sa pagkapikon. Mas lalo lamang tuloy napatawa si Max sa tinuran ng kambal, lalo pa nang makita ang pagkukusot ng mukha nito. “Everyone does it all the time. Some just don’t want to admit it.” Pagkikibit balikat na lang niya. Iyon ang katotohanan na kinamulatan niya. Ang bagay na siyang tumatak at humubog sa buo niyang pagkatao. “Say what you want. Pero labas na ako diyan.” Tipid na sagot ni Michael, nakasisiguro kasi siya na wala ng makakapigil sa gusto ng kapatid. Doon na lumapad ang ngisi ni Max, nagtapon muli siyang ng tingin sa lupon ng mga tao sa harapan. Mukhang nakalayo na ang dalaga, pero kahit na ganoon ay walang patid pa rin ang pagwawala at pag-eeskandalo ng matandang babae. Wala itong paawat sa kakasigaw, pilit pa na ibinabato ang tsinelas sa papalayong dilag. Kung hindi ito hawak ng anak, marahil ay sinugod nanaman nito ang nasabing binibini, dahil halatang walang balak manlaban ang nasabing tao. “As long as you don’t get in my way, we won’t have any problems.” Paalala niya na lang rito. Hindi niya rin naman gusto na magulo ang kanyang mga balak, lalo pa at nai-ayos niya na ang lahat. “Yeah, yeah. You don’t have to remind me that. Besides, I have other things to think of.” Walang ganang saad na lang ni Michael habang sumasandal na sa kina-uupuan. Mukhang tapos na ang gulo dahil nagsimula ng magsi-alisan ang lupon ng tao roon. Kumalma na rin ang ginang na kanina lang ay ayaw magpaawat. “What? Like finding that Miss Sunshine? Hanggang ngayon ba hindi niyo pa rin iyon nahahanap?” Pansin na lang muli ni Max, medyo nakuha noon ang kanyang atensyon, lalo pa at malaki-laki ang ipinusta niya sa bagong kalokohan ng mga ito. Napabagsak na ng balikat si Michael ng maalala ang bagay na iyon, hindi niya napigilan ang mapapunas ng mukha dahil pansin niya ang tuwa sa boses ng kakambal. “Bro, the girl is always in costume, plus she’s all over the place. How the hell can you find someone like that?” Napa-angat na lamang siya ng kamay sa inis, hindi kasi nila lubos akalain na magiging ganoon kahirap ang paghahanap sa nasabing babae, lalo pa at kilala naman ito. “That’s your problem, not mine. For now, I’m more interested in knowing what caused that old hag to suddenly attack that girl. I’m sure whatever the reason is bound to be useful in the futura.” Bara naman ni Max dito na may malapad na ngisi. Nawala lamang ang masayang guhit ng labi sa kanyang mukha nang mapansin muli ang dalaga na kanina lamang ay inaalipusta. Huminto ito sa isang poste upang magtago, panaka-naka ang pagsilip sa mag-ina na kasalukuyan ng nag-aaway ngayon. Hindi niya napigilan na mapakunot ng noo, naguguluhan kung bakit nagagawa pa nitong manatili roon matapos ng lahat ng nangyari. May nadama siyang pagpitik sa kanyang sintido nang masilayan ang kung anong kalungkutan sa mukha ng dilag, lalo pa nang mapagtanto niyang nakatuon iyon sa lalakeng anak ng ginang na nang-alipusta rito. Hindi niya mapigilan ang magkahalong inis at pagtataka dahil hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang hitsura nito, kahit pa naranasan ang matinding pannanakit mula sa matandang babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD