Chapter 6

1488 Words
Hanggang ng mga oras na iyon ay naroon pa rin ang matinding kirot at panghihina dahil sa dinanas. Sa ngayon ay maingat na nilalapatan ng kaibigan ang mga sugat na kanyang tinamo, kaya naman walang patid ang kanyang pagngiwi dahil sa hapdi ng mga sugat. “Iyan na nga bang sinasabi ko eh. Kailan ka ba madadala?” Singhal ni Layla nang muli nanaman na umiwas ang kaibigan sa pagdampi ng bulak na kanyang hawak. “Wala naman akong ginagawang masama ah.” Hikbing saad na lang ni Sunshine habang napapangiwi dahil sa sakit ng mga sugat. Hanggang ng mga sandaling iyon ay hindi niya maintindihan kung bakit ba tila nag-uumapaw ang galit ng naturang ginang sa kanya. Kung tutuusin, parehas lamang naman silang nawalan, kaya naman ganoon na lang ang sama ng loob niya. Ang masama nga lang ay wala siyang magawa, dahil na rin sa posisyon at estado nito. Isang bagay na hindi niya na mababago kahit ano pang gawin niya. Napabuntong hininga na lang si Layla sa kanya, hindi nito mapigilan ang magpalinga-linga ng ulo dahil sa pagkadismaya. “Nandoon na tayo, pero alam mo naman na hanggang ngayon ay mainit pa rin ang dugo sa iyo ni manang Celia.” Buntong hininga na lamang ni Layla, kasabay ng biglaan pagpasak ng hawak na bimpo sa mukha ng kaibigan. Ganoon na lang tuloy ang tili ni Sunshine, kasabay ng simpleng pagpalo at nguso nito sa kasama. “Hindi ko naman kasalanan na…” Maktol na lang niya rito, subalit agad na lang siyang natigil nang bigla na lamang marinig ang tunog ng telepono. Parehas silang natigilan habang napatulala na lamang sa naturang bagay habang walang tigil ito sa pagtunog. “Oh, sagutin mo na muna iyan, baka importante.” Tudyo ni Layla sabay paypay ng kamay upang gumalaw na ang kasama. Kaya naman dali-dali ng napatakbo si Sunshine upang kunin ang sagutan nito. Naroon na rin kasi ang kaalaman na iisa lamang ang dahilan kung bakit mayroon tumatawag sa kanya. “Yes, hello.” Buong galak niyang sagot, litaw na litaw ang liwanag ng kanyang ngiti habang nagsasalita pakasaad noon. “Good day, is this miss Sunshine Dela Cruz?” Isang matamis at malumanay na boses ang agaran na sumagot sa kabilang linya. “Yes, this is her speaking.” Hindi napigilan ni Sunshine ang lalong mapangiti, dahilan ng matinding pananabik at kaba. Base sa pananalita ng babae ay napagtanto niyang tama ang hinala, kung kaya naman hindi niya maialis ang kakaibang galak “Hi mam, I called in to tell you of your scheduled final interview with our company. Will you be available tomorrow afternoon?” Magiliw na sagot ng binibini. “Oh yes, of course!” Agaran niya naman na sambit na hindi mapigilan ang magpapapungay ng mata, kasabay ng panaka-nakang paglalaro ng daliri dahil na rin sa pagririgudon ng kanyang dibdib dahil na rin sa sobrang galak. Matapos makumpirma ang oras ay agaran na rin itong nagpaalam. Ganoon na lamang ang taas ng talon ni Sunsine pakababa ng telepono, dulot na rin ng matinding tuwa dahil sa balita. “Oh, sino iyon?” Kunot noong papansin na ni Layla na nanlaki ang mga mata dahil sa inakto niya. “Girl, nakapasok ako sa final interview!” Tili na lamang ni Sunshine habang walang humpay sa paglundag dahil na rin sa matinding galak ng mga oras na iyon. Ang buong akala niya kasi ay wala na siyang pag-asa na makuha sa trabaho, dahil na rin sa mga nangyari na kabulastugan noon unang panayam sa kanya. “Ay congratz!” Mabilis na napatayo na lamang si Layla upang bigyan ng mahigpit na yakap ang kaibigan. Sabay na silang nagtatalon habang yakap-yakap ang isa’t isa. Hindi sila magkandamayaw sa pagdiriwang. Matapos noon ay dali-dali na silang naghanda para sa nasabing lakad para bukas. Walang patid ang pagpili nila ng tamang kasuotan, ganoon na rin ang pagmememorya at ensayo ng mga isasagot sa mga posibleng katanungan sa kanya. Kung kaya naman kinubukasan ay handang-handa na para sa muling pagharap sa nasabing pagsubok. Baon ang matamis na ngiti, idagdag ang swerteng kasuotan na heels, knee length skirt, at business coat, tumapak siya sa naturang gusali ng puno ng kumpyansa. Agad siyang nagtungo sa frontdesk na handa at buo ang loob. Mabilis, pulido, pero maingat ang bawat hakbang ni Sunshine, sinisigurado na nakapostura siya hanggang sa paglapit roon. Sa tagal na rin naman niyang nagco-cosplay ay halos naperpekto na niya ang iba’t ibang pagkilos base sa kasuotan. Ngayon, isinasaisip at ginagampanan niya ang papel ng isang secretarya na madalas niyang nakikita sa mga palabas. Mahinhin, maalindog, at puno ng kompyansa. Iyon nga lang, bahagya siyang natigilan nang mapansin ang kakaibang titig ng mga babae sa kanya roon pakababang-pakalabas niya ng elevator. Tila ba naroon ang talim sa tingin ng mga ito, kasabay ng agaran na pagsimangot. Mabuti na lamang at napanatili niya ang postura kahit pa bigla na lamang bumugso ang panginginig sa kanyang kalamnan. “Good morning, nandito po ako for the final interview.” Magiliw niyang bati sa mga naroon. Hindi niya mapigilan ang mapangiwi nang irapan na lang siya ng mga ito, kasabay ng agaran na pag-alis ng ilan sa mga babae. Ang tanging nanatili lamang roon ay ang binibini na unang bumati sa kanya noon. “Same office miss. I think you know where it is.” Walang gana nitong saad na nanatili lamang na nakatingin sa computer nito. Naroon ang panaka-naka nitong pagpindot roon, na tila bigla na lamang naging abala nang dumating siya. “Ah, yes. Thank you.” Ipinagkibit balikat na lamang ni Sunshine ang naturang bagay habang nananatiling nakangiti. Matapos tumango rito ay nagpatuloy na siya sa pasilyo. Maingat na ang kanyang bawat hakbang, sinisigurado na hindi magdudulot ng ingay ang kanyang mga yapak dulo’t na rin ng suot na heels. Sa pagkakataon na iyon ay nadatnan niya na may tao sa loob ng opisina, at bukas na ang pinto nito. Naabutan niya ang naturang lalake na nakausap noon nakaraan, kasama ang isang babae na hindi niya mawari kung empleyado ba roon. Nakasuot ang naturang binibini ng isang puting spaghetti strap at angat na angat na black skirt, na kaunting kilos na lang yata ay makikita na ang kaluluwa nito. Maliban doon ay litaw na litaw ang kakaibang kinis ng kutis at kintab ng buhok nito. Bumagay iyon sa maliit nitong mukha, matangos na ilong at pulang-pulang labi. Akmang mapapataas sana siya ng kilay, subalit mabilis niyang napigilan ang sarili, dahil na rin sa pag-alala sa kung sino ang kaharap. Naroon kasi ang matinding pagtataka sa kanya sa naturang kasuotan nito, dala na rin ng halos manginig na siya doon, habang ito ay tila ba nagtipid sa kasuotan at hindi alintana ang lamig sa lugar. Hindi nakaligtas sa kanya ang kakaibang pagyuko ng naturang babae sa bawat pagkakataon na may kailangan itong ipapirma. Halata kasi na sinasadya nito na ipakita ang dibdib. Sa kasamaang palad, nananatiling parang estatwa ang naturang lalake sa kinalalagyan nito. Tuwid ang mukha at hindi man lang nagpapakita ng kahit anong emosyon, ang tanging sagot lamang nito ay ang panaka-nakang tango sa mga katanungan bago pumirma. Minarapat na ni Sunshine na kumatok na muna sa pinto, upang makuha ang atensyon ng mga ito. Agad naman nag-angat ng tingin ang dalawa na hindi man lang nabahala sa biglaan niyang paglitaw, dahil nanatili lamang ang dalawa sa posisyon. “Good morning po.” Bati niya na lang sa mga ito nang sa wakas ay mapuna na siya. Bahagyang lumitaw ang guhit sa labi ng lalake, habang mabilis naman na sumalubong ang kilay ng kasama nito na napatuwid na ng tayo. “You’re finally here.” Saad ng ginoo pakasarado sa huling documento na pinirmahan nito. Agad nitong iniabot ang naturang folder sa babae na siya naman nagpabalik sa ulira nito dahil sa gulat. “And who’s this?” Turan na lamang ng binibini. Napahalukipkip na ito pakayakap sa mga dalang folder, sabay tingin kay Sunshine mula ulo hanggang paa na para bang sinusukat ito. Naroon ang mabilisan na pagtalim ng mga mata nito kasabay ng agaran na pagkukusot ng mukha nang mapagtanto ang kabuuhan ng hitsura niya. “Larissa, this is Sunshine Dela Cruz, my new secretary.” Agad na saad ng ginoo na siyang lalong nagpataas ng kilay ng babae. Napanganga na lamang ang babae na nagngangalan na Larissa, kasabay ng biglaan na panlalaki ng mga mata sa narinig. “You got a secretary?” Singhal nito na halos lumitaw na ang litid sa sintido, kasabay ng tila pagluwa ng mata. Mas lalo pang nanlisik ang mga tingin nito nang muling mapabaling kay Sunshine. Pero ang pinaka-wala sa sarili ng mga oras na iyon ay si Sunshine na tila bigla na lang naestatwa sa kinalalagyan, habang nananatiling tulala sa dalawang nagtatalo. Nalilito kasi siya sa narinig at tila hindi iyong maproseso ng kanyang utak, lalo pa at biglaan iyong at walang kahit ano man lang na pasintabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD