HINDI maintindihan ni Estelle kung bakit hindi mapunit-punit ang ngiti sa labi ng boss pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon. Pero nang mapagtanto ang mga sinabi ay napalabi siya. Bakit nga ba nasabi niya iyon? Kailangan niya bang maging honest sa lahat ng mga nararamdaman sa boss? Pero ang sarap sa pakiramdam na nasabi na niya. Nawala ang naramdaman niyang kirot na kanina lang naramdaman nang makita si Nica at Kurt. Kung hindi nga lang niya ibinalik ang tingin sa kinakain, hindi iyon mababawasan. Confuse pa siya kung bakit niya nga iyon naramdaman pero isa lang ang sigurado siya, lumalalim na ang nararamdaman niya sa boss. Wala pa siyang experience sa ganito kaya gano’n na lang siya umakto. Napatingin si Estelle sa kamay ni Kurt na humawak sa kamay niya. “Okay. From now on,