“LOVE?” untag ni Kurt sa kanya. Napapitlag si Estelle nang marinig ang boses ni Kurt. Mabilis na inayos niya ang sarili at tumingin kay Kurt. Akmang magsasalita si Kurt nang marinig ang pagtunog ng telepono nito. Hindi naman ito makakatayo kaya siya na ang kumuha. Napalabi siya nang makita ang pangalan ni Nica. “S-si Ma’am Nica,” aniya nang ilahad kay Kurt ang telepono nito. Tiningnan lang siya ni Kurt kaya napa-blink si Estelle. “Si Ma’am Nica ang tumatawag,” ulit niya. “I know. Are you jealous?” “H-hindi ko alam ang mararamdaman, Kurt.” Imbes na telepono ang abutin, bewang niya ang inabot ni Kurt. Pinaupo siya nito sa kandungan nito paharap. “Okay lang magselos. That’s normal. Pero kung kay Nica, ‘wag. Hindi ko gugustuhin ang kagaya niyang cheater. Naiintindihan mo ba?” Dahan-