“SALAMAT, SIR” nahihiyang sambit ni Estelle nang iabot sa kanya ni Kurt ang steak na hiniwa nito para sa kanya. Nagmamadali kanina ang boss na kunin sa harap niya para hiwain nito. Ang buong akala ni Estelle, kakainin nito kaya juice na lang ang ininom niya na nasa tabi niya. Kasalukuyan silang kumakain sa magarang kainan malapit sa resort na pinapatayo nito. After na ikulong siya ni Kurt sa bisig nito maghapon, sa wakas pinakawalan din siya ng boss at niyayang kumain sa labas. Madilim na noon nang bumaba sila. Matamis na ngiti ang ibinigay sa kanya ni Kurt. “My pleasure.” Tumingin si Estelle sa steak na hiniwa nito. Ang sarap sa paningin niya. Ngayon lang siya makakain nito sa totoo lang. Nababasa na niya ito sa recipe book at nakita rin sa mga commercials, kaya ganoon na lang ang pagl