Chapter 4: Massage me

1366 Words
“SINO siya? Bakit kayo magkausap?” Hindi alam ni Kurt kung bakit bigla na lang namutawi iyon sa bibig niya matapos nitong itulak ang wheelchair niya sa loob ng elevator. Napahinto pa ito sa paghakbang kaya ang pintuan ng elevator ay hindi pa tuluyang naisara. Kita ni Kurt ang pagtataka sa mukha nito. Kahit siya nagtaka rin sa sarili kung bakit lumabas iyon sa bibig. Pero ang pamumutla nito ay hindi pa rin nagbabago. Ang mapupulang labi nito ay ganoon din. Kanina pa niya napapansin ang kulay nito. Bago pa man ito sumagot sa tanong niya ay inunahan na niya ito. “Forget about it. Step inside and let the elevator door close,” aniya sa malamig na himig. Yumuko ang dalaga at mabilis na pumasok at tumabi sa kanya. Wala silang imikan nang umandar na ang elevator hanggang sa makarating sa silid niya. “I want to go to sleep.” Sa narinig, iginiya siya ni Estelle sa may kama. Awtomatikong yumakap siya sa dalaga nang tulungan siya nito makaupo sa kama. As usual, nalanghap na naman niya ang pamilyar na amoy nito kaya napatitig na naman siya sa mukha nito nang hindi nito nalalaman. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit gustong-gusto niya ang amoy ni Estelle. Ibang-iba sa mga babaeng naaamoy niya. Para bang natural lang dito iyon. At masasabi niyang masarap sa pakiramdam. Inayos ni Estelle ang kumot sa katawan niya bago ito nagpaalam. Imbes na matulog, binuksan niya ang telepono niya at nag-play ng isang video na ikinakuyom na naman niya ng kamao. Kanina lang, kalmado siya habang nasa paligid si Estelle, ngayon naman nag-aalburoto na dahil sa nakita. Sa galit, naihagis niya ang cellphone na tumama sa center table na gawa sa glas. Basag ang cellphone niya nang makita niya kaya napahilot siya sa ulo. Hinigit ni Kurt ang pager at pinindot iyon para tawagin si Estelle. Ilang sandali lang ay pumasok si Estelle na basa ang buhok. Napakunot siya ng noo nang makitang may bula ng sabon sa tainga nito. “Naliligo ka?” “O-opo.” Sabay yuko ni Estelle. Nilaro nito ang daliri pagkuwa’y kinagat ang ibabang labi kaya napamura siya. “H-hindi na po mauulit, Sir. Sa umaga o ‘di kaya sa gabi na lang po ako maliligo,” hiningi nito nang tawad sa kanya sa mabilis na paraan. Na-misunderstood yata ni Estelle ang mura niya. Hindi na naman niya maintindihan kung bakit napamura after makita ang pagkagat nito ng labi. “Maligo ka muna,” aniya, at akmang hihiga si Kurt nang makitang patalikod ito sa kanya. “Where are you going?” Mabilis na namang lumingon sa kanya si Estelle. “M-maliligo po.” Tinuro niya ang banyo. “Dyan ka na maligo at dyan na rin magbihis para hindi na ako pumindot ng pager,” “P-pero personal na banyo niyo po—” “Hindi ka naman yata mag-iiwan ng kalat right after. Right?” “H-hindi po.” “Then go!” Sabay higa ni Kurt and was about to close his eyes nang magsalita si Estelle. “B-babalik po ako sa room ko para kunin ang mga gagamitin kong damit.” “K,” tipid niyang sagot. Nakaidlip si Kurt pag-alis ni Estelle nang ganoon kabilis. Maybe napagod siya kakatambay ng apat na oras sa garden na iyon. Nagising lang si Kurt nang biglang bumukas ang pintuan. Iniluwa no’n si Estelle na bagong ligo. Kaya naman pala nakaidlip siya dahil nagtagal ito sa silid nito. Salubong ang kilay niya kaya mabilis na yumuko ang dalaga. “I’m sorry po, Sir, pero hindi ko talaga kayang maligo sa banyo niyo po.” Pakiramdam ni Kurt, tataas ang inis niya sa dalaga kaya sinigawan niya ito na lumabas na. Sa tingin niya, lalala dahil sa pagtanggi nito kagaya nang pagtanggi ng asawa niya sa lahat ng alok niya mula nang maging imbalido siya. He was begging everyday na tumabi ito sa kanya, na pumayag na angkinin niya sa paraang alam niya, pero puro ito pagtanggi. Lagi itong wala sa bahay nila kakaiwasa sa kanya. Kaya doon niya napagtantong tinalikuran na rin siya nito dahil sa kalagayan niya. Ni hindi nga siya nito magawang bisitahin sa silid niya. Alam niyang galit ito sa kanya dahil ito pumayag sa annulment na gusto nito. Hanggang sa nakasanayan na niyang mag-isa. SAMANTALA, nanginginig na nilingon ni Estelle ang silid ng boss nang makalabas. Nagulat siya sa sigaw nito sa kanya. Actually, ang suot niya nang pumunta sa silid nito, bago na iyon. Kaya pwede siyang maligo sa banyo nito. Kaso, wala talaga sa bokabularyo niya ang maligo doon dahil boss niya ito. Nakakahiya. Pangmahirap lang ang sabon niya samantalang ito, mamahalin. Hindi na siya kinibo ng boss kinagabihan. Mukhang nagalit nga talaga ito sa kanya. Hinuhulaan na lang niya kung pwede na ba siyang umalis o hindi. Nasa kama na si Kurt kaya nagpasya siyang tumalikod. Pero napatigil din siya dahil sa boses nito. “Stop,” ani ng malamig na boses nito. Tumingin siya rito nang makabaling dito. Tinampal nito ang gilid ng kama na ikinakunot ng noo niya. “Ho?” “Sit here,” Mabilis ang kilos niya na tumayo. Hindi talaga siya naupo. Napasinghap si Estelle nang biglang hilahin ni Kurt ang kamay niya palapit sa sarili nito dahilan para mapayakap siya rito. Nag-angat siya nang tingin dito. Parang gusto niyang magsisi dahil umuusok ang mata nito sa galit. “You’re really disobeying me, Estelle. How dare you!” Ang mata ni Kurt ay puno nang galit kaya nakaramdam siya nang takot. “Kapag sinabi kong maupo ka, uupo ka! Understand?!” Niyugyog siya nito kaya napasagot siya ng, “Y-yes, Sir.” “Good.” Sabay bitaw nito sa kanya. Dahil kalahati ng katawan niya ay nasa kama, sa kama siya nahulog. Naupo siya sa bahaging tinampal nito kanina. Nakayuko siya noon nang magsalita ulit ito. Hinihintay niya ang bagong utos nito. “Take off my pants,” utos nito. Dahil takot na masigawan si Estelle, agad niyang sinunod si Kurt. Kung nahihirapan siya sa tuwing huhubaran ito sa banyo, mas lalo dito dahil lulubog sa kama. Ilang beses na siyang muntik na mapasubsob dito. Nag-iwas siya nang tingin matapos na itabi ang pants nito. “Massage me,” “Ho?” “Again, Estelle!” Napayuko ulit siya. “W-wala po akong karanasan sa massage, Sir. Pasensya.” Lalo pa’t hindi basta-basta ang kalahati ng katawan nito. Napasubsub si Estelle malapit sa hita nito nang biglang kunin ni Kurt ang kamay niyang kumukuha ng suporta sa kama. Napapitlag siya nang ilagay ng boss ang kamay sa hita nitong mabalbon saka pinisil gamit ang kamay niya. “Simpleng masahe lang, hindi mo alam?” anito, nang maayos niya ang sarili. “M-marunong po.” Of course, alam niya dahil masahista ang Tatay niya noon at dito nila natutunan ang pagmamasahe. Kaya lang siya tumangii sa boss dahil hindi niya alam kung saan banda ang resulta ng aksidente nito noon. Walang nagawa si Estelle kung hindi ang sundin si Kurt. Tinuro nito sa kanya ang bahaging injury nito at kung saan lang pwede masahehin. Hindi niya maiwasang mapatingin sa boss nang marinig itong dumaing. Nag-alala siya bigla dahil baka may namasahe siya na hindi dapat. “Go on. Dammit!” asik nito sa kanya. Hindi naman mainit ang room ni Kurt pero pinagpapawisan siya. Nasagi niya kasi ang umbok sa pagitan ng hita nito na nagdulot nang kakaibang kuryente sa katawan niya. At para siyang dinadarang habang nagmamasahe sa parteng iyon. Narinig niyang nagmura si Kurt pero hindi siya tumingin sa mukha nito. Subukan niyang tumingin dahil baka makita na naman niya ang galit na mukha nito. Pawis na pawis siya nang matapos sila kaya napatitig sa kanya si Kurt. Inilihis niya ang tingin habang nakatayo na at hinihintay ang sunod nitong utos. Nakahinga siya nang maluwag nang takpan nito ang sarili at inutusang lumabas na. Pero hindi niya maiwasang magtaka dahil sa kaliwa lang ang may sugat. Meaning doon lang yata napuruhan ang sugat nito. Pero pinalis niya ang paparating na isipin. Hindi na niya concern ang sugat ng boss. Saka healed na iyon at hindi nga nakakalakad ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD