Chapter 3: Unwell

1741 Words
NAKA-SET na sa alarm clock ni Estelle ang gumising ng alas-singko ng umaga. Pero ang oras ng gising talaga ng amo niya ay alas-sais. Ang bilin kasi ni Lala ay dapat mauuna siya sa boss. Pagkatapos mag-almusal ay bumalik siya sa silid niya para maligo nang mabilis. Sinuot niya ang damit ni Lala na iniwan para sa kanya. Nabanggit naman ni Manang na maagang darating ang kapatid niya para ihatid at masahehin ang among si Nica. Nagsusuklay siya noon ng buhok nang tumunog ang alarm niya sa silid na iyon. Ibig sabihin, gising na ang amo. Dali-daling tinali niya ang basang buhok at pumunta sa kabilang silid. “Good morning po, Sir.” Wala siyang narinig na response kaya feeling ni Estelle napahiya siya. Pero sabagay, amo niya ito. Na kay Kurt na kung magre-response ito sa kanya o hindi kaya hindi niya dapat dinidibdib. Inalalayan ni Estelle na makaupo si Kurt sa wheelchair nito. Mahigpit ang kapit nito sa braso niya kaya medyo nasasaktan siya dahil sa lakas nito. Pero binalewala niya lang iyon. Nag-iwan nang marka sa braso niya ang kamay ni Kurt kaya napatingin doon ang boss. Kaya naman bahagya niyang binaba ang tumaas na sleeve ng uniporme niya. Dahil hindi naman bumababa si Kurt para kumain ng almusal, siya ang kumuha ng makakain nito at nilatag sa center table na naroon sa silid nito. Ang silid kasi ni Kurt ay kumpleto na kung tutuusin. May mini-kitchen, dining table at saka sofa. Naka-assist lang siya sa amo hanggang sa matapos itong kumain. Lumabas din siya nang sabihin nitong gusto nitong mapag-isa. Pero bago iyon, sa entertainment room niya ito iniwan. “Kumusta naman ang unang araw mo, Estelle?” tanong ng kapatid niya matapos na ibigay nito ang gamit niya. Natiyempuhan niyang papasok ito. “Ayos lang naman po, Kuya.” “Kung hindi mo kaya, magsabi ka kay Manang para masundo kita.” Natawa si Estelle. “Ayos lang po talaga ako, Kuya. Promise!” “Mas mabuti nang unahan ka. Ayaw ko namang dalawin ako ni Nanay dito at sabihing pinahihirapan ka na rito tapos wala man lang akong ginagawa.” Mas lalong natawa si Estelle sa sinabi ng kapatid. Pero hindi na ito nagtagal sa harapan niya dahil pinapatawag na ito ni Ma’am Nica sa silid nito. Tinawag na rin siya ni Kurt, base sa pagtunog ng pager sa bulsa niya. Tatlong katok lang si Estelle bago tinulak ang pintuan. Pero natigilan siya nang marinig ang umuungol na nagmumula sa entertainment room nito. Hindi naman na siya bata para hindi malaman kung anong klase ng mga ungol iyon. Bukas ang entertainment room nito kasi. “Come here, Estelle,” ani ng amo sa kanya nang makita siya. Napapikit si Estelle nang muling lumakas ang ungol. Hindi siya makatingin sa amo. Hindi niya alam na mahilig palang manood ng p**n ang amo. “Turn off the tv.” Sabay paandar nito sa wheelchair nito. Iniwan siya nito sa mismong pintuan ng entertainment room. Pikit-matang pumasok si Estelle sa silid na iyon habang lumalakas ang ungol ng dalawang kapareha. Hindi niya matingnan-tingnan dahil kinikilabutan siya sa mga naririnig na mga salita mula sa mga performer. Nakahinga nang maluwag si Estelle nang dumilim ang paligid. Patay na kasi ang tv na nagsisilbing liwanag ng room na iyon. Paglabas niya ay nakatingin sa kanya si Kurt. Wala naman siyang mabasang reaksyon dito pero hindi nito inaalis ang tingin sa kanya. Mayamaya lang ay bumuka ang bibig nito at sinabing gusto nitong lumabas. Gaya nang nakasanayan na niya, matagal na naman si Kurt sa bahaging iyon ng garden, seryoso at mukhang malayo ang isip. Siya naman, nakaupo lang sa bench. Ang sabi ni Lala, hindi niya raw pwedeng sabihin kay Kurt na mainit na o umuulan kapag sinabi nitong lumabas. Ayaw na ayaw raw ng amo na pinapangunahan at iniistorbo. Kaya naman hinayaan niya ito kahit na umuulan na. Gaya niya, nagpaulan na rin siya. Ang boss nga niya basa na, tapos siya sisilong? Aba’y kabastusan na iyon. Saktong tanghali na nang bumalik silang sa loob. Basang-basa silang dalawa kaya ang sahig ay dumudulas na. Muntik na nga siyang madapa kakatulak ng wheelchair ni Kurt pero hindi niya pinahalata. Pinindot niya ang isang button ng exclusive elevator na papunta sa silid ng amo. Sa pagkakatanda niya, pinagawa iyon mismo ng amo pagkauwi na pagkauwi nito mula sa ospital dalawang taon na ang nakakaraan. Sa silid ni Kurt ang diretso ng elevator kaya hindi na siya nahirapan. Sa banyo na rin niya dineretso ang amo. Pinaghanda niya ito nang batthub na pagliliguan nito. “Sa labas lang po muna ako, Sir,” paalam niya rito. Akmang hahakbang si Estelle nang pigilan siya ng amo. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa pulsuhan niya kaya napadaing siya. “S-Sir,” “Hubaran mo ako,” utos nito. “Ho?” Iniisip niyang nabingi lang siya. Imbes na sagutin, hinila siya ni Kurt palapit. Saka lang niya napagtantong seryoso ang amo. Naalala niyang ayaw nitong pinapaulit-ulit kaya humarap na siya dito. Nakatitig sa kanya si Kurt kaya naiilang siya. Bigla niya ring binawi ang kamay nang maramdaman ang pag-spark nang lumapat ang kamay niya sa balat nito, gaya noong una. Pero ngayon, ang lakas kaya kahit na si Kurt ay napa-react din. Nakapagmura pa nga ito. “Go on,” utos nito ulit kaya tumango siya. Gusto man ni Estelle na bilisan ang kilos sa paghubad ng damit nito dahil sa ilang, pero dinahan-dahan pa rin niya dahil baka magalit naman ito sa kilos niya. Nakahinga lang siya nang maluwag nang mahubad ang damit nito. Pero saglit lang iyon dahil natigilan siya nang makita ang half naked nitong katawan. “Estelle!” untag ni Kurt na ikinataranta niya. “My pants,” anito. Magkasalubong ang kilay ng amo kaya parang gusto niyang pukpukin ang ulo niya. “S-sorry po.” Agad niyang hinarap iyon pero lalo lang siyang nahirapan. First time niya itong maghubad ng pants ng hindi kilala. Sa Nanay niya, nasanay siya nang magkasakit ito. Pero sa lalaking ngayon lang niya nakita? My God! “I-ikaw na kaya, Sir,” hindi na niya napigilan ang sarili niya na sabihin iyon. Tumaas ang kilay ng boss. “Are you asking me to undress myself? Alam mo ba kung ilang minuto ako inaabot sa paghubad, huh?” “S-Sir.” Sunod-sunod ang paglunok niya matapos na sabihin iyon. “‘Yong totoo, seryoso ka ba sa pinasok mong trabaho? Huh? Alam mong inutil ako tapos ganyan ang isasagot mo? God, Estelle!” Pakiramdam ni Estelle natanggal ang mga marurumi sa tainga niya dahil sa sigaw na iyon ng boss. Ang kilay nito ay magkasalubong habang ang kamao ay nanginginig na nakakuyom. “I-I’m sorry po, Sir. P-pero s-seryoso po. F-first time ko po kasi itong gawin.” Natigilan si Kurt pero naroon pa rin ang reaksyon nito na nakita niya kanina. Sa takot na bumuka ulit ang bibig nito at bumuga nang malakas, muli niyang inilapit ang sarili dito at dahan-dahang binaba ang magkabilaang hawak na rib waistband. Kita ng mga mata niya ang bahagyang pagluwag ng kamay nito sa kamao nito na ikinatuwa niya kahit papaano. Napapikit si Estelle kapagkuwan. Nakita na naman niya kasi ang bukol sa harapan nito. “Faster, Estelle! Damn it!” Napamulat siya dahil sa boses na naman nito. Kaya naman sinunod niya ito. Kumapit ito sa kanya nang bumaba na ang waistband. Bahagyang inangat ni Kurt ang pang-upo kaya kumapit ito sa kanya. Napadaing siya doon nang maramdaman ang pagdiin ng kamay nito. Pero tiniis niya iyon hanggang sa maibaba na niya ang pantalon nito sa may tuhod niya. Napaiwas nang tingin si Estelle nang matira ang isang saplot na iyon kay Kurt. ‘Wag nitong sabihin na pati iyon huhubarin niya? Aba’y hindi na makatao! “Get out!” Mabilis ang kilos niya na lumabas ng banyo. At doon, saka siya nagpakawala ng ilang beses na paghinga. Pakiramdam niya, hinahabol siya sa loob dahil sa samo’t-saring pakiramdam. Hinintay niyang makabihis at maisampa si Kurt bago umalis ng silid nito. Binilin niyang maliligo siya. Pero binilin nitong ilagay lang ang pager niya sa loob ng banyo para alam daw nito kung kailangan na siya. Nang sumunod na araw, nagpaulan ulit sila. Pero this time, mabilis lang ang ulan at mahaba ang oras ng init. Kaya nag-alala siya bigla para kay Kurt. kaya kailangan niyang alalayan at bantayan ito. Kabilin-bilinan din kasi iyon ni Lala. Minsan na raw kasi na inapoy ito nang lagnat after ng ganoong senaryo. Hindi naman nilagnat si Kurt kinagabihan kaya nakahinga siya nang maluwag. Pero siya, unti-unti nang nag-iinit ang pakiramdam niya. Nakailang bahing siya kanina. Agad naman niyang ininom ang gamot. Hindi akalain ni Estelle na muling uulan kinabukasan, at dito, hindi na nakaya ng katawan niya. Ramdam na niyang may kakaiba sa katawan niya nang gabing iyon pero binalewala niya. Pero ang tibay ng boss, hindi man lang ito nilagnat. Kasalukuyan siyang nakaupo noon sa bench nang humangin. Bigla siyang kinilabutan din. Hindi niya alam kung lamig ba ang nararamdaman niya pero sa tingin niya, iyon nga. Dahil nang muling humangin, napakiskis na siya ng magkabilaang braso niya. At kung magpapatuloy ang hangin, baka tuluyan nang lumala ang nararamdaman niya sa loob ng katawan na init. Hindi naman umuulan pero nakatago ang araw sa makakapal na ulap. Kaya ganoon na lang talaga ang hangin. Napatigil sa pagkiskis ng braso si Estelle nang makita ang kapatid na papalapit sa kanya. Baka marinig ni Kurt ang usapan nila kaya tumayo siya at nilapitan ang kapatid. “Okay ka lang? Bakit parang ang putla mo?” “Huh? Ah– eh, nakalimutan kong maglagay ng pulbo at lip balm, Kuya.” Napakunot ng noo ang kapatid. “Kailan ka pa gumagamit ng mga ‘yon?” tanong nito. “Uhm, nang magsimula ako dito, Kuya,” pagsisinungaling niya. Pinilit niya ring pasiglahin ang sarili ng mga sandaling iyon. Matagal na tinitigan siya ng kapatid. “Kapag hindi mo kaya sabi ang trabaho, sabihin mo sa akin para mapakiusapan ko si Ma’am—” “Estelle, let’s go inside,” dinig niyang tawag ni Kurt sa kanya. Nilingon niya ang boss at tumango. Ngumiti siya sa kapatid at nagmadaling paalam at talikod dito. Agad na humingi siya nang tawad kay Kurt pagkarating sa likod nito. Diretso tulak din siya sa wheelchair nito. Pero hindi nakita ni Estelle ang paraan nang tingin ni Kurt sa Kuya niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD