Chapter 5: Helpless

1562 Words
HINAYAAN na lang ni Estelle ang sarili na mahulog sa higaan nang makapasok sa silid niya. Sobra ang pagod na nararamdaman niya ngayon dahil sa amo. Kanina pa niya nararamdaman ang panginginig pero hindi niya lang pinapahalata rito. Mukhang nadagdagan kasi ang lagnat sa loob niya dahil sa ginawa niyang pagligo. At kaya siya naligo kanina gamit ang malamig para mawala sana ang init. Hindi niya alam kung tama ba ang ginawa niya, na kahit na masama ang pakiramdam ay naligo pa rin. Pero ngayon, alam na niya ang sagot, mukhang mali, kasi lumala. Nagsisimula nang magkaroon siya ng sipon. Ang akala ni Estelle, makakapagpahinga siya. Hindi pala. Biglang tumunog ang pager kaya mabilis ang pagbalik niya sa silid ni Kurt. Hindi niya makita si Kurt kaya tumingin siya sa entertainment room, bukas ang ilaw doon maging pintuan kaya tumungo siya. Akmang kakatok siya para ipaalam na dumating na siya nang marinig ang boses ni Kurt mula sa loob. “I want you to come here and pleasure me.” Bigla siyang napasilip sa loob para tingnan kung sino ang kausap ni Kurt. Siya ba? Ano raw ang gagawin niya? Ipe-pleasure niya? “Damn it! You are still my wife!” Dito niya napagtanto na may kausap ito. “Yes! My half! Kaya obligasyon mong— Fvck!” Kasunod niyon ang pagtapon ni Kurt ng magarang telepono nito sa TV. Nabasag ang TV maging ang telepono nito kaya dali-dali siyang lumapit kay Kurt para sana igiya ito palabas. Pero hindi pa man siya nakakahawak nang magwala si Kurt. Naging dahilan iyon na mahulog si Kurt sa sahig. Kasunod niyon ang malakas na sigaw ni Kurt. “S-Sir,” ani ni Estelle nang makapasok na ng tuluyan. Nang makita ang pagwawala nito kanina, natigilan siya. Ayaw niyang magpakita sana dahil baka mabaling sa kanya ang galit nito. Pero nang mahulog ito doon na siya humakbang para tulungan ito. Pero tinulak lang siya ni Kurt at malakas na sigaw ang nagpalabas sa kanya. Awa ang naramdaman ni Estelle para kay Kurt. Hindi naman siya tanga para hindi maintindihan ang mga narinig mula sa amo. Gusto nito na may mangyari dito at sa asawa nito. Normal na iyon kay Kurt na humiling sa asawa nito. Pero sa tingin niya, tumanggi ang asawa na ikinagalit nito. Saglit siyang natigilan. Ilang linggo na siya rito pero hindi pa niya nakikita ang asawa ni Kurt. Nasaan nga ba ang asawa nito at bakit wala sa tabi nito? Nilingon ni Estelle ang entertainment room saglit bago muling humakbang palayo doon. Sa dalawang taon niya rin dito na pabalik-balik, never niyang nakita na may ibang babae rito maliban lang kay Ma’am Nica. Kaya sa totoo lang, hindi pa niya nakikita ang asawa nito. Wala ring wedding pictures nito at ng asawa sa loob ng silid nito. Ang daming tanong sa isipan niya ng mga sandaling iyon pero binalewala niya. Ilang dipa lang ang layo ni Estelle sa entertainment room ng mga sandaling iyon. Sigurado siyang tatawagin siya ni Kurt mayamaya para magpatulong. Subalit lagpas ng isang oras kaya nag-alala na siya. Lumapit ulit siya sa bukas na entertainment room at sumili. Napaawang siya ng labi nang makita si Kurt na nakasandal sa gilid ng upuan na naroon habang nakapikit. Muling rumagasa ang awa niya para sa amo dahil sa kalagayan nito. Dahan-dahan siyang lumapit dito para pulutin ang mga nabasag na bahagi ng TV. Nag-alala siyang baka matamaan nito, masugatan pa ito. Wala siyang intensyon na gisingin ito dahil sa takot pa rin. Gusto lang niyang linisin ang paligid nito. Para hindi marinig ni Kurt ang mga yabag niya, tinanggal niya ang suot na sapatos na ginagamit sa t’wing pumapasok sa loob ni Kurt. Dahan-dahan ang mga kilos niya sa paglilinis. Iniiwasan niyang maistorbo ang tulog nito. Pero panaka-naka ang paglunok niya dahil sa nanunuyot na lalamunan. Parang nauuhaw siya. Pero nagpasya siyang pagkatapos na lang siya kukuha ng maiinom. Hindi pa tapos si Estelle maglinis nang mabalingan si Kurt na gising na. Napalunok siya dahil titig na titig ito sa kanya. Wala ring kurap-kurap ito kaya bahagya siyang ngumiti. “T-tutulungan ko na ho ba kayong makaupo sa wheelchair?” mahinang tanong niya. Sana lang hindi galit ang isagot nito sa kanya. Hindi sumagot si Kurt, nanatili lang itong nakatitig sa kanya. Akmang ibabaling ni Estelle ang tingin sa kaliwang bahagi nang magsalita si Kurt. “Help me,” anito sa malamig na boses. Agad na binitawan ni Estelle ang hawak at pinagpag ang kamay, iniiwasan niyang kumapit ang dumi sa kamay niya. Pinagpag niya rin iyon sa kanyang damit. Kagaya lagi nang nararamdaman ni Estelle, kakaiba ang epekto ng amo na si Kurt sa t’wing kumakapit ito sa kanya para makaupo sa wheelchair. Hindi niya mai-describe pero parang kiliti ang nararamdaman niya na umaabot sa kaibuturan. Sa sarili, inaamin niyang mukhang hindi nababawasan ang paghanga niya kay Kurt. Sa loob ng dalawang taon na pagmamasid dito noon, nagkaroon na nang puwang sa puso niya si Kurt. Kaso parang nag-alangan siya nang makita kung paano ito magalit. Kahit na araw-araw niya pala itong nakikita, ang dami pala niyang hindi alam sa binata. Pero sa nangyari ngayon, kung iisipin, huh, dalawang taon na rin pala niyang hindi makita ang asawa nito. Kaya siguro may pinaghuhugutan ang galit nito. Isang oras pa bago siya tinawag ni Kurt. Pero ang mga sandaling iyon, muli niyang naramdaman ang init at p*******t ng mga kasu-kasuan. Tuyot na tuyot na rin ang lalamunan niya. Kanina pa siya nauuhaw pero hindi niya magawang lumabas ng silid ni Kurt sa pag-aakalang tatawagin siya. Pagkatapos na magpahatid ni Kurt sa kama nito ay agad rin siyang umalis dahil matutulog na nga ito. Nagpapasalamat siya dahil gusto na ng katawan niya na magpahinga. Wala nga siya masyadong gawa pero ang tayo niya minsan sa tabi nito ay hindi basta-basta, inaabot ng oras. Nakakasanayan na nga niya. Pero dahil sa naulanan siya nang sunod-sunod, doon medyo humina ang katawan niya. Agad na nahiga si Estelle pagbalik. Pero nang maalalang kailangan niyang uminom ng tubig at gamot at tumayo siya para bumababa. Hinanap niya ang kasambahay na lagi niyang kausap pero hindi niya makita. Hihingi sana siya ng gamo. Akmang papasok siya sa kusina nang may tumawag sa kanya. Hindi niya inaasahan si Ma’am Nica. “Estelle.” Pababa na ito ng hagdan ng mga sandaling iyon. Pero nasa unahan nito ang isang kasambahay na may dalang maleta. Mukhang aalis na naman ito. “G-good evening ho, Ma’am Nica.” Yumuko pa siya bilang pagbati rito. Ngumiti sa kanya ang amo pagkuwa’y lumapit. “Dalawang linggo akong mawawala. Ikaw na muna ang bahala sa Sir Kurt mo. Okay? Nakapagpaalam na rin ako sa kanya ngayon lang.” Wala namang ibang sasabihin si Estelle kaya tango at ngiti lang ang sagot niya rito. Sinundan pa niya ito nang tingin habang iniisa-isa tingnan ang paligid Nakita niya ang pagrehistro nang lungkot sa mukha nito. “Thank you ho, Manang.” Kinuha niya ang gamot sa kamay nito. “Estelle! Ang init-init mo naman pala!” bulalas nito nang dumikit ang kamay niya sa balat nito. “Bakit hindi mo sinabi? Sana nagpahinga ka na lang muna. Mahahawaan mo pa yata si Sir niyan,” “O-okay pa naman po ako kanina,” aniya rito. Medyo lang. Pero masama pa rin talaga ang pakiramdam niya. “O siya, magpahinga ka na para gumaling ka na kaagad. Maiwan na kita at tutulong pa ako sa dalawa nating kasama. Mag-aalsa balutan na sila dahil umalis si Ma’am Nica.” “Ho? Bakit po? Dalawang linggo lang po mawawala si Ma’am, a. Paano po mga pangangailangan niya?” “Magpapakuha naman ‘yan sa agency si Ma’am kaya ‘wag kang mag-alala.” “Ganoon.” bahagya pa siyang napanguso. Tumingin doon ang matanda na ikinailing nito “Bumalik ka na sa silid mo para makapagpahinga.” Sabay talikod nito sa kanya. Agad siyang tumalikod naman. Pero dahil masama na nga talaga ang pakiramdam niya, ang tagal niya makarating sa hagdan. Pakiramdam niya nagdedeliryo na siya ng mga sandaling iyon dahil nakikita na niya sa paningin niya ang ina. May tumatawag din sa kanya na boses na galit at mukha naman ng ama ang nakikita niya sa harapan niya. Kaya pinilig niya ang ulo niya at humawak sa handrail. “Estelle!” Dahan-dahan siyang nag-angat sa taas, nakita niya si Kurt na nakaupo sa wheelchair nito. May sinasabi ito pero hindi niya maintindihan dahil sa biglang pagbigat nang pakiramdam niya. Habang humahakbang siya paakyat, ramdam na niya ang katawan niya na parang bibigay. Dahil naghihintay sa kanya si Kurt sa taas, pinilit niyang humakbang. Dalawang baitang na lang sana nang biglang bumigay na ang tuhod niya na noo’y nanginginig na rin pala. At kasabay nang paghakbang niya sa panghuling baitang ang pagkawala nang ulirat niya. “Estelle!!” tawag ni Kurt sa dalaga nang makitang bumagsak na ang ulo nito sa sahig. Kalahati na nga ng katawan nito ang nasa hagdan pa kaya nag-alala si Kurt. Agad na tinawag ni Kurt ang kasambahay maging ang driver nito sa labas gamit ang malakas na boses pero walang nakakarinig sa kanya. Naikuyom na lang ni Kurt ang mga kamao ng mga sandaling iyon nang makitang wala siyang magawa ng mga sandaling iyon para kay Estelle. Ilang beses pa niyang pinukpok ang hita sa galit sabay sabing, “Inutil!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD