MINABUTING magligpit na lang muna ang inuna ni Estelle. Naiilang siya sa mga titig ni Kurt. Wala na sa mga papeles ang atensyon nito kung hindi sa kanya. Nakaupo pa rin ito sa upuan nito. Nakasandal ito habang ang paa ay parehas na nakaapak sa sahig. Pagkatapos na linisin ang kabilang side ng couch at ayusin ay hinarap niya si Kurt. Nagtama ang paningin nila, pero siya ang unang nag-iwas at yumuko. “I-ihahatid ko na po ba kayo sa silid niyo?” aniya. Hindi alam ni Kurt kung narinig ba nito sa sobrang hina. Takot lang niya na masigawan nito. Nasindak nga siya nang sigawan nito si Amelia kanina. Hindi sumagot si Kurt kaya nag-angat siya nang tingin nang bahagya. Bigla siyang napalunok nang sunod-sunod dahil sa paraan nang tingin nito. “What happened to Kurt? Huh?” ani ni Kurt na ikinaawa