Chapter 6: Can't sleep

1710 Words
“HOW is she, Doc?” Tiningnan pa ni Kurt ang dalagang natutulog sa kama niya. Nakahinga siya nang maluwag nang sabihin ng doktor na maayos na ang kalagayan ni Estelle. Pinagpawisan na rin ito kaya siguro bumuti na ang kalagayan nito. Hindi alam ni Kurt na inaapoy na pala ito ng lagnat. Mukhang kaninang umaga pa iyon. Pero akita na niya ang kulay ng balat nito pati ang kulay ng labi, pero binalewala niya. Saka abala siya kanina sa walang kwentang asawa niya. Naikuyom niya ang kamao nang maalala na naman ang asawa. Pagkatapos na ma-check up ng doctor ang dalaga sa silid niya, hinayaan niya muna si Estelle na matulog doon. Sa study niya siya nagpalipas ng oras. Hindi rin naman siya makatulog dahil sa dami nang iniisip. Nang mapag-isa roon, hindi na naman maiwasang mabuhay ang galit niya. Inukupa na naman ng asawa at ng kalaguyo nito ang isipan niya. Kaya ang study room niya na malinis, napuno ng kalat. Napasandal na lang si Kurt sa wheelchair niya pagkuwa’y pumikit. Hindi niya akalaing makakaidlip siya. Nang magising siya, agad siyang tumingin sa orasan. Lumabas siya ng study room at bumalik sa silid niya. PANGHIHINA ng katawan ang agad na naramdaman ni Estelle nang magising nang umagang iyon. Natigilan siya saglit para alalahanin kung ano ang nangyari kagabi. Pero naputol lang iyon nang maalala ang amo. Dali-dali siyang bumaba sa kama. Akmang isusuot niya ang tsinelas niya nang matigilan. Biglang sumakit ang itaas na bahagi ng dibdib niya. Kinapa niya iyon pagkuwa’y sinilip. Napaawang siya ng labi nang makita ang pagkulay violet niyon. Kinapa niya rin, masakit kaya napadaing siya. Hinubad niya ang damit niya pagkuwa’y naupo sa kama para tingnan. Bigla namang balik sa alaala niya ng nangyari kagabi dahil sa pagtingin niya sa natamo. Sa hagdan niya yata ito nakuha malamang. Padapa siyang natumba. Kinapa niya rin ang ulo niya, medyo kumikirot din dahil sa pagbagsak. Pero natigilan siya kapagkuwan. Sino ang naghatid sa kanya sa silid niya? Hindi kaya mga driver nila Sir? Napangiwi siya kapagkuwan. Sabagay, magaan lang naman siya. Bigla siyang nataranta nang maangatan nang tingin si Sir Kurt. Pero bigla rin siyang natigilan nang may mapagtantong may mali sa paligid niya. At kahit na sa kinauupuan niyang kama ngayon, napakalambot. Nanlaki ang mata niya saka mabilis na hinanap ang damit. Tarantang kinuha ni Estelle ang damit niya at itinakip sa sarili. “I-I’m sorry, Sir. Hindi na po mauulit.” Akmang lalagpasan niya si Kurt nang pigilan nito ang kamay niya. Sunod-sunod ang paglunok niya nang balingan ito. “Sit down,” utos nito sa malamig na boses. Lalo tuloy siyang kinabahan dahil sa paraan nang pananalita nito. Nanginginig ang kamay niya kaya napatingin ang boss sa kanya. “I’m not angry. I just wanted to see your injury.” Tama ba ang narinig niya? Hindi ito galit sa kanya? Pinaandar ni Kurt ang wheelchair nito kaya napasunod na lang siya. Hawak din kasi nito ang kamay niya. Kapag hindi siya sumunod, mahihila siya nito. Naupo siya nang tampalin nito ang gilid ng kama. Dinig niya ang pag-angat ng wheelchair. Pinagpantay nito sa kanya. Nakatingin ang boss sa dibdib niyang tinatakpan ng damit niya. “May I see?” Hindi niya alam kung utos ba iyon. Hindi na niya kasi makapa ang lamig sa boses nito. Parang concern na ang nararamdaman ni Estelle. Nagtama ang paningin nila ng boss nang tingnan niya ito. Hindi niya makita ang galit sa mukha nito, napalitan iyon nang sinceridad. Kaya naman dahan-dahan niyang tinanggal ang pagkakatakip sa bahaging iyon. “Oh,” ani ni Kurt habang nakatitig sa nagkulay violet na bahaging iyon ng dibdib niya Hindi naman totally tinanggal ni Estelle ang takip. Binaba niya lang iyon, sapat para matakpan ang mismong dibdib niya. Napasinghap si Estelle mayamaya nang biglang lumapat ang kamay ni Kurt doon. Ginalaw nito ang daliri at sinundan ang haba ng pasa niya doon. Nagdulot iyon nang kakaibang pakiramdam kaya napalabi siya. “Does it hurt?” marahang tanong nito sa kanya. Tumango siya rito. Pero bigla siyang kinabahan. Baka dahil sa pagsinghap niya kaya ito nagtanong. Masakit naman talaga ito nang diinan niya kanina ang daliri. Pero nang paglandasin ni Kurt ang daliri sa bahaging iyon, iba ang naramdaman niya, hindi naman sakit. “Hindi nabanggit ni Manang na may pasa dyan. Sana pala napa-check na rin sa doktor.” “H-hindi naman ho sobrang sakit. Kapag dinidiinan lang po,” niya. “Kahit na. What if namamaga pala ang loob ng dibdib mo? Paano kung mag-cause ng sakit?” Napatitig siya sa sunod-sunod na tanong ni Kurt. Hindi lang niya ini-expect na itatanong nito ang mga bagay na iyon. Ang labas kasi, parang concern ito sa kanya. Nag-iwan tuloy nang marka sa kanya. “G-gagamutin ko na lang po sa silid ko, Sir. Babalik na ho ako.” Sabay yuko rito at tayo. Nakailang hakbang pa lang siya nang magsalita ito. “Wear your clothes.” Natigilan siya kapagkuwan. Oo nga pala. Baka mamaya, anong isipin ng mga makakakita sa kanya sa ganoong itsura. Hindi akalain ni Estelle na pagpapahingahin siya ni Kurt nang araw na iyon. Si Manang ang kasa-kasama nito nang lumabas ng bahay. Pero pumasok din ito dahil uulan. Kasalukuyan silang kumakain ni Manang nang may nag-doorbell. Pasado alas otso na noon ng gabi. Si Manang ang nagbukas dahil hindi pa nga raw siya magaling. Hindi maintindihan ni Estelle ang sarili na ma-curious kung sino ang bisita nila ngayong gabi. Kaya naman sumilip siya mula sa hambaan ng kusinang iyon. Napaawang ng labi si Estelle nang makita ang isang mestisa, maganda at balingkinitan na babaeng kasama ni Manang. Nag-uusap ang mga ito. Tinuro din ni Manang ang silid ni Kurt sa itaas at iginiya ito doon. Wala sa sariling napasunod siya nang tingin sa mga ito. Hindi kaya iyon ang asawa ni Sir Kurt? Nakaramdam nang lungkot si Estelle bigla. Hindi niya maintindihan ang sarili niya kung bakit. Saktong pagbalik ni Estelle sa kusina ang pagapasok din ng dalawang lalaki na may dalang mga box at mga folder. Umakyat ang mga ito at tumungo rin sa silid ni Kurt. Hindi naubos ni Estelle ang kinain. Binigay na lang niya iyon sa alagang aso ni Manang na nakatali sa likod. Agad niyang hinugasan ang pinagkainan niya at tinakpan ang pagkain ng matanda. Bumalik na rin siya sa silid niya para magpahinga. Kailangan talaga niya nang pahinga para makapasok na siya bukas. Hindi rin naman nakatulog si Estelle kaagad. Pabaling-baling siya kaya nagpasya siyang lumabas ng silid niya. Pero saktong lumabas din ang bisita ni Kurt kaya natigilan siya. Bakahagyang kumunot ang noo niya nang makitang tinatali nito ang buhok. Mukhang nagulo yata ang buhok nito. Imbes na lumabas, bumalik na lang sa loob si Estelle, hinintay niyang makababa ang babae bago ulit lumabas. Tumingin siya sa silid ni Kurt na bukas ang pintuan. Akmang pupuntahan niya iyon nang lumabas si Kurt, lulan ng wheelchair nito. Nagtama ang kanilang paningin saglit. Pero siya ang unang bumawi at yumuko. “Kumusta ang pakiramdam mo?” “M-mabuti-buti na po,” aniya rito. “Come here,” anito sa kanya. Biglang talikod din ito sa kanya at bumalik sa kuwarto nito. No choice si Estelle kung hindi ang sumunod sa boss. Agad na inilinga ni Estelle ang paningin sa paligid. At sunod na nilandingan nang paningin niya ang kama na bahagyang nagulo. Napapikit siya pagkuwa’y pinukpok ang ulo. Sa totoo lang, kanina pa gumugulo sa isipan niya kung ano ang ginagawa ng amo at ng magandang babae na iyon. At dahil nga magulo ang kama, mukhang may ginawa ang mga ito ng milagro. Pero teka, pakialam ba niya? Kahit naman siguro ganoon si Kurt, may sekswal na pangangailangan ito. Saka, narinig niya nga sa telepono ang bagay na iyon habang kausap nito ang asawa nito sa telepono. “Are you on earth, Estelle?” Napapitlag siya nang marinig ang malamig pero matigas na boses ni Kurt. “M-may sinasabi ho kayo?” “I said, pumasok ka at maghubad,” anito. “Ho? P-pero, S-sir—” Hindi niya matuloy ang sasabihin dahil naiilang siya. After nito at ng magandang babae na iyon, siya naman? My God! Normal pa ba ang amo niya? Ganoon na lang ba ito kadesperado pagdating sa s*x? “Don’t be green-minded, Estelle. Hurry up!” Tinaas nito ang bagay na hawak nito. Parang maliit na toothpaste. “You will feel better after applying this medicine.” Parang gusto niyang lumubog sa kinatatayuan ng mga sandaling iyon. Nakakahiya dahil parang nabasa ni Kurt ang nasa isip niya. Ang green nga! “A-ako na lang po ang maglalagay, Sir,” aniya. Nag-iinit na ang pisngi niya dahil sa kahihiyan. Nagslubong ang kilay ni Kurt kaya napangiwi siya. Mukhang magagalit pa yata sa kanya. Hindi na hinayaan ni Estelle na magsalita si Kurt, mabilis ang kilos niya na tumalikod at hinubad ang damit, saka lumapit dito. Gaya kanina, naupo siya sa kama at hinayaan itong lagyan ng gamot ang bahaging iyon. At habang masuyong nag-a-apply si Kurt ng gamot, nakatitig ito sa kanya. Naiilang siya sa mga tingin nito sa kanya kaya sa iba side siya tumitingin. Napako ang tingin niya sa gabundok na files na nasa coffee table. Parang wala iyon doon kaninang umaga. Hindi napansin ni Estelle na kanina pa tapos ang pag-apply ni Kurt ng gamot sa kanya. Paano, abala ang mata niya sa paglibot sa silid ng amo. At nakita nga niya ang scarf sa couch. Mukhang pambabae iyon. Kaya naisip niyang baka sa babaeng iyon ang scarf na iyon. Rumehistro bigla ang lungkot sa mukha niya. Kasunod din niyon ang paghaba ng nguso niya. “I’m done.” Bigla siyang napabaling sa boss. Wala na itong hawak na gamot sa kamay, prente lang itong nakaupo na lang sa wheelchair nito. “Oh, sorry po.” Mabilis ang kilos niya na bumaba ng kama at sinuot ang damit. “T-thank you po, Sir. B-balik na ho ako sa kuwarto ko. M-makakatulog na ho ako nang maayos dahil dito.” “So, you can’t sleep? Kaya ka ba lumabas ng kuwarto mo?” Marahan siyang tumango. “Why?” seryosong tanong ni Kurt sa kanya. “I-is it, because of me?” “Ho?!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD