GULAT na gulat si Estelle nang bumungad sa pintuan ang nakasimangot na si Kurt. Tumingin sa orasan si Kurt bago nagsalita. “What time is it? Huh? Alam mo bang ilang oras na akong naghihintay sa ‘yo?” Parang ama na pinagsabihan ni Kurt ang dalagang hindi na makatingin sa kanya. “S-Sir Kurt,” nauutal na sambit ni Estelle. Dala lang din siguro nang pagkagulat dahil gising pa pala ito. Hindi siya sinagot ni Kurt, mabilis nitong iginiya ang wheelchair papuntang sala. Mabilis ang kilos ni Estelle kahit na ramdam niya ang pagkahilo dahil sa nainom na wine. Hinawakan niya ang push handles pero natigil lang iyon dahil sadyang pinatigil iyon ni Kurt. Bumitaw siya kapagkuwan at pinaharap naman ni Kurt iyon sa dalaga. “Who are you with?” “P-po?” “I’m asking you kung sino ang kasama mo at this l