NAPABALIKWAS nang bangon si Estelle nang magising. Ramdam na niya ang init na nagmumula sa labas. Bukas pala ang kurtina. Kaya kita niyang mataas na ang sikat ng araw. Nang maalalang late na siya para mag-asikaso sa boss ay mabilis na tinungo niya ang banyo. Naghilamos at nag-toothbrush lang siya. Wala na siyang time na maligo dahil sobrang late na siya. Sunod-sunod na lunok ang ginawa ni Estelle nang makarating sa harap ng silid ni Kurt. Natatakot siya dahil late na siya. Baka makatikim siya nang sermon mula rito. Akmang kakatok siya nang marinig ang malakas na boses na nagmumula sa silid ni Kurt. Bahagyang sumilip siya dahil bahagyang bukas pala iyon. “Bumalik ka ng Maynila habang maayos pa akong kausap,” dinig niyang sambit ni Kurt. Natawa lang ang kausap nito. Tawa na napunta sa