SERYOSONG nakikinig lang si Kurt habang nagsasalita ang investor na kausap nila ni Amelia ng mga sandaling iyon. Nawala na siya sa mood dahil sa nakita. Hindi niya akalaing nandito rin ang magaling niyang asawa. Ang daming lugar na pagbabakasyunan nito, dito pa talaga kung nasaan siya? Halos isang linggo na siyang kalmado. Binuhos niya kay Estelle ang atensyon nitong nagdaan, pero heto, nasira lang bigla. At dahil iyon sa asawa niya at sa kalaguyo nito. Hindi napansin ni Kurt na kinukuyom niya ang kamao niya sa mismong harap ng investor. Napatingin tuloy ito doon, maging si Amelia. “K-Kurt.” Kasunod niyon ang pagsiko sa kanya ni Amelia. “What?” Nakataas ang kilay niya. “You’re scaring him.” Nginuso pa ni Amelia ang kamao niyang nakakuyom. Kata napatingin “Oh.” Sabay baba niya ng k