Chapter 7: Her First

1522 Words

HINDI mawala ang kunot ng noo ni Estelle nang lumabas sa silid ni Kurt. Pagkatapos kasi niyang sagutin ng ho ang tanong nito, nainis ito at bigla na lang siyang tinaboy palabas. Ito pa nga ang nagsara ng pintuan. Napailing si Estelle na bumalik sa silid niya. Naguguluhan siya sa amo. Kahit ng mga sumunod na araw, ganoon din. Hindi siya nito pinapansin. Hindi nga nito siya tinatawag sa pamamagitan ng pager. Kaya natanong niya sa nag-iisang kasambahay na natira kung normal ba ‘yong hindi siya pinapatawag ni Kurt. “Normal naman. Dati nga kay Nurse Lala, tatawagin lang siya nito kapag lalabas.” Speaking of labas, hindi rin ito lumabas sa silid nito para tumambay sa labasan. Pansin niya, simula nang umalis si Ma’am Nica hindi na ito tumatambay doon. “G-ganoon ho ba.” Marahang tumango sa kan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD