HINDI makatulog si Estelle nang gabing iyon. Ginulo ng amo ang isip niya, dahil sa halik na namagitan sa kanila. Bakit nga ba siya pumayag na magpahalik sa amo? May asawang tao ito at kakagaling lang ng babae na iyon sa silid kanina ni Kurt at maghapon pa. Hindi naman na siya bata para hindi maintindihan ang nangyayari kay Kurt at sa babaeng iyon. Halata tuloy kinabukasan sa mata niya na hindi siya nakatulog. Naitanong nga ng kasamahan niyang kasambahay pero hindi niya ito sinagot nang totoo. Ang sabi lang niya, nami-miss na niya ang Nanay at Kuya niya kaya inisip niya ang mga ito hanggang alas-kuwatro ng umaga. Speaking of Kuya niya, wala itong paramdam sa kanya, ilang araw na. Sabagay, wala naman dito si Ma’am Nica kaya hindi pumupunta rito. Pero lagi namang nangungumusta ito sa kasam