CHAPTER 6

2644 Words
Untruthful Testimony Chapter 6 I have just returned from a business trip. Habang nasa byahe ako. Buong oras ko na nasa travel ako. I was just thinking of her. Kamusta na siya? If she missed me, like how I missed her. “Sir, di-diretso po ba kayo sa office?" “No, may pupuntahan ako." sagot ko sa driver. “Paki hatid mo nalang ako don." Tumango ito. Sinabi ko lang sa kanya kung saan ako ihatid. He nodded. Namimiss ko na talaga siya. Nung nasa... Haist! Mabigat akong napabuga. I miss her so much after hindi ko siya nakita at nakakasama. Sobrang namiss ko. Lahat sa kanya. Sumandal ako ng maayos sa car backrest ng upuan. “May pillow na 'to sino bumili?" “Ahh, iyan ba? Kapatid niyo po." pakli nitong tugon. Tumango-tango ako ng may ngiti. Naisip ko kung anong nakain ng kapatid ko para kanyang bilan ito ng pillow. “Nakaraan niya lang po binili iyan. Nahihirapan daw siya everytime na malayo ang biyahe namin. Kaya ayan. Bumili para maging masarap naman daw at hindi pa 'utay-utay yung tulog niya." “Kaya pala! Wala pa ito ng umalis ako eh, nagulat ako meron na nito." Inaayos ko ang ulo ko at tama din naman si David. Masarap at comfortable mahiga habang mayroon ganito. Ipinikit ko ang aking mata habang nasa byahe ako mukha niya ang gusto ko makita. “Mukhang masaya ka?" tanong ng driver napansin pala niya ang mga pangiti-ngiti ko habang nasa utak ko at gumuhit ang maganda niyang ngiti. “Siguro sa kanya ka pupunta?" “Wag ka maingay kay David ah! Magagalit na naman 'yon sa akin... when he finds out na hindi ako sa bahay dumiretso. Tiyak na sisermunan ako n'on." pahayag ko. “Malamang" pakli nitong tugon. Nakangiti habang sa daan siya nakatingin. Pinihit nito ang manibela upang baybayin ang itinuro kong daan sa kanya papunta sa store nila Justin. “Manong George, okay lang ba na mag-commute nalang kayo? Hiramin ko muna itong sasakyan?" nakiusap ako. Nag-iisip siya. “Sige na po" pakiusap ko ulit. Nangungulit. Malapit na driver siya sa amin ni David. Siya ang nagmamaneho kay David. Antukin kasi ang isang 'yon. Minsan madalas pa uuwi ng lasing. Hindi ko alam kung anong problema ng isang 'yon. Pero ang alam ko may girlfriend siya. Kaya nga lang ay kadalasan ay fling lang. Hindi seryoso. Pero, tingin ko lang ay dahil na naman sa babaeng pakakasalan sana n'ya ng bigla na lang ito namatay. Sad story. Minsan naaawa din ako sa half brother ko. Pero wala naman magawa ako. Alam naman niya na maaari nya ako takbuhan incase he needs me. If kailangan niya ng mapaghihingahan o kaya naman masasandalan at makakausap. “Oh sige, basta wag ka na magtagal d'on ah! Alam mo naman si David. Baka mamaya maisip na naman niya umalis. Wala siyang gagamitin." paalala ni Manong George. “Sige po, ihahatid ko lang si Justin. Gusto ko lang naman po siya makita. Tapos uuwi na po ako." pahayag kong tugon. Tahimik na ako. Focus na sa kalsada at pagmamaneho si Manong George. Saglit lang halos walang isang oras ang biyahe namin. Naihatid ako nito sa store ni Justin. “Salamat! Ingat na lang sa pag-uwi po. Wag niyo nalang po mabanggit sa kanya ah, ako na po bahala mamaya dun ako di-diretso." tinutukoy ko ay sa bahay at si David. Minsan sa bahay ako. Minsan sa condo. Madalas lang naman din ako sa condo kung kasama ko si Justin. “Sige, ingat din po sa pagmamaneho mamaya sa pag-uwi." ipinara ko siya ng taxi at inabutan ng pamasahe at pang kain na rin if gusto niya. Dinagdagan ko lang iyon. Sumakay na s'ya. Umandar na rin ang taxi papalayo. Ako naman di-diretso kay Justin sa loob. “So meaning sa store ka pala dumiretso? Hindi ka pa umuwi?" putol ni Justin sa pagbabalik tanaw ko ng maikwento ko na hindi pa ako nakakauwi ng bahay dahil sa sobrang namiss ko siya. Nagtataka din siya dahil sa hindi ko sasakyan ang dala ko. “Oo, diba 'nga nasabi ko na." “Oo nga pala!" sagot n'ya. “Justin!" huminga ako. Habang nasa byahe ako. Pinag-iisipan ko na 'to. Sinabi ko sa sarili ko. Mag propose na ako after ko bumalik aayain ko na siya na magpakasal na kami. Para hindi na siya magtrabaho. Ako nalang ang tutulong sa ginagawa niya na pagsuporta sa kanyang pamilya. Sa dalawang taon namin. Never ko pa nameet ang pamilya niya. Natatakot daw siya na ipakilala ako. Hindi ko alam if bakit. Kaya binigyan ko siya ng panahon na pag-isipan ang pagpapakilala ko sa pamilya niya bilang boyfriend n'ya. Pinihit manubela saka ko tinapakan ang clutch. Huminto kami sa isang gilid. Seryoso masyado ang gagawin kong pagtatapat lalo ngayon ko lang din ito gagawin. Napalunok ako. Kinakabahan talaga. “Apple, will you marry me?" mababakas ang luha sa mga mata n'ya. Tumulo 'yon hindi dahil nabigla ko siya. Kundi sobrang saya niya raw ngayong araw after niya hintayin na magpropose ako sa kanya. Matagal na pala niya hinihintay. Ngayon ko lang din nalaman. Hinawakan ko ang kamay niya. “Paano ngayon? Okay na ba sayo na lumantad na tayo sa pamilya mo? Matagal na rin natin itinatago ang relasyon natin sa kanila. But don't worry, Justin. Sisiguruhin ko pa din ang suporta mo sa pamilya mo. Tutulong ako. Hindi mo na kailangan pa ang magtrabaho para sa kanila. Ako na mismo ang magbibigay non para sa pamilya mo. Kaya wag mo ng isipin. Dahil simula ngayon. Pamilya ko na rin sila. Lalo na kung makakasal na tayong dalawa." Sabi ko ng seryoso. Tinapat ko na din siya at pinahayag ko na rin sa kanya ang mga plano ko oras na makasal na kaming dalawa. Hindi naman ako papayag na pinagtatrabahuhan niya pa ang pagbibigay niya sa pamilya niya. Responsibility ko na 'yon bilang asawa niya. “Ako na lang dapat ang pagsilbihan mo once ma-kasal na tayo." biro ko, tumawa siya kinurot ako sa tagiliran. I kissed her. Several times. Sa lips. Habang tinatawanan ako. “Hindi pa nga ako sumasagot ng YES. Ang dami mo na agad plans para sa pamilya ko. Anong ikaw ang pagsilbihan ko? Tsk! Bahala ka sa buhay mo. Diba dapat ako ang pagsilbihan mo dahil sa ako ang babae?" “Pagsisilbihan naman kita, don't worry. Paliligayahin pa kita araw-araw sa tuwing magkasama tayong dalawa. And, syempre araw-arawin natin ng makabuo agad tayo ng magiging anak." “A-ano ka ba!" shock siya sa reaksyon pa lang. “Anak agad talaga? Hindi ba pwede na wag muna? Ayaw ko sana muna magkaanak. Masisira itong figure ko. Hindi na ako maging sexy sa paningin mo." biro nito na tumatawa. Kala niya siguro magagalit ako. “Tsk! Basta dapat within a month mabuntis ka na. Ka'ya now pa lang umpisahan na kaya nating dalawa?" kinurot na naman ako nito. Napapitlag ako. “Masakit na! Pero, YES na di ba?" Ngumiti. “Ano 'yan? Sagot?" “Hindi!" pakli niyang agad sagot. “Ang daya mo naman." kunwari nagtampo. “Okay, kung ayaw mo. Wag na lang." pahayag ko, umayos na ako sa pagkakaupo. Binuksan ko na ulit ang makina ng sasakyan upang magmaneho. “Ikaw kahit kailan hindi mabiro." “I love you." sabi ko, humarap sa kanya. Hinawakan ko siya sa magkabila niyang pisngi. Unti-unti kong inilapit ang mukha ko. Saka siya hinalikan sa labi. Tumagal din ng ilang minuto ang halik na yon. And, I am so happy na tinanggap niya ang proposal ko. After ng kiss. Pinag-usapan na namin ang gagawin namin sa pagpapakilala at pagtatapat ng aming relasyon sa kanyang mga magulang. Sa buo niyang pamilya. And, yung plano ko din na pakasalan si Justin. Ipapaalam ko na rin sa kanyang magulang. After ko siya maihatid. Pinag-usapan namin sa text messages kung anong araw at oras ako pupunta sa bahay nila. Pinagreresign ko na rin siya sa trabaho niya bago kami ikasal na dalawa at pumayag naman din siya. Lumipas ng ikatlong linggo matapos ang aming naging usapan. Tumungo ako sa bahay nila. Day-off niya. Kabado talaga ako. Not sure if ready na ba talaga ako humarap sa parents niya. But... I was surprised ng matanggap agad nila ang aming relasyon ng walang pagtutol na naganap. I-sinunod ko naman ang aking plano na pakasalan si Justin. Una hindi sila makapaniwala. Mababakas sa mga mukha nila ang pagkabigla. Siguro ay iniisip nila na baka maltratuhin ko lang si Justin because alam nila ang antas ko sa pamumuhay. Hindi naman ako nag lihim sa kanila o nagtago. Sinabi ko lahat. “May nangyari na ba sa inyo ni Justin?" “Buntis ba siya? Kaya gusto niyo na magpakasal?" tanong ng mga magulang ni Justin. “Hindi po." ako na ang sumagot. Si Justin kasi nanlalamig ang kamay niya ng mahawakan ko. Nasa tabi ko siya habang nakaharap kami sa kanyang mga magulang. “Saka po wala pa nangyayari sa amin ni Justin. Ayaw ko siyang pilitin o pwersahin sa bagay na ayaw n'ya. Kaya ginagalang ko po ang desisyon niya na wag pumayag kung ayaw niya. Tumanggi kung ayaw niya. Wala pong pilitan sa pagitan naming dalawa." tapat kong inamin. Wala naman talaga at iginagalang ko ang kagustuhan ni Justin. “Eh, bakit mo siya pakakasalan?" nanginginig na pa 'utay-utay na tanong ng Ina ni Justin. Tumikhim ako muna. Huminga na rin. “Ayaw ko na po pakawalan si Justin. Kaya gusto ko siyang pakasalan. Mahal na mahal ko po si Justin. At ayaw kong mawala pa siya sa akin. Dahil lang sa pinatatagal ko pa ang oras na maitali na siya sa 'kin. Kaya po nagdesisyon na po ako na pakasalan na siya at isa pang dahilan. Hindi ko na po natitiis na makita siyang nagtatrabaho para sa inyo. Sa pamilya niya. Ayaw niya kasi tumanggap ng kahit anong tulong sa akin. Para sa pamilya niya. Gusto ko pong tumulong. Gusto ko na ako naman ang pumalit sa mga responsibility niya once makasal na kaming dalawa. Hindi ko na po hahayaan na magtrabaho pa siya to secure ang mga kapatid niya may nakakain sa araw-araw. Ako na po bahala sa lahat. Pangako ko po iyan." Humaba naman ang paliwanag ko. Nakita ko ang pagkunot ng mga noo ng mga magulang ni Justin. Galit kaya sila? Kinakabahan ako. Parang gusto ko uminom ng isang can ng beer. Pampa-GOODVIBES. Baka sakali na Oo! Ito ang isagot nila sa akin. Pero sa nakikita ko habang nagkatinginan ang mga magulang ni Justin. Pakiramdam ko para ako madisapproved sa proposal kong mahingi ang kamay ng anak nila at ma-pakasalan ko. Wala na akong magulang. Kaya mag-isa kong ginagawa ito. Hindi pa alam ito ng half brother ko at tiyak na mapa-pagalitan ako. Lumunok ako. Sumulyap ako kay Justin na tulad ko kabado rin. Nag-uusap ngayon ang mga magulang nila. Nagbubulungan sila. Hindi ko marinig at ganun din itong katabi ko kumunot ang noo habang tinitingnan ang reaksyon ng mga mukha ng kanyang mga magulang. Ang mga kapatid niya nasa labas. Naghihintay matapos ang aming pag-uusap. Ang tagal naman nila mag-usap. Naiinip ko na naibulong sa sarili ko. Mas nanlamig pa ang mga kamay ni Justin. “Are you okay?" bulong ko. Tumango naman ito. Hindi pa kasi tapos ang mga magulang nila na para pang mga nagtatalo at hindi magkasundo sa pag-uusap na pabulong. “Wag kang mag-alala. Mukhang papayag din sila." nginitian ko siya at pinisil sa palad. Huminga siya ng malalim. Ramdam ko ang lakas ng kaba ni Justin habang naghihintay pa rin kami sa mga desisyon ng kanyang parents. And, next ko nito ang pagkumbisi ko kay David. Maging ako nanginginig ang mga binti. Naramdaman din ni Justin iyon. Kaya sinabi niya. “Akala ko ba ako lang ang kabado?" bahagya siya tumawa at gaya ng ginawa ko sa kanya. Ganun din ang ginawa nito. Nagulat pa kami na mga nakatingin at nanunuod sa amin ang mga parents niya habang nagbubulungan din kami ni Justin. Nagtatawanan pa kami. Saka nag-bitawan ng kamay. “Sorry po!" hinging pasensya ko. Nahihiya sa nangyari. “Ayos lang!" Nanay ni Justin ang sumagot. Seryoso nakatingin lang. “Mukhang mahal mo nga ang anak ko. Nakikita namin mag-asawa na mukhang mahal niyo nga ang isa't-isa..." putol na pahayag ng ama ni Justin. Seryoso din na nakamasid. Kinakabahan na naman ako. Habang si Justin. “Inay, Itay, pumapayag na po ba kayo?" ako ang kinabahan habang tinanong ni Justin ang kanyang mga magulang. Tumikhim ang Itay niya. Buntong hininga naman ang kanyang Ina. Ako, naka ilang beses pa ako napahugot ng aking malalim na hininga habang narinig ko. “Sige, pumapayag kami sa gusto niyo. Pero sa isang kondisyon..." putol na pahayag ng Ina ni Justin. Ano naman kaya na kondisyon? “Kailangan namin muna makaharap ang mga magulang ng boyfriend mo. Kailangan namin ma-sigurong hindi ka maitutulad sa iba. Maltreated, minamaliit pagkatapos ng kasal after lumipat at tumira na sa bahay ng naging asawa. Gusto namin masiguro ng Itay mo na magiging maayos ang kanilang pagtrato sayo once na kasal na kayo." kinakabahan na pahayag ng Ina ni Justin. “Wala na siyang magulang Inay." sagot ni Justin. “Kung ganun. Kahit sino sa mga miyembro ng pamilya niya. Gusto namin sila makaharap ng formal. Hindi ba ganun naman talaga pag bago pa lang ikakasal?" matuwid na pahayag ng ina ni Justin ulit. Natawa naman si Justin. “Inay naman eh, dapat po bang ganun pa? Siya naman na mismo ang pormal na nagtungo dito sa bahay para ipakilala ang sarili niya at kausapin kayo ni Itay. Ano pa po ba ang kulang d'on? Hindi ba po parang ganun na rin yon? Kasi nga po siya nalang at ang..." “Iyon naman pala. Mukhang may miyembro pa siya ng pamilya na maaari namin makausap." saad ng Ina ni Justin sa putol na statement sana niya. Hindi natatapos ang sinasabi n'ya kasi ay agad na sumasagot at nagsasalita ang kanya Ina. May dugtong agad ito sa sasabihin palang sana niya. “Okay, kung ganon. Pa-tunguhin niyo dito kung sino sa mga miyembro ng pamilya mo ang maaari namin makausap. Pasensya na, pero bago sana namin ipagkatiwala sayo ang anak namin. Gusto namin masure lang ang kanyang magiging kalagayan pagkatapos ng inyong pinaplano na kasal. Magulang kami. Siguro naman ay naintindihan mo rin ang ibig namin sabihin sa sinasabi namin sa inyo." malaman na pagkakasabi ng Ina pa rin ni Justin. “Sige po!" sagot ko. Iniisip ko ngayon magawa ko lang, mapapayag ko sila. Mahal ko si Justin at ayaw ko mawala pa siya sa akin. Nagkatingan kami. Huminga ako. “Okay kung ganun. Tapos na ang usapan. Kayo na mag-usap kung kailan..." “Sige po!" tugon ko sa putol din nitong sinabi. Nag-usap kami ni Justin at bago ako umuwi after namin magdinner sa bahay nila. After namin makipag-usap sa pamilya niya. Nagpaalam na rin ako upang umuwi. Iniisip ko pa kung mapapayag ko si David na siyang maging proxy ko sa pakikipag-harap sa pamilya ni Justin. Ayaw ko sa kapatid ko. Malamang na pupunahin niya lang ang magiging desisyon ko at magagalit ito. Baka maliitin din nito ang estado ng pamumuhay nila Justin. Baka hindi pa nga ito pumayag at masira lang ako sa harap ng pamilya ni Justin. Ayaw ko mangyari yon. “Sige, magkita na lang tayo ulit. Kakausapin ko muna si David. Siya nalang ang papaharapin ko sa kanila." sabi ko kay Justin. Kilala naman n'ya si David. Sa pangalan lang dahil nakukwento ko lang sa kanya pero never pa sila nagkita na dalawa. “Sige!" sagot niya sa mga sinabi ko. “Magpahinga ka na." utos ko. Nagpaalam na rin ako sa kanya. Umalis na ako sa bahay nila at nagstart na ako magmaneho ng sasakyan na dala ko pauwi sa bahay. Bahala na! nabulong ko ng makaalis na ako sa bahay nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD