CHAPTER 7

2138 Words
Untruthful Testimony Chapter 6 Sa bahay! “David" tawag ko sa kanya. Nakaupo siya sa dining habang nag-dinner mag-isa. Hindi niya pala napansin ang biglaan ko na pagdating. Kumakain siya ng hindi man lang ako inaya ng makita ako. “Galit ka?" tanong ko. “Paano ako hindi magagalit? Nagdesisyon ka nang ikaw lang. Pakasal ka sa babaeng 'yon? Sure ka na ba?" mula sa harap ng lamesa. Pinuna niya ang naging desisyon ko. “Mahal ko siya." sabi ko. “Andun na tayo. Mahal mo siya, but sure ka na ba?" balik niyang pagtatanong. “Noon, okay sa akin na nanliligaw ka na sa kanya. But this past few weeks naninibago na ako sayo. Napapabayaan mo na ang trabaho mo. Although hindi ko pa man din siya nakikita o nakikilala. But batay sa mga kwento mo at nakikita ko sayo. Napakalaki ng influence niya sa'yo. Hindi ka na yung dating kilala ko. May older brother na focus sa pagtatrabaho at focus sa kumpanya na iniwan sayo ni Dad. But ngayon... Ewan ko. Mukhang nagbago ka na." nagtatampo na pahayag ni David. Nagbaba siya ng tingin. “David, I am sorry" Alam ko ang ipinupunto niya. But, mahal ko si Justin at hindi ko kaya mawala pa siya. “Mahal ko siya. Hindi ko magagawa na ilayo siya o lumayo ako sa kanya. Sana maunawaan mo ako, David. Pakakasalan ko siya kasi mahal ko siya. Mahal niya rin ako. Siguro naman ayos na basehan na rin iyon na nagmamahalan kaming dalawa para pakasalan ko siya. Don't worry alam ko yung nabanggit mo. But this time babawi ako. Alam kong napabayaan ko ang trabaho ko. Start nang mawala ako sa sarili ko sa kakaisip kung ano bang tama kong gawin para makasama ko na siya habang buhay. I really like her. Sana maunawaan mo na nagmamahal lang ako. Sure naman ako na ganito rin ang siyang mararamdaman mo once matuto ka na rin magmahal ng tulad ko." “Malabo mangyari iyan. Kahit kailan ay hindi ako matututo na magmahal tulad ng sinasabi mo." angal n'ya sa sinabi ko. “Hanggang ngayon ba? David, matagal na panahon iyon. Oo, nasaktan ka! Naroroon na tayo. But hindi naman lahat ng babae ay same sa kanya. Bakit hindi mo subukan ang magmahal? O, kahit makipag-date nalang. Dalawang taon na mahigit nang mangyari yon. And, hindi lahat ng makikilala mo ay gaya niya. Subukan mo lang— wag ka mag-stay sa sugat na nag-peklat na iniwan niya sayo. Anong malay mo sa paligid mo lang may babaeng nagmamahal sayo at mamahalin ka rin." sabi ko. “Wag mo ibunton lahat ng galit mo sa mga babae. Please, open your heart again. Wag mong isarado para sa babaeng karapat-dapat na makapasok diyan." muli kong sabi. Simula na lang na na-broke si David. Halos lahat ng babae ay ganun na ang tingin niya sa mga ito. Pakiramdam niya lahat ay sasaktan lang din siya at lolokohin tulad ng ginawa sa kanya ng fiance niya. Pero ang hindi naman niya alam. Marami pang hindi gaya ng ex fiance niya. Kaya lang— natatakot na ata siya sumugal o sumubok. Kaya isinarado na n'ya ang puso niya para sa mga nagnanais pumasok. “David, nakikiusap ako. Hayaan mo na ako sumaya." pakiusap ko sa kanya. “Wag mo na sana pagdudahan na mangyayari din sa akin ang ginawa ng babaeng yun sa'yo. Pangako. Hindi mangyayari sa akin. Kaya nakikiusap ako. Kung maaari sana ay samahan mo ako sa pakikiharap ko sa pamilya niya upang makuha na ang basbas nila." nakiusap ako sa kanya. Huminga ako. “Please, David" “Okay" mabigat niyang bigkas. Pumayag na rin siya. “Hindi ka naman napipilitan di ba?" nangulit pa ako. Habang hindi sinasadya na yakap ko siya. “Ano ba!" angal nito na ikina-alis niya sa kamay ko ng mabilis. “Ang arte mo ahh!" sabi ko “Nasasakal ako." sabi niya. “Kumain ka na ba?" tanong niya. “Hindi pa!" pagsisinungaling ko pero tapos na ako kumain kangina after ko makipag meet at magpakilala sa pamilya ni Justin. “Maupo ka! Kumain ka." alok niya at saka ako umupo sa tabi niya at kumain muli. Kahit busog ay kumain ako upang sabayan ko siya sa pagkain niya. Tahimik na siya at ganun din ako habang paminsan-minsan ay napapatingin ako sa kanya habang sumusubo. Gwapo naman si David ang hindi ko lang alam kung bakit nagawa siyang lokohin at iwanan ng babaeng yon. I know, mahirap talaga situation niya because he's bastard son ni Dad. Madalas ko lang marinig na sinasabi ng kapatid ko. Si Calvin. Hindi sila magkasundo ni David. Madalas kasi itong si Calvin na inaaway si David at pinamumukha niya sa stepbrother namin na sampid lang ito. Wala na si Dad at gusto ni Calvin ay umalis na rito sa bahay si David. Pero hindi ako pumayag. Dahil iyon ang bilin sa akin ni Dad. Halos magkasing edad lang si Calvin at David. Ako ang matanda pero minsan sa pag-aaway nila wala rin ako magawa lalo na si Calvin mahirap siyang pigilan. I am Castor. Panganay ako sa dalawa kong kapatid. And, dahil panganay ako. Minsan naiipit din ako sa dalawa ko pang kapatid. Buti nalang pumayag na si David na siyang maging proxy ni Calvin para humarap sa pamilya ni Justin. Ayaw ko sa kapatid ko at tulad ng naiisip ko. Tiyak na ganun ang mangyayari kung ipipilit o susubukan kong si Calvin ang pakiusapan ko dahil siya ang pure blood at tunay na kapatid ko. Ngunit naisip ko na rin na tiyak na gulo lang ang mangyayari at gagawin ng spoiled brat na kapatid ko na yon. Huminga ako. Hinintay ko matapos si David sa kanyang pagkain para ayain na maglaro ng chess. Favorite namin na libangan after office hours. Ito lang ang bonding naming dalawa. Ngunit dahil sa madalas na nga ako sa pagsundo kay Justin. Hindi na kami nakapag-lalaro. “Maglaro tayo?" sabi ko. “Matatalo ka lang! Wag na" mayabang na sagot n'ya. “Ang yabang mo talaga, bakit hindi natin subukan?" panghahamon ko ulit sa kanya. “Okay, pag-matalo ka! Anong kapalit?" Nag-iisip pa tuloy ako. Ganito siya everytime na may laro kami. Pag talo ako. Lagi na lang siya may hinihinging kapalit. “Okay, a date?" “Ano?" ingos niyang tugon. Nakataas agad ang kilay nito. “Wait! Wag ka magalit. But, if you want lang naman. Hahanapan nalang kita ng ma-date mo." sabi ko. Nakatawa sa kanya. “Tigilan mo na ako." sabi niya. “Oo nga pala, don't forget your lunch meeting tomorrow. Ikaw ang dapat humarap sa mga tao na 'yon. Hindi ako. Kung ayaw mong mabulilyaso ang agreement natin sa kanila. Alam mo naman na ayaw nila sa mga gaya kong bastardo na anak. Ikaw ang humarap sa kanila. Okay!" huminga ako. “Bakit hindi nalang natin sila I let go? Wala naman sila gaano maitutulong sa kumpanya. Humanap nalang tayo ng iba. Yung deserving at hindi mapang mata na mga tao." inis na sabi ko. Naglalaro na pala kami ng chess. “Palitan nalang natin sila. What do you think?" “Hindi ko alam. Ikaw ang boss. Ikaw ang may-ari. Bakit ako ang madalas mong tinatanong about that?" “Dahil kapatid kita. And, parte ka ng kumpanya ko. Wag mong maliitin masyado ang sarili mo dahil lang sa anak ka sa labas ni Dad. Ilang beses ko na ba sasabihin sayo? Hindi kita itinuturing na anak lang sa labas ni Dad. Ibahin mo ako kay Calvin. But, syempre. Tayong dalawa ang parte ng kumpanya na 'yon. Parte ka non. Dahil kung hindi— noon pa man pinatalsik na kita." dagdag ko. “Puro ka kalokohan sa mga pinagsasabi mo. Talo ka na naman. Basta yung dinner na treat mo sa favorite nating restaurant. Ikaw ang sasagot. Treat mo 'yon" inulit niyang pahayag. Tumayo na siya sa upuan. Matutulog na daw. Habang ako naiwan muna dito sa sala. Wala si Calvin dito. Nasa bahay niya sa condo. Kaya malaya kami nakapag-lalaro ni David at malaya kami na nabubuhay na dalawa dito sa bahay na iniwan sa amin ni Dad. Sumandal ako sa sofa. Ipinikit ko ang aking mata. Namimigat na ang mata ko kangina pa. Parang gusto na matulog. Umayos muna ako ng aking pag-upo. Nahiga na ako sa sofa at tinamad na ako umakyat sa kwarto para matulog. Dito nalang me matutulog at paggising ko saka ako aakyat ng kwarto ko. ***** “Tay, Nay, salamat po sa pakikipag-harap ng maayos kay Castor kangina. Alam ko pong mahirap at ngayon niyo lang s'ya nakita at nakilala. Pasensya na rin po itinago ko sa inyo ang aming relasyon for two years. Ayaw ko kasi ng hindi ako sure sa kanya tapos ay ipakilala ko sa inyo tapos maghihiwalay din pala kaming dalawa. Gusto ko sure na ako sa taong mamahalin ako at mamahalin ko bago ko iharap sa inyo." paliwanag ko sa mga magulang ko. Kasalukuyan nasa sala pa kami habang ang ilan sa mga kapatid ko mga tulog na. Nakaupo din ako sa harapan nila habang nanonood kami ng drama sa television. Favorite nilang palabas sa gabi ang pinanonood namin. “Nay, okay naman siya di 'ba?" nagtanong ako. Excited pa ako malaman ang isasagot nila. “Okay naman mukhang mabait naman ang boyfriend mo. But, natatakot lang kami ng Itay mo baka napasubo ka sa papasukin mo. Lalo na, once na maikasal ka na sa kanya. Mayaman siya. Malayo sa pamumuhay na meron tayo. Alam mo iyan, Justin. Kaya mag-isip kang mabuti muna bago ka pumasok sa sitwasyon na hindi mo sana pagsisisihan." malalim na wika ni Inay. “Tama ang Inay mo, Justin. Kinakabahan lang kami at hindi mo maiaalis sa amin ang mag-alala sa kalagayan mo. Babae ka! Siya ang lalaki at malaki pa ang pagkakaiba ng antas ng pamumuhay niyo. Ayaw lang namin sa huli ikaw ang maipit at malagay sa hindi masayang pagsasama. Ayaw namin na isang araw iiyak ka dahil sa pagkakamali ng pagpili sa taong mamahalin mo." “Tama din ang ama mo." dugtong ni Inay. “Naiintindihan ko po kayo. Pero hindi ganun na tao so Castor. Mabait po siya at sa dalawang taon na magkasama kami bilang magkasintahan. Wala naman po akong nakita o naging problema sa amin pagsasama na dalawa. Napaka bait niya po at lagi niya ako sinusuportahan sa lahat ng mga gusto ko. Kaya po, masaya ako ng ayain niya na ako pakasal sa kanya. Nakita ko naman po yung sincerity sa kanya habang tinanong niya ako about it." huminga ako ng malalim. Kinakabahan sa mga pangangatwiran ko sa dalawa kong magulang. But, I know na maintindihan din nila ang ibig kong sabihin sa mga sinabi ko. “Bahala ka na, Justin. Mukhang mahal mo nga talaga siya. Pero, if ever na magkaroon ka ng problema sa kanya. Andito lang kami na mga magulang mo." sabi ni Inay na kinangilid agad ng luha ko. Naiiyak ako sa pagpayag nila sa kagustuhan ko na maikasal kay Castor. Hindi na sila mga nagtanong pa. Sapat na raw ang malaman nila at marinig sa akin na mahal ko talaga ang lalaking pakakasalan ko. “Salamat po" Sabi ko. Niyakap silang dalawa. “Wala iyon, Justin. Anak ka namin. Alam namin ang hirap mo sa pagtulong sa pamilya natin. Alam namin ng ama mo ang sakripisyo mo sa pagtatrabaho para sa mga kapatid mo. Siguro naman. Sa pagkakataon na ganito. Wala kami karapatan na hadlangan ka lalo na at mukhang mahal na mahal mo nga siya. Naintindihan ka namin. Dahil pinagdaanan din namin ng ama mo lahat iyan. Tulad ng pinagdadaanan mo ngayon." sabi ni Inay. “Salamat po, Inay, Itay salamat po sa pag-unawa sa nararamdaman ko. Mahal na mahal ko po ang pamilya natin. At if makasal man ako. Hindi ako titigil sa pagsuporta sa mga kapatid ko. Napag-usapan na rin po namin iyon ni Castor. Hindi ako papayag pakasal sa kanya kung hahadlangan niya ang pagpapatuloy ko ng suporta sa inyo kahit kasal na kami. At nauunawaan niya po iyon. Ang sabi niya pa ay tutulungan niya ako. Bilang asawa ko. Tutulong siya sa akin sa pagtulong sa inyo." umiiyak na sabi ko habang pinunasan ko ang luha sa mga mata ko. Hindi ko expect. But, masaya akong marinig na hindi sila galit sa naging desisyon ko. Nakahinga na rin ako nang maluwag at makatulog na hindi mabigat ang kalooban ko. Buti nalang talaga at mababait ang pamilya ko. Napakaswerte ko talaga sa kanila kahit na naghihirap ang pamilya namin. Pero never naghirap ang kalooban ko sa pagsasabi ng tunay na nararamdaman ko para sa taong mahal ko. Salamat kasi ay naunawaan nila ako. Soon I'll marry the man I really like. I am so excited that it will happen soon. Matagal ko rin ito hinantay. I took a deep breath and smiled.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD