CHAPTER 8

2058 Words
Untruthful Testimony Chapter 8 Third POV's After one week nagdesisyon kami magkita. Busy siya sa trabaho niya at ganun din ako busy sa pagreresign ko. Bwisit ako sa accounting staff dahil sa madalas nito pag-iinit sa akin ng wala naman akong alam na masamang nagawa ko sa kanya. Pero siya galit na galit siya palagi sa akin. Kahit alam kong wala naman akong kulang sa nireremit kong pera sa kanya sasabihin at ipagpilitan pa rin niya na meron akong kulang. Napabuntong hininga nalang ako sa tuwing gaganunin niya ako at napapahiya sa mga kasama ko. Bwisit siya! Talagang naiinis ako sa kanya at buti nalang malapit na ako mawala sa supermarket. Bwisit si Justin na umalis sa accounting department matapos kunin ang kaha niya. Umalis na siya agad at lumabas. Hindi niya matagalan ang mga plastic niyang katrabaho at lalo na ang accounting staff na yon. Umaga pa lang naririnig na niya ang panay parinig ng ilan sa mga kasama niya. Mga naiinggit dahil sa matunog na mga balita ukol sa nalalapit niyang pagpapakasal sa mayamang boyfriend niya at gwapo pa. Siguro ay iyon din ang dahilan kaya ang accounting staff ay madalas siyang pag-initan. Naiinggit ito dahil sa hindi lang mayaman kundi gwapo pa ang kanyang mapapangasawa. Mabait pa. Sabi ng mga ilan sa mga kasama ni Justin na nakakilala sa boyfriend niya. Kaya gigil at inggit ang bumagsak sa mga insecure niyang mga kasamahan. Isang linggo pa at magkikita ang mga pamilya niya at ang kapatid ng kanyang boyfriend sa isang hapunan. Napag-usapan nila sa isang restaurant nalang ganapin ang pagsasalo-salo ng kanilang mga pamilya. Pumayag naman ang mga magulang ni Justin. Wala din sila magawa kung iyon ang gusto ng mapapangasawa ng kanilang anak. Kaya sumang-ayon nalang sila. “Justin, ang swerte mo pala sa mapangasawa mo. Mayaman na. Gwapo pa. Hindi mo na rin kailangan magtrabaho. Kaya nga lang kailangan mong magsilbi nalang sa bahay ng asawa mo." “Oo naman. Wala naman problema sa akin 'yon. Saka napag-usapan na namin kung ano ang magiging set-up namin once ikasal na kami." “Talaga?" gulat na wika. “Magbubuntis ka ba agad after niyo ikasal?" may lumapit na isa. Tanong nito. “Nasa plano. Pero kung mabuntis agad ako... Oo siguro." sagot niya. Napag-usapan nila ni Castor. After ng kasal nila lilipad sila papunta sa isang vacation house ng pamilya nito. Magtravel sila for almost a month. Gusto ni Castor na bumuo agad sila ng mga anak. Ang gusto ng mapapangasawa niya magbuntis agad siya kung maaari. Kaya medyo hinabaan nila ang vacation nila upang sa ganun masoli nilang dalawa ang isa't-isa at mabigyan ng oras ang isa't-isa. Pumayag naman si Justin. Hindi naman siya tutol sa gusto mangyari ni Castor dahil mahal niya ito at kung siya man ang tanungin. Excited rin siya at gusto niyang magkaanak din sila agad. “Naku, Justin. Maaga ka pala malosyang" biro ng isa sa mga kasamahan niyang inggit din sa kanya. “Ayos lang kay Justin yon. Marami naman siyang pera na pampaayos ng katawan at mukha niya after niya magkaanak." pagtatanggol ng isa niyang close na kasama. “Sabagay, tama ka! Sa yaman at dami ng pera ng mapangangasawa niya bakit hindi niya magagastusan ang sarili niya after magkaanak. Saka hindi na uso ang pangit ngayon sa maraming pera." sagot ng isa. Hindi alam ni Justin saan siya babaling sa tuwing may magsasalita sa mga kasama niya. Masaya siya na kahit pa-paano may mga kasama siya na mababait sa kanya. “Magbubukas na ang store. Umayos na kayo." sigaw ng manager. Nakita kasi na mga nagkukumpulan sila. Kaya ito sumigaw at nagbigay ng signal sa nalalapit na pagbubukas ng tindahan. Supermarket nga naman! Kaya maaga pa lang marami na ang mga nakaabang sa labas ng kanilang tindahan. Pagbukas pa lang ng roll-up door. Agad na mga halos magtatakbo at magtulakan ang mga customer sa pagmamadali na makapasok sa loob. Ang ilan sa mga customer. Sa food at sa fresh area ang mga takbo. Bibihira lang ang mga nasa dry goods. Beverage area at sa non-food area. Mabibilang lang ang mga natatanaw. Mas marami talaga ang mga araw-araw nagluluto ng mga kakainin nila. “Good Morning" bati niya. “Good Morning din! Gumaganda ka!" biro ng customer sa kanya. “Salamat po" nginitian niya. “Wala yon. Totoo naman." napabuntong hininga pa ito. Tapos saglit siya napahinto. Tiningnan niya ang customer. “Bakit malungkot po ata kayo ngayon?" takang tanong niya. Madalas naman ay nakikita niya ito ng nakangiti. Hindi gaya ng nakikita niya ngayon. Nakasimangot. Malungkot. “Balita ko kasi. Aalis ka na raw? Magreresign ka ba?" tanong nito sa malungkot na boses. Napangiti siya. Malungkot din. Kasi ay mamiss niya itong customer niya. “Opo!" sagot niya. “Totoo pala talaga ang balita. Mag-asawa ka na raw at sabi pa nila mayaman at gwapo?" “Saan niyo naman po napulot ang balita na yan?" tanong niya. Alam na rin naman niya na tiyak sa mga kasama lang din niya sa loob ng selling area. Panigurado na pinag-uusapan na naman siya dahil sa kalat na kalat naman na rin ang tsismis sa kanyang pagpapakasal. Hindi na siya magtataka kung lahat ng malalapit niyang customer malalaman ang balita tungkol sa kanyang nalalapit na kasal. “Narinig ko lang" Sabi nito sa kanya. Malungkot habang dumudukot ng pambayad sa wallet. “Heto bayad ko." “Salamat po! Resibo po." inabot niya ang isang maliit na papel. Naka-indicate don ang lahat ng pinamili nito. “Wag niyo nalang po pansinin kung ano man narinig niyo." sabi niya. “Pero totoo ba?" tanong nito. Wala pa naman kasi itong kasunod. Kaya ayos lang na makipagkwentuhan siya saglit. “Opo! Pero hindi pa naman po ngayon. Inaayos pa po namin ang kasal namin. Saka marami pa pong aayusin. Kaya baka matagalan pa po. Busy din siya sa negosyo niya at sinabi kong wag muna alalahanin. Hindi naman po ako ganun nagmamadali na makasal sa kanya... Baka mamaya mas isipin pa ng marami na nagmamadali ako dahil mayaman yung boyfriend ko." sagot niya sa customer. Ngumiti na rin ito. “Sabagay ay tama ka! Hayaan mo lang muna enjoy mo lang muna habang dalaga ka. Saka if kasal ka na. Madami na ang mga bagay na hindi mo na magagawa. Kaya dapat sulitin mo na muna habang dalaga ka pa at hindi pa natatali sa lalaking mapapangasawa mo." payo na sabi ng Ginang sa kanya. “Salamat po sa sinabi niyo." nginitian niya ito. Tapos ay nagpaalam na rin ito dahil sa kailangan raw muna nito ang magluto para sa mga anak niyang papasok sa eskwelahan. Pag-alis naman ng customer niya ay nag-sunod-sunod na rin ang ilan pang customer nila. Dumami na rin ang tao na mga tapos na sa pamimili sa loob ng selling area. Huminga si Justin. Umpisa na naman kasi ng kalbaryo sa araw-araw niyang trabaho. Mabilis ang mga galaw niya. Isa-isa niyang pinag punch ang mga items ng bawat customer. Sa loob ng ilang oras niya na nakatayo. Sunod-sunod din ang mga sakit niya sa ulo. May mga nag-away-away pa sa pila sa kanya. Sakali andaming bakanteng counter. Pero halos lahat sa kanya ang pila. Mga regular customer na rin kasi niya ang mga halos sa kanya pumipila. Tulad kangina. Lahat mga nagtatanong about sa issues tungkol sa pag-alis niya. Gusto na tuloy niya maglagay ng tape recorder ng sa ganun ay hindi siya paulit-ulit ng pagpapaliwanag at pagsasalita sa mga customer niyang malalapit sa kanya. Alas kwatro na! Konting oras nalang papauwi na siya. Katatapos niya lang magligpit at bilangin ang laman ng kaha niya. Ganun pa man alam niyang sa pag surrender niya ng kaha. Tiyak niya ang isasagot sa kanya ng accounting. Kulang muli ang pera niyang niremit. Araw-araw nalang. At hindi siya nagkamali. “Kulang" sigaw nung accounting. “Tama naman ang bilang ko." sumagot na siya dahil sa ginawa nito ng ibalibag ang kaha niya. “Bakit ba araw-araw nalang sinasabi mo na kulang ang sinusurender ko na pera? Tama naman lahat 'yan bago ako pumupunta dito. Sinisiguro kong tama ang bilang ko sa actual. Pati sa resibo. Bakit pagdating sayo lagi nalang akong kulang. At pinagbibintangan mo pa ako na kumukupit diyan." sumagot na rin siya at hindi napigilan. “Sabihin mo 'nga! Ano bang problema ko sa'yo? May nagawa ba ako? Sige nga, explain mo. Bakit ba lagi mo nalang ako pinag-iinitan at pinahihiya sa mga kasama ko dito?" galit na siya. Hindi na niya makontrol ang sarili ng kumawala na ang galit niya. “Sa totoo lang. Sobra ka! Ako nalang talaga palagi. Ang dami namin dito na sabay-sabay na nagreremit ng cash box namin. Pero ako talaga yung pinag-iinitan mo ng madalas. Mali pala! Araw-araw nalang ako yung napagkakatuwaan mong ipahiya sa kanila." umiyak na siya. Hindi makakibo ang accounting staff. Nagulat din ito sa inasal ni Justin. “Sobra ka na!" singhal ulit ni Justin. “Hindi na nakatutuwa ang mga ginagawa mo sa akin. Oo, mahirap lang ako. Marami akong mga kapatid. Tama ka ron. Marami akong palamunin. At halos ako ang umaako sa mga responsibility na dapat ang mga magulang ko ang gumagawa. Pero dahil ako ang panganay. Napipilitan ako na itaguyod sila at magtrabaho para sa kanila. Pero hindi ko magagawa ang lagi mong ibinibintang sa akin. Kaylanman. Hindi ko magagawa ang kumupit sa cash box ko para lang may maipakain ako at ipansuporta sa pamilya ko. Siraulo ba ako? Ganun na ba kakitid ng utak ko dahil sa naghihirap kami ng pamilya ko. Gagawa na ako ng masama para lang sa kanila?" naninikip na ang dibdib niya habang nagsasalita at umiiyak. “Napakasama mo. Pinagbibintangan mo ako ng walang sapat na evidence. Puro ka hula. Hindi ka na naawa sa akin. Halos wala na ako sinasahod dahil sa ginagawa mo. Napakaliit na nga ng sahod ko rito. Totoo hindi makabubuhay sa liit ng araw ko sa pagtatrabaho. Tapos babawasan pa dahil lang sa sinabi ng gaya mo na nangungupit ako. Wow! May CCTV ka ba sa buong store? O baka sa pwesto ko lang kasi nga ako lang ang napapansin mo? Pero matanong kita! Sa palagay mo ba kung mangungupit ako makakauwi ako ng bahay ng walang nakukuha sa akin ang lahat ng bantay dito? Sa higpit ng mga tao dito. Lalo na nang mga bantay. Tadtad pa ng CCTV camera. Bakit wala silang nakikita na patunay na nangungupit nga ako? Bakit ikaw lang? Saka paano ko gagawin kung from selling area di-diretso kami dito para lang isaoli itong cash box." matapang niyang pangungumpronta. Hindi pa rin nakakibo at makapagsalita ang accounting staff na kanyang tinapat. Halos lahat ng tao sa accounting department. Nakatingin sa kanila. Nanunuod. Nakikinig sa mga sinabi ni Justin. “Ano? Hindi ka makapag salita? Bakit hindi mo sabihin sa lahat ng tao dito na nangungupit ako araw-araw sa cash box ko." Mabigat siyang bumuntong hininga. Iniwan ni Justin ang accounting staff na hindi nagsasalita. Umiiyak siya na lumabas ng kwarto. Tumakbo siya papuntang banyo nang nakatingin sa kanya ang mga nakakasalubong niya sa kanyang dinadaanan. Umiyak siya sa banyo. After ilang minutes. Tumungo siya sa locker niya at kinuha ang gamit niya saka siya lumabas ng supermarket. Pinunasan niya ang mga luha niya dahil sa mga pinagbubulungan siya at ang topic siya at ang accounting staff na tinapat niya. Diretso lang siya nang ipasuri niya ang kanyang bag. “Paki tingnan nalang po ng mabuti ang mga gamit ko para walang masabi sa akin na nangungupit ako." matapang niyang sagot. Tinapat niya rin ang guard at natawa ito. “Wag mo nalang pansinin. Ikaw kasi pinatulan mo pa! Tiyak na ipapatawag ka niyan sa HR bukas." nag-aalala na paalala. “Ayos lang atleast nasabi ko." sagot niya at kinuha na ang bag niya bago pa siya lumabas sa employees entrance ng supermarket. Pagkalabas niya ay agad siya naupo sa ilalim ng puno ng mangga. Umiiyak pa rin. Dahil sa hindi naman niya naiwasan ang pagtulo ng luha niya. Masamang-masama ang loob niya at inaasahan na rin niya na bukas din ay tiyak na ipapatawag siya. “Babe" napalunok siya. Kilala niya ang boses. Hindi nga siya nagkamali. Agad na nagpunas siya ng kanyang luha ng makita si Castor. Dumating ang boyfriend n'ya at nakatingin agad sa kanya. Ano na ngayon ang gagawin niya? Tiyak na magtatanong ito sa kanya.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD