Amanda Colen
MABILIS ANG pagpapatakbo ko sa second hand na kotseng ibinigay sa'kin ni Saferino noong isang araw upang magsilbing service ko kapag dumating ang pagkakataon tulad nito. Nakatanggap ako ng text mula kay Benj na nakarating na ng bansa si Amari at dumiretso ito sa Desire. Isang high-end bar dito sa Pilipinas. Wala akong pakialam kahit saang bar siya mapadpad at magpakalasing pero ayon kay Benj ay nasa iisang lugar ito kung nasaan si Tarinio at kinukulit niya ang binata.
Baka sa kalasingan niya kung ano pa ang masabi kay Tarinio. Mababalewala ang lahat ng pinaghirapan namin sa pagiging pabaya niya. Palibhasa nagpapakasarap lang siya sa buhay at naghihintay sa yaman ng Trei Impire. Napatiim bagang ako sa isiping 'yon, hindi ko pa rin mapigilan ang inis na namumuo sa kalooban ko. Ayokong mag-cross ang mga landas namin pero ngayon wala akong choice kundi ang pigilan siya sa katigasan ng ulo niya.
Mabilis akong nakahanap ng parking lot at agad na naglakad papasok. Mabuti nalang ay hindi ako pinigilan ng mga bouncer sa labas. Simpleng very peri t-shirt at white skirt ang suot ko. Nang makapasok agad kong inilibot ang tingin sa buong lugar, malapit nang lumalim ang gabe kaya maingay na ang lugar at nagkakasiyahan na ang mga costumers.
Dumako ang tingin ko sa counter. Naningkit ang mga mata ko nang makita si Amari na nakalingkis sa bewang ni Tarinio habang nakayukyok ito sa counter. Nakita ako ni Benj kaya lumapit ito sa'kin.
"Bakit ngayon ka lang nagtext?" tanong ko nang makarating siya sa harap ko.
"Hindi ko alam na malakas na siyang uminom ngayon, ilang beses ko siyang inayang umuwi pero ayaw makinig. Kaya nag-text na ako dahil alam kong malakas ang loob mong pagsabihan siya," paliwanag niya.
Napatingin ako sa ballcap na suot niya. Kinuha ko iyon at nilagay sa ulo ko. Pasimple kong tinakpan ang mukha ko. Medyo may kadiliman ang counter dahil tanging aninag ng dancing light lang ang tumatama doon. Naglakad ako palapit sa counter. Nakapikit si Amari kaya hindi niya agad ako nakita. Umiwas ako nang magkasalubong ang tingin namin ni Anaxy. Ang pinsan ni Tarinio, naghahalo ito ng drinks sa likod ng counter.
Hinawakan ko si Amari sa braso dahil para mapadilat ito. Naningkit ang mata nito na tila kinikilala ang mukha ko, nang maging malinaw sa kanya ang presensya ko ay agad niyang winaksi ang kamay ko. Napairap ako.
"Let me go," asik niya.
Hindi pa man ako nakakapagsalita nang may biglang yumapos sa bewang ko. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat, hindi ko inaasahan ang gesture na 'yon mula kay Tarinio. Napatingin sa'kin si Amari, namumungay ang mata nito sa sobrang kalasingan. Agad kong sinenyasan si Benj na kuni si Amari.
"Ma," bulong ni Tarinio. Sumubsob siya sa ilalim ng dibdib ko at yumakap ng mahigpit sa bewang ko. Ilang ulit akong napamura sa isipan ko. Napailang lamang si Anaxy nang makita ang ginawa ng pinsan niya.
"Isakay mo si Amari sa sasakyan mo, pwersahin mo kung kinakailangan para madala sa katigasan ng ulo niya," bilin ko kay Benj. Dumako ang tingin nito kay Tarinio na mas lalong humigpit ang pagkakayakap sa'kin. Inilingan ko siya. "Susunod ako, ako na ang bahala dito."
"Sigurado ka?" May pag-aalala sa boses nito.
Tumango ako. "Oo, iuwi mo na ang amo mo. Nakakaperwisyo sa nobyo ng iba." Nilakasan ko ang boses ko upang marinig ni Anaxy at hindi maghina kung ano ang kaugnayan ko kay Amari at Benj. Sa lakas ng tugtog sigurado akong hindi nito narinig ang mga bilin ko kay Benj. Nakasunod ang tingin ko sa kanila nang maglakad palabas, nagpumiglas si Amari at pinagsasampal si Benj pero hindi ito natinag.
"Ma," ungol ni Tarinio. Kunot noo ko siyang binalingan ng dahil sininghot singhot niya ang parte sa ilalim ng dibdib ko.
"Can you accompany him? Marami pang tao kaya hindi pa ako pwedeng umalis." Napatingin ako kay Anaxy. Nakadungaw ito mula sa counter.
"Wala siyang ibang kasama?"
May itinuro ito sa dance floor, sumunod ang tingin ko doon at nakita ang isang gwapong lalaking may yakap na dalawang babae at may kaharutan pang iba.
"Si Cerio kaso ayon sa nakikita mo may sarili siyang mundo."
"Bakit sa'kin mo ipagkakatiwala 'to? Paano kung itulak ko 'to sa mabagok ang ulo?" pabirong tanong ko. Hindi ko gusto ang makahulugan niyang ngiti.
Nagkibit balikat siya. "I know you won't do that."
"Sanay ka bang sa kahit sinong babae lang siya pinapasama?" Hindi ko mapigilang mairita lalo at parang batang isiniksik ni Tarinio ang mukha niya sa dibdib ko. Kulang nalang ay sumuso siya sa'kin na parang sanggol.
"I thought he's your boyfriend." Nag-iwas ako ng tingin at hindi na sumagot sa kanya. Narinig niya nga ang sinabi ko kanina.
Maingat kong inalalayan ang tagiliran ni Tarinio kung saan ang sugat nito. Hindi siya bumibitaw siya.
"By the way, kung ihahatid ko siya sa condo niya paano ako makakapasok?" Isang hakbang na rin ito upang mas mapalapit ako sa kanya at mas madali kong malaman ang plano niya sa kasong hawak niya.
"May kwarto sa taas, pwedeng doon mo nalang siya dalhin para hindi hassle. Iisang kwarto lang 'yon kaya hindi ka malilito. Nasa corner diretso mula dito ang hagda patungo doon." Sandali itong pumasok sa kinaroroonan kanina at nang bumalik ay inilipag nito ang isang susi. "Here."
Kinuha ko siya at inalalayan si Tarinio. Napairap nalang ako dahil ayaw niyang tumayo at nakalingkis lang sa'kin. "Tumayo ka na," sabi ko.
Pupungay pungay na nagdilat siya nang mata at tumingin sa'kin. Nagkasalubong ang tingin namin, mas lalo siyang dumilat at ngumiti.
"Ma," sabi niya.
"Kanina ka pa 'ma' ng 'ma'."
Kinurot niya ang ilong ko at tumawa. "You are more beautiful in my dream."
Napairap ako. "Mga lalaki talaga, kapag lasing lang nagiging sweet."
Hindi pa nakontento, kinurot niya ang magkabila kong pisngi. "Can you be my wife? Can you give me a baby? I mean, babies. I want a dozen of them."
Nasamid ako at biglang naubo dahil sa sinabi niya. Kahit halos hindi na tuwid ang mga salita niya ay dinig na dinig ng dalawa kong tenga. Napatikhim ako. "Lahat ba ng babaeng makakaharap mo kapag lasing ka inaaya mong maging asawa at gusto mong anakan?" sarkastikong tanong ko.
Paulit ulit siyang umiling. Dahil sa bilis ng pag-iling ng ulo niya ay bahagyang nagulo ang kanyang buhok at tumabing iyon sa kanyang noo. Maliwanag na ang paligid dahil muling sinindihan ang normal na liwanag ng mga ilaw. Tumingala siya sa'kin na namumungay pa rin ang mga mata, namumula ang mga pisngi. Mas lalong naging klaro sa paningin ko ang nakakatulala niyang kagwapohan. Kung ibang babae siguro ay pinagpantasyahan na ang hitsura niya ngayon.
"No. No. No. Only to Amanda." Tumawa siya na parang baliw. "Amanda," he shouted.
Mabilis kong tinakpan ang bibig niya. "Napakaingay mo."
Para akong napasong mabilis na inilayo ang palad ko sa bibig nila dahil dinilaan niya iyon. Ramdam na ramdam ko ang paggalaw ng dila niya at paghagod sa palad ko. Nagtayuan ang mga balahibo ko at tila may namuong kiliti sa puson ko.
Muntik akong mawala sa balanse dahil sa biglaan niyang pagkabig sa'kin at pagyakap ng mahigpit. Naramdaman ko ang mga kamay niyang gigil na pumisil sa pwet ko, sa sobrang gulat ay nasabunutan ko siya.
"Tarinio," gigil kong saway sa kanya. "Tara na nga, titignan ko kung dumugo ang sugat mo." Sinubukan ko siyang patayuin, mabuti nalang ay hindi na siya nagmatigas pa. Umakbay siya sa'kin. Humawak ako sa bewang niya upang alalayan siya sa paglalakad. Pagewang gewang kami dahil sa sobrang bigat niya. Napakarami niyang sinasabi na kung anu-ano na hindi ko na inintindi pa. Hindi ko alam kong bakit inilagay ko ang sarili ko sa ganitong sitwasyon.
Bawat paghakbang paakyat ay inalalayan ko ang mga paa niya. Hinihingal na ako sa sobrang pagod dahil napakabigat niya. Imagine, halos nasa 6'1 ang height niya at ako ay 5'6 lang. Halos daganan na niya ako.
"I want babies," paulit ulit niyang bulong.
Nang makarating sa nag-iisang pinto sa taas agad ko iyong binuksan. Napatila ako nang bigla niya akong hilahin papasok at sinandal sa tabi ng pinto. Ilang ulit niya ba akong gugulatin sa gabing ito. Natulala lamang ako sa kanya habang siya ay titig na titig sa mga mata ko. Mariin kong kinagat ang labi nang idiin niya ang katawan sa katawan ko. Para akong naparalisa, hindi ako nakagalaw at naghihintay lamang sa susunod niyang gagawin.
Iwasan mo ang kalandian, Amanda. Hindi ka ipinanganak na marupok. Ikalma mo ang egg cells mo.
Napasinghap ako nang dumapo ang mga kamay niya sa magkabila kong dibdib. Hindi ko 'to inaasahan, promise.
"I want these babies," sabi niya.
Ikinuyom ko ang mga kamao ko upang pigilan ang pagtili dahil para akong pinapaso sa pagpisil pisil niya sa dibdib ko. "Nakakarami ka na ng hawak, sisingilin kiya bukas na bukas," sabi ko. Sinubukan kong alisin ang kamay niya doon ngunit parang mas lalo siyang nanggigil dahil mas lalo niyang pinisil na parang nagmamasa ng tinapay.
"These are my babies," angal niya na parang bata.
Tuluyan akong napatili nang ang p********e ko naman ang pisilin niya, naka-skirt lang ako at sa laki ng kamay niya ay damang dama ko 'yon. Hindi ko napigilan ang sarili ko, nasuntok ko siya ng malakas sa mata. Dahil sa sobrang kalasingan ay bumulagta siya sa sahig. Mabilis ko rin siyang dinaluhan nang maalala kong may sugat siya sa tagiliran.
"Hindi ko alam kong dapat kita buhayin o patayin nala," inis kong bulong. Mas lalo akong nahirapang iangat siya at pahigain sa kama dahil wala na siyang malay. Hingal na hingal ako, hindi ko alam kung anong emosyon ang nangingibabaw sa'kin ngayon.
"WHAT CAN I do for you, Ma'am?" salubong sa'kin nang saleslady nang pumasok ako sa isang store. Nandito ako ngayon sa mall upang bumili ng ilang mga damit. Gusto ko ring libangin ang sarili ko dahil sa inis kay Tarinio. Nang maihiga ko siya kagabi ay agad din akong umalis, baka masakal ko siya habang tulog siya at walang kamalay malay sa paligid.
"Saan ang section na para sa mga babae?"
"This way po," itinuro niya ang daan kaya sumunod ako.
Nang makarating doon nagsimula akong pumili ng mga damit. May nakita akong gold glittery stilleto. Kinuha ko 'yon at tinignan ang size kung kakasya sa'kin.
"It won't suit you. Masyadong maganda para sa isang tulad mo."
Napatingin ako sa kaliwang parte ng women's section. Si Amari. Amari Carolina Trei. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagtingin tingin ng pwedeng mabili. Mukhang wala siyang hang-over dahil bihis na bihis at parang laging lalakad sa runway ng fashion show. Hindi ko alam kung bakit pinagtatagpo kami ng tadhana kahit na wala ako sa village.
"Mas maganda pa rin naman ang taste ko kaysa sa'yo," simpleng sagot ko.
"Why are here?" Tinaasan niya ako ng kilay at humalukipkip. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa pabalik sa mukha niya.
"Bakit? Pag-aari mo?"
Ngumiti siya, ngiting peke. "Lahat naman ng pag-aari ko kahit hindi pwede sa'yo inaangkin mo."
Nagkibit balikat ako at tinalikuran siya. Pero sadyang gulo talaga lagi ang hanap niya dahil bigla niyang hinila ang buhok ko. Hindi ko naiwasan 'yon dahil nakatalikod ako sa gawi niya.
"Kinakausap pa kita, 'wag mo akong tatalikuran," inis niyang sabi.
Mariin akong pumikit upang pakalmahin ang sarili. Ilang beses din akong huminga ng malalim para hindi makagawa ng masama. "'Wag mong guluhin, bagong rebond 'to," seryoso kong sagot.
Pilit kong inalis ang mahahaba niyang daliri sa buhok ko, mabuti at nagtagumpay ako. "Hindi na tayo bata para sa ganitong bangayan."
"Right, why I am wasting my time to you anyway."
"Stop being a brat." Hindi siya nakahabol nang agad ko siyang talikuran. Imbes na magpatuloy sa pamimili ay umalis nalang ako ng mall. Hindi ko gustong nasa iisa kaming lugar. Parang hirap ako laging huminga kapag nagkakasalubong kami.
Naglakad lakad ako upang mahanap ng coffee shop. Naningkit ang mga mata ko nang mapadaan sa isang pet house. May mga nakadisplay na mga iba't ibang hayop. Nakangiti akong pumasok doon. Tumingin ako sa mga aso. Bigla kong naalala ang mukha ni Tarinio. Napangiwi ako at umiling. No. No. No.