Amanda Colen
HINDI ko alam kung tama ba itong ginagawa ko. Sino ba naming baliw ang bibili ng tatlong aso kahit hindi marunong mag-alaga? Ipinababa ko kay manong driver ang tatlong aso, isang Pomeranian, isang Maltese, at isang Shih Tzu na binili ko sa pet house. Tiningala ko ang building kung nasaan ang condo ni Tarinio. Hindi ko alam kung nakauwi na siya galing sa bar, pero ibibigay ko sa kanya ang mga aso na ‘to. Naghintay ako sa lobby matapos kong sabihin sa receptionist na nandito ulit ako para kay Tarinio. Ang alam nila ay girlfriend niya ako kaya halos wala nang itinanong sa’kin pagpasok ko.
“Excuse me, Ma’am. Tumawag po ulit si Sir Tarinio at gusto niyang umakyat nalang daw ho kayo.” Naagaw ang atensyon ko dahil lumapit sa’kin ang receptionist. Napatingin naman ako sa tatlong aso na nasa kanya kanyang kulungan.
“Paano sila?” tanong ko.
“Pwede pong ipadala nalang sa guard kasunod niyo.”
“Anong floor ang condo niya?”
“Top floor po, Ma’am. Sa kanya po ang buong floor kaya paghinto ng elevator ay hindi kayo maliligaw.” Tumango ako at naglakad patungo sa elevator. Hindi nakapagtatakang pag-aari niya ang buong floor, kahit siguro buong building ay kayang kaya nitong bilhin.
Nang makarating ako sa top floor ay bumungad agad ang pinto ng condo nito. Nag-doorbell ako ngunit walang nagbubukas. Ilang ulit ko iyong pinindot bago ako nakarinig ng mga yapak papalapit sa pinto. Bumukas iyon at bumungad ang bagong gising na si Tarinio. Gulo gulo ang buhok nito, walang saplot pang-itaas at naka-boxer short lamang. Agad akong pumasok kahit wala ang paanyaya niya. Inilibot ko ang tingin sa paligid, white and black ang interior ng buong lugar, bagay na common para sa isang lalaki.
“What are you doing here?” tanong niya. Umupo ako sa single couch na nakaharap sa floor to ceiling na glass wall paharap sa mga gusali.
Napakaganda siguro dito paggabi.
“Hindi ka manlang ba magpapasalamat sa pag-aalagang ginawa ko kagabi?”
“Pag-aalaga? Ganito ka ba mag-alaga?” Pigil ang tawa ko nang makita ang black eye niya dahil sa pagsuntok ko sa mukha niya.
Nagkibit balikat ako. “Deserve mo rin ‘yan.” Hindi ako umiwas ng tingin nang nakapamewang siyang humarap sa’kin, kitang kita ko ang depinado niyang abs.
“What are you doing here?” pag-uulit niya sa tanong niyang hindi ko pinansin kanina.
“Pwede ba akong tumira dito?” seryosong tanong ko.
“No,” walang kurap na sagot niya. Napataas ang kilay ko.
“Bakit? Girlfriend moa ko kaya normal lang na dito ako tumira.” Siya naman ang seryosong tumingin sa’kin. Tinignan ang ayos ko at umiling.
“You are promoting pre-marital s*x, it’s not good.” Napabunghalit ako ng tawa dahil sa sagot niya, seryosong seryoso siya at napakainosente ng mukha na akala mo hindi pa nagkasala sa tanang buhay niya.
“Seryoso ka ba?” Hindi pa rin mapigil ang pagtawa ko. Sa lahat ng taong kilala ko hindi in-expect na manggagaling sa kanya ang gan’ong mga salita.
Tumango siya. “Wag mong madaliin ang mga bagay-bagay, liligawan muna kita. Isa pa, nakakahiya sa lola mo.” Kinunotan ko siya ng noo.
“Lola?”
“Si Manang Ister, ayokong isipin niya na sinasaksak ko siya patalikod at tinatira kita ng hindi niya alam.”
Napakagat ako ng labi dahil sa huli niyang mga sinabi. “Hindi mo pa naman ako tinitira.” Sinamaan niya ako ng tingin.
“Yang bibig mo,” aniya.
Tumikhim ako at umayos ng upo. “Gusto kitang bigyan ng babies. Gusto mo ng marami, diba?” Tinitigan niya ako na tila inaarok ang mga sinasabi ko.
“Stop pushing me to my limit, Amanda. I’m not a gentleman. Another word from you, and I’ll roughly f**k you right here, right now.” Hindi ko pinansin ang sinabi niya.
“Pero—” naputol ang sasabihin ko nang bigla niya akong buhatin at sa isang iglap nakasandal na ako sa floor to ceiling glass wall na tinitignan ko kanina. Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang gulat, hindi ko inaasahan ang mabilis niyanng mga galaw.
Ipinulupot niya ang mga hita ko sa bewang niya kaya ramdam na ramdam ko ang bukol ng kanyang p*********i na nagtatago sa likod ng boxer short niya. Napatulala lamang ako sa bilis ng pangyayari. Ramdam na ramdam ko ang lamig ng glass window na nakalapat sa likod ko.
“Tarinio,” pabulong kong sambit.
Ngayon lang ako na-corner ng ganito, halos wala akong masabi.
“I warned you, but you didn’t listen. There’s no turning back, you have to accept the consequences of pushing my limit.” Bago pa ako makasagot ay tila uhaw na kinagat niya ang aking labi at malalim ang halik na ibinigay sa’kin. Sandali akong natigilan dahil hindi ko alam kung gaganti ako ng halik o itutulak siya. Sa huli, gumanti ako ng halik. Ang landi. Halos hindi ako makasabay sa bilis ng paggalaw ng kanyang labi at dila. Akmang bababa na ang labi niya patungo sa gitnang parte ng dibdib ko nang tumunog ang doorbell. Hindi pa rin siya tumigil pero ako ay nakabalik na sa tamang huwestiyo. Pinigilan ko siya sa ginagawa niyang paghalik sa dibdib ko.
“May tao, Tarinio.” Hindi siya natinag.
“Akala ko ba against ka sa pre-marital s*x at hindi mo ako type?” Tinaasan ko siya ng kilay, doon lamang sya natigil sa ginagawa niya. Kinalas ko ang pagkakapulupot ng mga hita ko sa bewang niya at bumaba mula sa pagkakapangko niya. Hindi na siya umangal. Dahil halatang wala siyang balak na pagbuksan ang tao sa labas ako na ang gumawa matapos kong ayusin ang nalukot kong damit.
“Hello po, Ma’am,” bati sa’kin ng guard. Napangiti ako at tumango. Dala niya ang tatlong cage ng mga aso.
“Tarinio,” pasigaw na pagtawag ko sa kanya.
“What?” Halatang iritado ang boses niya pero lumapit pa rin.
“Buhatin mo sila.” Napatingin naman siya sa mga aso at ibinalik ang tingin sa’kin na parang hindi makapaniwala.
Humarap ulit ako kay Manong Guard.
“Pakibaba nalang sila, kuya. Kami nalang ang magbubuhat sa kanila papasok.”
Tumango ito. “Sige po, Ma’am. Babalik na ho ako sa pwesto ko.” Nang makaalis siya hindi pa rin gumagalaw si Tarinio sa kinatatayuan niya.
“Ito na ang hinihingi mong babies. Ako na ang bumili para sa’yo. Bayaran mo nalang ako mamaya.”
“Are you serious?”
Tumango ako. “Yup, sige na buhatin mo na sila para may kasama ka kapag wala ako.”
Umiling siya. “Hindi ko kailangan ng kasama at walang mag-aalaga sa kanila.”
Napasimangot ako. “Ako ang mag-aalaga sa kanila kaya nga dapat pumayag ka na dito ako tumira.”
Hindi siya nagsalita, nakatingin lang siya sa’kin. Mas lalo akong sumimangot. “Hindi mo tatanggapin ang regalo ko?”
“Regalo mo pero ako ang magbabayad.”
Sinamaan ko siya ng tingin. “Edi ‘wag mong tanggapin, ibabalik ko nalang sa pet house na binilhan ko.” Kukunin ko na sana ang mga kulungan nila pero pinigilan niya ako. Nagbunyi ang kaloob-looban ko.
“Fine. Fine.” Binuhat niya ang mga ‘yon patungo sa sala.
Napatalon ako sa tuwa. “Dito na ako tityra para alagaan sila?”
“Do whatever you want, just don’t disturb me. I’m busy. Isa pa, hindi ako palaging narito mabuti na rin para nagagamit ang condo na ‘to.”
Lumapit ako sa kanya. Inilabas niya ang isa sa mga iyon at hinaplos ang balahibo. Napangiwi naman ako. Kahit anong gawin ko wala akong hilig sa kahit anong hayop lalo na ang aso.
“Bakit, nasaan ang palagi?”
Sinubukan kong magtanong na hindi niya nahahalata, mukhang naming unti unti ko nang nakukuha ang tiwala niya.
“Work,” simpleng sagot niya habang nawiwili sa aso. Napairap nalang ako, binabawi ko na, hindi ko pa pala nakukuha ni katiting ang tiwala niya.
“Anong ipapangalan na’tin sa kanila?”
Napabaling siya sa’kin dahil sa tanong ko. Mukhang napaisip rin siya. “I don’t know, what do you think?”
Napahawak ako sa baba ko at napaisip na rin. “Tarinio nalang.
Sinamaan niya ako ng tingin. “Mukha ba akong aso?”
“Ahm, Clarito, Clarita, and Clarite.” Sabay turo ko sa bawat isa sa kanila.
“Too oldies.”
“Penpen, De, tapos Sara.”
“Are you joking?”
“Babe, Bibo, Bobu.”
“You are hopeless,” yamot niyang sagot.
“Ikaw nalang kaya, ako na nga nagmamalasakit, e.”
“Booby, Dicky, and Pussy.” May pagmamalaki sa boses niya na parang iyon na ang pinakamagandang pangalan ng mga aso sa buong mundo. Malakas akong natawa. Halos sumakit ang tiyan ko samantalang siya ay blangko ang tingin sa’kin.
“Mas malala pa nga ang suggestion mo, e.” Natawa na naman ako. “Booby, Dicky, and p***y, parang pinasosyal na pwet, putotoy, at pekpek.”
Natigil ako sa pagtawa dahil hindi na niya ako pinansin. Para siyang bingi na walang naririnig kahit kinakausap ko. “Ang arte nito, marunong ka palang magtampo.” Hindi niya ako pinansin kaya natawa na naman ako. Halata sa mukha niya na asar na asar siya sa pagtawa ko.
PAGABI na pero nandito pa rin ako sa condo ni Tarinio. Hindi pa rin niya ako pinapansin. Para lang akong tangang nakasunod sa bawat galaw niya. Ngayon ay abala siya sa harap ng laptop niya at ang tatlong aso ay palakad lakad sa paligid.
“Alam mo, hindi uso ang tampuhan sa walang label,” sabi ko kahit alam kong di niya pa rin ako papansinin. Naiirita na ako, hindi ko alam na big deal pala para sa kanya ang nangyari kanina. Sinamaan ko siya ng tingin kahit wala sa’kin ang atensyon niya. Anong gagawin ko? Hindi ako marunong manuyo ng nagtatanmpo.
“Edi, magtampo ka!” sabi ko ilang minute ang nakalipas. Padabog akong tumayo at naglakad papunta sa pinto. Aalis nalang ako kaysa makita ang pagmumukha niya.
“Where are you going?” Napatigil ako sa paglakad dahil sa tanong niya. Nakikita niya pala ang mga kilos ko.
“Uuwi,” pabalang kung sagot.
“Aren’t you staying here?”
“Hindi na! Nagbago na ang isip ko, ayokong makipagsama sa taong hindi nagsasalita.” Pero ang totoo, gusting gusto ko. Ang dami kong ginawa para mapagtagumpayan ang planong mapapayag siyang tumira ako dito at hindi ko sasayangin ‘yon. Kailangan ko lang mag-inarte ng konti para sabihing hard to get ako.
“Just stay, okay? Medyo busy lang ako kaya hindi kita kinakausap.” Sandali kaming nabalot ng katahimikan.
“Come here, give me a hug.” Natulos ako sa kinatatayuan ko dahil sa lambing ng kanyang boses. Para iyong namamaos at pagod. Ilang ulit akong napalunok dahil bigla akong kinabahan. Normal pa rin ba ito sa walang label na relasyon? Bakit parang ang landi ko na agad? Napailing ako. Baka guni-guni ko lang ang malambing niyang boses, baka epekto pa rin ito ng halik niya kanina.
“Come here, Amanda,” kalmado pa rin ang boses niya. Ilang ulit akong napalunok bago patalikod na humakbang papalapit sa kanya.
Napatili ako nang mapalapit sa kanya at bigla niyang hinila ang kamay ko kaya napaupo ako sa kandungan niya. Niyakap niya ako ng mahigpit mula sa likod.
“Baka dumugo ang sugat mo,” sabi ko at akmang aalis sa kandungan niya pero mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap.
“I’m fine. Hindi naman nasasagi.” Wala na akong nasabi. Nanatili kami sa gan’ong posisyon. Tahimik kami pareho habang siya ay abala sa paglagay ng munting halik sa leeg ko at pag-amoy sa buhok ko. Napatingin ako sa laptop niya, nakapatay na iyon. Siguro’y tapos na siya sa ginagawa niya.
“Gusto mo bang kumain? Ipagluluto kita.” Pagbasag ko sa katahimikan.
“Let’s have our dinner outside, I’ll take you to my favorite restaurant.”
Tumayo siya at binuhat ako syaka maingat na inilapag sa sofa. “Give me a minute, maliligo lang ako.” Tango lang ang naisagot ko sa kanya.
Napatulala lang ako at pilit pinoproseso sa isip ko ang bawat gestures niya. Bakit parang gusting gusto ko? Bakit parang nakakawala ng pagod ang mga bisig niya? Malalim akong napabuntong hininga.
“ARE you okay?” Napatingin ako sa kanya. Nandito na kami ngayon sa paborito niyang restaurant, kumakain. “Kanina ka pa tahimik simula n’ong umalis tayo sa condo at ang lalim ng buntong-hininga mo. Nagtatampo ka pa rin ba dahil hindi kita kinausap kanina?”
Agad akong umiling. “No-este, hindi, hindi. May iniisip lang ako.” Kahit ako hindi ko alam kung bakit gusto ko nalang tumahimik bigla.
“You can tell me.” Inilapag niya ang hawak na kutsilyo para sa steak at ang tinidor syaka buo ang atensiyon ang itinuon sa’kin.
Bakit hindi mawala sa isip ko ‘yong yakap at boses mo kanina? “Wala, hindi naman importante.”
“I want to know.” Seryosong seryoso siya at halatang hindi niya ako titigilan.
“Naisip ko lang kung tinatanggap mo na ako bilang girlfriend mo?”
Pinunasan niya ang gilid ng kanyang bibig bago sumagot. “I will court you first.” Mahigpit akong napahawak sa tinidor dahil sa naging sagot niya, hindi iyon ang inaasahan kong sagot.
‘Let’s eat, we will visit Lola Ister after this.”
“Lola Ister?”
Tumango siya. “Yes, nililigawan na kita kaya iyon ang dapat kong itawag sa kanya.” Natameme ako. Hindi ako kinabahan dahil haharap siya kay Manang Ister, alam kong hindi ako ilalaglag ni Manang. Mas kinakabahan ako sa daloy ng pangyayari, bakit parang hindi ito ang pinaghandaan ko? Dapat matuwa ako dahil mas mapapadali ang mga dapat kong gawin, pero bakit parang may mali?