Amanda Colen
NAGISING AKO dahil sa paghaplos sa aking dibdib. Napaungol ako sa nakakahalinang pakiramdam na dulot nito. Kinusot kusot ko ang aking mga mata at humikab. Tumatama na sa'king mukha ang sikat ng araw mula sa bintana. May pumipisil at humahaplos pa rin sa dibdib ko.
Ilang sandali bago nag-sink-in sa utak ko kung sino ang katabi ko. Agad akong napabaling sa kaliwa at nanlaki ang mga mata nang makita ang natutulog na si Tarinio. Gigil ko siyang sinampal. "Napakamanyakis mo kahit tulog ka." Sa init ay kinurot ko ang sugat niya. Napadaing siya sa sakit. Nagdilat ng mga mata at nabalot ng pagtataka ang mukha.
"What are you doing here?" kunot noong tanong niya.
"Apartment ko 'to, ikaw ang dapat kong tanungin. What are you doing here? Bakit dito ka napadpad ng diyes oras ng gabi?" Tinaasan ko siya ng kilay. Nakatitig lamang siya sa'kin ng ilang segundo bago umayos ang reaksyon ng mukha.
"Naalala ko na." Inilibot niya ang tingin sa buong kwarto bago dumako sa sugat niya. "Bakit ako nakahubad? Inabuso mo ako 'no?" namamanghang tanong niya.
"Magpasalamat ka nalang at may konting malasakit ako sa kapwa kaya inalagaan kita at hindi hinayaang mamatay." Bumangon ako at kinuha ang first aid kit. "Ano ba kasing nangyari sa'yo?"
Hindi siya nakasagot. Umiwas lang ng tingin, inaasahan ko nang hindi niya sasabihin sa'kin ang totoong dahilan. "Napaaway lang sa kanto."
Umupo ako sa harap niya. "Lilinisin ko ulit ang sugat mo at pagkatapos nito makakaalis ka na, mas mabuting pagkagaling mo dito pumunta ka sa hospital at ipacheck ito dahil maraming dugo ang nawala sa'yo."
Hindi siya nagreklamo nang galawin ko ang sugat niya. "Ayos na ako, hindi ko kailangang pumunta sa hospital."
Tumango ako. "Ikaw bahala pero kung makikipag-away ka ulit sa susunod 'wag dito ang punta mo para hindi ka makaabala," mataray kong sagot.
"Nagkataong ito ang pinakamalapit." Nakatingin lamang siya sa bawat galaw ko. "Nag-aral ka ba ng courses related sa medicine or nursing? Mukhang sanay na sanay ka sa ginagawa mo."
Hindi ako nagpahalatang nabigla sa pagpuna niya. Umakto akong normal. Nagkibit balikat ako. "Nasanay lang ako na ako ang gumagamot sa mga taong may sugat sa probinsya namin lalo at wala kaming sapat na pera para pumunta sa hospital," I lied. Kay aga aga kotang kota na agad ako sa pagsisinungaling.
"Saang probinsya? I can talk to my mom, pwede siyang magpatayo ng public hospital sa inyo. Bayad ko sa pag-alaga mo sa'kin kagabi," walang pag-aalinlangang sagot niya.
"I know mayaman ka at ang pamilya pero 'wag ka nang mag-abala." Inilahad ko ang kamay ko. "Bayaran mo nalang ako sa pagpisil at paghaplos mo sa dibdib ko. Bawat dampi mo sa katawan ko may bayad." Iniligpit ko ang kit nang matapos kong palitan ang bendang nasa sugat niya.
"Ha? Wala akong maalala sa mga sinasabi mo," kaila niya. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Palusot ka pa, magbayad ka," madiing sagot ko.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Magkano?"
"Ten thousand."
Kinuha niya ang madumi niyang slacks sa upuang malapit sa higaan. Kinapa nito ang mga bulsa n'on. Ilang sandali pa ay napakamot ito sa batok. "Hindi ko dala ang mga cards ko. Sa susunod nalang, ilista mo muna." Ngumisi ito. "I can double the price." Bumaba ang tingin niya sa dibdib ko. Akmang kukurutin ko na naman ang sugat niya sa sobrang inis nang mabilis niyang mahawakan ang kamay ko. Pinagsiklop niya iyon kaya hindi ko mapigilang makaramdam ng pagkailang, gusto kong sigawan ang puso ko dahil sa pagwawala nito.
Pilit kong binawi ang kamay ko pero mas lalong lang humigpit ang pagkakahawak niya. Sinamaan ko siya ng tingin upang itago ang pag-iinit ng mukha ko. 'Wag kang feeling inosente, Amanda.
"Thank you so much for taking care of me," sincerely, he said. Nakatuon pa rin sa'kin ang tingin niya. Pasimple kong inayos ang kumot upang magkaroon ng rason na bawiin ang kamay ko. Hindi ko gusto ang pakiramdam na ibinibigay ng bawat hawak niya. Hindi ako tanga para magpadala sa simpleng mga galaw niya.
"Walang anuman, mukhang maayos ka na. May malalaki akong t-shirt gusto mo bang humiram? Kaso wala akong maipapahiram na pambaba."
Tumayo siya ngunit muntik ring matumba, mabilis ko siyang inalalayan sa pagtayo na hindi tumitingin sa katawan niya. Tanging boxer shorts lamang ang suot niya at magkakasala ako kung paiiralin ko ang malandi kong isipan.
Kumuha ako ng oversized shirt ko kahit na hindi pa siya sumasagot sa tanong ko. "Ito na, ayos lang naman sigurong ulitin mo ang pambaba mo at sa condo mo nalang maligo."
Napansin kong nakatitig lamang siya sa'kin. Nakapamewang akong humarap sa kanya habang hawak pa rin ang shirt. "Bakit? Alam kong maganda ako, 'wag mong ipahalata," biro ko.
Umiling siya. "Wala." Kinuha niya sa kamay ko ang damit at isinuot iyon. Pinagpagan ko ang slacks na suot niya para kahit paano ay mabawasan ang dumi bago inabot sa kanya. Tahimik lamang siya habang nagbibihis hanggang sa magpaalam siya at makaalis. Nagtataka man sa bigla niyang pagtahimik ay ipinagkibit balikat ko nalang.
Laking pasalamat ko nang makaalis na siya. Hindi ako kampante na nandito siya dahil maraming posibleng mangyari, baka matuklasan niya ang totoo kong pagkatao o biglang sumulpot si Benj o Saferino.
Tarinio Castillion
NAKATULALA lang akong nakatingin sa ceiling, nakaupo ako ngayon sa couch at nakasandal ang buong katawan doon. Nang makauwi ako agad akong naligo kaya sumidhi ang pagdudugo ng sugat ko. Tinawagan ko ang pinsan kong si Syete para ipalinis ang sugat ko at bigyan ako ng resita.
"Aray," napaigik ako sa pagdiin niya sa sugat ko. Kunot noo akong tumingin sa kanya. "May galit ka ba sa'kin?"
He just shrugged. "I just want to confirm if you are still sane."
"Of course," agad kong sagot. "Hindi naman siguro nakakabaliw na makita ang isang babae bilang asawa mo. Normal lang siguro 'yon lalo kung maalaga."
Nagsalubong ang kilay niya tapos napangisi. "Are you in love?"
Bigla akong nasamid sa tanong niya. Napaubo ako sa sobrang pagkabigla. Nanlaki ang mga mata ko. May pangangatiyaw sa tingin at ngisi niya.
"You are talking nonsense, Syete," sagot ko nang makabawi.
Itinigil niya ang paglilinis ng sugat ko at umupo sa tabi ko. Hindi pa rin nawawala ang ngisi niya. Kahit na wala na siyang lisensya siya pa rin ang nilalapitan o tinatawag ng pamilya sa tuwing kailangan ng doktor. Kahit na isa siyang psychiatrist noon ay may kakayahan din siya sa paggamot ng mga sugat. Isa na siyang businessman ngayon at hindi na nakabalik sa dating propesyon, pero kitang kita na kontento at masaya ito sa buhay nito ngayon kasama ang sariling pamilya.
"Sa simula magiging denial ka talaga, mahirap ding paniwalaan ang pag-ibig lalo kapag hindi mo pa nararanasan. Minsan mahirap din tanggapin na nakakabaliw nga sa pakiramdam." Tumawa siya.
"I don't know what are you talking about. That's impossible." Sinamaan ko siya ng tingin.
"Nothing is impossible in love, believe me. Everything is possible."
"Alam kong mahal na mahal mo ang asawa mo pero nagtataasan ang balahibo ko sa mga linyahan mo." Ipinakita ko sa kanya ang braso ko at umastang nandidiri.
Nagkibit balikat siya. "Kanina pa kita kinakausap at tinatanong kung anong nangyari sa sugat mo pero tulala ka lang. It's not you, Tari. You're the most focus person I have every know."
"Tungkol lang sa trabaho 'to." Kinuha ko ang cellphone ko upang maalis ang atensyon niya sa'kin. Hindi ko gusto ang nagiging takbo ng usapan, ayokong i-entertain ang ideya na 'yon kahit sabihing balak kong maghanap ng mapapangasawa.
Bigla na namang pumasok sa isip ko ang mukha ni Amanda at ang pagiging masinop at maalaga niya kanina simula sa paglilinis ng sugat ko hanggang sa pagkuha ng masusuot ko.
"Okay, iisipin ko nalang na normal na usapang pag-aasawa ang hawak mong kaso ngayon." Humalakhak na naman siya bago muling bumalik sa paglinis ng sugat ko.
Napahinga ako ng malalim. Tumingin ulit sa ceiling. Binalot kami ng katahimikan, hindi na nawala sa isip ko ang mataray na mukha ni Amanda. Napahilamos ako dahil sa sobrang inis. Nakakabaliw ang katahimikan.
"Is it normal--" hindi ko pa man natatapos ang itatanong ko agad siyang tumango.
"Yes, normal na normal. Ready yourself, may mas malala pa diyan."
"No, I think I should consult a psychiatrist."
"I am." Napatitig lang ako sa kanya bago napasabunot sa buhok ko.
"I don't want this feeling, it made me feel sick," reklamo ko. Hindi ko alam pero parang magkakalagnat ako sa tuwing pumapasok siya sa isip ko at alam kong hindi pwede. She's not my type. Amanda is beautiful, no, she's gorgeous but too fierce and voluble. Sa sobrang tapang niya baka palagi akong matulog sa labas ng bahay sa tuwing magkakaroon ako ng kasalanan. "Damn, I am even imagining her to be my wife. In just a day she turned me to a madman, it's not normal I know. I am abnormal."
Nangibabaw na naman ang tawa ni Syete. Minsan naiirita rin ako sa pagbabago niya, noon hindi siya palasalita pero ngayon ang daming nasasabi. "Mabuti nga sa'yo inabot ng isang araw, sa'kin noon seconds lang. See? It's normal."
Right, nadadala lamang ako sa uhaw kong magpamilya. Ngayon lang 'to, maybe if I bedded women again everything will be back to normal as before.
"Let's drink," aya ko sa kanya.
"Pass, my wife is waiting for me to come home," mabilis niyang sagot.
"Stop meaning the word wife," asik ko. Mali ako ng inayang pinsan, simula pa noon hindi na siya uminom. Negosyo at pamilya nalang ang inatupang tulad ng mga kapatid niya.
Tinapos niya ang paglilinis ng sugat ko at nang matapos ay agad din siyang umalis. Nagbihis ako at kahit tirik pa ang araw ay tinawagan ko na si Cerio para yayaing uminom.
Nagtungo ako sa Desire, ang bar ni Anaxy. Wala pang mga tao nang makarating ako dahil halos kakatapos lamang ng lunch time. Napangiti ako nang makita ang pinsan kong nag-aayos ng mga bote ng inomin. Bukod sa wine mahilig rin itong pag-experiment ng iba't ibang alcoholic drinks.
"Napaaga ka ata, may problema ba?" salubong niya.
"Nothing." Inilapag niya ang baso at ang isang bote ng red wine.
"Ito muna dahil mahaba pa ang araw at gabi para magkapalasing ka." Iniwan niya ako at bumalik sa pinagkakaabalahan kanina.
Binuksan ko ang bote at pinuno ang baso. Inisang lagok ko iyon at muling nagsalin.
"Magsiluhod at ako'y darating," nangibabaw ang boses ni Cerio ngunit hindi namin pinansin. Napailing nalang si Anaxy sa kabaliwan ng pinsan namin. "Mga mahal kong pinsan." Umupo siya sa stool na katabi ko at hinubad ang suot na raiban. "Anong atin at bigla kang napatawag sa kasagsagan ng paghabol ko sa rurok ng kalangitan."
"Tangina ka, nagkamali na naman ako na ikaw ang tinawagan ko," sagot ko. Bumunghalit siya ng tawa.
"Napakaseryoso mo ngayon, nakabuntis ka ba? Malaking problema nga 'yan."
"Gago, mas una kang makakabuntis kaysa sa'kin."
"No, no, no. Malakas ako kay Lord kaya alam kong hindi niya ako bibigyan ng sakit ng ulo," kampante niyang sagot. Bakit kaya hindi nalang sa kanya mapunta ang bangungot na nararanasan ko ngayon para naman magtigil siya?
"Sana si Volt nalang ang tinawagan ko," bulong ko.
"Open minded ka ba, insan? Alam mo bang may bago akong mga babae ngayon? Gusto mo bang ipakilala kita sa isa?"
Kinunotan ko siya ng noo. "Gusto mong ipakulong kita? Human trafficking 'yang ginagawa mo. Bawal ang bugaw dito."
"Reto tawag dito hindi bugaw, ikaw Anaxy gusto mo?" Sinamaan siya ng tingin ni Anaxy kaya natawa kami.
"Malulugi ang negosyo ko dahil sa kamalasan mong dala."
Napuno ng reklamo niya ang buong usapan. Napatingin kami sa pinto ng tumunog ang chain niyon. Pumasok ang isang babae.
"My apologies, Ma'am but we're still close. Mamaya pa ang bukas ng bar," salubong ni Anaxy.
Pareho kami ni Cerio na nakatuon ang atensyon sa babae. She's wearing a croptop black cardigan, white inner to tube paired with black mini skirt and white high stilettos. Mataas na nakapusod ang buhok nito. Hinubad nito ang suot na malaking shades na halos tumakip sa buo niyang mukha.
Napailing ako nang ngumisi si Cerio, ganitong mga babae ang type niya. Ibinalik ko ang atensyon sa baso, sinalinan ulit iyon ng wine at uminom.
"You already have a costumers," sagot nito.
"They're my cousins, Ma'am, so they can come and drink here anytime," paliwanag ni Tarinio.
"Perks of being a relatives. So, tatanggihan niyo ako as costumer?" mataray na tanong nito.
"Edi magpatayo ka ng sarili mong bar tapos bigyan mo ng sinasabi mong 'perks of being a relatives' ang mga kamag-anak mo. Mukhang mayaman ka naman," hindi ko mapigilang sabat, hindi ko gusto ang paraan ng pananalita niya. Para siyang spoiled brat sa akto niya.
"Tari," saway sa'kin ni Anaxy.
"Dahan dahanin mo naman, insan. Magandang babae 'yan e," bulong ni Cerio. Hindi ko na sila pinansin at bumalik sa pag-inom.
"Sorry for that, Ma'am. Pwede na ho kayong umupo, hindi ho masama ang may exemption minsan," malumanay na sabi ni Anaxy. "Drinks?"
"White wine, please," dinig kong sagot nito.
Naglakad ito palapit sa bakanteng stool sa kaliwa ko.
"Arrogant," dinig kong bulong niya nang dumaan sa'kin.
Agad na tumayo si Cerio at tinapik ang balikat ko. Nakipagpalit ito ng upuan na agad kong sinang-ayunan.
"Hi, Miss. Pasensya ka na sa pinsan ko, by the way I'm Cerio."
"Amari."